• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 6th, 2023

Hundreds of Bulakenyos get jobs, livelihood packages on Labor Day Job Fair

Posted on: May 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

CITY OF MALOLOS – In celebration of Labor Day, 79 Bulakenyo jobseekers were hired on the spot and 31 individuals received livelihood packages during the 2023 Labor Day Job Fair for Local and Overseas Employment spearheaded by the Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office in partnership with the Department of Labor and Employment held at Bulacan Capitol Gymnasium here yesterday.

 

 

Prior the job fair proper, an employment counseling was conducted to guide the jobseekers land on the apt job for them wherein out of the 544 registered jobseekers, 468 of them have been qualified for interview and 79 applicants were hired on the spot.

 

 

Also, 31 individuals were granted livelihood packages under the DOLE Integrated Livelihood Program or the Kabuhayan Program of DOLE.

 

 

In her message, DOLE Regional Director Geraldine M. Panlilio announced that DOLE will also be donating a total of P20 million to the Province of Bulacan which will be utilized for future implementation of DOLE programs through the PGB.

 

 

“Marami po kaming ibibigay na suporta dahil isa po ang Lalawigan ng Bulacan under the leadership of Governor Daniel R. Fernando na nag-iimplment po ng mga programa ng DOLE para sa ikabubuti ng mga Bulakenyo. Ito po ay ipinagpapasalamat namin dahil alam po namin na kapag Bulacan po ang kapartner ng DOLE, sigurado na maibibigay ang serbisyo para sa mga Bulakenyo,” RD Panlilio said.

 

 

John Manuel Martillano, 24 years old from the City of Meycauayan, thanked the PGB for being an instrument for jobseekers like him to find employment especially after the pandemic.

 

 

“Nalaman ko po sa Facebook, sa PESO Bulacan page at sabi ko, why not i-try ko na mag-apply and praise God naman at isa ako sa mga na-hired on the spot sa Chery Auto. Kaya po maraming, maraming salamat po sa DOLE at PGB sa pagbibigay ng opportunity sa bawat Bulakenyo lalo na ngayon na matapos ang pandemic, mahirap talaga maghanap ng trabaho. Maraming salamat po at God bless po,” Martillano said.

 

 

For his part, Bulacan Gov. Daniel R. Fernando acknowledged all the support that the province is receiving from the national agencies, especially from DOLE, for their unwavering support in providing livelihood programs for the Bulakenyos.

 

 

“Tandaan natin palagi na ang Panginoon ay may instrumento para sa pagtulong sa atin. Alam n’yo po ang Bulacan ay hindi pinapabayaan ng DOLE, at ngayon ay may ibibigay po sila atin para lalo pang matulungan ang ating mga kalalawigan sa kanilang hanapbuhay. Sa lahat po ng beneficiaries, palaguin natin ang mga ito at ipakita natin sa kanila na ito ay malaking tulong at ang mga ito ay may kahihinatnan,” the governor said.

ARTA, nag-level up sa business permitting process sa Pinas

Posted on: May 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGING  matagumpay ang  Anti-Red Tape Authority (ARTA) na i-streamline ang ilan sa permitting process  upang masiguro na maging magaan ang transaksyon o “doing business” sa Pilipinas.

 

 

Sinabi ni  Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa  US businesses na ang kanyang administrasyon ay “working hard”  para i-minimize ang red tape at  i-digitalize ang bureaucratic processes.

 

 

“They have done a very good job. They have reduced some of the permitting procedures from — for different industries from several months to just a few days,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa fireside chat sa  American business executives sa Blair House sa Washington.

 

 

“I really am confident that the authority, if it’s continued — if it can continue its work and if it is — it is well supported by legislation, by the bureaucratic procedures, we can cut down many of those unnecessary regulatory documentary requirements,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Sa kabilang dako, nagpahayag naman ng pagkasigasig ang US investors sa maraming pagbabago na inilagay sa Anti-Red Tape Law subalit maingat kung paano ito makatutulong na pabilisin ang foreign direct investment (FDI) at dalhin ang negosyo sa Pilipinas.

 

 

“The challenge is how to compete with other countries and how to shorten the business permitting process, which sometimes takes 36 months to secure in the Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“In other countries, documents are ready for signature after 24 hours,” diing pahayag ng Pangulo.

 

 

Ang iba pang lugar na tinatrabaho ng administrasyon ay ang “digitalizing government processes and transactions.”

 

 

“We always — that’s why digitalization has become such an important part of our effort because with digitalization, you remove as much of the discretion that we will have — that people have in actually processing these applications or these documents and hopefully the end result is that — we will be doing most of our business in government purely online, without speaking to a human being,” ayon sa Pangulo.

 

 

Samantala, base sa pag-aaral, ang 95% ng trabaho ngayon ay ginagawa na sa “online”, sinabi ng Pangulo na  “although digitalizing the bureaucracy may be an intimidating task the government must carry it out.”

 

 

“Simple things like applying for a driver’s license and getting a copy of birth certificate could be done online,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

PH-US bilateral defense guidelines tugon sa mga hamon na ating kinakaharap – PBBM

Posted on: May 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang bagong bilateral defense guidelines na pinagtibay ng Manila at Washington ay siyang tugon sa security challenges na kinakaharap ng dalawang magka-alyadong bansa.

 

 

Binigyang-diin ng Pangulo na layon ng nasabing guidelines ay ang pagtatanggol laban sa mga banta sa cyberspace, naglalayong “gabayan ang mga priyoridad na bahagi ng pakikipagtulungan sa pagtatanggol upang matugunan ang parehong conventional at non-conventional security challenges na kapwa ibinabahgi ng Estados Unidos at Pilipinas.

 

 

Ipinunto ni Marcos na ang “security and defense” issue ay hindi na maaaring maituring na isolated issue ngayon.

 

 

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan na mag pokus sa bagong ekonomiya mula sa post-pandemic world.

 

 

Sabi ng Pangulo mayroong impact sa ekonomiya ang giyera sa Ukraine at ang mga ganitong issues ay kailangan talagang tugunan. (Daris Jose)

Kasama sa OST ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’: “Sasabihin Ko Na” ni WILBERT, siya rin pala ang nagsulat

Posted on: May 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG newest digital series ng Puregold Channel, Ang Lalaki sa Likod ng Profile, ay patuloy na humahatak sa mga manonood na may hindi maikakailang chemistry sa pagitan ng mga bida na sina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi), ang retailtainment pioneer ay nagpapalakas ng kilig sa karanasan sa serye.

 

 

Iniimbitahan na ngayon ng Puregold ang mga tagahanga na makinig sa EP ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, na makikita sa streaming platform Spotify. Nagtatampok ang playlist ng mga kanta na maririnig sa buong serye, na nagdaragdag ng higit pang mahika sa nakakaakit na kuwento. Ang “Sasabihin Ko Na,” ang unang kanta sa EP, ay isinulat mismo ni Wilbert Ross. Ito ay nagpapahayag ng mga pag-iisip ng isang binata na dapat magtipon ng lakas ng loob na ipahayag ang kanyang pag-ibig.

 

 

“As a pioneer in retailtainment, Puregold knows that music has the power to enhance the viewing experience,” pagbabahagi ni Puregold Senior Marketing Manager Ivy Piedad.

 

 

“With Puregold Channel’s OST for Ang Lalaki sa Likod ng Profile, we wanted to create an immersive journey for our customers and audience. We carefully picked each piece to perfectly match the show’s vibe and story, allowing viewers to engage themselves in the world we’ve created.”

 

 

Mapapakinggan din sa OST ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ang mga awiting “Anong Meron Ka” ng Filipino boy band na JBK; “Pwede Bang Malaman” at “Pasensya Na” ng Filipino boy band na 1:43; at “Pag-Ibig Na Kaya?” ni Appe Delleva, na mula sa “Tawag ng Tanghalan” ng It’s Showtime.

 

 

Isinasalaysay ng mga kantang ito kung paano nakikilala ng dalawang tao ang isa’t isa at nagkakaroon ng tunay na damdamin ng pag-ibig, na nag-iiwan sa mga tagapakinig na mas interesado at nabihag sa kuwento nina Bryce at Angge.

