Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
PINABULAANAN ng TAPE Inc. na hanggang katapusan ng July ang Eat Bulaga.
Kumalat ang balita online pagkatapos na makakuha ng mababang rating ang Eat Bulaga noong July 1 when “It’s Showtime” and “E. A. T.” premiered on GTV and TV5 respectively.
Pero sa latest ratings report, the viewership of Eat Bulaga has increased by at least 0.7% by July 3, and continued to increase by July 5.
Sa isang statement na galing kay Atty. Maggie Abraham Garduque, ito ang nakalagay:
“There is no reason for that. We do not contest that on July 1, mababa ang rating of ‘Eat Bulaga’ because of the anticipation of people on the launch of new shows, but thereafter, makikita na tumataas na ulit ang ratings nito.
“Eat Bulaga segments are doing great, lalo na yung segment ni Yorme (Isko Moreno) and Buboy (Villar). Hey! Mr. Rider is sobrang patok na patok sa mga members ng motorcycle associations.
“Ang Eat Bulaga ay para sa tao at hanggang maraming manonood, ang tumatangkilik, patuloy ang Eat Bulaga sa pagbibigay ng saya at tulong sa mga kababayan natin.”
Ang legal team ni Garduque ay magsisimula ng imbestigasyon para malaman kung sino ang nagkakalat ng tsismis para sampahan nila ito ng kaso.
***
DAPAT na kaiinggitan ng mga artista si Gladys Reyes dahil siya ay walang nagiging problema kunsaan man siyang TV show na magtrabaho.
Ngayon ay mapapanood si Gladys sa ‘It’s Showtime’ bilang hurado ng Mini Ms. U. Magsisimula na rin siya ng taping para sa ‘Black Rider’ ng GMA Public Affairs. Puwede rin daw siyang tumanggap ng trabaho sa TV5 at sa Net25.
“Ito lang naman ang hiling naming mga artista, ‘di ba? Magtuluy-tuloy lang ang trabaho. Alam n’yo naman ako, isang katrabaho. Kahit saan ako, Kapuso, Kapamilya, Kapatid,” sey pa ni Gladys Reyes sa kanyang belated birthday celebration/thanksgiving party.
Inuulan din si Gladys ng suwerte sa negosyo dahil sa husay sa pag-manage ng mister niyang si Christopher Roxas.
Ang kanilang ‘Tayo Na Sosyo-Negosyo’ ay iba’t ibang food business kunsaan puwede kang mag-invest at maalagaan nila ang pinasok mong pera.
“Gusto naming makatulong lalo na sa mga OFW na nagta-trabaho sa ibang bansa. Pwede silang mag-invest or makipag-sosyo sa amin. Kasi safe ang pera sa food business,” sey pa ni Gladys.
Proud naman si Gladys sa mga papuri na natanggap ng kanyang panganay na si Gian Christophe Roxas. Bukod sa naka-graduate ito ng senior high school with honors, nagpakitang-gilas ito sa pag-awit at pagsayaw sa kanyang party. Future matinee idol si Christophe pero mukhang mas gusto muna nitong mag-focus sa pagpasok nito sa kolehiyo.
***
AFTER 6 years ay nauwi sa divorce ang marriage ng former Latin Pop Superstar Ricky Martin sa mister na si Jwan Yosef.
“We have decided to end our marriage with love, respect and dignity for our children and honoring what we have experienced as a couple all these wonderful years. Our greatest desire now is to continue having a healthy family dynamic and a relationship centered on peace and friendship to continue the joint upbringing of our children, preserving the respect and love we have for each other,” ayon sa joint statement.
Apat ang anak nila na sina Lucia, 4, Renn, 3 and twin sons Matteo and Valentino, 14.
Sa Instagram nagkakilala sina Ricky at Jwan noong 2015. Kinasal sila noong 2018.
(RUEL J. MENDOZA)
NAPAPANSIN na rin kahit ng mga fans ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards ang sunud-sunod na paggawa niya ng mga projects, movies man o sa television.
Simula nga nang gawin niya ang movie na first time nilang pagtatambalan ni Julia Montes na “Five Break-Ups and A Romance,” sinundan niya agad ito ng pagti-taping ng mga episodes ng “Battle of the Judges” na he is the host, with judges Boy Abunda, Atty. Annette Gozon-Valdes, Jose Manalo and Bea Alonzo.
Nasundan agad ito ng movie na first time nilang pagsasamahan ni Megastar Sharon Cuneta, ang “A Mother & Son’s Story” na intended for the coming Metro Manila Film Festival 2023.
Ilang araw na lamang ang shooting nila at matatapos na ang movie na dinidirek ni Nuel Naval sa script ni Mel del Rosario, for CinemaKo Productions.
Ngayon naman ay nagsimula nang mag-taping si Alden ng “Magpakailanman” drama anthology hosted by Mel Tiangco.
Tweet ng fan ni Alden, “nakatakdang magbalik for an inspiring and unique episode ang Asia’s MultiMedia Star sa award-winning drama anthology na @MPKGMA.”
Pero ang sabi, hindi lamang isang episode ang gagawin ni Alden.
Meanwhile, sa Saturday na, July 15, ang pilot telecast ng “Battle of the Judges,” 7:15 PM, sa GMA-7.
***
MARAMING netizens ang humanga sa post ni Jodi Sta. Maria, sa kanyang social media ng “so happy to be your classmate, anak…”
Kamakailan lamang kasi, nag-post si Jodi na nag-graduate na sa senior high school ang anak na si Thirdy (with partner Pampi Lacson).
Jodi shared to her followers na magkaklase sila ngayon ni Thirday sa culinary class nila sa Center for Asian Culinary Studies.
Makikita sa post ang mga photos nilang mag-ina, kasama ang iba nilang classmates habang nagbi-bake. Matagal na pala nilang pinag-usapan na sana raw maging magkaklase sila sa school.
Kaya kasama sa caption ni Jodi: “dati pinag-uusapan lang natin na sana maging classmates tayo and today that happened. So happy to be your classmate anak. Always here to support you every step of the way.”
Umani naman ng positive comments ang post ni Jodi mula sa kanyang mga followers. Tamang-tama namang natupad nina Jodi at Thirdy ang wish nilang magkasamang mag-aral, dahil free na si Jodi from work since tapos na niya ang taping ng “Unbreak My Heart,” ang biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN at Viu, na gabi-gabing napapanood sa GMA-7 at 9:30p.m. Patuloy na tumataas ang rating ng serye na nagtatampok din kina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap and other Kapuso and Kapamilya stars.
***
IPINAKILALA na sa story conference ng GMA Public Affairs ang cast na bubuo sa bagong action series na “Black Rider” na pinangungunahan ni Ruru Madrid at ng bagong Kapuso actor and TV host na si Matteo Guidicelli.
Lahat-lahat ay 28 actors ang bubuo sa main cast at ang kapuna-puna rito, marami sa kanila ay muling magbabalik sa pag-arte, tulad ni first StarStruck graduate na si Rainier Castillo.
Nagbabalik-Kapuso rin si Raymart Santiago, at matagal-tagal na ring hindi napapanood sa GMA sina Rio Locsin, Roi Vinzon, Almira Muhlach, Raymond Bagatsing.
Ilan pa rin sa bubuo ng cast sina Katrina Halili, Gladys Reyes, Zoren Legaspi at mga Sparkle GMA Artists. Secret pa raw kung sinu-sino ang mga leading ladies nina Ruru.
Naka-schedule ang airing ng “Black Rider” before the year ends sa GMA Primetime.
(NORA V. CALDERON)