• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2023

Sunod-sunod ang projects niya: ALDEN, balitang may gagawing sci-fi movie kasama si ANNE

Posted on: July 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PANAHON ba talaga ngayon ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards? 

 

 

Sunud-sunod ang projects niya sa TV at sa movies.

 

 

Nagsisimula pa lamang ang 2023, nag-shoot at natapos na nila ni Julia Montes ang “Five Break-ups and a Romance.”

 

 

Sinundan agad ito ng “A Mother & Son’s Story” na pagsasamahan nila for the first time ni Megastar Sharon Cuneta at isa na sa approved entries sa coming Metro Manila Film Festival 2023.

 

 

Sa TV naman, nagsimula na si Alden mag-host ng “Battle of the Judges” every Saturday, after ng “Pepito Manaloto” sa GMA-7.

 

 

Nagsimula na ring mag-taping si Alden ng weekly episode ng “Magpakailanman” para sa “Alden August” na for the month of August ay apat na Saturdays siyang mapapanood portraying iba-ibang characters with different leading ladies.

 

 

At ngayon nga ay pumasok na rin ang balitang may gagawin silang sci-fi movie ni Kapamilya actress Anne Curtis, titled “Version 2,” na ipo-produce ng GMA Public Affairs and GMA Pictures.

 

 

Ito raw ang nabalitang pagtatambalan nina Piolo Pascual at Bianca Umali, bakit kaya sila napalitan? At kailan kaya magsisimula ang shooting nina Anne at Alden?

 

 

Sinabi na ni Alden na sa October ipalalabas ang movie nila ni Julia Montes at sa December naman ang movie nila ni Sharon.

 

 

Hindi man nakagagawa ngayon ng mga teleserye si Alden, sapat na siguro ang kanyang hosting job every Saturday sa “Battle of the Judges”  at sa “Alden August” simula August 5 and every Saturday of August sa “Magpakailanman.”

 

 

***

 

 

NOW showing na ang first movie-team-up nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na “The Cheating Game” at ngayon ay may bago namang teleserye si Rayver sa Afternoon Prime na “Asawa ng Asawa Ko” na pagtatambalan naman nila ni Jasmine Curtis-Smith.

 

 

Story ito ni Jasmine as Cristy na biglang nakita ang sarili in an unfamiliar territory at wala na siya sa buhay ng asawang si Jordan (Rayver) and their daughter.  Kaya ba niyang ipaglaban ang love of her life ngayong tanggap na ng anak niya ang kanyang stepmom?

 

 

Ang series ay ididirek ni Laurice Guillen.  Makakasama sa cast sina director-actress Gina Alajar,  Martin del Rosario, Liezel Lopez at si Kapamilya actor, Joem Bascon, will portray his first major role in a Kapuso series.

 

 

***

 

 

BEST friend pala ni John Lloyd Cruz ang boyfriend ngayon ni Kapuso actress Katrina Halili, na inamin niya nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda,” nang mapag-usapan ang kanyang personal life at lovelife.

 

 

Ayon kay Katrina, non-showbiz ang boyfriend niya at best friend nga raw ni John Lloyd, pero ayaw muna niyang pag-usapan in public ang nasabing guy.  Ang isa pang nabanggit ni Katrina, kahit daw may boyfriend siya ngayon, wala na siyang planong magpakasal at magkaanak.

 

 

Okey na raw sa kanya ang 8-year-old daughter niyang si Katie Lawrence, na anak niya sa dating partner niya, ang singer na si Kris Lawrence.

 

 

Inamin din ni Kat na bukod sa boyfriend, naka-focus ang kanyang panahon ngayon sa pagpapalaki at pag-aalaga kay Katie at sa mga alaga niyang ibon.

 

 

“Okay na ako.  Happy na ako, lovelife na lang (huwag nang pakasal),  Happy ako dahil magkasundo ang boyfriend ko at si Katie, kaya wala nang issue o problema.”

 

 

Isa si Katrina sa bumubuo ng cast ng “Black Rider” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid, at first teleserye ni Matteo Guidicelli sa GMA Network.

(NORA V. CALDERON)

Ads July 29, 2023

Posted on: July 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Civil konstruksyon ng Bulacan airport malapit nang simulan

Posted on: July 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MINAMADALI na ang land development ng Bulacan Airport upang masimulan na ang civil works sa susunod na taon habang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay sasailalim sa privatization.

 

 

Samantala, ang San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) ay 70 porsiento ng kumpleto ang land development na siyang magiging daan para sa pisikal na konstruksyon para sa New Manila International Airport (NMIA).

 

 

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na dahil sa ganitong takbo ng schedule, ang land development ng SMAI ay maaaring matapos sa unang quarter ng 2024 na siyang magbibigay daan naman sa physical na konstruksyon ng pasilidad sa NMIA.

 

 

“Land development is almost 70 percent to 75 percent complete and we are expecting this will be completed by the end of the year or early first quarter of next year. After that, the group of Mr. Ramon Ang can start construction of runway and passenger terminal buildings,” wika ni Bautista.

 

 

Pinatotohanan naman ni San Miguel Corp (SMC) president at CEO Ramon Ang na ang NMIA ay umuusad ayon sa kanilang schedule.

 

 

Naniniwala si Bautista na ang bagong airport sa Bulacan ay matatapos at magkakaron ng operasyon bago matapos ang termino ni President Marcos. “We are optimistic that the Bulacan airport will be operational, maybe even partly before the end of the term of President Marcos,” saad ni Bautista.

 

 

Ang SMAI ay isang subsidiary ng San Miguel Holdings Corp na siyang infrastructure arm ng SMC at siyang nangangasiwa upang matapos sa taong 2027 ang gagawing pinakamalaking airport sa Philippines.

 

 

Gagastos ang SMC ng P735.6 billion upang maitayo ang bagong NMIA. Ang unang bahagi ng NMIA ay inaasahang magagamit ng 35 million na pasahero kada taon at makakapagbigay ng isang million na trabaho sa mga tao sa Central Luzon.

 

 

Sa kabilang dako naman ay sinabi ni Bautista na ang flight movement sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay madadagdagan ng hanggang sa 50 kada oras kapag ang pasilidad nito ay sumailalim sa upagrading na gagawin ng pribadong concessionaire.

 

 

Ayon sa kanya na ang mananalong bidder para sa operasyon at maintenance ng NAIA ay kailangan makagawa ng bagong solusyon upang mapabilis ang proseso sa airport at makapag facilitate ng mas maraming pasahero sa loob ng isang oras.

 

 

“There is no more space for runway development for NAIA. What we plan to do is to improve the operations by allowing up to 48 to 50 movements per hour. Right now, aircraft movement is 38 to 40 only. With the adoption of new technologies and implementation of new processes, we should be able to increase this to at least 48 movement,” dagdag ni Bautista.

 

 

Noong nakaraang linggo ay binigyan ng approval ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mungkahi ng DOTr para sa upgrading ng NAIA sa pamamagitan ng solicitated bidding kung kaya’t walang pagkakataon ang P267 billion na unsolicitate proposal ng isang consortium at foreign partner nito na mag renovate ng NAIA.

 

 

Dahil dito, ang DOTr ay bibigyan ang magiging concessionaire ng NAIA ng 15 taon upang makompleto ang rehabilitasyon na nagkakahalaga ng P170.8 billion. LASACMAR

Asian premiere on Sept. 17 sa The Theater at Solaire: RACHELLE ANN, muling magpi-perform sa award-winning musical na ‘Hamilton’

Posted on: July 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAPAPANOOD si Rachelle Ann Go sa award-winning musical na ‘Hamilton’ at muli niyang gagampanan ang role as Eliza Hamilton.

 

 

Sa pinost na video sa social media ng ‘Hamilton International Tour’, in-announce ang muling pag-perform ni Rachelle sa ‘Hamilton’ na ilang taon ding hindi nagtanghal sa West End dahil sa pandemic.

 

 

Nakalagay sa caption ay: “Hey, hey, hey, hey. Say hey to Rachelle Ann Go who reprises her role as Eliza for the ‘Hamilton International Tour’! #HamiltonINTL #HamiltonPH”

 

 

Makakasama si Rachelle sa Asian premiere ng ‘Hamilton’ on September 17 sa The Theater at Solaire kasama ang iba pang cast ng musical na sina Jason Arrow, Deaundre’ Woods, Darnell Abraham, Shaka Bagadu Cook, Akina Edmonds, Elandrah Eramiha, Jacob Guzman, Brent Hill at David Park.

 

 

“We’ve had so many incredible Filipino company members part of the ‘Hamilton’ pamilya all over the world and now we get to bring the show to your beautiful country very soon,” ayon pa ng creator and producer ng ‘Hamilton’ na si Lin-Manuel Miranda.

 

 

***

 

 

PINAKILALA kamakailan ng Eat Bulaga ng TAPE Inc. ang kanilang all-male group na Chaleco Boys na binubuo nila Yasser Marta, Kokoy de Santos, Michael Sager, at vlogger-actor na si Kimpoy Feliciano.

 

 

Binuo ang apat na Sparkle boys para magpakilig sa maraming nanonood ng ‘Eat Bulaga’. Ipapakita rin nila ang kanilang iba’t ibang talento, mula sa sa pagkanta, pagsayaw at pag-flex ng kanilang abs.

 

 

Si Yasser, na naging produkto noon ng singing contest ng ‘Eat Bulaga’ na ‘Spogify’ ay handa nang humataw at muling ipamalas ang maganda niyang tinig sa live audience Aabangan din ang kanyang sexy at balbon na katawan.

 

 

Si Kokoy naman ay ipapadama ang kanyang charm bilang isang komedyante na magpapasaya sa marami.

 

 

Isa naman si Michael sa miyembro ng Sparkada ng Sparkle at ang boy-next-door charm niya ang magiging dahilan kung bakit aabangan sa EB.

 

 

Ang YouTube content creator naman na si Kimpoy ay gagamitin ang kanyang pagiging influencer para mas tumaas ang viewership ng EB.

 

 

***

 

 

PUMANAW na sa edad na 56 ang irish singer na si Sinéad O’Connor.

 

Sumikat si Sinéad dahil sa hit cover version niya ng ‘Nothing Compares 2 U’ noong 1990.

 

 

Ayon sa report ng The Irish Times, walang nababanggit pa na cause of death ng singer, pero nagpadala na ng official statement ang pamilya nito.

 

 

“It is with great sadness that we announce the passing of our beloved Sinéad. Her family and friends are devastated and have requested privacy at this very difficult time.”

 

 

Marami ang nalungkot sa balitang ito dahil two years ago lamang, nag-commit ng suicide ang anak ni Sinéad na si Shane O’Connor sa edad na 17.

 

 

Nag-tweet pa noon si Sinéad na gusto na rin niyang mamatay noong mawala ang kanyang anak: “There is no point living without him. Everything I touch, I ruin. I only stayed for him. And now he’s gone. I’ve destroyed my family. My kids don’t want to know me.”

 

 

Nilagay on suicide watch si Sinéad at nalaman ng marami ang iba’t ibang mental health challenges nito, isa na rito ay ang paglaki niya sa isang abusive household. Na-diagnose din siya with PTSD and and bipolar disorder noong 2015 pagkatapos dumaan sa isang radical hysterectomy.

 

 

Naging overnight success si Sinéad dahil sa song na ‘Nothing Compares 2 U’ na sinundan niya ng isa pang hit song na ‘I Do Not Want What I Haven’t Got’.

 

 

Pero biglang nasira ang phenomenal career niya dahil sa ginawa niya sa ‘Saturday Night Live’ in 1992 nang punitin niya ang picture ni Pope John Paul II at sabihin on live televison na “fight the real enemy!”

 

 

Dahil sa ginawa niya, nabigyan siya ng lifetime ban sa show at bumagsak ang kanyang singing career.

 

 

Naging longtime supporter of women’s rights si Sinéad at mariin niyang pinaglalaban ang child abuse at racism.

 

 

Dalawang beses din siyang nagpalit ng pangalan. Una ay as Magda Davitt in 2017 at pangalawa ay bilang Shuhaha’ Sadaqat in 2018.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Three years din silang hindi nakapag-imbita: YASMIEN, excited nang nagpa-sneak peek sa pinare-renovate na house

Posted on: July 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na ang Kapuso star na gusto niyang makatrabaho ngayong bahagi na rin siya ng GMA Network ay walang iba kundi si Rabiya Mateo.

 

 

 

“I would still say Rabiya (Mateo). Rabiya was one of the first people I ever talked about GMA ‘cause she’s part of it and we’re really good friends. So I would really hope and I’m looking forward to be able to work them,” sey ng beauty queen.

 

 

 

Kabilang ngayon si Rabiya sa cast ng tinututukang Kapuso mystery murder drama series na ‘Royal Blood’, na bida si Dingdong Dantes.

 

 

 

Ayon kay Celeste, kinausap niya rin ang kanyang mga kaibigan na mga Kapuso bago siya nagdesisyong pumirma ng kontrata sa Sparkle.

 

 

 

“I have a lot of friends that are part of GMA, I have been talking to them a lot. And I’ve been a fan of GMA since the longest time. I attended the ball last year so I was very excited to be part of this family,” saad niya.

 

 

 

Nagpasalamat si Celeste sa kanyang manager, na nakipag-usap para sa kanya para matuloy ang pagpasok niya sa Kapuso Network.

 

 

 

“I’m so thankful for him because now I’m part of this family and I can finally be able to work with them,” sabi ni Celeste.

 

 

 

***

 

 

 

EXCITED na nagpa-sneak peek si Yasmien Kurdi sa pinare-renovate nilang bahay ng mister niyang si Rey Soldevilla.

 

 

 

Malaking bahagi ng kanilang bahay ang pina-renovate ng mag-asawa dahil dumarami na raw ang gamit nila at lumalaki na rin daw ang kanilang unica hija na si Ayesha.

 

 

 

Sa post ng ‘The Missing Husband’ star sa Instagram, humingi siya ng advice sa kanyang followers kung ano ang puwede nilang gawin sa dating maliit na space na pinalawak nila.

 

 

 

“Ano kaya magandang gawin sa space na ito sa bahay? Hindi madali magpa renovate ng bahay… #Teamwork talaga ang kailangan. Pero laban lang. Gusto niyo ba maglabas ako ng vlog soon? Tagal ko na di nag v-vlog. #HomeRenovationNiReyas #LabanLang”

 

 

 

Noong May nagsimula ang pag-renovate nila Yasmien at Rey sa kanilang bahay. Noong una raw ay parang kuntento na si Yasmien sa laki ng bahay nila, pero naisip din niya na gusto nila ni Rey na mag-entertain ng kanilang mga kaibigan.

 

 

 

Three years din daw silang hindi nakapag-imbita ng kanilang mga kaibigan dahil sa pandemic. Ngayon ay magagawa na raw nila ito ulit sa mas maluwag at pinalaki na bahay nila.

 

 

 

“Excited ako sa outcome at syempre papakita ko to sa inyo ito pag okay na sa YT. Magpapa-house tour ako! at makakainvite nako ng friends and co-workers sa house namin hehe!” caption pa ni Yasmien sa IG.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

PBBM, binawi na ang state of national emergency on account of lawless violence sa Mindanao

Posted on: July 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINAWI na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang  Proclamation No. 55, na nagdedeklara ng  state of national emergency on account of lawless violence sa Mindanao.

 

 

Ito’y matapos na maging maayos at naging mabuti ang peace and order situation doon.