 

 

Sa Episode 3 ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ngayong Sabado, Mayo 6, ika-7 ng gabi sa YouTube channel ng Puregold, ipapakita si Bryce na sinusubukang mag-spark ng mas makabuluhang koneksyon sa mga babae. At para udyukan siya, si Angge, na ka-chat niya sa isang digital platform na tinatawag na ‘Talkverse’, ay naging kanyang virtual wingwoman, na nagdadala sa kanya sa mga nakakalito at mapanganib na hakbang ng pakikipag-date.

 

 

Habang sina Bryce at Angge ay pansamantalang tumatahak sa landas na ito, ang mga manonood ay nagtataka: may mas malalim pa kaya sa pagkakaibigan na namumuo? (Tunghayan ang trailer ng Episode 3: https://youtu.be/dIeK4GE7Gus)

 

 

Catch Wilbert Ross wistfully crooning his beautiful song, “Sasabihin Ko Na,” and the other songs in Ang Lalaki sa Likod ng Profile’s soundtrack, as fans excitedly ponder this question.

 

 

Gusto mo ba ng LIBRENG libangan? Mag-subscribe ngayon sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa karagdagang updates, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, sundan ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at @puregoldph sa TikTok.

(ROHN ROMULO)

Tiniyak ni US Defense Sec. Austin: Washington, palaging susuportahan ang Maynila

Posted on: May 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni US Defense Secretary Lloyd Austin III kay Pangulong  Ferdinand Marcos, Jr. na palaging susuportahan ng Washington ang Maynila sa mga usapin na nakakapit sa  South China Sea, habang nagpapatuloy ang tensyon sa pinagtatalunang katubigan.

 

 

“Austin hosted Marcos at The Pentagon tackling recent developments on expanding and modernizing bilateral defense cooperation “in support of a vision for a free and open Indo-Pacific region and rules-based international order shared by both countries,” ayon kay Pentagon Press Secretary Brig. Gen. Pat Ryder.

 

 

Sinabi ng The Pentagon na kapuwa inihayag nina  Pangulong Marcos at Austin  na pinagtibay ng dalawang bansa ang kanilang commitments  sa ilalim ng Mutual Defense Treaty,  na ngayon ay sumasakop na sa  kani-kanilang  Coast Guards sa Pasipiko, kabilang na ang kahit saan sa South China Sea.

 

 

Ito’y base na rin sa  Bilateral Defense Guidelines,  itinatag noong May 3 ni  Acting Defense Secretary Carlito Galvez at Austin, makikita sa fact sheet.

 

 

Nakasaad sa Article V ng 1951 treaty  na  “any armed attack on either of the US and Philippines’ armed forces, public vessels or aircraft in the Pacific, will trigger the agreement.”

 

 

“President Biden has made clear our commitment to the defense of the Philippines is ironclad. And let me tell you once again that our Mutual Defense Treaty applies to armed attacks on our armed forces, coast guard vessels, public vessels, or aircraft in the Pacific including anywhere in the South China Sea,” ang sinabi ni Austin kay Pangulong Marcos sa naging talumpati nito.

 

 

“So, make no mistake Mr. President, we will always have your back in the South China Sea or elsewhere in the region,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Para naman kay Pangulong Marcos, “this development heeded the call of the times.”

 

 

“And the call of the times unfortunately is asking for us to meet these challenges — new challenges that perhaps we have not faced before,” aniya pa rin.

 

 

Tinukoy ng Pangulo ang kahalagahan ng mga nakalipas na pagpupulong kasama sina  US Vice President Kamala Harris at Secretary of State Antony Blinken, kung saan ang kanyang pagbisita ay bahagi ng nagpapatuloy na pagpapalitan ng posisyon at pananaw  na kanilang nasimulan.

 

 

Ang pulong ay nagtapos sa pagtatatag ng bagong bilateral defense guidelines, kung saan inilatag ang mga plano para gawing modernisado ang  alliance cooperation para sa  “shared vision for a free and open Indo-Pacific region” ng dalawang bansa.  (Daris Jose)

‘Wag mag-panic sa tumataas na COVID-19 cases – DOH

Posted on: May 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN sa publiko ang Department of Health (DOH) na hindi dapat mag-panic kasunod ng tumataas na mga bagong kaso ng COVID-19.

 

 

“We don’t need to panic. Ang tinitignan na natin kasi po ngayon ‘yong healthcare system capa­city, if it’s manageable then we are good,” ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire.

 

 

Ayon kay Vergeire, nag-a-average sa 822 kaso kada araw ang mga kaso ng COVID-19, 79 porsiyento na mas mataas sa nakalipas na 2 linggo. Sa kabila nito, karamihan pa rin sa mga ito ay mild at asymptomatic, at wala ring masyadong nao-ospital.

 

 

Sa kabila ng pagsasabi na walang masyadong na-oospital, inabisuhan na rin ang mga pagamutan na ihanda ang COVID beds sakaling tumaas pa ang mga kaso.

 

 

Ipinaliwanag ni Vergeire na posibleng tumataas ang mga kaso dahil sa mga variant ng COVID-19, “mobility” ng populasyon, at vulnerability ng indibiduwal.

 

 

Ngunit ayon kay Dr. Tony Leachon, dating ta­gapayo ng pamahalaan, dapat tutukan pa rin ang positivity rate kahit pa mild ang mga kaso ng COVID-19.

OCD, hinikayat ang publiko na pakinggan at sundin ang El Niño advisories, warnings

Posted on: May 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na pakinggan at sundin ang mga advisories  ng  awtoridad hinggil sa El Niño at magpatupad ng kinakailangang hakbang bilang paghahanda para sa epekto ng nasabing  phenomenon.

 

 

Ito’y matapos na itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang  monitoring status  mula sa  El Niño watch sa El Niño alert, araw ng Martes.

 

 

Sa isang memorandum, may petsang  May 3, inatasan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang  regional DRRMCs at OCD regional offices na magpatupad ng “preparedness actions” kabilang na ang mahigpit na pagmo-monitor sa warnings mula sa  PAGASA, pagpapalabas ng mga paalala ukol sa water at energy conservation,  pagpapanatili ng water distribution systems para maiwasan ang pag-aaksaya.

 

 

“This also includes the strengthening of risk communication and localization of warnings and reminders to communities, adherence to the public health advisory for El Niño and minimum health standards for Covid-19 issued by the Department of Health, and the submission of regular reports to NDRRM Operations Center,” ayon sa ulat.

 

 

Ang  interagency meeting ay idinaos noong Abril  24 kung saan pinamunuan ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno.

 

 

Binigyang diin ni  Nepomuceno ang pangangailangan na kilalanin at pagsama-samahin ang short term solutions, medium term at long term solutions ng mga concerned government agencies para sa  El Niño phenomenon.

 

 

Ang komposisyon ng panukalang  El Niño team na pangungunahan ng  Department of the Interior and Local Government, ay ipinresenta ng  OCD,  magsisilbi rin  bilang  team co-chair, kasama ang Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources, Department of Energy, Department of Health, Department of Science and Technology, National Economic and Development Authority, National Irrigation Administration at Metropolitan Waterworks and Sewerage System bilang mga miyembro.

 

 

Maroon itong support team na binubuo naman ng Presidential Communications Office, Department of Trade and Industry, National Water Resources Board at Armed Forces of the Philippines.

 

 

Araw ng Miyerkules, Abril 3, nagpulong ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para pag-usapan ang mga paraan tungo sa paghahanda para sa  El Niño.

 

 

“Let’s work together to make sure that we will be able to comply with the President’s (Ferdinand R. Marcos Jr.) guidance and do what is expected from us in the first place,” ang pahayag ni  OCD deputy administrator Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV sa  isang panayam.

 

 

Ang  El Niño Watch ay naging epektibo mula Marso 23 hanggang Mayo 1 bago pa itaas ng PAGASA ang monitoring status sa  El Niño Alert.

 

 

“PAGASA has been continuously monitoring the developing El Niño conditions in the tropical Pacific. Recent conditions and model forecasts indicate that El Niño may emerge in the coming season (June-July-August) at 80 percent probability and may persist until the first quarter of 2024. With this development, the PAGASA El Niño Southern Oscillation (ENSO) Alert and Warning System is now raised to El Niño Alert,” ang sinabi ng  state weather bureau sa isang  advisory nito.

