• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 12th, 2023

LATEST PHOTOS THAT ARE MUST-SEE SCENES IN CINEMAS IN CHRISTOPHER NOLAN’S MOST AMBITIOUS FILM TO-DATE “OPPENHEIMER” (PART 2)

Posted on: July 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UNIVERSAL Pictures has just released the latest photos of Christopher Nolan’s latest epic film “Oppenheimer” that will open in cinemas (PH) nationwide on July 19.

 

The photos are so stunning that one can’t help but get excited on how it will finally roll in cinemas!  But first let’s meet the characters of “Oppenheimer” played by actors meant to fit into the roles of the movers and shakers that changed the world.

 

Oscar®-nominated writer-director Christopher Nolan brings to screen “Oppenheimer”, his most ambitious and urgent movie yet, a sweeping, epic thriller that delves deep into the psyche of a singular American mind: the brilliant scientist behind the world-shattering invention of the atomic bomb that represented the total sum of human ingenuity, an invention that would remake civilization, even as its very existence threatened the future of mankind.

 

Robert Downey, Jr. as Lewis Strauss

Lewis Strauss was a founding commissioner of the Atomic Energy Commission in 1947, playing a key role in shaping America’s post-war nuclear policy.  The Oppenheimer opportunity arrived in Downey Jr.’s life at a moment when he was trying to be choosy following his blockbuster run playing the foremost avenger of the Marvel Cinematic Universe. “I had been cooling my heels for about a year before the pandemic, just reacquainting myself with my family and other interests because I had been working super consistently,” says Downey Jr.  “But this was Christopher Nolan, doing something that was important to him. The cast was this large gathering of folks who have their choice of projects. And just as soon as we were under way, world events lined up in a way that turned this movie into an important metaphor that could speak to any number of things. So, it was kind of a no- brainer.”

 

Florence Pugh as Jean Tatlock

An intellectual, deep-feeling introvert, sensual, free-spirited, yet prone to bouts of melancholy, Jean Tatlock was a Stanford-educated psychiatrist who had an intense yet tortured romance with J. Robert Oppenheimer.  To play Tatlock, the filmmakers cast Florence Pugh, whose performances in Black Widow, Midsommar and Little Women, which earned her an Oscar® nomination, have made her one of Hollywood’s brightest young stars. She took the part for the chance to work with a director she admired. “It’s a Christopher Nolan movie, number one,” says Pugh, “and number two, he has one of the most incredible leads. Cillian Murphy is an actor that I have been watching for quite some time and have been desperate to work with for ages. You’d have to be mad to say no. It felt like I was playing sports with some of the best athletes, so it was truly one of the best experiences that I’ve had.”

 

Josh Hartnett as Ernest Lawrence

To play the physicist Lawrence, Nolan chose Josh Hartnett, no stranger to big films that tackle the morality of war and military heroics, having played an Army pilot in Michael Bay’s Pearl Harbor and an Army ranger in Ridley Scott’s Black Hawk Down.  Returning to movies after taking time off to focus on raising kids, Hartnett re-engages the genre that made him a star through a different kind of character. “I knew a bit about Oppenheimer, but not Lawrence and how he was instrumental in creating nuclear weapons and what is now our 21st century dilemma,” Hartnett says. “He’s the most important and impressive historical figure from the 20th Century that I knew nothing about. He developed the cyclotron, developed the concept of big science, he basically gave birth to what is now the super-collider. Everything has changed because of this guy and his tinkering.”

 

Also starring Oscar® winner Casey Affleck as Boris Pash, chief of Army counter-intelligence at the Presidio in San Francisco, Oscar® winner Rami Malek plays David Hill, an associate experimental physicist, Matthew Modine as Vannevar Bush, head of the U.S. Office of Scientific Research and Development, Oscar® nominee Tom Conti as Albert Einstein and Oscar® winning filmmaker and actor Kenneth Branagh plays Nobel Prize winning physicist Niels Bohr.

