• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 15th, 2023

“The melody that fills my heart with joy…” MARIAN, pinaiyak ni DINGDONG sa sweet birthday message

Posted on: August 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAIYAK pala ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang wife niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ng beautiful words ng kanyang pagbati nang mag-celebrate ng 39th birthday ang aktres last Saturday, August 12. 

 

 

Sa pamamagitan ng Instagram Reel pinakita ang sweet moments nila mula sa kanilang wedding, sa GMA Gala, their travels at kahit sa kanilang TV performances from way back.

 

 

Caption ni Dingdong: “Stepping through the rhythms of life hand in hand, every moment with you is a graceful dance that never misses a beat.”

 

 

“Here’s to my forever dance partner, turning another year wiser and more beautiful.

 

 

“Happy Birthday to the melody that fills my heart with joy, @marian rivera.”

 

 

Sinagot naman ito ni Marian ng “Love you so much!” with crying emojis.

 

 

Anyway, it seems working birthday ito ni Marian dahil may reel ding ipinakita na big birthday celebration, na punung-puno ng pagkain sa set ng balik-project niya ng romantic drama series sa GMA Network, na katambal niya si Gabby Concepcion.

 

 

                                                          ***

 

 

TONI Gonzaga-Soriano welcomes their second baby ni Paul Soriano.

 

 

The second baby of the celebrity couple is named Paulina Celestine Gonzaga Soriano.  The first born of the couple is Severiano Elliott, who is now six years old.

 

 

The full announcement of Paul on the birth of their second baby: “Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived! Born 2:05 on August 11, 2023 at 6.8 lbs. Tin and Paulina are both doing great.  Thank you for all your prayers and support.  God bless you #BabyGirl #GirlDad

 

 

Paul is currently on leave as Presidential adviser on creative communications.

 

 

                                                            ***

 

 

SA episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Monday, special guest ni Boy Abunda ang actress-director na si Ms. Gina Alajar.

 

 

Isa sa mga questions na naitanong kay Direk Gina, sino ang limang artistang nais niyang makatrabaho kung sakaling gagawa siya ng “huli” niyang project, at bakit?

 

 

Sina Piolo Pascual, Amy Austria, Alden Richards, at ang mga anak niyang sina Ryan at Geoff Eigenmann.

 

 

Parehong mahuhusay na actor sina Ryan at Geoff, pero bakit sina Piolo, Amy at Alden?

 

 

“Idol ko na si Amy at lagi kong sinasabi sa kanya kapag magkasama kami sa isang project, na siya ang lucky charm ko,” sagot ni Direk Gina.

 

 

“Madali kasi siyang katrabaho, madali siyang kausap, very generous at hindi siya nagmamagaling, at masaya rin siyang kasama.

 

 

“Si Piolo naman, ako ang unang nag-workshop sa kanya noong nagsisimula pa lang siyang maging artista, para sa pelikulang ‘Lagarista.’  Noon pa lang alam ko na, na magaling siyang artista.  Kamakailan nga ay nagkita kami at mas lalo akong humanga sa kanya dahil sa pagiging malapit niya sa Diyos.”

 

 

At si Alden?  “I don’t know, I just have a soft spot for him.”

 

 

Nakasama ni Direk Gina si Alden sa kanilang hit series na “Start-Up PH”sa GMA-7, pero hindi siya ang director ng serye.

 

 

Siya rin ang nagdirek ng last episode ni Alden sa “Alden August” ng “Magpakailanman” titled “Sa Puso’t’Isipan: The Cantillana Family Story.”

 

 

The episode centers around Andrew, who must juggle the roles of a loving son, a responsible brother, and a primary caregiver to his mentally-ill parents.

 

 

Hosted by Ms. Mel Tiangco, mapapanood ito ang naturang episode sa August 26, at 7:15 PM sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

PCO, lalagda ng MOU sa partner agencies para labanan ang disinformation, misinformation

Posted on: August 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HANDA na ang  Presidential Communication Office (PCO) na ipatupad ang Media and Information Literacy (MIL) Campaign Project ng administrasyong Marcos.

 

 

Sa katunayan, magkakaroon ito ng ceremonial signing ng  Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang mga  partner agencies sa darating na Lunes, Agosto 14, 2023.

 

 

Ang aktibidad ay gagawin sa Hilton Manila sa Pasay City.

 

 

Ang  MIL ang tugon ng administrasyon sa “disinformation at misinformation”  na salot sa digital landscape ng bansa, nakatuon sa pagpapahusay sa mga kabataan na maging mas  maunawaing consumers ng media

 

 

Sa kabilang dako, ang iba pang ahensiya na kasama sa inisyatiba ay ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

“These agencies will collaborate with the PCO on a comprehensive execution plan crafted to target the identified root causes of the issue. The MIL will be integrated into the higher education curriculum, community-based trainings, and family-oriented programs,” ayon sa Malakanyang.

 

 

Inaasahan naman ang mga social media companies at kanilang mga plataporma na makikipag-sanib puwersa sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapahiram ng

 

 

‘tools’ o gamit at kasanayan para labanan ang “disinformation at misinformation.”

 

 

Samantala, kabilang maman sa mga ito ay ang  Google (YouTube), Meta (Facebook, Instagram, at Threads), TikTok at  X (formerly Twitter).  (Daris Jose)