• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 10th, 2023

Sa October na ang kasal nila ni Timmy: MAXINE, hands-on sa preparations para sa church and beach wedding

Posted on: July 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ILANG buwan na lang at ikakasal na si Maxine Medina sa kanyang fiance na si Timmy Llana.

 

 

 

Hands-on ang former Miss Universe-Philippines 2016 sa wedding preparations kaya minsan daw ay overwhelmed siya. Pero ginagawa na lang daw niyang masayang activity ang pag-asikaso ng kanyang nalalapit na kasal.

 

 

 

“As the countdown to our big day @timmyllana begins, I’m feeling a mix of emotions – excitement, happiness, and a little bit of nerves. But most of all, I’m grateful to be marrying the person who fills my heart with love and joy!” caption pa ni Maxine sa isang post sa Instagram.

 

 

 

Na-check off na ng ‘Magandang Dilag’ star ang prenuptial shoot nila na kinunan pa sa Vigan City, Ilocos Sur.

 

 

 

Sa naturang shoot, suot ni Maxine ay body-hugging dress na may pink balloon sleeves and pearl embellishments na gawa ng designer na si Francis Libiran.

 

 

 

Kinunan sila ni Timmy habang naglalakad sa pamosong Calle Crisologo at sa loob ng isang ancestral house.

 

 

 

“Can’t wait to see what the future holds for us my love @timmyllana,” caption ni Maxine sa pinost niyang prenup photos on IG.

 

 

 

Dalawang wedding dates ang magaganap sa October para kina Maxine at Timmy. Una ay isang beach wedding at susunod ang formal church wedding.

 

 

 

***

 

 

 

BALIK sa paggawa si Katrina Halili ng teleserye at kasama siya sa malaking cast ng ‘Rider’ na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

 

 

 

Huling ginawa ni Katrina ang teleserye na ‘Unica Hija’ at noong matapos ito ay umuwi siya ng Palawan para maasikaso ang negosyo niya roon at para rin makapagpahinga kasama ang kanyang anak na si Katy.

 

 

 

Ngayon at may bago na ulit siyang show, muling nag-a-adjust si Katrina dahil mapapasabak daw siya sa ilang action scenes na sana’y magawa pa niya.

 

 

 

“Noong sabihin nila sa akin na action itong teleserye na gagawin ko, bigla akong kinabahan dahil matagal akong hindi nakagawa ng ganitong klaseng teleserye. Ilang taon na puro drama lang ako. Huli kong nagawang teleserye na may action scenes ay ‘yung Darna na 13 years ago pa.

 

 

 

“Sinabi naman sa akin na hindi raw ako masyadong pahihirapan. Ready naman ako sa kahit anong role. Kailangan ko lang mag-workout at mag-diet ulit dahil mahaba-haba rin ang bakasyon ko,” tawa pa ni Katrina.

 

 

 

Bukod kay Ruru, makakasama rin ni Katrina sa Black Rider ng GMA Public Affairs sina Matteo Guidicelli, Raymart Santiago, Gladys Reyes, Gary Estrada, Zoren Legaspi, Raymond Bagatsing, Jon Lucas, Kim Perez, Empoy Maquez, Luis Hontiveros, Almira Muhlach, Jayson Gainza, Joaquin Manasala, Pipay, Saviour Ramos, Vance Larena, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Turing, Prince Clemente at Rainier Castillo.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Emosyonal sa academic achievement ng anak: AIKO, sulit ang paghihirap sa trabaho para sa pag-aaral ni MARTHENA

Posted on: July 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ni Aiko Melendez sa kanayng social media accounts ang achievement ng anak nila ni Martin Jickain na si Marthena Jickain.

 

 

Isinaad ni Aiko sa isang Instagram post ang pagbati niya sa academic achievement ni Mimi.

 

 

Ani Aiko, “Congratulations on graduating!.. You are an achiever. … You make me so proud of being your mother! We are all rooting for you, my dear Mimi.”

 

 

Dugtong pa ni Aiko, sulit ang kanyang paghihirap sa trabaho para sa pag-aaral ni Marthena.

