• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 28th, 2023

Ads April 28, 2023

Posted on: April 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Panukalang divorce law umani ng iba’t ibang opinyon mula sa publiko

Posted on: April 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
UMANI  ng iba’t ibang reaksyon ang panukalang divorce law mula sa publiko, ang usaping ito kasi ay nais na muling buksan sa Kamara bilang pagpapahalaga sa well-being ng mga manggagawa maging sa labas ng kanilang trabaho.
Sa pamamagitan ng House Bill 4998 o ang Absolute Divorce Act of 2022, itinutulak nito ang pagsasabatas ng divorce law.
Ayon pa kay Davao Del Norte 1st District Rep. Bebot Alvarez, mayroong karapatan ang bawat indibidwal na umalis sa relasyong hindi na maganda para sa kanilang kalusugan mapa mental o physical health.
Ngunit ayon sa ating mga nakapanayam, hindi umano sila pabor sa panukalang batas na ito dahil tayo ay nasa Pilipinas.
Sinabi pa ni Girlie Gonzales na kawawa umano ang mga anak na maghihirap kung sakali mang maghihiwalay ang mag asawa.
Pareho naman ang naging stand ni Dong Luz, aniya hindi siya pabor sa panukalang divorce dahil ang nakasanayan raw ng mga Pinoy ay buo ang pamilya, iba naman raw tayo sa ibang mga lahi.

P4 BILYON NA DROGA, SINUNOG SA CAVITE

Posted on: April 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG mahigit sa P4 bilyon halaga ng hinihinalang droga ang sinunog sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy Aguado, Trece Martires City Huwebes  ng umaga . 

 

 

Ang naturang mga droga ay kabilang sa mga iba’t-ibang drug evidence na nakumpiska mula sa mga drug operations na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kanilang mga counterparts na law enforcement at military units.

 

 

Sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition ang kabuuang 700 kilograms na nagkakahalaga ng P4,154, 802,996.83 bilyon kabilang ang 601,447,0994 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P4,089,840.92; 110,694,1323 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P13,283,295.88; 6,2800 gramo ng Cocaine na nagkakahalaga ng P33,284.00; 12,974.999 gramo ng MDMA o Ecstasy na nagkakahalaga ng P51,534,890.70; 32,5200 gramo ng Meth +Ephedrine na nagkakahalaga ng P111,218.40; 343,4410 gramo ng Codeine; 0.0200 gramo ng Ephedrine na nagkakahalaga ng P6.91; 0.3500 gramo ng  Phentermine na nagkakahalaga ng P25.03 at 177.500 milliliters na Liquid Marijuana.

 

 

Ang Thermal Decomposition, o thermolysis, ang isang proseso kung saan sinusunog ang mga ito na may 1,000 degrees centigrade na init nito.

 

 

Ang pagsira sa mga iba’t ibang droga ay pagsunod sa ipinapatupad na panuntunan sa kustodiya at pagtatapon sa mga nakumpiskang mga droga na nakasaad sa Section 21, Article II of Republic Act 9165, o ang  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, and Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002.

 

 

Ang pagsunog ay dinaluhan ng mga representatives mula sa Department of Justice (DOJ); Department of Interior and Local Government (DILG); mga Local Officias mula sa  Brgy Agudo, Trece Martires City, Philippine National Police (PNP) at iba pang Law Enforcement Agencies  at non-government organization (NGO) at ilang mga kapatid sa pamamahayag. GENE ADSUARA