• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 12th, 2023

LTO, DICT maglulunsad ng digital driver’s license

Posted on: May 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KUKUNIN ng Land Transportation Office (LTO) ang serbisyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa paglulungsad ng electronic version ng driver’s license bilang bahagi ng pagsisikap ng LTO na magkaron ng digitalization ang driver’s license.

 

 

“The digital license would serve as an alternative to the physical driver’s license card, which would be integrated into the super app being developed. The advantage of the digital license is that motorists can present it to law enforcement officers during apprehension. It is equivalent to the physical driver’s license,” wika ni LTO chief Jay Art Tugade.

 

 

Ang “super app” ay may mga functions tulad ng isang ewallet na naglalaman ng mga government identification cards at iba pa na information na nakalagay sa mobile device o cellphone.

 

 

Naglalayon na ang digital license ay gamitin bilang pangpalit sa official receipt bilang isang temporary driver’s license na ngayon ay nakaimprinta sa papel.

 

 

Magagamit din ito ng mga motorista isa iba’t ibang transactions sa LTO kasama na ang license at registration renewals at ng online payments. Ayon kay Tugade ang digital driver’s license ay mayron din security features.

 

 

“Simplifying and digitalizing more services will aid LTO in eradicating corruption among its personnel and traffic enforcers,” dagdag ni Tugade.

 

 

Binigyan diin din ni Tugade na ang e-governance partnership sa pagitan ng LTO at DICT ay nagpapahayag ng commitment ng una upang magkaron ng digitalization ang madaming serbisyo mayron ang LTO.

 

 

Noong nakaraan March, ang LTO at DICT ay pumasok sa isang partnership na naglalayon na maging epektibo ang digitalization systems at proseso sa loob ng LTO upang lalong mapaganda ang efficiency ng serbisyo nito.

 

 

Sa kabilang dako, mayron 1,000 na motorista ang nahuli ng mga traffic enforcers sa ginawang pilot testing ng single ticketing system noong nakaraang linggo.

 

 

May 100 na motorista ang nahuli sa San Juan noong nagkaron ng rollout ang single ticketing system. Habang sa ibang lugar naman ay may mahigit na 1,000 motorista ang nahuli.

 

 

Ayon kay San Juan mayor at Metro Manila Council president Francis Zamora, ang implementasyon ng single ticketing system sa loob ng pitong (7) lungsod sa Metro Manila ay naging matagumpay.

 

 

Ang mga handheld devices na ginagamit sa panghuhuli ng mga motorista na lumabag sa batas trapiko ay binigyan ng pondo at galing sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

“We are still waiting for the gadgets that are being customized per city. As far we are concerned, I think the unified fines imposed on motorists for traffic violations helped reduce the number of violaators,” saad ni Zamora.  LASACMAR

South China Sea, hindi dapat na maging ‘nexus for armed conflict’- PBBM

Posted on: May 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

GINAMIT ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang pagdalo nito sa 42nd ASEAN Summit para muling ipanawagan ang maagang konklusyon ng Code of Conduct  (COC) sa South China Sea.

 

 

Sinabi ng Pangulo na hindi dapat maging “nexus”  ang rehiyon para sa armed conflict.

 

 

Sa  42nd ASEAN Summit Retreat Session,  ipinahayag ng Pangulo ang kanyang  commitment sa  pagpapatupad ng  Declaration of the Conduct of Parties sa South China Sea (DOC).

 

 

“We will continue to urge all to abide by the 1982 UNCLOS, as ‘the constitution of the oceans.’ We must ensure that the South China Sea does not become a nexus for armed conflict,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“We must avoid the ascendance of might and the aggressive revision of the international order. In an increasingly volatile world, we require constraints on power contained by the force of the rule of law,” ang pahayag ng Chief Executive.

 

 

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo, ang rules-based regional architecture  ay dapat na  underpinned ng sentralidad ng regional bloc tungo sa  inclusive engagement sa  Indo-Pacific region.

 

 

Kailangan lamang aniya na matatag ang Pilipinas na panindigan ang karapatan nito sa ilalim ng  United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)  sa kabila ng patuloy na pagtatangka na tanggihan ang sovereign rights  ng bansa sa rehiyon.

 

 

Samantala, muli namang inulit ng Punong Ehekutibo ang kanyang panawagan na agarang pagpapatigil sa karahasan sa  Myanmar.

 

 

Sinabi nito na dapat lamang na ipatupad ang Five-Point Consensus.

 

 

“We continue to call on Myanmar to abide by and implement the Five-Point Consensus, and for our external partners to complement ASEAN’s efforts in the context of the Five-Point Consensus,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Nag-aalala rin ang Pangulo sa tensyon sa Korean Peninsula, tinukoy nito ang pangangailangan na “to abide by prevailing UN Security Council Resolutions and to engage in dialogue with concerned parties towards the denuclearization of the Korean Peninsula.”

 

 

Pagdating sa nagpapatuloy na hostility sa pagitan ng Russia at Ukraine, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga nababahalang bansa na maghanap ng  peaceful resolution sa nasabing labanan. (Daris Jose)

Happy na si Awra ang napiling co-host sa ‘Emojination’: MAJA, thankful and grateful sa APT sa pagtitiwala na maging game show host

Posted on: May 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HUMANDA nang paganahin ang inyong imahinasyon dahil mapapanood na ang bagong game show na tiyak kagigiliwan ng lahat, ang Emojination ng TV5!

 

 

Kasama ang APT Productions, hatid ng Kapatid Network ang fun and entertaining game show na ito gamit ang mga emojis na magsisimula na ngayong Mayo 14, 5:00 pm sa TV5 at mapapanood din sa Cignal TV at BuKo Channel.

 

 

Pinangungunahan nina “Emojesty” Maja Salvador at “Fezfriend” Awra Briguela, first game show of its kind ang Emojination dahil icha-challenge nito ang talas at galing ng invited celebrity contestants sa pag-solve ng emoji puzzles na magbibigay sa kanila ng chance na manalo ng big prizes.

 

 

Sa Emojination, may dalawang teams na maglalaban sa loob ng tatlong rounds. Sa firstround na Pic-Per-Word’ magpapakita ng four emojis na nagde-describe ng isang mystery word at kailangan mahulaan ng mga players kung ano ang salitang ito.

 

 

Ang second round ay tinatawag na “Sabi Swabe”. Kailangan ma-identify ng mga contestants ang mga sikat na lines or phrases, na ipapakita sa pamamagitan ng mga emojis, para makapunta sa susunod na round.

 

 

Nasubukan ng invited press ang dalawang rounds, na tunay na nakakakaba at nakaaaliw na sagutin ang mga tanong na gamit ang iba’t-ibang emojis.

 

 

Ang third round naman ay ang “A Pair to Remember”, kung saan ang bawat team ay pakikitaan ng flip board na mayroong 20 emoji blocks at kailangan nilang tumakbo sa obstacle course hanggang ma-match nila ang nakakubling emoji pairs.

 

 

Ang team na makakukuha ng pinakamaraming “emoticoins” ang makararating sa jackpot round para sa tsansang manalo ng mas malaking premyo.

 

 

Ang Team na may maraming “Emoticoins” ay maaaring sumali sa Jackpot round na tinatawag na “Match Magaling” kung saan ang teamwork ng magka-partner ay masusubukan dahil huhulaan nila ang 5 mystery compound words sa loob lamang ng 3 minuto. Kapag nahulaan ay makukumpleto nila ang Jackpot round at maiuuwi ang
premyong na naghahalagang P50,000.

 

 

Anyway, kitang-kita agad ang chemistry sa pagho-host nina Maja at Awra, na matagal nang magkakilala at naging malapit sa isa’t-isa dahil pareho silang naging bahagi ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

 

 

Inamin ni Maja na matagal na niyang alam na meron siyang game show na gagawin sa APT Entertainment, pero hindi niya kung sino ang magiging co-host niya. Last month lang niya nalaman na si Awra ang nakapasa at napili ng APT, kaya nagkagulatan na lang sila at sobra ring na-excite.

 

 

Super happy naman si Awra na muling makatrabaho ang kanyang Ate Maja. Na noong bata pa siya ay ala-alaga na siya at hanggang ngayon. Nakatutuwa pang kuwento niya, same ang shoe size nila, kaya ang suot-suot niya sa presscon ay hiniram niya kay Maja.