 

 

“El Niño increases the likelihood of below normal rainfall conditions which could bring negative impacts such as dry spells and droughts in some areas of the country,” dagdag na wika ng PAGASA. (Daris Jose)

Pareho kasing competitive sa iba’t ibang bagay: MIKEE, mas gusto na may pinagtatalunan sila ni PAUL

Posted on: May 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Mikee Quintos na mas gusto raw nito na may pinagtatalunan sila ng boyfriend na si Paul Salas kesa sa nagkakasundo sila.

 

 

Pareho raw kasing competitive sa iba’t ibang bagay ang dalawa at ito ang mas nagpapatibay ng kanilang relasyon.

 

 

Kuwento ni Paul, “kasi ‘yung pagiging competitive naman namin, alam naman namin sa isa’t isa na ikaka-grow ng career namin ‘yun sa isa’t isa so support ako sa kanya, proud ako sa mga pinaggagagawa niya.”

 

 

Sagot naman ni Mikee, “‘yung mga napapagdaanan naming arguments kung sakali mang may hindi kami ma-agree-han sa set, hindi n’yo maiiwasan ‘yun. Going through those small things, doon nagiging better ‘yung real life relationship namin and the way we work din on set of ‘The Write One’.”

 

 

Habang nagtatagal daw ang relasyon nila, mas marami silang nadidiskubre sa isa’t isa lalo pagdating sa trabaho.

 

 

“Ito, marami kaming na-realize sa isa’t isa na magkaiba rin talaga kami ng way, ng atake sa work namin. Ako ‘yung medyo introvert side na kailangan mag-solo, siya ‘yung medyo extrovert side na kailangan makausap niya lahat ng tao sa set,” sey ni Paul.

 

 

Sey ni Mikee, “dun ako nagkaka-energy so dun pa lang, ‘yung contrast namin sa kung paano kami magtrabaho, dito namin sa show na ito na-realize. Magkaiba man kami ng energy sa set pero we compliment one another sa ibang bagay.”

 

 

***

 

 

KAPWA nagpapaganda ng katawan ngayong summer ang Sparkle young actors na sina Bruce Roeland at Allen Ansay.

 

 

Si Bruce ay nagsimula noong 2020 ng kanyang pag-workout. Kaya three years after, batak na batak na ang katawan nito. Pero kulang pa raw ang resulta kaya patuloy ang pagpapaborta niya.

 

 

“Hindi pa ito ‘yung final product. Pero ang masu-suggest ko. Kailangan mo maging consistent, kailangan talaga gustuhin, kailangan maging dedicated. Hindi lang yan sa pagi-gym, kasama din ang diet.

 

 

“Ang sinasabi ko lagi- 70% diet at 30% gym. Kailangan talaga sipagan mo yan, ‘yung ginawa ko nung pandemic,” sey ni Bruce na mukhang tatapatan ang bortang katawan si Prince Clemente, ang boyfriend ng kanyang dating ka-loveteam na si Althea Ablan.

 

 

Si Allen ay aminadong nagpapalaki ng katawan para sa kanyang ka-loveteam na si Sofia Pablo. Sa pinost niyang video sa Instagram, makikitang magbubuhat ito ng weights at nagpe-flex ng kanyang muscles.

 

 

Noong January pa raw sinimulan ni Allen ang mag-workout. Inamin niya noon na kulang sa laman ang kanyang katawan kahit na matangkad siya. Gusto niyang magkaroon ng abs at maging fit lalo na kapag may mga mall shows sila ni Sofia. Para handa raw niyang buhatin si Sofia anytime.

 

 

Kakatapos lang pala ng taping nila Allen at Sofia ng digital series nila para sa GMA Public Affairs titled ‘In My Dreams’. Kasama rin ang AlFia loveteam sa upcoming sitcom ni Vic Sotto at Maja Salvador na ‘Open 24/7’.

 

 

***

 

 

AFTER 18 years ay naghiwalay na ang Hollywood actor na si Kevin Costner at ang kanyang wife na si Christine Baumgartner.

 

 

Ayon sa report ng TMZ, nag-file na si Christine ng divorce papers citing “irreconcilable differences.” Hinihiling din ni Christine ang joint custody sa tatlong anak nila ni Kevin na sina Cayden Wyatt (15), Hayes Logan (14), and Grace Avery (12). Hindi na rin ito humingi ng spousal support dahil meron silang prenup ng aktor.