 

 

“Mama’s sleepless and tireless night over taping and shootings is all so worth it. And if mama AIKO would have to do tons of work just to send you to all the best schools, I would, without a doubt! Never get tired of learning, it’s a treasure! I can proudly say soon we have a future lawyer in the family 💚 This is just the beginning of beautiful things to come :)”

 

 

Pag-amin pa ni Aiko, emosyonal siya dahil sa achievement ni Marthena.

 

 

“@jickainmarthena PS! Teary-eyed mama here 💚”

 

 

Kasali sa isang photo na ipinost ni Aiko ang certificate ni Marthena. Saad sa certificate na ito ay ang Oxford Summer Courses at natapos ni Marthena ang kursong Law.

 

 

***

 

MULA noong bumalik siya sa Amerika noong March 2020 ay naging isang successful real estate agent si Sebastian Castro.

 

 

At ngayong 2023 ay binalikan niya ang pag-arte sa harap ng kamera bilang isang artista.

 

 

Ibinahagi ni Sebastian kung paano siya nakuha nina Dextert Paglinawan Hemedez at Allan Michael Ibañez, na series creators ng Stay, na maging bida sa nabanggit na Boys’ Love o BL series.

 

 

“Facebook and Instagram and my work email, I believe,“ umpisang kuwento ni Sebastion kung saan siya unang kinontak nina Dexter at Allan.

 

 

Ano ang unang pumasok sa isip niya nang nabasa niya ang mensahe sa kanya ng dalawang direkor.

 

 

“In my head I have sort of left Philippine showbusiness completely, right? I have not been doing projects for two plus years so I was okay with just sort of moving on.

 

 

“But they reached out to me, offered this particular role for the lead role of the series and I loved the character from the first read.

 

 

“So I play Andre in Stay and Andre is such a fun mess,” ang natatawang bulalas pa ni Sebastian.

 

 

“He is a character who makes a lot of mistakes but he tries… and watching him either cover it up or make up for those mistakes is very entertaining.

 

 

“And I think at the heart of the story there‘s a very good love story with lots of kilig.

 

 

“So I definitely was surprised and grateful that that role fell in front of me and I did tell them, I was very happy to tell them, yes I was happy to play it.”

 

 

Gumaganap si Sebastian sa Stay bilang Pilipinong direktor na si Andre na sinubukan ang kanyang kapalaran sa Amerika at ina naman ni Andre si Grace na ginagampanan naman ni Lotlot de Leon.

 

 

Tampok rin sa Stay ang American theater actor na si Ellis Gage bilang si Joshua, ang love interest ni Andre, at ang Filipino drag queen na based na sa US na si Bombalicious Eklaver bilang si Mikyla na bestfriend ni Andre.

 

 

Napapanood na sa Facebook page at Youtube channel ng Team Campy Entertainment ang ‘Stay’.

(ROMMEL L. GONZALES)

THE MOON, STARRING SUL KYUNG-GU AND EXO’S DOH KYUNG-SOO, OPENS IN PH CINEMAS AUG 16

Posted on: July 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Mark your calendars! 

 

The Moon, a gripping, emotional, epic-action, and one of Korea’s highly anticipated films of the year, will open across the Philippines on AUGUST 16. Watch the teaser trailer now.

 

 

 

YouTube Trailer Link: https://youtu.be/n3XFeKvn3yk

 

 

 

The film is directed by Kim Yong-hwa, one of the most prominent genre directors in Korean cinema. It stars veteran actor Sul Kyung-gu (Phantom, The Book of Fish, Man of Men, Birthday) and EXO member Doh Kyung-soo (Underdog, Swingkids, Along With The Gods series) as an astronaut stranded in space. The cast also includes award-winning actress Kim Hee-ae (The World of the Married).

 

 

 

In The Moon, Korea’s first manned mission to the moon ends in a tragic disaster when an explosion occurs on board. Seven years later, a second human spaceflight is launched successfully but a strong solar wind causes it to malfunction. One astronaut Sun-woo (DOH) is left stranded in space. Facing another fatal catastrophe, the Naro Space Center turns to its former managing director Dr. Kim (SUL) to help bring Sun-woo back home safely.