 

 

Nabanggit din ni Maja, na very thankful and grateful siya sa APT dahil this time, pinagkatiwalaan naman siya na mag-host ng isang game show at kasama nga si Awra. Kaya naman pinaghandaan niya at pinag-aral ang pagho-host. Base sa nakita namin, pasadong-pasado naman si Maja at swak na swak nga ang tandem nila ni Awra.

 

 

“Emojination is a fun and exciting game show that brings the universal language of emojis to life,” pahayag ni TV5 President at CEO Guido R. Zaballero.

 

“We are thrilled to offer this innovative new show to our viewers and we look forward to the excitement and laughter it brings to every Filipino home every weekend.”

 

 

Sumali na sa kasiyahang hatid ng mga emojis at manalo ng malalaking papremyo sa Emojination simula Mayo 14, 5PM sa TV5.

 

Para sa mga karagdagang impormasyon, i-follow ang mga official social media pages ng TV5 at bisitahin ang kanilang website sa www.tv5.com.ph.

(ROHN ROMULO)

Para tulungan ang nano trade of vendors, vulcanizers: PBBM, nagpasaklolo sa ASEAN

Posted on: May 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASAKLOLO na si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa mga member-states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mga  lider ng komersiyo sa rehiyon na suportahan ang mga nano business gaya ng “dispatch riders, repairers, market men and women” at iba pa sa kahalintulad na kalakalan.

 

 

Sa naging interbensyon ng Pangulo sa ASEAN Leaders’ Interface kasama ang mga kinatawan ng  Association of Southeast Asian Nations-Business Advisory Council (ASEAN-BAC),  sinabi ni Pangulong Marcos na ang nano businesses, isang informal at nananatiling hindi pa nakikilalang business category, ay nakaaapekto na sa buhay ng mga tao  sa rehiyon subalit binabalewala lamang.

 

 

“These nano businesses are also described as ‘solopreneurs’ and they are home-based businesses, among whom are make-up artists, vulcanizers, independent dispatch riders, vendors, repairers, and market women and men in the various open markets,” ayon kay  Pangulong Marcos.

 

 

“They play a very important but often unrecognized role all across our countries. But by classification, they often do not meet the MSME (micro, small and medium enterprise) micro-business criteria, which is the category for the smallest businesses. They are largely unaccounted for, but these informal business settings constitute a large portion of all our economies,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Dahil dito, umapela ang ibang  member states  na huwag kalimutan ang Nano businesses, dahil kaya nitong tumayo at mabuhay gaya ng “micro, small, or midsize businesses.”

 

 

Sinabi ng Pangulo na sa pagtulong sa informal business enterprise, makapag-aambag ang mga ito sa overall economic growth at pakitidin ang development gap ng rehiyon.

 

 

Sa kabilang dako, suportado naman ni  ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) Chair Mohammad Arsjad Rasjid Prabu Mangkuningrat ang panawagan ni Pangulong Marcos na kilalanin at suportahan ang nano businesses. Siya ang Chairman ng  Indonesian Chamber of Commerce and Industry (KADIN).

 

 

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat na iprayoridad ng regional body na tiyakin ang food self-sufficiency at seguridad sa rehiyon upang matamo ang overall human security.

 

 

Winika ng Pangulo na maaaring siguraduhin ng ASEAN member states ang food security sa pamamagitan ng pag-adopt sa bagong teknolohiya at maging sa pamamagitan ng  paggamit ng  smart agriculture at food systems.

 

 

“As such, the Philippines supports ABAC’s proposal on strengthening food security, promoting sustainable production, enhancing information systems, and identifying nutrition-enhancing agriculture mechanisms for sustainable ASEAN food systems,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“I would like to reiterate the commitment of the Philippine Government to work with the private sector to advance ASEAN’s goals and objectives,” dagdag na wika nito.

 

 

Samantala, isinatinig naman ni Pangulong Marcos ang panawagan ngASEAN-BAC para sa ASEAN  na pangunahan ang papel sa paghubog sa regional at global economy sa pamamagitan ng pagpapanatili sa “united, together, and stronger” para madetermina ang economic agenda  nito ngayon at sa hinaharap. (Daris Jose)