 

Oppenheimer is filmed in a combination of IMAX® 65mm and 65mm large-format film photography including, for the first time ever, sections in IMAX® black and white analogue photography.

(ROHN ROMULO)

Nagbibiro na si Luis ng baby number 2: JESSY, inaming nabibilisan sila sa paglaki ni Baby ROSIE

Posted on: July 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANGANAK noong December 28, 2022 si Jessy Mendiola sa unang anak nila ni Luis Manzano na si Isabella Rose.

 

 

Ano na ang mga “kakulitan” ni Baby Rosie o Peanut?

 

 

“Naku ayaw na niyang magpababa ngayon! Ayaw na niya, tapos tumitili na siya, pag pinapaliguan namin siya, pag pinapalitan ko siya ng diaper naninipa na, malikot na talaga siya.

 

 

“Tapos nakaka-upo na siyang mag-isa, tapos nag-start na siya ng solid food journey niya, so talagang parang mixed emotions kami, kasi bittersweet siya na, ‘Wow, lumalaki na siya!’

 

 

“Yung progress niya amazing, but then, parang nakaka-sad ng konti, kasi parang, ‘I don’t want you to grow up just yet’. Si Luis nga sabi niya, ‘Anak magso-solids ka na’, tapos sabi ko, ‘Oh-oh’, para siyang naiiyak, kasi sabi niya, ‘Ang bilis niyang lumaki’.

 

 

“Tapos tiningnan niya ako, sabi niya, ‘Number 2?’, sabi ko, ‘Wait lang! Hello! Wala pang one year!’ At tumawa si Jessy.

 

 

“Pero talagang ano, I’m just really amazed as a mother, as a new mother, grabe, yung parang totoo pala yun, hindi mo alam kung paano mo sisimulan, gagawin mo na lang siya, ganun!”

 

 

Balik na si Jessy sa mga showbiz events…

 

 

“Grabe, first ever event ko ‘to after kong manganak, as in! Kaya parang wow, ganito pala ang events ngayon, back to normal,” ang bulalas pa ni Jessy sa grand opening ng Manila Diamond Studio.

 

 

Matatagpuan ito sa 5th floor ng EDSA Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City kung saan sila ni Alexa Ilacad ang mga celebrity endorsers ng naturang jewelry store.

 

 

***

 

 

KONTRABIDA to the max si Moira Tanyag na buong husay na ginagampanan ni Pinky Amador sa Abot Kamay Na Pangarap.

 

Minsan, may mga viewers na “nadadala” sa acting ng isang artista, na naniniwala na sa tunay na buhay ay salbahe nga ang artistang kontrabida napapanood sa telebisyon o pelikula.

 

Kaya tinanong namin si Pinky kung may umaway na sa kanya sa mall o anumang pampublikong lugar?

 

“Wala pa naman! Pero online marami!

 

“Ay, grabe yung mga talagang…di ba sa Tiktok sumasayaw kami, ‘Hindi ka naman marunong sumayaw, dalawang kaliwa ang paa mo!’

 

“Parang pagtingin ko hindi naman, pero… so I deal with them different ways, yung iba pag talagang bastos na or like there are slurs or talagang cussing, or talagang yung hindi lang nadala sa istorya, minsan ini-screenshot ko tapos pino-post ko,” at tumawa si Pinky, “para naman may accountability tayo ng konti, di ba?

 

“Pero yung mga nadadala lang sa show okay lang yun, kasi if you really know the power of storytelling, you know na may madadala at madadala, kaya nga kayo nandiyan, di ba?

 

“Para madala sila sa kuwento niyo. So yun, I think if anything, Abot Kamay is a testament to the power of storytelling and the brilliance of the creative team.”

 

Ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’ na seryeng napapanood sa GMA ay sa direksyon ni LA Madridejos at tinatampukan nina Jillian Ward, Carmina Villarroel, Richard Yap, Kazel Kinouchi, Allan Dizon at marami pang iba.

 

 

May mahalagang papel rin sa serye ang batikang aktres na si Dina Bonnevie na madalas kaeksena ni Pinky.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Singil ng kuryente para sa buwan ng Hulyo, ibinababa ng Meralco

Posted on: July 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ANUNSYO ang Meralco ng pababang pagsasaayos sa mga singil sa kuryente para sa Hulyo, kasunod ng mga sunod-sunod na buwan ng pagtaas, habang bumababa ang mga singil sa generation at transmission period.

 

 

Sa isang advisory, sinabi ng Meralco na ibababa nito ang rates ng P0.72 kada kilowatt-hour (/kWh), na magdadala sa kabuuang rate para sa isang tipikal na sambahayan sa P11.18/kWh mula sa P11.91/kWh noong nakaraang buwan.

 

 

Ang mga pagbabago ay isasalin sa P144 na pagbaba sa kabuuang singil sa kuryente ng mga residential customer na kumokonsumo ng 200 kWh.

 

 

Dumating ito habang ang generation charge ay bumaba ng P0.64/kWh hanggang P6.60/kWh.

 

 

Ang transmission and other charges kabilang ang mga tax at subsidies ay nag-post din ng net reduction na P0.07/kWh.

 

 

Nanawagan din ang Meralco sa mga customer nito na mag-apply para sa lifeline discounts, kasunod ng pag-amyenda sa mga patakaran para sa Lifeline Rate program nito. (Daris Jose)

US$600-M inutang ng gobyerno para palakasin ang agri at fisheries sector

Posted on: July 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASA US$600 million ang inutang ng gobyerno sa World bank na gagamiting pangtustos sa Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up na layong baguhin ang agrikultura para sa isang moderno at industrialized sector sa pamamagitan ng public infrastructure intervention at palawakin ang commodity value chain.

 

 

Ang PRDP Scale-Up ay proyekto ng Department of Agriculture (DA) na siyang tutugon sa mga hamon na kinakaharap ng agriculture and fisheries sector at rural communities sa bansa.

 

 

Ang nasabing proyekto ay magpapalakas sa mga magsasaka at mangingisda na magkaroon ng mabilis na access sa merkado, mapataas ang kanilang kita mula sa mga piling agri-fishery value chains, ng sa gayon ma-improve ang efficiency sa food supply chain.

 

 

Una ng binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr., ang kahalagahan na ma develop ang agriculture sector hindi lamang sa production kundi maging ang kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda.

 

 

Sakop ng nasabing proyekto ang 16 na rehiyon na binubuo ng 82 probinsiya sa buong bansa. (Daris Jose)

Konstruksyon ng MMSP umuusad ayon sa timeline

Posted on: July 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA ISANG ginawang inspeksyon ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang mga miyembro ng media ng Metro Manila Subway Project (MMSP) sa lungsod ng Valenzuela ay nakitang ang konstruksyon ay umuusad ayon sa timeline na binigay ng DOTr.

 

 

Kasama sa inspeksyon na pinamumunuan ni DOTr Secretary Jaime Bautista, kanyang sinabi na inaasahang matatapos ang 33-kilometro MMSP sa darating na taong 2029 kung saan ito ay magkakaron ng full operation.

 

 

Ang MMSP ay may bilis na 80 kph kung saan ay inaasahan na magkakaron ng mas konbinieteng at komportableng paglalakbay ang mga pasahero mula sa lungsod ng Valenzuela hanggang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA T3) at balikan sapagkat ang travel time ay magiging 30 minuto na lamang kumpara sa dating 41 minuto.

 

 

May 519,000 na pasahero ang inaasahang gagamit at sasakay sa subway kapag ito ay naging fully operational sa unang taon.