 

 

 

Opening in Philippine cinemas August 16, The Moon is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #TheMoonMoviePH

(ROHN ROMULO)

After Gretchen at Claudine… JULIA, ‘di pa rin makapaniwalang makatatambal si AGA

Posted on: July 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WILLING pala si Kapuso actress Carla Abellana na mag-guest sa afternoon noontime show na “It’s Showtime” sa GTV ng GMA Network, kung mai-invite at papayagan naman siya.  

 

 

Natuwa nga raw siya sa collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN, “it’s very surprising, but also refreshing, kaya payag akong mag-guest o mag-host sa “It’s Showtime.”

 

 

Sa ngayon ay busy si Carla sa taping ng teleseryeng “Stolen Life” sa GMA, na muli niyang makakasama si Gabby Concepcion at first time naman niya makakatrabaho si Beauty Gonzalez.

 

 

 “I love Beauty, she’s very giving as a co-actor, I love her energy, I love working with her,” wika ni Carla.  “With Gabby naman, ang ganda ng pinagsamahan namin sa teleseryeng ginawa namin, yung “Because of You.” Masayahing tao si Gabby, easygoing, di siya mahirap katrabaho and nakakatuwa.”

 

 

“Medyo lamang mahirap ang role namin ni Beauty sa “Stolen Life,” pareho kaming nagiging good at nagiging bad, dahil iyong mga souls nila lumilipat sa katawan ng isa’t isa.  First time lamang naming nakaganap ng dual role, pero na-challenge kami portraying our roles.”

 

 

Ayon pa kay Carla last January pa raw sila nag-start mag-taping at very soon ay mapapanood na rin sila sa GMA Afternoon Prime.

 

 

***

 

 

HALOS hindi pala makapaniwala si Julia Barretto nang mabalitaan niya na makakatrabaho niya ang dramatic actor na si Aga Muhlach.  Magtatambal ang dalawa sa pelikulang “Forgetting Canseco” ng Viva Films.

 

 

“I don’t know his real life, I’m on cloud 9, I’m deeply honored and really grateful to be a part of this.  I meant it when I said I’m excited but really nervous.  I’m working with the original heartthrob and the legend,” nakangiting sabi ni Julia.

 

 

Ang nakatambal ni Aga noon ay ang mga aunties niyang sina Gretchen at Claudine Barretto,  Kaya nakakaramdam daw siya ng hiya sa veteran actor, at nahihiya pa rin daw siya kung paano niya i-address si Aga.

 

 

Nang mag-look test nga raw sila, nag-request siyang ipadala ang photo nila sa kanya at ipinadala niya iyon sa mommy niya, si Marjorie Barretto.

 

 

 “This is my dream project.  I’m really happy that this is happening.  I don’t have any doubts.   I don’t want to contradict anything that we will do. I’m really overwhelmed and I’m just grateful.”

 

 

Very soon ay magsisimula na silang mag-shooting ng pelikula.

 

 

“I’m excited to learn, I’m excited to be stretched in so many ways doing this film,” sabi pa ni Julia.

 

 

***

 

 

NAG-GRADUATE ng Mass Communication si Cesar Montano sa Lyceum of the Philippines University last April 2009, pero hindi siya huminto sa pag-aaral, kahit panahon ng pandemic.

 

 

And last Thursday, July 6, 2023, muling nagtapos ng bagong course ang multi-awardee actor at the age of 60, at Master in Public Safety Administration ang tinapos ni Cesar mula sa Philippine Public Safety College (National Police College).  Tumanggap din siya ng Best in Policy Paper Award.  Scholar si Cesar sa Philipping Safety College at isa siya sa 47 members ng regular class ng RC 2023-2024 na tumanggap ng diploma.

 

 

Si Cesar ang nag-iisang showbiz personality sa kanilang klase na kinabibilangan ng mga police officers na may rank na lieutenant colonel, jail officers (mula chief inspector hanggang senior superintendent), coast guard commanders, doctorate degree holders, school administrators at principals at mga opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG).

 

 

Isa na ngayong ganap na public safety expert si Cesar. Congratulations!

(NORA V. CALDERON)

Ads July 10, 2023

Posted on: July 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments