• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 15th, 2023

Gagawa na naman ng history ang ‘Voltes V: Legacy’: MIGUEL, YSABEL at GABBY, dadalo sa San Diego Comic-Con 2023

Posted on: July 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“Voltes V: Legacy” makes history as the first Philippine TV program in Comic-Con International.  

 

 

GMA Network’s primetime masterpiece continues to dominate the entertainment world as it becomes the first-ever Philippine TV program to participate in the San Diego Comic-Con (SDCC) 2023.

 

 

Ang GMA ay inimbitahan ng Dogu Publishing para sa biggest annual comics convention sa California, USA.  According to Dogu Publishing CEO Jerry Blank, aim nilang to expand the reach of international panels around the globe, driving the way for a more diverse comic book industry.

 

 

Magaganap ang SDCC 2023 mula July 20 to 23 at dadaluhan nina GMA Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, Assistant Vice President for Drama Helen Rose S. Sese, Assistant Vice President for Post Operations Vincent C. Gealogo, and Telesuccess Productions Executive Producer Larson Chan.

 

 

Siyempre pa, ang highly-anticipated event ay hindi kumpleto kung hindi dadalo ang cast  ng “Voltes V: Legacy” na sina Miguel Tanfelix (Steve Armstrong), Ysabel Ortega (Jamie Robinson), Gabby Eigenmann (Commander Robinson), and the show’s esteemed director Mark Reyes.

 

 

Ang Comic-Con debut on July 22 from 10 am to 11 am at the Marriott Marquis San Diego Marina.  The cast will be signing a limited-edition poster on the convention floor.

 

 

Ang “Voltes V: Legacy” ay napapanood gabi-gabi, 8 p.m. sa GMA-7 and at 9:40 p.m. on GTV.  Global Pinoys can catch the program via GMA Pinoy TV.

 

 

                                                            ***

 

 

MASAYA si Anne Curtis nang muli siyang tumpak sa bakuran ng GMA Network para mag-guest sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

 

 

Hindi iyon ang unang pagkakataon ni Anne na maka-tungtong sa Kapuso Network dahil doon nagsimula ang kanyang TV career noong 1997.  Ilan sa mga nagawa niyang programa roon ay “T.G.I.S.” “Beh, Bote Nga,” “Anna Karenina,” “Idol Ko Si Kap,” at ang “Iibigin ay Ikaw.”

 

 

Huli niyang ginawa noong 2003 ay “Love to Love” bago siya lumipat sa ABS-CBN at naging Kapamilya.

 

 

Nagkaroon ng chance si Anne makabalik sa GMA nang magsimulang ipalabas sa GTV ng GMA, ang “It’s Showtime” noontime show ng ABS-CBN noong July 1.  Thankful si Anne sa mainit na pagsalubong sa kanyang pagbabalik sa GMA-7.

 

 

Malaki ang possibility na hindi ang guesting ni Anne kay Boy Abunda ang una at huli niyang pagtapak sa GMA.

 

 

Sa tanong kay Anne kung handa siyang gumawa ng mga projects sa GMA, nakangiti niyang sagot: “Yes, gusto kong makatrabaho rito ang sister ko, si Jasmine, kasi pareho kaming ‘baliw.’  Even before pa ng “It’s Showtime,” I was able to do a film with GMA Films and Viva because I am under Viva, so I am able to collaborate with GMA.”

 

 

                                                            ***

 

 

MAY mga nagtatanong na kay Kapuso actor at bagong “Eat Bulaga” host na si Paolo Contis kung ready na siyang magkaroon muli ng responsibilidad, pagkatapos niyang aminin ang relasyon nila ng actress na si Yen Santos.

 

 

Pero sagot ni Paolo, walang-wala pa sa kanyang mga priorities na magkaroon ng bagong responsibilidad.  Sa ngayon daw ay nasa ‘fixing stage’ pa rin siya.

 

 

Tanggap din niya ang mga pamba-bash ng mga haters sa social media, lalo na ang nagsasabing pabaya at wala raw siyang kuwentang ama dahil sa hindi niya pagsustento sa mga anak niya kay Lian Paz at LJ Reyes.

 

 

Basta ang pangako ni Paolo, “I will never enter their lives para manggulo.  Just to have a decent conversation, that’s all I’m asking.”

(NORA V. CALDERON)

Bulacan, nagluksa sa pagpanaw ni Bokal Toti Ople

Posted on: July 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Nagluluksa ang Lalawigan ng Bulacan kasunod ng hindi inaasahang pagpanaw kahapon, Hulyo 13, 2023, ni Bokal Felix “Toti” V. Ople ng Unang Distrito, isa sa mga batikang lingkod bayan at mambabatas ng Sangguniang Panlalawigan.

 

 

Tumagal ng ilang dekada ang serbisyo publiko ni Ople kung saan isang termino siyang nanungkulan bilang konsehal mula 1995 hanggang 1998 at tatlong termino bilang Punong Bayan sa Munisipalidad ng Hagonoy mula 1998-2007. Pinarangalan siya bilang Most Outstanding Mayor ng Gintong Kabataan Awards dahil sa natatangi niyang pagganap bilang lokal na ehekutibo sa mga taong 2005, 2006 at 2007.

 

 

Bilang isang mambabatas, nag-akda siya ng mga makabuluhang ordinansa na nagkaroon  ng positibong epekto sap ag-unlad ng lalawigan. Kabilang dito ang Ordinansa Blg. 2012-09, Resolusyon Blg. 098-T’12 o ang ‘Panlalawigang Kautusan na Nagbabawal sa Paggamit ng Non-biodegradable (‘di-nabubulok) Plastic Bags, Styrofoam at mga Kauri nito bilang Packaging Materials sa Lalawigan ng Bulacan at Nagtatakda ng Kaparusahan sa Paglabag Nito’ at Ordinansa Blg. 2012-01, Resolusyon Blg. 036-T’12 o ang ‘2011 Tricycle Code of Bulacan’.

 

 

Aktibo rin siyang nakibahagi bilang miyembro ng Provincial Peace and Order Council, Provincial Disaster Management Council at Legislative-Executive Development Advisory Council. Siya rin ang kinatawan ng SP sa Emilio G. Perez Memorial Hospital Board. Minamahal si Ople ng maraming Bulakenyo dahil sa kanyang kahusayan, katalinuhan, at kabaitan.

 

 

Bago pa man lumala ang kalagayan ni Ople, binisita siya ni Gob. Daniel R. Fernando upang iparating ang kanyang pagdamay at simpatiya sa bokal at pamilya nito.

 

 

Ani Fernando na nagpahayag ng kanyang kalungkutan matapos ang biglaang pagpanaw ni Ople, “Our province lost a good and compassionate leader, and I have lost a dear friend.  He did not only serve as a colleague, siya rin ay naging isang mabuting katuwang at kaibigan, naging magandang halimbawa at inspirasyon hindi lamang sa kanyang pamilya kundi maging sa lahat ng mga nakapaligid sa kanya. Taos-puso po kaming nakikiramay sa mga naulila ni Bokal Toti.”

 

 

Nakahimlay ang mga labi ni Ople sa Christ the King Parish Greenmeadows sa Quezon City at iuuwi sa kanyang minamahal na bayang Hagonoy sa Linggo, Hulyo 16, 2023.