 

 

“The MMSP has disaster-resilient features and cutting-edge facilities. It is not ordinary since it will be using advanced technology from Japan,” wika no Bautista.

 

 

Ang MMSP ay magkakaron ng seamless connectivity para sa mga pasahero sapagkat ang nasabing subway ay ikokonekta sa Light Rail Transit Lines 1 and 2, Metro Manila Transit Line 3 (MRT3), MRT 7, at Philippine National Railways (PNR).

 

 

Ikokonekta rin ang gagawing Metro Manila Transit Line 4 (MRT4) at ang North-South Commuter Railway Project (NSCR).

 

 

Samantala, ang DOTr ay nag award ng dalawang (2) kontrata para sa civil works ng North-South Commuter Railway (NSCR).

 

 

Ang nasabing mga kontrata ay ang Package S03A na gagawin ang civil works ng 7.9kilometer section ng bagong railway na dadaan sa itaas at viaduct kasama ang surface stations ng EDSA at Senate at ang elevated na estasyon sa Buendia.

 

 

Inaward sa First Balfour and Leighton Contractors (Asia) of Hong Kong ang nasabing kontrata na nagkakahalaga ng $US 383 million. Ang nasabing civil works ay kinakailangan matapos sa loob ng apat (4) at kalahating taon.

 

 

Habang ang S03C contract package naman ay inaward sa joint venture ng Indonesian state-owned PT Adhi Karya at PT PP kung saan sila ang gagawa ng civil works na may 5,8 kilometer section na tatakbo sa grade at viaduct kasama rin ang pagtatayo ng estasyon ng Bicutan at Sucat. Ang kontrata ay nagkakahalaga ng P18.25 billion at kinakailangan matapos sa loob ng lima (5) at kalahating taon.

 

 

Ang 147.26kilometer na NSCR ay tatakbo mula Clark sa Pampanga via Metro Manila hanggang sa lungsod ng Calamba sa Laguna. Inaasahan ng DOTr na matatapos ang proyekto sa darating na 2028 na may kabuohang gastos na P873.62 billion.

 

 

Noong nakaraang July 2 ay inihinto naman ang operasyon ng PNR service mula Alabang papuntang Calamba at vice versa uapng bigyan daan ang konstruksyon ng NSCR.  LASACMAR    

Very happy sa nalalapit na kasal nila ni Arjo: ALDEN, malaki ang pasasalamat sa pagtitiwala ni MAINE

Posted on: July 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG July 28 na ang naglalabasang balita ng kasalang Maine Mendoza at Arjo Atayde.

 

 

At hindi naman maikakaila at maitatanggi na si Maine at Alden Richards ay naging malaking bahagi ng buhay ng bawat isa.

 

 

Nang makausap nga namin si Alden sa naging mediacon ng “Battle of the Judges,” ang bagong programa ng GMA-7 kunsaan siya ang host, nahingan namin siya ng reaksiyon sa nalalapit na kasal ni Maine.

 

 

“Very much,” ang mabilis na pagsang-ayon naman ni Alden.

 

 

“Maine Mendoza has been a very huge part of my life. Hindi ko alam kung gano’n din ako sa kanya, pero ako, that’s how I feel.

 

 

“Parang hindi ako masyadong naging vocal about this for the longest time, but I think, this is the right time.

 

 

“Malaki ang pasasalamat ko sa kanya, sa pagtiwala niya sa akin. Although, we may had some differences and misunderstanding in the past, but at least, we remained good friends.

 

 

“At ngayon nga po, parang nawalan ng possibility na makabalik ako sa ‘Eat…Bulaga!’ it’s because of different networks and exclusive po ako, medyo nakakalungkot.”

 

 

Pero ayon kay Alden, “Now that she’s going to a path na talagang naikukuwento na niya sa akin na talagang gusto niya. Kasi si Maine, very planned ang buhay. Very goal-oriented.

