• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 9th, 2023

US companies, tinitingan ang trade, investment mission sa Pinas

Posted on: May 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA si Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez na makapagdadala ang mga awtoridad  sa Pilipinas  ng 100 top American companies para tingnan ang  investment opportunities sa bansa sa panahon ng “planned trade and investment mission” ng Washington.

 

 

“Hopefully we’ll have at least 100 of them coming to the Philippines to look at opportunities,” ayon kay Romualdez sa isang panayam.

 

 

Sa isang kalatas, may petsang Mayo 2, sinabi ng  White House na plano ni US President Joe Biden  na maglunsad ng  Presidential Trade and Investment Mission sa Maynila para mas lalo pang palalimin ang investment ng mga American firms sa “local economy, covering energy transition, critical minerals sector, at food security.”

 

 

Tampok dito ayon sa Estados Unidos ang “the highest caliber of” ng mga  business leaders nito.

 

 

Tinuran ni Romualdez na ito’y  magiging “big plus” para sa  Pilipinas , lalo na ngayon na kinokonsidera ito bilang “fastest growing economy” sa Asya  na may growth outlook na  6%  ngayong taon base sa pinakabagong  projections mula sa  International Monetary Fund.

 

 

“It’s an attractive place to invest now and I think this kind of interest is now even much stronger because of this revitalized relationship we have with the United States,” ayon kay Romualdez.

 

 

Maliban sa  commitments mula sa mga opisyal ng Amerika, winika ng Pangulo na ang kanyang  five-day official US visit ay nagtapos na may $1.3 billion, o mahigit sa  ₱72 bilyong halaga ng investment pledges na mayroong potensiyal na lumikha ng  6,700  bagong hanapbuhay para sa mga  Filipino.

 

 

Bago pa ang nasabing anunsyo, ipinabatid naman ng US-based pharmaceutical company Moderna kay Pangulong Marcos ang plano nito na gagawin nilang  Asian hub ang Pilipinas.

 

 

Inaasahan ayon kay Romualdez  na darating sa Pilipinas si Moderna General Manager Patrick Bergstedt  sa susunod na dalawang linggo para agad na masimulan ang proseso.

 

 

“The first part of their investment will be sort of like a commercial entity that they’ll set up in the Philippines to look at the distribution for the Asian region, bumping it up later on to doing research together with our new virology institute and at the same time manufacturing vaccines not only for potential pandemic, but mRNA technology is also going to be used a lot for cancer,” ang pahayag ni Romualdez.

 

 

Maliban dito, nabanggit din ng Malakanyang na seryosong kinokonsidera ng US-based firm Ultra Safe Nuclear Corporation ang pagtatayo ng kanilang kauna-unahang  nuclear energy facility sa Southeast Asia sa Pilipinas.

 

 

“If this pushes through, the nuclear power plant is seen to help the local energy sector,” ayon kay  Romualdez.

 

 

Nagresulta rin aniya ang opisyal na pagbisita ng Pangulo sa US ng “adoption of the two long-time allies’ new bilateral defense guidelines.”

 

 

Ani Romualdez, “this helped make the Mutual Defense Treaty “crystal clear” as the guidelines set the parameters on how the parties will proceed in terms of implementing the agreement.”

 

 

Bagama’t hindi na nakapulong pa ni Pangulong Marcos ang iba pang business leaders sa Estados Unidos dahil sa kakapusan na ng panahon, kinokonsidera naman ni Romualdez na ang  official visit ng Chief Executive ay “near perfect” lalo pa’t  karamihan sa kanilang mga plano ay napansin. (Daris Jose)

Pinas, US, hindi pinag-usapan ang mga bagong EDCA sites- Romualdez

Posted on: May 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ITINIGIL ng Pilipinas at Estados Unidos  ang pag-uusap hinggil sa pag-identify  ng mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.

 

 

Pinag-uusapan ngayon ng dalawang bansa kung paano gagamitin ang 9 na umiiral na sites sa bansa.

 

 

Sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez  na nagsimulang pagtuunan ng pansin ng Maynila at Washington  ang paghahanda para sa eventualities o mga pangyayari  kung saan ito ang dahilan kung bakit kapit-bisig ang dalawang bansa na palakasin ang kanilang  military alliance.

 

 

“A lot of these sites have been chosen because of disaster preparedness, which is very important…that’s one point,” ayon kay Romualdez sa isang panayam.

 

 

“They [The US] are putting a lot of their assets in those identified sites for us to be prepared, or when we can use these sites for deployment of all of these things for any disaster that might happen,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Taliwas sa sinabi ng  China, ang Pilipinas at ang Estados Unidos ay “are not putting these sites directed against any country.”

 

 

“These are for us for our defense strategy,” ayon pa rin kay Romualdez.

 

 

Buwan ng Abril,  pinayagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng access ang US troops sa apat na karagdagang Philippine sites.

 

 

Ang apat na bagong sites ay ang  Naval Base Camilo Osias sa Santa Ana, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; Balabac Island sa Palawan; at Lal-lo Airport sa Cagayan.

 

 

Makakasama ang mga ito sa limang umiiral na EDCA na “accessible” para sa  joint operations sa pagitan ng tropa ng Pilipinas  at American troops. Ang mga ito ay  Fort Magsaysay sa Nueva Ecija; Basa Air Base sa Pampanga; Antonio Bautista Air Base sa Palawan; Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu; at Lumbia Air Base sa Cagayan De Oro.

 

 

Ayon sa Pentagon, ang bagong mga lokasyon ay makapagpapalakas sa “interoperability” ng  US at  Philippine Armed Forces at payagan ang mga ito na “to respond more seamlessly together to address a range of shared challenges in the Indo-Pacific region, including natural and humanitarian disasters.” (Daris Jose)