• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 15th, 2023

MEDICAL MARIJUANA – MALINAW SA MARAMI, MALABO SA IILAN.

Posted on: June 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASAMPUNG taon na ang adbokasiya para sa legal na paggamit ng medical marijuana dito sa Pilipinas ngunit marami pa rin ang hindi lubos na nakakaunawa sa benepisyo nito.

 

 

Milyun-milyong pasyente bawat taon ang natutulungan nito sa maraming bansa, ngunit hindi pa rin malinaw para sa ilan sa Pilipinas ang isyu sa bagay na ito.. Kasama na dito ang ilang mga medical organizations. Kung anu-ano ang dahilan ng kanilang matinding paglaban sa mga panukalang batas na inihain sa kongreso.

 

 

Batay sa mga committee hearings at mga pampublikong forums kamakailan, hindi pa rin nadadagdagan ang kanilang kaalaman o nagbabago ang kanilang posisyon. Naiwan pa din sa taong 1961 ang kanilang kaalaman at kaisipan.

 

 

Umano’y hindi na dapat gumawa ng bagong batas para lamang sa medical marijuana, sapagkat mayroon ng legal na paraan para makakuha nito mula sa ibang bansa – ang compassionate special permit (CSP). Ang problema, kailangang dumaan sa butas ng karayom para makahanap ng doktor na magrereseta. At iyong kaisa-isang nabigyan ng nasabing permit, hindi pa rin makabili dahil hindi kaya ang presyo at proseso.

 

 

Yong mga may malubhang epilepsy lang ang puwedeng mabigyan ng CSP. Hindi kabilang ang may cancer, chronic pain, at multiple sclerosis, kahit na aprubado na ang medical marijuana para sa kanila.  Hanggang sa ngayon, Hunyo 2023, ay wala ni isa man sa Pilipinas ang nakagamit ng medical marijuana sa pamamagitan ng CSP.

 

 

Ayon sa mga tinaguriang eksperto, ang marijuana umano ay nakakasira ng isip, nakakapurol ng utak, sanhi ng aksidente sa daan, at “gateway” para sa ibang droga. Kahit na sa non-medical users, ang mga bagay na ito ay hindi pa napapatunayan. Sigurado umano itong mangyayari kung dito gagawin ng gobyerno ang medical marijuana. Minamaliit nila ang ebidensya na nakakagamot ito, samantalang pinapalaki ang umano’y masamang epekto nito.

 

 

Ayon sa panukalang batas, ang medical marijuana ay gagawing capsule o oil. Ito ay irereseta ng doktor na may PDEA S2 license. Ito din ay matatagpuan lamang sa tertiary hospitals katulad ng PGH at East Avenue Medical Center.

 

 

Isa pang idinadahilan ng mga nasabing organisasyon ang kasabihang Latin na “Primum Non Nocere” o “First, Do No Harm”. Ayon sa mantrang ito, hindi na baleng hindi makatulong, huwag lang makapaminsala. Subali’t kaliwa’t-kanan ang pagreseta ng mga nakakamatay na painkillers at sleeping pills. Samantalang mismong si Catriona Gray, alam na mas malala pa ang alak at sigarilyo kaysa marijuana.

 

 

Umano’y ang lokal na paggawa ng murang alternatibo ay isang “human experiment”. Lingid sa kanilang kaalaman, libong taon na itong ginagamit bilang gamot. Ang bayani at noo’y pinakatanyag na doktor sa Pilipinas na si Dr. Jose Rizal, ang nagsabing nabibili sa lokal na botika ang katas ng marijuana noong panahon nya. Ito din ay ginagamit ni dating US President Barrack Obama, Arnold Schwarzenegger at maging ni Dalai Lama.

 

 

Ang tanging hiling lamang ng mga nasa adbokasiya (mga pasyente, taga-pangalaga, doktor, abogado, atbp) ay makagawa ng katumbas na generic ng mga gamot mula sa marijuana at hindi piliting umangkat sa ibang bansa. Madami na ang nakakaunawa at sang-ayon dito.

 

 

(Si Dr. M ay isang lisensyadong doctor, researcher, at international lecturer ng Medical Marijuana.)

NLEX toll rates muling tataas

Posted on: June 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAYAGAN ng Toll Regulatory Board (TRB) ng Department of Transportation (DOTr) na magkaroon ng rate adjustment sa North Luzon Expressway (NLEX).

 

 

 

“We have authorized the imple-mentation of an additional P7 in the open system and P0.36 per kilometer in the closed system starting June 15,” wika ng TRB.

 

 

 

Ang additional rates ay masusing sumailalim sa regulatory reviews at approvals. Ang nasabing bagong rates ay bahagi ng authorized NLEX periodic adjustments noon pang 2012, 2014, 2018 at 2020 na taon.

 

 

 

Pinayagan ng TRB na kolektahin ang fourth at last tranche ngayon taon para sa 2012 at 2014 periodic adjustments at kalahati lamang para sa 2018 at 2020 ng periodic adjustments upang magkaroon ng curb ang existing inflationary situation at ng mabawasan din ang impact sa mga motorista na gumagamit ng NLEX.

 

 

 

Ang mga pampublikong utility jeepneys sa ilalaim ng programa sa “Pass-ada and Tsuper Card” discount at rebate ay hindi maaapektuhan ng pagtataas at mananatili pa rin ang dating rates.

 

 

 

Sa ilalim ng bagong toll fee matrix, ang isang motoristang naglalakbay kahit saan sa loob ng open system ay magbabayad ng karagdagan P7 para sa Class 1 na sasakyan tulad ng regular cars at SUVs. P17 naman ang toll rate sa Class 2 na sasakyan tulad ng buses at maliliit na trucks habang P19 naman sa Class 3 na sasakyan tulad ng malalaking trucks.

 

 

 

Ang open system naman ay mula sa Metro Manila, kasama ang lungsod ng Navotas, Valenzuela at Caloocan papuntang Bulacan. Ang closed system naman ay nasasakupan ang portion ng pagitan ng Bocaue sa Bulacan at Sta. Ines; Mabalacat City sa Pampanga kasama ang Subic-Tipo.

 

 

 

Habang ang mga motorista na naglalakbay sa NLEX ng end-to-end sa pagitan ng Metro Manila at Mabalacat City ay magbabayad ng karagdagan P33 sa Class 1, P81 sa Cllass 2 at P98 sa Class 3 na mga sasakyan.  LASACMAR

 

PBBM, inaprubahan ang pilot testing ng Food stamp program ng gobyerno

Posted on: June 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pilot testing ng food stamp program ng gobyerno na nakalaan para sa isang milyong mahihirap na pamilyang Filipino bilang bahagi ng paglaban ng administrasyon sa kahirapan, malnutrisyon at pagkagutom. 

 

 

 

“The President approved the run of the pilot, which is fully funded through grants – grants from the ADB [Asian Development Bank], JICA [Japan International Cooperation Agency] and the French Development Agency. So, that will be US$3 million all in all,” ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian  sa  press briefing sa Malakanyang.

 

 

 

“There’s a provision to expand it.  ADB is still working on another trust fund so that we can expand the pilot. But other than that, it’s all green light, go na for the pilot which will take place shortly.” dagdag na wika nito.

 

 

 

Sa pamamagitan ng pilot testing, sinabi ni Gatchalian na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang may kinalaman na ahensiya ng pamahalaan ay titingnan ang  mga “nuances” at  idedetermina kung ano ang kailangan na paghusayin at palakasin at kung anong item ang kailangan na itigil na.

 

 

 

“The government wants to avoid wasteful spending and make sure that when the program is expanded for its regular run, the government is doing it correctly,” ayon kay Gatchalian.

 

 

 

“The President also wants to bring in pregnant, lactating mothers as the DSWD has started looking into the stunting problem in the country in order to effectively implement the First 1,000 Days Law (RA 11148),” ayon pa rin sa Kalihim.

 

 

 

“So paiigtingin natin iyang programa na iyan para ma-synchronize naman natin siya dito sa upcoming natin na food stamps program,” ani Gatchalian sabay sabing “Uulitin namin, ang marching order ng Pangulo, dapat malabanan natin ang stunting at ang gutom; pagsasanib-puwersa ng mga iba’t ibang programa ng gobyerno para hindi sila piece by piece ang turing sa mga programa.”

 

 

 

Ang food stamp program o  “Walang Gutom 2027” ay naglalayong magbigay ng  electronic benefit transfers na kakargahan ng  food credits na nagkakahalaga ng  P3,000 para makabili ng  mula sa piling listahan ng food commodities mula  DSWD accredited local retailers.

 

 

 

 

Layon nito na targetin ang isang milyong kabahayan mula sa listahanan 3 na nabibilang sa  food poor criteria na tinukoy ng Philippine Statistics Authority (PSA).

 

 

 

Samantala, kinilala naman ng DSWD ang limang pilot sites na nagmula sa iba’t ibang  geopolitical characteristics:  isa sa  Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nagamit bilang dating  conflict area; isa sa  geographically isolated regions o provinces; isa sa  urban poor settings; isa sa  calamity-stricken areas; at isa sa rural poor area. (Daris Jose)