 

 

“By the age na ganito, ganito na dapat. So, ngayon na nandiyan siya ngayon, of course, with Arjo, siguro yung naibibigay ni Arjo sa kanya is yung talagang love na deserve niya.

 

 

“And I’m very happy and sincerely na sinasabi ko yun sa kanya. I really wished her well and sana, wherever she is now, I know that she’s very happy and for the longest time, she deserves that.

 

 

“And yun ang dapat para sa mga taong nagta-trabaho, who are hardworking. And parang biglaan din po ang dating sa buhay ni Maine ng show business. So, I think, this is her rewards.”

 

 

Siyempre, natanong din si Alden kung may pupuntahan ba siyang kasalan sa July 28, sey niya na natatawa, busy raw yata siya.

 

 

Safe to say sabihin na hindi siya invited, huh.

 

 

***

 

 

POSIBLENG nasa London na ngayon si Bela Padilla.

 

 

Pero bago ito lumipad papuntang London, nag-South Korea muna siya.

 

 

Grabe rin ang naging schedules ni Bela dahil pagkatapos na pagkatapos niya ng shooting ng movie nila ni JC Santos, nag-launch ito kinabukasan ng kanyang skincare line, ang “Aera.”

 

 

Partner si Bela ng Aera at talagang proud na proud ito sa kanyang produkto na all manufactured in South Korea. May ipinakita sa aming photo si Bela nang nangyari sa kanyang skin kunsaan, nag-break-out itong talaga noong December.

 

 

Nahihiya pang ipakita o i-post ni Bela ang picture niya na at that time raw, hindi raw talaga siya lumalabas.

 

 

Pero naging daan daw ‘yun para ma-prove ni Bela na effective at maganda talaga ang product nila. At wala rin etchos, sinubukan naming gamitin at maganda nga talaga.

 

 

Sabi ni Bela, “I’ve learned my lesson kasi before, nag-business na rin ako ng skin care line, pero hindi naging successful. Now, I partnered with the right people na matagal na talaga sa ganitong business.”

 

 

Sa isang banda, hindi pa masabi ni Bela kung kailan siya muling babalik ng bansa. Posible raw kasi na next year na, not unless ang movie nila ni JC ay ipalalabas na nga ngayong September, baka raw umuwi muna siya.

 

 

Habang nasa London, do’n daw siya nakakagawa ng ibang work niya tulad ng pagsusulat ng script.

 

(ROSE GARCIA)

Naging best friend and confidante na maaasahan: KRIS, tinapos na agad ang pakikipagrelasyon kay VG MARK

Posted on: July 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino, isiniwalat niya sa mahabang post na “hiwalay” na raw sila ng kanyang boyfriend, bestfriend, at confidante na si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

 

 

 

Kasama ang isang larawan nila ni VG Mark, sinimulan niya ito ng, “This is a long overdue Gratitude post. Marc (yes it’s with a C) @markleviste is leaving to go home to fulfill his obligations to his Batangas constituents.

 

 

“Nobody I’ve ever been in a relationship with has ever given me as much love & encouragement. He wasn’t only my boyfriend, he became my best friend and confidante, talagang maaasahan. The usage of WAS is correct.”

 

 

 

Hindi rin itinago ni Kris ang tungkol sa kanyang lumalang health condition, “My condition (the connective tissue disease which in my case seems to be my Churg Strauss, the progression of my Crest Syndrome, and the start of both rheumatoid arthritis and SLE) has gotten progressively worse, from all my physical manifestations (namamaga both my right & left knees, there’s excruciating pain especially on my entire left leg, and my right knee, swelling in my lower back, and purplish blue toenails (the pain is so bad that taking a few steps kinakaya ko BUT longer walks kailangan nang mag wheelchair.)”

 

 

 

“I asked Marc for a pause because with my condition the way it is now, I’m self aware enough to know that a long distance relationship will be next to impossible for us to maintain.

