GINAWANG mas makabuluhan ni Smokey Manaloto ang 1st birthday ng kanyang anak na si Kiko sa pagpapasaya ng mga bata sa isang bahay-ampunan sa Rizal.
Sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang mga larawan sa birthday celebration ni Kiko na ginawa sa New Faith Family Children’s Home sa Cainta, Rizal.
Ayon kay Smokey, nagpasya sila ng kanyang partner na gawin ang kaarawan ng kanilang anak sa bahay-ampunan para ibahagi ang kanilang biyaya sa pagdating ng kanilang anak sa kanilang buhay.
“It was an afternoon filled with laughter, games, toys and great food. Sa sandaling oras na nakapag-share kami ng mga regalo sa kanila ay ang bilis ding napalapit ang loob namin sa mga bata doon. Lahat sila magagalang… lahat sila palatawa… lahat sila mabait… at higit sa lahat… lahat sila ay may magandang relasyon sa ating Panginoon,” ayon sa 52-year old comedian.
Heto naman ang mensahe ni Smokey sa kanyang anak: “Anak… gawin nating tradisyon ito ha? Sana magkaroon ka ng malaking puso para lagi kang magshe-share ng love sa lahat ng mga nangangailangan. Mahal na mahal ka namin Kiko.”
***
PUMANAW sa edad na 85 and veteran and award-winning actor na si Robert Arevalo noong nakaraang August 10.
Ang anak ng aktor na si Anna Ylagan ang nag-announce sa Facebook.
“Today is the day that the Lord has chosen to take our dearest Papa home. Robert Francisco Ylagan, a.k.a. Robert Arevalo, peacefully passed away at 10:17 a.m. this morning, Aug. 10, 2023. Praise God for His mercy and grace.”
Sa Arlington Chapels in Quezon City binurol ang aktor noong nakaraang Saturday and Sunday.
Roberto Ylagan ang tunay na pangalan ng aktor at galing siya sa showbiz family na De Leon at Ylagan. Ama niya ang aktor na si Tito Arevalo at pinsan niya ang aktor na si Jay Ilagan. Uncle naman niya ang National Artist na si Gerardo de Leon.
Born in Dumaguete on May 6, 1938, Arevalo graduated in San Beda College and completed his college education at the Ateneo de Manila University, where he took up Business Administration.
Nagsimula siya bilang drama actor under Premiere Productions. Ang kanyang asawa ay ang premyadong aktres na si Barbara Perez na contract star ng Sampaguita Pictures. Nakilala siya si Perez bilang “Audrey Hepburn of the Philippines”.
Tinalikuran ni Perez ang isang promising Hollywood career nang mag-propose ng marriage si Arevalo pag-uwi niya ng Pilipinas pagkagaling sa World’s Fair in New York.
Kinasal sila noong August 11, 1962 at the St. Joseph Church the Worker Parish Church in Pacdal Circle in Baguio City.
Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Arevalo ay Huwag Mo Akong Limutin (1960), Noli Me Tangere (1961) and El Filibusterismo (1962).
Sabay na nanalong ng FAMAS best actor and best actress sina Robert at Barbara para sa pelikulang Ang Daigdig Ng Mga Api (1965).
Nanalo rin si Arevalo ng best supporting actor in the Metro Manila Film Festival (MMFF) for Ama, Bakit Mo Ako Pinabayaan? (1990), Film Academy of the Philippines’ (FAP) best supporting actor trophy for Pangako Ng Kahapon (1994) and the Urian trophy for best screenplay for Hubad Na Bayani (1977) na dinirek at pinagbidahan niya.
Huling pelikulang lumabas si Arevalo ay sa Ang Larawan in 2017. Huling teleserye na ginawa niya ang FPJ’s Ang Probinsyano.
***
HINDI na lang sa telebisyon mapapanood ang mga vocal diva ng All-Out Sundays (AOS) na sina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, Hannah Prescillas, at Rita Daniela dahil magkakaroon na sila ng sarili nilang live concert – ang “Queendom: Live.”
Gaganapin ito sa December 2 sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.
Last Sunday nga sa AOS ni-reveal ang good news na ito at simula kahapon, August 14 pwede na bumili ng ticket exclusively sa www.gmanetwork.com/synergy at ticketworld.com.ph.
For sure, patok ito sa fans at concert enthusiasts dahil ito ang first-ever live concert ng mga hinahangaang AOS divas. Matagal na itong hinihintay ng fans nina Julie, Jessica, Thea, Mariane, Hannah, at Rita na laging inaabangan ang performances nila sa Queendom segment sa AOS.
Maraming pasabog at exciting surprises ang ihinahanda nila para rito. Gaya ng award-winning “Limitless: A Musical Trilogy” ni Julie, siguradong engrande at world class ang production nito dahil ito rin ay mula sa GMA Synergy at GMA Entertainment Group.
Kaya naman huwag nang magdalawang-isip pa — save the date, at bumili na ng ticket bago pa magkaubusuan.
(RUEL J. MENDOZA)