 

 

Rumesponde agad ang rep ng 68-year old Oscar winner sa divorce at joint custody case ni Christine.

 

 

“It is with great sadness that circumstances beyond his control have transpired which have resulted in Mr. Costner having to participate in a dissolution of marriage action. We ask that his, Christine’s, and their children’s privacy be respected as they navigate this difficult time.”

 

 

Noong nakaraang taon pang may usap-usapan na may problema sa 18-year marriage ni Costner. Nangyari ito habang tinatappos niya ang final season ng hit series niya na ‘Yellowstone’. Pero pinabulaanan ito ng aktor at nakapagbakasyon pa silang mag-asawa sa London.

 

 

Ito ang second marriage ni Costner. Una siyang kinasal kay Cindy Silva noong 1978 at nag-divorce sila noong 1994.

 

(RUEL J. MENDOZA)

VIN DIESEL VS. JASON MOMOA: “FAST X” To Furiously Rev Up PH Cinemas

Posted on: May 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE ‘Fast and Furious’ franchise has been a global sensation for more than two decades, with each new film generating anticipation among fans. The franchise has evolved from street racing to heists and espionage, all while maintaining the central themes of fast cars, thrilling action and family.

 

 

With “Fast X,” fans can expect all these elements and more, in the beginning of the franchise’s epic final chapters. Helmed by Louis Leterrier, who is best known for his impressive action filmmaking, from The Transporter to The Incredible Hulk, “Fast X” stars returning cast members Vin Diesel, Michelle Rodriguez, Tyrese Gibson, Chris Ludacris Bridges, Nathalie Emmanuel, Jordana Brewster, Sung Kang, Jason Statham, John Cena and Scott Eastwood with Oscar® winner Helen Mirren and Oscar® winner Charlize Theron.

 

 

The film also features an extraordinary new cast including Jason Momoa, Oscar® winner Brie Larson, Alan Ritchson, Daniela Melchior, and legendary Oscar® winner Rita Moreno.

 

 

Since the Fast franchise began, Dom Toretto has been fiercely protective of his loved ones and is willing to do anything to keep them safe. Time and again, he puts his own life on the line to protect the family he’s created. This time around in “Fast X” though, he has more responsibility on his shoulders—most importantly, his now 8-year-old son, Little Brian (Leo Abelo Perry).

 

 

This time around, Dom and his crew have yet to face an adversary quite like Dante (Momoa). “Dom has met his match,” director Louis Leterrier says. “Dante is fluid—he’s a snake. Not only has Dante analyzed Dom for twenty years, but he’s learned from Dom and is completely unpredictable.”

 

 

 

Dante, portrayed by Jason Momoa, is the son of the crime lord Hernan Reyes, whose final confrontation on a bridge with the crew in Fast Five sealed his fate. Now, Dante is out for revenge.

 

 

“What you didn’t see in Fast Five, and what we see at the beginning of Fast X, is that Hernan had a son, Dante, who was knocked off that bridge and went into the ocean,” producer Jeff Kirschenbaum says. “Dante was dead for two minutes and came back to avenge his family. He’s studied Dom, and he’s ready to unravel everything that’s important to him. He’s taking Dom’s reputation, fracturing his family and framing the entire team.”

 

 

 

Momoa was excited to infuse his own flare into the portrayal of Dante. “I hadn’t played a villain in about 10 years, and the opportunity to have that role in this franchise meant so much to me,” Momoa says. “I was excited to inject a fresh and entertaining element to the character, and it was fun to figure out his specific balance of playfulness and psychopathy. Dom doesn’t understand how tricky and sly Dante is, and how Dante has duped him into his web.”

 

 

 

Star and producer Vin Diesel says. “When we made the first movie, we filmed it in L.A. and it was a regional story. We never anticipated its global implications or appeal. We certainly didn’t anticipate that we would travel all over the world and take the theme of family around it.”

 

 

 

A Universal Pictures International presentation, “Fast X” will drive into local cinemas nationwide starting May 17.

 

 

 

Advance tickets now on sale at your favorite cinemas nationwide.  Follow Universal Pictures PH on FB and IG for the latest updates. #FASTXPH

(ROHN ROMULO)

Ads May 6, 2023

Posted on: May 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments