• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 23rd, 2023

CELEBRATE NATIONAL PINK DAY WITH “BARBIE” ON JUNE 23

Posted on: June 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Get ready to see PINK!

 

 

Barbie has a special surprise for National Pink Day on June 23. In celebration of this day, Warner Bros. is unveiling something pink in the following malls across Metro Manila – SM North EDSA, Trinoma, Robinsons Magnolia, SM Megamall, Uptown Mall and SM Mall of Asia, along with a sweet surprise for the first 50 guests joining the pink surprise!

 

Watch the trailer: https://youtu.be/X5nmPBArz3U

 

The unboxing is open to the public, with cosplayers joining in for photo opportunities and the first 50 lucky guests to take a photo will be given Krispy Kreme donuts as bonus treats. Tune in to @WarnerBrosPH Stories on Facebook and IG  for updates.

 

“Barbie,” directed by Greta Gerwig and starring Margot Robbie and Ryan Gosling, opens in Philippine cinemas July 19.

 

 

About “BARBIE”

 

 

To live in Barbie Land is to be a perfect being in a perfect place. Unless you have a full-on existential crisis.  Or you’re a Ken.

 

 

From Oscar-nominated writer/director Greta Gerwig comes “Barbie,” starring Oscar-nominees Margot Robbie and Ryan Gosling as Barbie and Ken, alongside America Ferrera, Kate McKinnon, Michael Cera, Ariana Greenblatt, Issa Rae, Rhea Perlman and Will Ferrell. The film also stars Ana Cruz Kayne, Emma Mackey, Hari Nef, Alexandra Shipp, Kingsley Ben-Adir, Simu Liu, Ncuti Gatwa, Scott Evans, Jamie Demetriou, Connor Swindells, Sharon Rooney, Nicola Coughlin and Oscar-winner Helen Mirren.

 

 

Gerwig directed “Barbie” from a screenplay by Gerwig & Oscar nominee Noah Baumbach, based on Barbie by Mattel. The film’s producers are Oscar nominee David Heyman, Robbie, Tom Ackerley and Robbie Brenner, with Michael Sharp, Josey McNamara, Ynon Kreiz, Courtenay Valenti, Toby Emmerich and Cate Adams serving as executive producers.

 

 

In Philippine cinemas starting July 19, “Barbie” is distributed by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #Barbie #BarbieTheMovie

(ROHN ROMULO)

For the first time in decades: TITO, VIC at JOEY, muling nagsama-sama para sa isang endorsement

Posted on: June 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FOR the first time in decades, muling magsasama-sama ang TVJ sa isang endorsement.

 

Puregold made it happen!

 

Makikita sa larawan kasama ni Aling Puring, ang brand icon ng Puregold, ang grupo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, na pumirma ng kontrata bilang pagpapatuloy sa kolaborasyon kasama ang kompanya.

 

 

Ipinagpapatuloy nito ang mahaba at makabuluhang pakikipagtambalan ng Puregold sa TVJ. Sa pagsisimula ng kompanya, noong mas kaunti pa sa 50 ang mga tindahan ng Puregold, nakipagtambalan ang Puregold kina Vic Sotto at Joey de Leon.

 

 

Ngayong higit 500 na ang mga tindahan ng Puregold sa buong bansa, nasasabik ang Puregold na makamit ang marami pang mga tagumpay kasama ang buong TVJ na malapit nang mapanood sa TV5.

 

 

Tiyak na malaki ang magiging bahagi ng Puregold sa pagsisimula sa July 1 (Saturday, 12 n.n.) ng bagong noontime show ng TVJ kasama ang mga legit dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Carren Eistrup at Ryzza Mae Dizon.

 

 

Pahulaan pa rin ang netizens sa magiging title ng programa, dahil wala pa silang ni-reveal na gagamiting titulo ng noontime show.

 

 

Pero matunog na ang title na lumalabas ay “This Is Eat!”, habang patuloy nilang inilalaban legally na makuha ang “Eat…Bulaga!”

 

 

***

 

 

ASAHAN naman ang mas nakaka-inspire na hapon sa bagong inihahandog ng GMA Network ang “Magandang Dilag”.

 

 

Ang programa ay pangungunahan ng Sparkle leading man na si Benjamin Alves bilang Eric, highly-talented actor Rob Gomez bilang Jared, at ipinakikilala si Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Budol, sa kanyang first starring role bilang Gigi.

 

 

Kasama sa star-studded cast sina Adrian Alandy bilang Magnus, kapatid ni Jared at isang sumisikat na pulitiko; Maxine Medina bilang Blaire, ang dominanteng kasintahan ni Jared at isang hinahangad na fashion designer; Bianca Manalo bilang Riley, isang tropeo na asawa ni Magnus na nagtatago ng kanyang kalupitan at karahasan; Angela Alarcon bilang Allison, isang sikat na social media influencer at matalik na kaibigan ni Riley; Muriel Lomadilla bilang Donna, ang nakakatuwa at mapagmahal na katiwala ni Gigi; Prince Clemente bilang Cyrus, malapit na kaibigan at kasamahan ni Eric; Si Jade Tecson bilang si Jadah, ang nakababatang kapatid ni Allison na nakakaalam ng kanyang pinakamalalim na sikreto.

 

 

Ang mga batikang artistang si Al Tantay bilang Joaquin, ang ama ni Gigi na iniwan sila para maabot ang kanyang sariling mga pangarap, gumaganap ng parehong mahalagang papel sa paparating na drama na ito; Chanda Romero bilang Sofia, ang mayaman at nakakatakot na asawa ni Joaquin; at Sandy Andolong bilang Luisa, ang dating live-in partner ni Joaquin at ang doting mother ni Gigi.

 

 

Sa “Magandang Dilag” susundan ang kwento ni Gigi, isang babaeng maaaring hindi maganda ang hitsura ngunit may pinaka-optimistikong saloobin sa buhay. Nahaharap si Gigi sa mga pangyayari nang magmana siya ng napakalaking kayamanan mula sa kanyang nawalay na ama, si Joaquin.

 

 

Hindi nagtagal, na-in love si Gigi sa lalaking pinapangarap niya, si Jared, na isang kilalang triathlete/endorser. Lingid sa kaalaman ni Gigi, kasama pa rin ni Jared si Blaire, at lolokohin lang nila ito para nakawin ang kanyang pera.

 

 

Paano malalaman ni Gigi ang tunay na intensyon ng kanyang pinakamamahal na lalaki? Maililigtas kaya ni Gigi ang kanyang sarili sa kanilang masasamang plano o ang kanyang bagong buhay ay magtuturo sa kanya na maghiganti?

 

 

Huwag palampasin ang world premiere ng “Magandang Dilag” na mula sa direksyon ni Don Michael Perez, ngayong Hunyo 26, tuwing 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits.

(ROHN ROMULO)

Gumawa ng bagong YouTube account na ‘Mamang & Malia’: POKWANG, wala ng kaugnayan sa mga joint social media account nila ni LEE

Posted on: June 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Rhian Ramos ang nangyaring hiwalayan at balikan nila ng businessman-turned-politician na si Sam Verzosa.

 

Sa pagkakataong ito, napag-uusapan na kaya ng dalawa ang magpakasal?

 

Aminado ang ‘Royal Blood’ star na nagkulang sila sa komunikasyon ng nobyo na kinatawan ngayon ng isang party-list group sa Kamara de Representantes.

 

“What happened was, I guess, we could have communicated better. I think it’s very important in a relationship na kaya n’yong pag-usapan lahat and you’re not forcing the other person na hulaan kung anong nararamdaman mo.”

 

Inamin din ni Rhian na nakaapekto rin sa kanilang hiwalayan ang pagpasok ni Sam sa pulitika.

 

“It was difficult, and if I can just be honest, if I think about it, I wish I could have been more supportive.

 

“I would say, politics was one of the reasons sa breakup, but the number one thing is, we really could’ve communicated better,” sey ni Rhian.

 

Ngayong nagkabalikan na, tinanong si Rhian kung napag-uusapan nila ang kasal.

 

Ayon sa aktres, bagaman naiisip nila ang kasal, wala pa naman daw ito sa plano ng magkasintahan.

 

“We’re not planning, but we’re playing with the idea. It was never naman my dream or a requirement, but I would if God puts that in my life and if it’s for me. If I didn’t want him to be the one, then what am I doing dating him?”

 

Kamakailan lang, magkasama muli ang dalawa na dumalo sa MEGA Ball.

 

***

 

NAGLABAS ng pahayag si Pokwang para linawin na wala na siyang kaugnayan sa mga joint social media account nila ng dati niyang partner na si Lee O’Brian.

 

Sa Instagram, ipinost ng Kapuso comedienne ang naturang pahayag nitong Lunes.

 

“We tried to negotiate with [Mr.] Lee O’Brian to recover the management of said social media accounts that contain Pokwang’s image; however, he refused to come to an agreement with us,” ayon sa pahayag.

 

Dahil sa hindi nagkasundo, sinabi ni Pokwang na wala na siyang kinalaman sa naturang mga account na kasama niya si Lee: PokLee Cooking Official YouTube, PokLee Cooking Facebook at Instagram, at PokLee Food Products Instagram.

 

Ipinagbabawal din ni Pokwang na gamitin ang kanyang larawan sa mga socmed account nila ni Lee.

 

“I have terminated any association in these aforesaid accounts, including the use of my image for promotions and any other purpose(s),” saad pa sa pahayag.

 

Kasabay nito, sinabi ni Pokwang na gumawa siya ng bagong YouTube account na “Mamang & Malia,” na kasama ang anak niyang si Malia.

 

“Thank you all for your love and support. Salamat po [dagdag] pang tuition ni Malia. Thank you.”

 

Nitong nakaraang linggo, naghain ng petisyon si Pokwang sa Bureau of Immigration para ipa-deport si Lee na isang American citizen.

 

***

 

PAHINGA raw muna sa paggawa ng pelikula ang Spider-man star na si Tom Holland ng isang taon.

 

Napagod daw siya physically and mentally sa paggawa ng Apple+ series na ‘The Crowded Room’ na tungkol sa trauma at mental health.

 

Tama lang daw ang paghingi ng one-year off sa trabaho para makapag-recharge at hindi siya ma-burn out sa mga susunod na mga gagawin niyang projects.

 

“I really enjoyed it, but then again, the show did break me. There did come a time where I was sort of like, ‘I need to have a break.’ I went to Mexico for a week and had some time on a beach. And I’m now taking a year off, and that is a result of how difficult this show was.

 

“I’ve been seeing my family in London. I’ve been seeing my friends. I’ve been playing golf. I’ve been, you know, going to the garden center and buying plants and doing my best to keep them alive and all that sort of stuff.,” sey ng Marvel actor.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ads June 23, 2023

Posted on: June 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Ayaw maranasan ang feeling ng isang ‘fatherless’… KRIS, ipinagmalaki si BIMBY sa ginawang pag-communicate kay JAMES

Posted on: June 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK magiging super-busy si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ngayong balik-acting na siya after almost five years.  

 

 

Unang nabalita nga ay tuloy na ang pagtatambal nila ni Gabby Concepcion sa isang teleserye, ang “Against All Ods,” na kasalukuyan nang inihahanda ang production.

 

 

Then, dumating na ang balitang magkakaroon sila ng reunion project ng husband niya, si Kapuso Primetime King, Dingdong Dantes, na isa namang movie intended for the coming Metro Manila Film Festival sa December.

 

 

“Rewind” ang title ng movie na ididirek ni Mae Cruz-Alviar.

 

 

Sa IG post ni Marian: “I am beyond blessed to be able to share the screen with my loving husband in God’s perfect time.  We can’t wait to bring this project to life and make unforgettable memories together! #BlessedBeyondMeasure #Rewind  #New MovieAlertDongYan.

 

 

Ang movie ay collaboration ng Star Cinema, APT Productions at AgostoDos Pictures na si Dingdong ang producer.

 

 

Pareho na lamang very busy ang mag-asawa dahil si Dingdong ay abala sa taping ng GMA Primetime series niya, ang murder-mystery  na “Royal Blood,” na nagtatampok sa aktor na may anak na seven-year old na si Sienna Stevens.

 

 

Gusto ni Dingdong na ipakilala nang personal sa panganay nila ni Marian na si Zia ang child actress. Nang ipalabas nga raw ang pilot episode nila, ipinakita na niya kay Zia si Sienna na may Tik Tok din na marami raw followers.

 

 

Nilu-look forward daw niyang magkakilala sina Zia at Sienna at pwede silang maglaro balang-araw.

 

 

                                                            ***

 

 

MARAMI ang natuwang fans ni Kris Aquino nang ibalita ng Queen of All Media tungkol sa bunsong anak niyang si Bimby at sa ama nitong si San Juan City Councilor James Yap.

 

 

Based sa latest IG post ni Kris, ipinahiwatig niyang nagkausap na sina Bimby at ang tatay nito noong nagdaang Father’s Day.  Suportado raw niya ang kagustuhan ni Bimby na tawagan ang amang basketball player para muling magkaroon ng communication at connection bilang father and son.

 

 

Ayon pa kay Kris, alam daw niya ang feeling ng isang anak na ‘fatherless’ na naranasan niya after ng Martial Law, at ayaw niyang maranasan ito ni Bimby.

 

 

“Maraming hindi pagkakaunawaan pero ayokong masabi na pinipigilan ko si Bimb… my own childhood was fatherless because of Martial Law, so ayaw kong ma-subject ang bunso ko to the same fate.”

 

 

Ipinagmalaki rin ni Kris si Bimby dahil sa ginawa nito noong Father’s Day upang magkaroon sila muli ng connection ng kanyang ama.

 

 

                                                            ***

 

 

ENDORSED na ng GTV, na under ng GMA Network, ang ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime,” na 14 years ding naging karibal ng “Eat Bulaga” sa GMA-7.

 

 

“G na G Na! Abangan Iyan!” matapos ma-announce ng TV5 na lumipat na ang mga original hosts ng “Eat Bulaga” sa kanila, samantalang nagpapatuloy naman ang “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. sa GMA-7, with their new hosts.

 

 

Simula sa July 1, 2023, mapapanood na ang “It’s Showtime” sa GTV, Monday to Saturday, 12:00 n.n., pagkumpirma ng ABS-CBN.  It’s really a business decision daw ang ginawa ng ABS-CBN, nang mag-reach out sila sa GMA, since mayroon na rin silang collaborations ngayon sa pamamagitan ng GMA Primetime series na “Unbreak My Heart.”

 

 

Inabot daw lamang ng two weeks ang negotiation kung available ba ang GTVsa noontime slot nila.  Nagkasundo rin sila na ang contract ay renewable by mutual agreement.

 

 

Mapapanood ang “It’s Showtime” kasabay ng noontime show ng TVJ at Dabarkads.

(NORA V. CALDERON)