 

 

 

“For the Filipinos working all over the world, I know I’m blessed to have Kuya Josh & Bimb with me- but most moms reading this will agree, we don’t want our kids to suffer from anxiety about our health, especially kung solo parent ka like me,” kuwento ng mommy nina Josh at Bimby.

 

 

 

“To A.L. and C.L. thank you for being so warm, polite, appreciative and so easy to get along. Like I promised while your dad’s not around consider the home we’ve leased to be yours as well.

 

 

 

“Thank you Marc for being here for me especially when my 2 ‘giants’ went home BUT our reality is that there’s a Pacific Ocean that divides us, a 15 hour time difference, and a 13 hour flight.

 

 

“You know how much I believe in you and the last thing I want is to be an obstacle in your career as a public servant. This isn’t just a line, you will always have a place in my heart.

 

 

 

“We may not have had our ‘happily ever after’ but being sick has really taught me to look at the glass half full- thank you for giving me the chance to again experience the magic of Once Upon a Time,” pagtatapos pa ni Kris na puno ng pasasalamat kay VG Marc.

 

 

 

Reaction naman ng mga netizen:

 

 

 

“Knowing how brutally honest Kris is, she only has good words for Vice Gov. I guess he really has good intentions for Kris kaya lang mahirap talaga ang LDR and he has a province to take care of as he promised to his constituents during election period. Who knows pag nag-align ang stars for them, sila rin pala together in the end.”

 

 

 

“Good. I, for one, am glad to hear this. Take care of yourself muna Kris. Wag mo na dagdagan ang stress mo.”

 

 

 

“May mga nangba-bash na kasi kay marc. wala daw sa work at panay na lang bantay kay kris. as if hindi pwedeng idesignate ang mga works while he is not in his hometown. duh bahala kayo dyan! felt sorry for both of them. pagmamahalang wala sa panahon!

 

 

 

“Baka kaya sinagot then nakipagbreak para matigil na. Charot! tagal na kaya niya umaaligid. Buti na lang si Tetay alam na priority ang health at anak. Si Vice Gov, inuna pagtravel, nakalimutan elected politician siya.

 

 

In fairness, may nagpupursue parin talaga kay Kris. Yun nga lang, they tend to underestimate the amount of care Kris needs becauase of her condition. At least nag-try. And they are at the age na pag di talaga pwede, di ipipilit kesa magkadramahan. That’s maturity. I expect nothing less from them.”

 

 

“Can’t Kris experience love esp now she’s sick? Bihira na lang may magtyaga sa ganyang may pinagdadaanan but she chose to be alone and not be a burden to the guy. Give her some slack.”

 

 

 

“Feel better soon Kris. Agree ako sayo sobrang hirap ng LDR especially in your case. Mark can always visit you naman. I don’t like Mark Leviste as a whole (trapo, pampam, etc) but it looks like he admires you genuinely naman. I’m sure he will continue to help you out in whatever way.”

 

 

 

“With all her health issues, I’m surprised she entered another romantic relationship. She was already experiencing a health crisis when she got engaged to the last one. Oh well, iba ka talaga Kris. I hope you get well soonest.”

 

(ROHN ROMULO)

MEDICAL CANNABIS AVAILABLE NA SA BANSA

Posted on: July 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBINUNYAG ni Dr. Gen Marq Mutia, presidente ng Philippine Society of Cannabinoid Medicine, na dapat malaman ng lahat, malaman ni First Lady Liza Araneta Marcos at Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na available na ang medical cannabis sa bansa.

 

 

Sa Media Health Forum sa Quezon City nitong Lunes, sinabi ni Dr. Mutia, “As of 2021, 64 countries ay mayroong batas na pinapayagan ang medical cannabis, 34 dito ay pinapayagan ang mga non-pharmaceutical grade medical cannabis.”

 

 

The Philippine Society of Cannabinoid Medicine aims to provide guidelines for clinically-based trial pertaining to medical cannabis. and advocate for just laws.

 

 

“Hindi po kriminal ang medical cannabis. Pag ginamit for non-medical purposes, masama po ito. We advocate for humane treatment of these individuals who are hooked into drugs,” sabi ni Dr. Mutia.

 

 

“The approach to cannabis should be medical and not criminalization and punitive,” dagdag ni Dr. Mutia.

 

 

“Under Republic Act 9165, o ‘Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002’, pwede ang paggamit ng medical cannabis. Inaatasan ang DDB (Dangerous Drugs Board) na payagan ang pag-angkat ng medical cannabis for medical purposes with special permit for compassionate use,” dagdag pa ni Dr. Mutia.

 

 

“Hindi pwedeng ang mga mambabatas lamang ang mag-usap-usap at mas importante pa rin ang information dissemination at education para malaman sa grassroots level ang benefits ng medical cannabis,” ipinunto ni Dr. Mutia.

 

 

“Ang scheduling o classification ng marijuana bilang dangerous drug sa ilalim ng RA 9165 ang isa sa dahilan o balakid o hindi siya gamot at pusakal sya kaya di pinapayagan ang paggamit ng marijuana bilang gamot,” saad pa ni Dr. Mutia.

 

 

Binago na ng United Nations ang classification ng marijuana from schedule 4 to schedule 1 at dapat ay schedule 1 na sa Pilipinas. Ibig sabihin nito, ang marijuana ay tinuturing ng beneficial for medical purposes at hindi na sya illegal substance.

 

 

Taong 2020 pa nagbago ang UN ng classification ng marijuana from illegal substance to beneficial for medical purposes.

 

 

“Importation only and not for local production ang pinayagan ng DDB (Dangerous Drugs Board) para sa purified CBD (Cannabinnoid). Pero walang importer dahil sa sobrang mahal ng purified CBD,” sabi nya.

 

 

Ayon sa DDB, signatory ang Pilipinas sa United Nations kaya dapat sundin ang nasabing re-classification ng marijuana o cannabis. (PAUL JOHN REYES)

Ads July 12, 2023

Posted on: July 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Gadon, nanumpa sa bagong posisyon sa harap ni PBBM

Posted on: July 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Larry Gadon, araw ng Lunes, Hulyo 10.

 

 

Kumpiyansa ang Pangulo na malaki ang maitutulong ni Gadon para tugunan ang kahirapan sa bansa.

 

 

Sa kabila ng tinanggalan ng Korte Suprema ng lisensiya bilang abogado si Gadon dahil sa pagmumura sa isang mamamahayag, tiwala ang Punong Ehekutibo na magagamit ng una ang kanyang mga naging karanasan at kakayahan para makapag-ambag sa pagsisikap ng pamahalaan na tuldukan ang kahirapan sa Pilipinas.

 

 

“Tiwala tayo na ang kanyang karanasan at kakayahan ay makatutulong sa pagtukoy sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Binigyang diin ng Chief Executive na ang appointment ni Gadon ay kabilang sa mga hakbang ng administrasyon para tugunan ang kahirapan.

 

 

“Tuloy-tuloy ang ating mga hakbang upang tuldukan ang kahirapan sa bansa. Bahagi nito ang pagtalaga natin kay G. Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Matatandaang, noong nakaraang buwan pa itinalaga ni Pangulong Marcos si Gadon sa nasabing posisyon, sabay sabing gagampanan nito ang mahalagang papel nang pagbibigay payo ukol sa estratehiya at polisiya na naglalayong labanan ang kahirapan at paghusayin ang buhay ng mga nabibilang sa  “most vulnerable sectors” ng lipunan.

 

 

Samantala, sinabi ng Malakanyang na hindi makaaapekto ang estado ni Gadon bilang abogado sa trabaho nito bilang presidential adviser ni Pangulong Marcos.  (Daris Jose)