 

 

Nakasaad sa  Proklamasyon Bilang 298  na tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nito lamang Hulyo 25, 2023 na  ang mga kondisyong umiiral kung saan ipinalabas ang Proklamasyon BIlang 55 noong 2016 ay humupa o nabawasan.

 

 

“Through successful focused military and law enforcement operations and programs that promote sustainable and inclusive peace, the government has made significant gains in improving and restoring peace and order in the region,” ang nakasaad sa proklamasyon.

 

 

“The lifting of Proclamation No. 55 (s. 2016) will boost economic activity and hasten the recovery of the local economy,” dagdag na pahayag ng proklamasyon.

 

 

Samantala, ang Proklamasyon Bilang 55 na ipinalabas noong Setyembre 4, 2016  ay “in view of the lawless violence perpetrated by private armies and local warlords, bandits, criminal syndicates, terrorist groups and religious extremists across the island groups.” (Daris Jose)

Presyo ng bilihin, pinangangambahanag tataas matapos ang bagyo

Posted on: July 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGANGAMBAHANG tataas ang presyo ng bigas, gulay, manok, isda at iba pang produkto matapos tumama ang supertyphoon na si Egay (international name Doksuri) sa ,gaa sakahan at coastal areas partikular sa Central at Northern Luzon regions.

 

 

Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas secretary general Ronnie Manalo, mas lalong tataas ang presyo ng pagkain at mga bilihin dahil sa epekto ng superbagyo.

 

 

Base sa initial assessment ng Department of Agriculture Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, nasa 2,009 ektarya ng palayan ang naapektuhan habang nasa 1,176 ektarya ng maisan ang nasira mataos bagyuhin ang Abra, Cagayan, Isabela, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan at iba pang bahagi ng Central at Southern Luzon provinces.

 

 

Inaasahan na tataas pa ang sira sa susunod na araw.

 

 

Sa ilang lugar sa Cagayan, binaha ang taniman ng palay at mais. Sinubukan naman ng mga magsasaka sa Pangasinan na anihin agad ang pananim bago ang takda sanang anihan.

 

 

Matinding tinamaan ng bagyo ang Ilocos region kung saan isinailalim na ito sa state of calamity dala na rin sa naapektuhang mahigit sa 21,000 katao. Sa Ilocos Sur, 14 munisipalidad ang wala pa ring kuryente at access sa manilins na tubig at mahigit sa 14,000 indibidwal ang nangangailangan ng agarang tulong.

 

 

Hinikayat naman ng grupo ang gobyerno na agad magpatupad ng price freeze sa mga nasalanta ng bagyo at magbigay tulong sa mga magsasaka at mangingisda at mga residenteng tinamaan ng bagyo.

 

 

Isang bagyo ang nakikitang namumuo, ayon sa PAGASA. Kapag pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility, tatawagin ang naturang tropical storm na FalconPH. (Daris Jose)

Tagumpay ang romcom serye ng Puregold Channel: WILBERT at YUKII, ‘di binigo ang tagasubaybay ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile”

Posted on: July 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na kamakailan ang pinakabagong hit na serye ng Puregold Channel ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile.

 

 

Ang isang season finale na talaga namang nakapagpasaya at nakapagpakilig sa mga tagasubabay, dahil sa wakas, nagtagpo na ang mga bidang sina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi), na nagpasyang maghiwalay ng landas sa nakaraang episode ng serye.

 

Ito na nga ang hinahangad na ‘happily ever after’ ng mga tapat na tagasunod ng ALSLNP, ilang taon na ang nakalipas mula noong nagpasya ang dalawa na lumayo at hanapin ang sarili, at ang kani-kaniyang pag-unlad.

 

Ipinakita rin ng finale ang pagwawakas sa iba pang aspekto gaya ng pagkakaibigan – sina Genski (Kat Galang) at Ketch (Migs Almendras). Nasaksihan din ng fans kung ano ang nangyari sa buhay ng nanay ni Bryce na si Bessie (Marissa Sanchez), at kuya ni Angge na si Cyrus (TJ Valderrama).

 

May pasilip din sa kinahantungan ng mga karera nina Bryce at Angge. Sumatotal, nagpamalas ng napakaraming aral ang ALSLNP sa mga realidad ng buhay, na damang-dama ng mga manonood.

 

Katulad ng nakaraang YouTube serye ng Puregold Channel na Ang Babae sa Likod ng Face Mask, at ang premyadong Tiktok serye na 52 Weeks, tagumpay ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile dahil sa pagbibigay nito ng aliw sa 219,000 nitong subscribers, pati na rin sa mga manonood sa iba pang platform.

 

Sa mga numero, kita rin ang tagumpay na ito ng ALSNP. Sa YouTube lamang ang views ng episodes ay mula 150,000 hanggang 300,000. Sa mga trailer naman, mayroong 190,000 hanggang 270,000 views.

 

Dahil sa tuwa ng mga fan, inihahayag nila ang mga naiisip at nararamdaman sa mga komento, na puno ng mga puri at paghanga sa bawat episode.

 

“Isang panalo para sa retailtainment ng Puregold itong ALSLNP,” sabi ni Ms. Ivy Hayagan-Piedad, ang Marketing Manager ng Puregold, “Masaya kami na lumikha kami ng kuwentong ipinapakita ang kultura at pinahahalagahan ng mga Pilipino, at pati na rin ang mga napapanahong isyu.”

 

Hindi rin mapigil ng mga fan na ibahagi ang kanilang pagkasabik sa huling episode:

 

Sabi ni @easterlizaborcelis, “Grabeng ganda. Lagi akong nakaabang sa episode nito. More please.”

 

“Naaliw ako sa series na ito. More projects for these actors and actresses. Sarap din minsan makanapanood ng light lang na drama, may comedy pa,” dagdag ni @pril0413.

 

Hinikayat naman ni @danicatresvalles6461 ang Puregold na lumikha pa ng ganitong mga kuwento. “More pa sanang ganito, please, Puregold. The best ka!”

 

Kontento naman si @bricemendez6401 sa pagtatapos ng serye. “Nagustuhan ko talaga ito. Husay, lahat panalo! Para sa akin bu-solve na ako rito, hindi bitin, hindi na kailangan ng season 2. Naipasok na lahat ng sustansya’t aral dito sa series na ito. Pero sana magkaroon ulit ng Yukii-Wilbert projects.”

 

Sa kabilang banda, umaasa si @grandesorellavlog4582 na may ikalawang season pa. “Wah! Thanks Ninang Puregold. I love it. I hope may Season 2 for them. This story has a lesson for everyone na you have to be brave and take a risk to [express] your feelings to the person that is special [in] your life, so that you will have no regrets in life.”

Sabi ni Piedad sa fans ng ALSLNP at tagasubaybay ng Puregold Channel: “Nangangako kami sa Puregold na magsisilbi sa mga suki sa pinakamahusay na paraan.

 

 

Nagbibigay kami hindi lamang ng dakalidad na produkto, kung hindi pati na rin content na nagbibigay-saya at inspirasyon. Mag-subscribe lamang at abangan ang iba pang magagandang kuwento!”

 

Maaari pang makibahagi sa fandom ng ALSLNP at mapanood ang nakaraang mga episode, na nakatampok sa opisyal na Puregold YouTube Channel. Sa mga hindi pa nakapapanood ng huling episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, maaari ring panoorin ang finale sa YouTube.

 

Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa iba pang update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at i-like ang @puregoldph sa Tiktok.

(ROHN ŔOMULO)

PBBM, nagpaabot ng pagbati sa INC sa ika-109 na Anibersaryo ng Pagkakatatag

Posted on: July 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng kanyang mainit na pagbati si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kapatid na Iglesia Ni Cristo (INC) na nagdiriwang ngayon ng kanilang 109th Founding Anniversary (Anibersaryo ng Pagkakatatag).

 

 

Ang wish niya sa religious organization ay magkaroon pa ng mas maraming lakas para isulong ang kanilang misyon hindi lamang para  sa kanilang samahan kundi sa buong bansa.

 

 

“Kaisa ng sambayanang Pilipino, binabati ko ang bawat Kapatid ng Iglesia Ni Cristo sa pagdiriwang ng inyong ika-109 na Anibersaryo ng Pagkakatatag,”  ang mensahe ng Pangulo sa  INC.

 

 

“Nawa’y sa selebrasyong ito, higit pang tumibay ang inyong pagkakaisa sa pananalangin at pagkilos tungo sa katuparan ng inyong mga layunin at mithiin para sa inyong simbahan at sa buong sambayanan,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Umaasa naman ang Pangulong  Marcos na magpapatuloy ang pag-unlad at pagiging matatag ng religious institution sa mga darating na taon.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo na patuloy na naglilingkod ang INC  bilang gabay na liaw sa  kanilang kalupunan upang maging  “strongly united group.”

 

 

Binigyang diin pa rin ng Punong Ehekutibo na nagagalak siya na ang INC, ang mga minister, at mga miyembro nito ay “religiously sharing their faith and teachings” hindi lamang sa pamamagitan ng ebanghelisasyon kundi maging sa pamamagitan ng kanilang ” acts of charity.”

 

 

“Gawin ninyong bukal ng lakas at inspirasyon ang mga aral na iniwan ni Hesus. Ipagdasal po ninyo ang ating bansa at kapwa mga Pilipino na patuloy na pagpalain ng Panginoon at bigyan ng sapat na lakas upang harapin ang mga hamon ng bukas,” ayon sa Pangulo.

 

 

Samantala, umaasa rin ang Pangulo na  INC, sa ilalim ng liderato ni Executive Minister nito na si Ka Eduardo Manalo, ay magpapatuloy na magiging katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong para sa progresibo, mapayapa at nagkakaisang Pilipinas. (Daris Jose)

Malaysia, nag-alok ng pagsasanay na may kinalaman sa Halal industry, Islamic banking

Posted on: July 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpahayag ng intensyon ang Malaysian authorities na sanayin ang kanilang Filipino counterparts sa pagpapatakbo ng Halal industry at Islamic banking.

 

 

“Building on our bilateral relations, our governments commit to closely coordinate efforts to build capacity in the Bangsamoro Autonomous Region in southern Philippines, in Muslim Mindanao, especially on sectors such as the Halal industry, Islamic banking and food security,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang joint statement matapos makipagpulong kay Prime Minister Anwar Ibrahim.

 

 

“Malaysia has warmly offered their expertise to train Philippine personnel and officials to strengthen our capabilities in these increasingly important sectors,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Para kay Anwar, dapat na ang dalawang bansa ay magpatupad ng mga hakbang na makapagbibigay katiyakan sa pagpasok ng  Halal industry sa  Middle Eastern market.

 

 

“We mentioned also the potential for Halal industry in both countries. We will certainly do our most in terms of the issue of certification but I think jointly we should undertake some effective measures to ensure that the Halal industry can penetrate more effectively into the Middle Eastern Market in particular,” ayon kay Anwar sa  joint statement.

 

 

Binanggit din ni Anwar na napag-usapan nila sa pulong ang kalakalan at investments.

 

 

Nagpasalamat naman si  Pangulong Marcos kina Anwar at sa Kanyang kamahalan King Al-Sultan Abdullah para sa tulong ng Malaysia pagdating sa pagpapahusay o pagpapabuti sa southern Philippines, lalo na sa   Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

 

“It has been an important part on whatever success that we might enjoy today and that has been a foothold, a further foothold for us to use and continue to develop our relations between our two countries,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Samantala, kasalukuyan ngayong nasa  Kuala Lumpur si Pangulong Marcos para sa kanyang  state visit na naglalayong palakasin ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa. (Daris Jose)