• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 3rd, 2023

LANA CONDOR TAKES TITULAR VOICE ROLE IN DREAMWORKS’ ANIMATED ADVENTURE FILM “RUBY GILLMAN, TEENAGE KRAKEN”

Posted on: June 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IT’S krakens vs. mermaids in DreamWorks’ latest action-adventure and coming-of-age animated film “Ruby Gillman, Teenage Kraken” starring a stellar voice cast that includes Lana Condor, known for “To All The Boys I’ve Loved Before” franchise, in the titular character, along with Oscar® nominee Toni Collette (as Ruby’s mom), Academy Award® winner Jane Fonda (as Ruby’s grandmother) and Emmy winner Annie Murphy as Chelsea. 

 

 

The movie also stars an extraordinary supporting cast that includes Emmy winner Colman Domingo (Fear the Walking Dead) as Ruby’s supportive dad, Emmy nominee Sam Richardson (Veep) as Ruby’s enthusiastic uncle and Blue Chapman (Council of Dads) as Ruby’s cool little brother.

 

Directed by Academy Award® nominated filmmaker Kirk DeMicco ( “The Croods”), “Ruby Gillman, Teenage Kraken” is a sweet, awkward 16-year-old who is desperate to fit in at Oceanside High, but she mostly just feels invisible. She’s math-tutoring her skater-boy crush (Jaboukie Young-White from Ralph Breaks the Internet), who only seems to admire her for her fractals, and she’s prevented from hanging out with the cool kids at the beach because her over-protective supermom and has forbade Ruby from ever getting in the water.

 

But when she breaks her mom’s #1 rule, Ruby will discover that she is a direct descendant of the warrior kraken queen and is destined to inherit the throne from her commanding grandmother, the Warrior Queen of the Seven Seas.

 

 

The krakens are sworn to protect the oceans of the world against the vain, power-hungry mermaids who have been battling with the kraken for eons. There’s one major, and immediate, problem with that: The school’s beautiful, popular new girl, Chelsea just happens to be a mermaid. Ruby will ultimately need to embrace who she is and go big to protect those she loves most.

 

 

“As a filmmaker, I’ve always been interested in subverting expectations in my storytelling,” DeMicco says.

 

 

“When it came to Ruby Gillman, Teenage Kraken, one of the things that excited me most was the opportunity to do just that with the mythology of the krakens and mermaids. Traditionally, the kraken has been portrayed as a monstrous creature, something to be feared and avoided at all costs.

 

 

“But in this film, we wanted to explore the idea of krakens as powerful and benevolent protectors of the sea. Similarly, we wanted to take the traditional image of mermaids and turn it on its head, creating a more complex and nuanced mythology that challenged audience expectations.”

 

 

The result is a visually stunning, emotionally resonant—and very funny—aquatic coming-of-age tale about a girl searching for a sense of belonging in the world and learning more than she could have ever imagined.

 

 

“DreamWorks Animation has a long, comic tradition of subverting the hero’s journey, whether it’s an ogre who saves a princess, a panda that becomes a warrior, or a progressive Viking teen and his injured dragon who change the course of their community,” says DreamWorks Animation President Margie Cohn.

 

 

“Ruby Gillman represents a new chapter to that tradition: a teen girl with unexpected and extraordinary powers.”

 

 

A DreamWorks film and Universal Pictures presentation, “Ruby Gillman, Teenage Kraken” swims in Philippine cinemas on June 28.

(ROHN ROMULO)

Hinuhulaan pa rin kung kailan ang kasal: ARJO at MAINE, nanggulat sa pasabog na photoshoot para sa cover ng magazine

Posted on: June 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
ANG bongga ng photoshoot ng magkasintahan na Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde na suot formal wear para sa Mega magazine.
Nakasuot ang aktres at ang representative ng Kyusi ng traditional wear para sa isang magazine cover para buwan ng Hunyo na kinunan ng photographer na si Mark Nicdao sa Palacio de Memoria, Parañaque City.
Si Maine ay nakasuot ng berdeng Pina Filipiniana na may burda, na likha ni Dennis Lustico. Samantala, nakasuot si Arjo ng cream na suit.
“A safe space doesn’t always have to be a certain location. Instead, it can also be in the form of a person who protects you, provides for you, and supports your dreams and aspirations. And for #MaineMendoza, it’s none other than #ArjoAtayde,” ayon sa Instagram caption ng magazine.
Ang kanilang cover story na nakalagay ang mga kataga “Arjo’s Maine event: Perfectly fitted for ever after” ay nagsasalaysay ng kanilang hindi inaasahan ngunit magandang kuwento ng pag-ibig at naglalabas ng mga detalye tungkol sa kanilang pagsasama ngayong nagbabalak na silang magpakasal.
Kinumpirma nina Maine at Arjo ang kanilang relasyon noong 2019. Inanunsyo nila ang kanilang engagement noong Hulyo 2022.
May lumabas na balita na baka raw next month na ang kanilang kasal.  Pero manggugulat na lang ang ArMaine kung kailan nga ba ang pag-iisang dibdib nila sa taong ito.
(ROHN ROMULO)

Ads June 3, 2023

Posted on: June 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

COVID-19 sa Metro Manila, bumaba – OCTA

Posted on: June 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang pag­baba ng COVID-19 weekly positivity rate sa Metro Manila batay sa latest data ng OCTA Research Group.

 

 

Ang positivity rate ay ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 makaraang masuri sa virus.

 

 

Batay sa inila­bas na datos ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nitong May 28 ay bumaba sa 2.2% ang positivity rate sa Metro Manila mula sa 25.2% noong May 21.

 

 

Maging ang reproduction number o bilis ng hawaan sa rehiyon ay bumaba rin sa 0.97 nitong May 26 data.

 

 

Gayunman, naitala naman ng OCTA Re­search ang bahagyang pagtaas sa hos­pital occupancy rate na nasa 29.1% nitong May 28.

Magla-live na raw ang ‘Eat Bulaga’: TVJ, kino-contest pa rin na makuha ang title ng show

Posted on: June 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-UUSAPAN lalo na nang magpaalam na nga ang TVJ na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa 43 years nilang noontime show na “Eat Bulaga” noong May 31.

 

 

Nasundan pa ito ng mass resignation naman ng halos lahat ng host at staff ng show.

 

 

Naiwan ang TAPE Incorporated ni Romeo Jalosjos.

 

 

Sa ngayon, dalawang araw na replay ang napapanood sa ‘Eat Bulaga’. Balitang sa TV5 kunsaan, ang magiging producer ay si Cong. Albee Benitez daw ang magba-blocktimer sa kanila. 

 

 

May chika rin sa amin na dalawang Linggo raw pinagpapahinga muna ang ibang staff pa na naiwan (yes meron pa rin naman daw naiwan!) at ibang host tulad nina Carren Eistrup… so, parang 2 weeks na replay?

 

 

Pero ang latest na nasagap namin at aabangan namin kung totoo nga, ngayong Sabado, live na raw ang Eat Bulaga with a new set of host.  

 

And yes, katulad ng mga kumakalat na balita, most of them are Sparkle artists.

 

 

So, abangan….

 

 

Mukhang mahaba-habang “serye” pa ito dahil kino-contest pa rin ng TVJ na ang title ng show ay makuha nila.

 

 

***

 

 

NAGING special guest ng ‘Marites University’ na napapanood sa YouTube ang Star For All Season na si Ms. Vilma Santos.  

 

 

Ang dami niyang chika na nakakatuwa talaga at iba talaga kapag mga veteran stars ang kausap tulad ni Ate Vi.

 

 

After seven years, ngayon na lang sila muling nagkasama sa pelikula ng kanyang “ka-loveteam” na si Christopher de Leon at sey nga niya, ‘yung chemistry raw talaga sa kanila na hindi naman naaaral, talagang nando’n.

 

 

Light drama ang kanilang reunion movie na “When I Met You in Tokyo” na ang theme song ay ang kanta ng Apo Hiking Society na “When I Met You.”  

 

 

Masaya rin si Ate Vi na after ilang decades in the industry, heto’t talagang nakaka-adapt siya sa social media era. Talagang pina-follow at masasabing isa sa well-loved social media personality na rin si Ate Vi ngayon na ang Tiktok dance nga niya ay umabot na sa halos 8 million views.

 

 

Kuwento niya, ang pagsasayaw naman talaga ang isa sa paborito niyang ginagawa. Na kahit daw noong pandemic na minsan nagkaka-anxiety siya, sinasayaw lang daw niya at ito ang nakatulong din sa kanya to ease the anxiety na dulot ng pandemic. 

 

 

Lalo na nga naman during that time, ilan din sa mga kakilala at kaibigan niya ang nawala.

 

 

Abangan na lang sa YouTube ang kabuuang interview na ito ng Marites University kay Ate Vi.

 

(ROSE GARCIA)

Kaligtasan ng pasahero, rider ¬titiyakin sa motorcycle taxis law

Posted on: June 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SISIGURUHIN  umano na ligtas ang mga rider at mga pasahero bukod sa mananatiling mababa ang bilang ng mga naaksidente kapag nagkaroon ng batas na gaga­wing legal at magkokontrol sa motorcycle taxis sa bansa.

 

 

Sa naunang pagdinig ng Senate Committees on Public Services and Local, tumutok ang diskusyon sa training, skills at kaalaman ng mga rider sa paggamit ng motorsiklo para masigurong ligtas sila sa mga aksidente sa lansangan.

 

 

“We need to legalize to reflect the reality on the ground but we also need the highest safety standards to make this a true mobility alternative,” ayon kay Sen. Grace Poe, chair ng Senate committee on public services.

 

 

Sa ginanap din na pagdinig ay sinuring mabuti ang Angkas, JoyRide at Move it, ang mga kumpanyang pinayagang mag-operate sa ilalim ng tatlong taong pilot program ng Department of Transportation, tungkol sa safety training na kanilang ibinibigay sa kanilang mga drayber.

 

 

Nababahala naman si Sen. Raffy Tulfo sa bilang ng mga aksidente na kinasasangkutan ng Angkas, ang market leader na humahawak ng 30,000 slot sa 45,000 sa ilalim ng pilot program, kung saan may naitalang 7,500 aksidente noong 2022 lamang.

 

 

Ito ay dahil marami umanong natatanggap na reklamo si Tulfo na ang mga pasahero muna ang nagpapaluwal ng pera dahil ang hirap kausap ng mga nasabing kumpanya.

 

 

Nais din umano ni Tulfo na kapag may naaksidente na rider na may pasahero ay agad-agad pupunta ang nasabing kumpanya sa ospital at babayaran ang gastusin doon.

 

 

Ayon kay Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng, sa Thailand, Vietnam at Indonesia kung saan sila nag-o-operate rin, gumagamit sila ng teknolohiya para ma-monitor ang ugali at driving skills ng kanilang mga drayber bukod pa sa kaligtasan at tamang pagsasanay ng mga Grab driver.

Rank 9th top most wanted person, timbog sa Caloocan

Posted on: June 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NABITAG ng pulisya ang isang mekaniko na listed bilang 9th top most wanted sa kasong panggagahasa sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si Alfonso Ruiz Jr, 55, mekaniko ng 499 Tullahan Road, Sepa St., Barangay 162, Sta. Quiteria.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, nagsagawa ang pinagsanib na mga operatiba ng IDMS – Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PMAJ Jeraldson Rivera at Sta. Quiteria Police Sub-Station 6 sa pangunguna ni P/Cpt Marlon Landong ng manhunt operation kontra wanted persons.

 

 

Natimbog ng mga operatiba ng WSS sa nasabing police operation ang akusado dakong alas-3:50 ng hapon sa kahabaan ng Libis Baesa, Sta. Quiteria, Brgy. 160.

 

 

Ani Major Rivera, ang akusado ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng FC Branch 1, ng Caloocan City noong May 11, 2023, para sa kasong Rape.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.

 

 

Pinuri naman ni P/MGen Edgar Alan Okubo, RD, NCRPO ang operating team sa kanilang walang tigil na manhunt operation alinsunod sa pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga wanted person na pinaghahanap ng batas. (Richard Mesa)

‘Di makapaniwalang 5 months na si Peanut: LUIS, pinagtripan na naman ang pagsasayaw ni VILMA

Posted on: June 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
ANG bilis ng panahon at five months old na pala si Isabelle Rose, ang first born ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Pinost ni Luis sa kanyang Instagram si Baby Rose na naka-pink ruffle dress at may number 5 sa tabi nito na puno ng bulaklak.

“Happy 5th month our little Peanut,” caption ni Luis.

Caption naman ni Jessy: “You’re growing up too fast. I can’t believe you are 5 months already. I love you so much, my little one.”

At siyempre, hindi mawawala ang post ni Luis ng Tiktok video nila ng lola ni Baby Rose na si Ms. Vilma Santos-Recto.

Sa bagong Tiktok dance video ng mag-ina Vilma at Luis, nag-ala Universal Motion Dancers sila. Nakakatawa lang si Luis dahil pinaglaruan na naman niya ang pagsayaw ng kanyang Mommy Vi.

Caption niya: “Ewan ko dito kay Momski di makasabay”

May ilang dance moves naman na nakakasabay si Ate Vi kay Luis, pero dahil sa pagiging natural na komedyante ng anak, hindi mapigilan ni Ate Vi na matawa at mawala sa timing ang pagsayaw niya.

***

HINDI mapigilan ni Shaira Diaz na maging emotional nang kunan siya ng photo na nakasuot siya graduation cap and toga sa morning show na Unang Hirit.

Matagal na kasing dream ni Shaira ang makapagtapos ng kolehiyo at maka-experience na umakyat ng entablado para tumanggap ng diploma. Next year daw ay matatapos na si Shaira sa kanyang kursong marketing and management sa University of Perpetual Help sa Las Pinas City.

Inamin ni Shaira na kahit na puyat siya sa taping at kailangan pa niyang magising ng maaga para sa hosting job niya sa UH, hindi naging dahilan iyon para tumigil siya sa kanyang pag-aaral. Ilang beses na raw siyang nag-stop sa pag-aaral noon dahil sa trabaho, pero this year daw ay tinuluy-tuloy niya para makatapos na siya.

“Naalala ko ‘yung struggle kasi mahirap pagsabayin yung pag-aaral saka yung pagtatrabaho. Nakailang stop ako tapos nakailang enroll ulit kasi nga ‘pag sobrang busy.

“Pero this year, talagang tinuloy ko. Gusto ko kasing maka-graduate at magsuot ng cap and toga,” maluha-luhang pahayag ni Shaira.

***

NANINIWALA ang ‘The Big Bang Theory’ star na si Kaley Cuoco na susunod sa kanyang acting footsteps ang kanyang baby girl na si Matilda.

Kahit na two months old pa lang daw ito, ginagaya na raw ni Baby Matilda ang mga expressions ng mukha niya.

Pinost ng daddy ni Matilda na si Tom Pelphrey sa kanyang Instagram ang nakakatuwang photos nito habang ginagaya ang facial expressions ng kanyang mommy.

“The acting is in her genes. I don’t know how she won’t,” sey ni Kaley.

Balik-trabaho si Kaley at bida ito sa bagong series sa Peacock titled Based On A True Story na mag-premiere on June 8. Makakasama rito ni Kaley sina Chris Messina at Tom Bateman.

 
(RUEL J. MENDOZA)

BIKTIMA NG TRAFFICKING NAGPANGGAP NA MGA SEAFARERS, NA-RESCUE

Posted on: June 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NA-RESCUE ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa   Clark International Airport (CIA) sa Pampanga ang dalawang kababaihan na hinihinalang biktima ng trafficking na tinangkang pumuslit ng bansa at nagpanggap na mga seafarers.

 

 

Ang dalawang ay papasakay ng Cebu Pacific patungong Hongkong , ayon sa report kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ng BI travel control and enforcement unit (TCEU).

 

 

Ang dalawang babae ay nagpanggap na Overseas Filipino workers (OFWs) na ni-recruit na magtrabaho sa Thailand at nagpakita ng mga pekeng dokumento, pero sa bandang huli ay inamin na patungo sila sa Laos upang magtrabaho bilang mga call center agents.

 

 

“The modus operandi here is for the victims to initially fly to Thailand where they would then board their connecting flight to Laos,” ayon kay  Tansingco.

 

 

Sinabi ng mga biktima na ni-recruit sila upang magtrabaho sa Laos na nakita nila sa social media at nagbayad ng P4,000 kapalit ng kanilang pekeng dokumento.

 

 

Ang dalawa ay nasa kustodiya na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at pagsasampa ng reklamo laban sa kanilang recruiters. GENE ADSUARA

CIVIC ORGANIZATION NAGBIGAY NG CASH DONATION PARA SA QUEZON CITY LEARNING RECOVERY PROGRAM

Posted on: June 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ng donasyong aabot sa 310 thousand pesos ang Rotary International District 3780 sa pamahalaang lokal ng Quezon City para sa proyekto ng lungsod na Learning Recovery Fund.

 

 

Personal na iniabot ni District Governor Florian Entiquez kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nabanggit na halaga ng donasyon bilang pagpapakita ng sinserong komitment nila sa proyekto ng Quezon City LGU.

 

 

Sabi ni Belmonte, lubos ang kanilang pasasalamat sa Rotary International District  3780. Dahil aniya, mahalaga ang tulong ng pribadong sektor upang iaddress ang isyu ng Learning Recovery.

 

 

Dagdag pa ng alkalde, muli at muli nyang inaanyayahan ang mga NGO at business sector na mag-invest sa mga learners.

 

 

Matatandaan na kamakailan ay inaprubahan ng city council ang CITY ORDINANCE SP-3182 na nagtatatag ng Learning Recovery Trust Fund kung saan ilalagak ang mga cash donation para sa learning recovery program.

 

 

Dinaluhan ng ilang mga opisyal ng pamahalaang lungsod at ng mga opisyal at dating pangulo ng Rotary International District 3780.

 

 

Ang donasyon ng ROTARY INTERNATIONAL DISTRICT 3780 ay ilaan sa mga mag-aaral ng Bago Bantay Elementary School na kalahok sa QC Gabay Aral, isang programang nagsasagawa ng tutoring para sa Math at Reading. (PAUL JOHN REYES)