• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 24th, 2023

LTFRB, nakatakdang dinggin ang hirit ng transport group na taas-singil

Posted on: August 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG dinggin ng Land Transportation and Regulatory Board ang hirit ng mga transport group na pagtaas sa sinisingil na pamasahe.

 

 

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, nais nilang matukoy sa mga isasagawang pagdinig ang merito ng kahilingan ng mga operators at drivers.

 

 

Ito ay upang makita kung pagbibigyan ba o hindi ang kahilingan ng mga ito na taasan na ang kanilang mga sinisingil sa mga komyuter, dahil na rin sa sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Kasabay nito, tiniyak ng opisyal na papakingan nila ang lahat ng panig at argumento ng mga tsuper at operators, kasabay ng pagsigurong ikokonsidera ang kanilang hinaing.

 

 

Katwiran ni Guadiz III, may kani-kaniyang pamilya rin ang mga miymbro ng transport groups na maaaring apektado sa kasalukuyang sitwasyon ng mga tsuper at operator.

 

 

Maalalang nagsumite ng kanilang petsyin na taas-singil sa mga pamasahe ang ibat ibang mga grupo na kinabibilangan ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), Stop & Go Transport Coalition Incorporated, at Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), upang hilingin ang P2.00 na dagdag sa pamasahe. (Daris Jose)

PBBM CITES SIGNIFICANCE OF MATATAG CURRICULUM, SAYS IT COULD FINE TUNE PH EDUCATION

Posted on: August 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE Department of Education’s (DepEd) launching of the MATATAG Curriculum will improve the country’s school curriculum and determine what suits the needs of Filipino learners, President Ferdinand R. Marcos Jr. said on Monday.

 

 

“This is very significant because…ang sinusubukan nating gawin ay ayusin ang curriculum para maging mas bagay sa pangangailangan ng mga batang Pilipino,” President Marcos said during an interview after attending 2023 Brigada Eskwela event in Manila.

 

 

“Kasama na rin diyan, the MATATAG Program includes all our efforts na para pagandahin ang mga international score natin, especially when it comes to STEM (Science, Technology, Engineering, Mathematics) tinatawag na STEM subjects. At also, binibigyan natin ng pagkakataon ‘yung mga after 10th grade na mamili kung sila ay mag-vocational, magte-technical training o itutuloy nila. So that’s, more or less, the big system changes that we are doing.

 

 

For her part, Vice President and Education Secretary Sara Duterte said the MATATAG Curriculum is the legacy of the Marcos administration in the country’s basic education, which will address the problems cited by international and local education experts in the new K-10 Program.

 

 

Among those that will be addressed are the numerous learning competencies, in which, from approximately 11,000, DepEd cut it down to 3,000 learning competencies, the education chief said.

 

 

“And sa key stages, Grade 1 to 3, dati seven subjects tayo, binaba natin sa five subjects with the focus on Math and Reading. And then ang Science natin, papasok ‘pag Grade 4.”

 

 

DepEd launched the MATATAG Curriculum last week with the aim of decongesting the current K to 12 Curriculum.

 

 

Aside from cutting down the number of competencies, and focus on literacy, numeracy, and socio-emotional skills for kindergarten to Grade 3 learners, the new curriculum will also intensify the formation of learners’ values and character development in adherence to the Good Manners and Right Conduct (GMRC) and Values Education Act as well as the articulation of 21st Century Skills.

 

 

Asked if he supports the proposal of reverting back classes to pre-pandemic schedule, the President said he has been discussing it with DepEd officials and educators.

 

 

“Pinag-uusapan nga namin. We were talking with the teaching staff here. Tinatanong ko sa kanila, ano ‘yung preference nila. Pinag-aaralan natin. The DepEd is in the process – sila sa kasalukuyan ay mayroon silang ginagawang study kung ano ba talaga ang pinaka-maganda,” Marcos said.

 

 

“Siguro malaking tanong ‘yan. Hindi ganoon kasimple ‘yan kasi noong pinalitan natin, pinalitan natin ‘yung schedule dahil may pandemic, tapos ngayon naman climate change ang kailangan nating pag-usapan. Dahil sa schedule ngayon, napakainit, at pati ‘yung mga bata ay hinihimatay na. Kaya’t kailangan natin isama sa ating pag-aaral ‘yan kung ano ‘yung mga dapat gawin.”

 

 

The President though clarified that the administration has no preference, and is only looking at what is the best for the Filipinos learners to make them comfortable while they are in school.

 

 

“Titingnan lang talaga natin kung ano ‘yung pinakamaganda both for the kids, especially for the children, at saka sa mga teacher at saka sa mga administrative non-teaching staff. Dahil kailangan, (kung) papapasukin natin sila (at) mainit masyado, baka hindi na kayang gawin ang trabaho nila, magkasakit pa,” he added.  | PND

DA, ipinag-utos na ang pagbuo ng National Agricultural and Fishery Mechanization Program

Posted on: August 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAHANDA  na ng Department of Agriculture ang mechanization plan nito para sa 2023-2028.

 

 

Ito ay matapos na ilabas ng ahensiya ang isang isang department order na siyang bubuo sa National Agricultural and Fishery Mechanization Program (NAFMP) sa kabuuan ng nasabing panahon.

 

 

Sa ilalim ng Agricultural and Fisheries Mechanization Law, kailangang bumuo ng DA ng National Agricultural and Fishery Mechanization Program sa kada anim na taon.

 

 

Kabilang sa mga isinasa-alang alang sa pagbuo ng nasabing programa ay ang mga sumusunod: local manufacture ng mga makinarya, research development and extension, standard and regulation, support services, at maging ang human resource.

 

 

Bahagi rin ng mithiin sa ilalim ng nasabing programa ay ang matiyak na magkaroon ng isang pangunahing local agriculture machinery producer sa bansa na siyang magsu-supply ng mga kailangang makinarya para sa mechanization program ng pamahalaan.

 

 

Sa ilalim din ng program, bibigyan ng pagkakataon ang mga local researcher na bumuo ng kanilang mga sariling proyekto, sa pamamagitan na rin ng tulong ng pamahalaan. (Daris Jose)

CHR, handang makipagtulungan sa ICC ukol sa imbestigasyon sa drug war sa Pinas

Posted on: August 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HANDA ang Commission on Human Rights (CHR) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa  drug war sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Gayunman, wala namang ideya at hindi pa alam ni CHR chair Richard Palpal-Latoc kung anong ‘specific cases’ ang titingnan ng ICC.

 

 

Bukod dito, hindi pa hinihingi ng ICC ang  tulong ng komisyon kaugnay sa kahit na anumang kaso.

 

 

Ang huling kaganapan hinggil sa ICC ay nang magbotohan ang Appeals Chamber nito noong Hulyo 18 kung saan  lumabas na 3-2 ang nakuhang boto, tinanggihan ang apela ng gobyerno ng Pilipinas na itigil ang imbestigasyon sa drug war.

 

 

Pinagtibay ng ruling ang nauna nitong desisyon noong Enero sa pamamagitan ng Pre-Trial Camber na payagan ang imbestigasyon ukol sa drug war, kahit pa hayagan ang pagturing ng gobyerno ng Pilipinas  na kawalan ng kahandaan nito na imbestigahan o usigin ang kaugnay na krimen.

 

 

Dahil sa desisyon, nagbukas ng bagong yugto sa drug war case, nabigyan ng  pagkakataon si ICC Chief Prosecutor Karim Khan na isulong ang pag-uusig sa ilang indibidwal.

 

 

“If Khan pursues charges, these could fall on Duterte and his Philippine National Police (PNP) chief at the height of the drug war, Sen. Ronald dela Rosa,” ayon kay human rights lawyer Neri Colmenares.

 

 

Sinabi naman ni Palpal-Latoc na “If the ICC will request us to help them (provide) the evidence we have gathered in the cases, we have already investigated, we can share it.”

 

 

“If our participation would help find a solution to the problem of human tights affecting Filipinos, we will perform our mandate,” dagdag na wika nito sabay sabing “We have an independent mandate to look into human rights concerns of the Filipinos here and abroad.” ( Daris Jose)

Sapat na bilang ng mga tren sa MRT-3, tiniyak upang matugunan ang dumaraming mga pasahero

Posted on: August 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng pamunuan ng MRT-3 na sapat ang bilang ng mga tren ng MRT-3 para sa dumaraming pasahero.

 

 

Ito ang pahayag ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino kasunod ng balita na umabot sa 436,388 ang bilang ng mga pasaherong napagserbisyuhan ng MRT-3 noong Agosto 16.

 

 

Aniya, ito ang pinakamataas na bilang ng mga pasaherong sumakay mula Hunyo 2020, habang nasa 422,000 ang daily average ridership ng MRT-3.

 

 

Mayroong 18 train sets na tumatakbo sa mainline sa peak hours at 15 train sets sa off-peak hours.

 

 

Tatlo hanggang apat na spare trains naman ang maaari pang patakbuhin kung kinakailangan.

 

 

Giit ni Aquino, napakahalaga rin na regular at araw-araw na isinasagawa ang maintenance activities ng mga tren, gayundin ng buong linya, upang matiyak na maayos, ligtas, at iwas-aberya ang biyahe ng mga pasahero.

DISCLAIMER

Posted on: August 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Notice is hereby given that our company disclaims the existence of any paid advertisement in our newspaper relating to a “Notice to the Public” against Jamaica Casano Diaz that even included the name of FPG Insurance Corporation, Inc.  We also disclaim any relationship or association with a certain “Nathaniel Grande”, the alleged author of the email regarding said “Notice to the Public”, in any capacity whatsoever. We have no knowledge whatsoever of who sent the subject email which even contained a fictitious email address of peoples.balitadaily00@gmail.com and a fictitious office address of No. 6  21st Avenue, Country Club Road, Baguio City, which clearly are not our company’s official email address and office address.

 

This disclaimer is being issued to formally clarify the circumstances surrounding the email of “Nathaniel Grande” and to properly inform the readers of our newspaper.

(PEOPLE’S BALITA)

Tiwala si Joey para mag-host ng ‘Wow Mali: Doble Tama'” JOSE at WALLY, para nang mag-asawa sa tagal ng pagsasama

Posted on: August 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG ika-26 ng Agosto 2023, pagkalipas ng walong taon ay nagbabalik na ang bagong bihis na “Wow Mali: Doble Tama” dahil ipinasa na ito Joey de Leon kina Jose Manalo at Wally Bayola.

 

 

Pandemic palang ay tinanong na ng APT Entertainment ang comic duo at um-oo naman sila sa offer.

 

 

“Kaya lang sabi namin, ‘alam ba ni Tito Joey ito?’ ‘Yun agad ang tanong namin na bago namin tanggapin ito, ‘Wow Mali’ ito, 20 years,” pahayag ni Jose.

 

 

“Sabi namin na magpapasintabi kami at umokey naman si Boss Joey at sabi niya, ‘kung kayong dalawa ang gagawa, okay.’ Kaya salamat boss Joey.”

 

 

Sabi naman ni Wally, “kung baga kami na ang nag-aantay tulad nga ng sinabi ni Jose pandemic time pa sinabihan kami na magkakaroon kami ng show tapos naghihintay kami (matagal) akala ko na hindi na tuloy kasi nga lockdown, lockdown then heto na, pasalamat kami kay boss Joey. Salamat po at kami ang naatasan.”

 

 

Malaki talaga ang tiwala sa kanila ni Henyo Master Joey kaya siguro pumayag siyang sina Jose at Wally ang papalit na hosts ng programang ‘Wow Mali’ na nagtapos noong 2015.

 

 

Samantala, almost twenty years na pala ang tambalan JoWa. Para na raw silang mag-asawa at kilalang-kilala na nila ang isa’t-isa, pero hindi sila nagkakasawaan.

 

 

“Hindi naman kami nagkakasawaan, alam ko na nga pabango nito, actually kapag nilagyan mo ng “a” yung sawa, parang mag-asawa na yan, at magkaibigan ganun na yung meron kami,” tugon ni Jose.

 

 

Na-try na rin nilang mag-solo, pero ‘di naman sila tatanggi sa project tulad ng “Wow Mali: Doble Tama.”

 

 

“Nagso-solo naman si Jose, may show siya before and ako rin naman nagkaroon ng gameshow kasama si Paolo (Ballesteros), so okay lang naman. Hindi naman namin pinag-uusapan na naka-package kami, pero as long as kailangan na magkasama kami mas okay,” panana naman ni Wally.

 

 

Samantala, wala pang nailalabas na desisyon ang MTRCB sa “E.A.T.” tungkol sa segment na kung saan aksidenteng napamura si Wally.

 

 

“May pag-uusap po sa MTRCB at sa production,” sagot ng komedyante.

 

 

“Siyempre, hindi po ako puwedeng magbigay ng salaysay at I want to keep it privately kasi nga, ongoing pa ‘yung pag-uusap,” dagdag pa ni Wally.

 

 

“Kung ano pa po yung further na pwedeng gawin pa, willing naman po ako para dun,”

 

 

Pananaw naman ni Jose sa isyung kinasangkutan ng kaibigan, “‘Wag nang patagalin. Kung kasalanan mo, mag-sorry ka. Wala namang masama. ‘Di nakakabawas ng pagkatao ang pagso-sorry. The more na nagpapakumbaba ka, the more na mas maganda ang ginagawa mo.”

 

 

Anyway, asahan na doble ang katatawanan, doble ang kalokohan, at doble ang kasiyahang hatid sa grand comeback ng longest-running at multi-awarded prank show ng bansa sa mas pinalakas na “Wow Mali: Doble Tama.”

 

 

Nakilala ang ‘Wow Mali’ bilang kauna-unahang prank show ng Pilipinas na kinagiliwan ng mga Pilipino simula nang umere ito noong 1996. Naging instant hit ang mga kuwelang “candid camera” pranks ng programa, dagdag pa ang witty hosting ng original prank master na si JDL, kaya naman naging household term na ang “Wow Mali” sa mga Pinoy.

 

 

Magbabalik ang legacy show na ito ng TV5 para muling maghatid ng kakulitan, kalokohan at katuwaan sa “Wow Mali: Doble Tama,” sa pangununa ng kilalang comic duo bilang mga bagong prankmasters ng programa.

 

 

Co-produced ng APT Entertainment at Cignal TV para sa TV5, ang “Wow Mali: Doble Tama” ay magbibigay ng times two na kasiyahan at sorpresa sa hatid nitong new-generation humor, nakakatawang segments, at kaabang-abang na parodies!

 

 

Huwag palampasin at “maki-CSL (Can’t Stop Laughing)” sa premiere ng “Wow Mali: Doble Tama,” ngayong Agosto 26, 6:15 PM sa TV5 at 7:00 PM naman sa BuKo Channel

 

 

Para sa mga behind-the-scenes, sneak peeks o nakakatawang clips at interactive content ng “Wow Mali: Doble Tama,” i-follow lamang ang social media pages ng TV5.

 

(ROHN ROMULO)

Habang naghihintay sila ng kidney donor: YASMIEN, biglang bumili ng bahay para malapit sa maysakit na ina

Posted on: August 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SABI namin kay Yasmien Kurdi, siguradong pakikinggan ng Diyos ang dasal niya at ibi-bless siya dahil mabuti siyang anak, asawa at magulang.  

 

 

Sa ngayon kasi, naghihintay raw sila para sa magiging donor ng kidney ng kanyang ina at para makapag-undergo ito ng transplant.

 

 

Kuwento rin ni Yasmien, matagal na raw niyang niyayaya ang Mama niya na sa bahay na nila tumira. Nasa South si Yasmien habang ang Mama naman niya ay sa Quezon City, pero, ayaw raw talaga nitong pumayag. Mas gusto na nasa sariling bahay.

 

 

“Ang mommy ko naman, niyayaya kong tumira sa house ko noon pa. Pero parang mas gusto niya ng privacy.  Ayaw niyang sumama. Sabi ko, ‘Mama paano ‘yan, ‘pag may emergency ka, paano kita dadalhin sa ospital’?

 

 

“Kaya biglaan, nabilhan ko siya ng bahay na katabi lang ng bahay ko. Surprise ko ‘yan sa kanya. Titira rin doon ang lola ko na 80 years old, at cousin ko na nasa amin na since 2 years old. I’m really happy kasi, malapit na sila sa akin.  Palagi ko silang paglulutuan.”

 

 

Sa ngayon daw, nagti-treatment ang mama niya at umaasa nga ito na sana raw ay makahanap sila para sa transplant. Pero hindi nakalimutang pasalamatan ni Yasmien ang kanyang network, ang GMA-7.

 

 

Aniya, “It’s a big struggle. Sacrifice siya. At na-appreciate ko ang GMA, kasi hindi nila ako binigyan ng schedule kaya ko naalagaan ang mom ko sa hospital. 

 

 

“Gusto ko rin magpasalamat kay Miss Betchay Vidanes, gusto raw tumulong ni Senator Robin Padilla sa mga bill sa hospital.  Pero sayang, kasi nabayaran na namin, nakalabas na siya.

 

 

“Pero, I really appreciate the love, the concern.  And thankful ako sa mga ginagawa nila sa amin.”

 

 

Sa isang banda, si Yasmien ang bidang babae sa bagong GMA Afternoon Prime na magsisimula sa Lunes, August 28, ang ‘The Missing Husband’ kunsaan, katambal niya si Rocco Nacino.  

 

 

May mga eksena rito na talagang kinuhanan nila sa Dubai at ang tema rin ay talagang napapanahon.

 

 

Kasama rin nila rito sina Nadine Samonte, Joross Gamboa at Jak Roberto.

 

 

***

 

 

NAGBABALIK sa telebisyon ang hindi pa man uso sa mga content ng mga influencers at vlogger ngayon, ay namamayagpag na sa pagpapa-prank, ang “Wow Mali: Doble Tama.”

 

 

Doble ang katatawanan, doble ang kalokohan, at doble ang kasiyahang hatid sa grand comeback ng longest-running at multi-awarded prank show ng bansa sa mas pinalakas na “Wow Mali: Doble Tama,” simula ngayong August 26 at tuwing Sabado, 6:15 PM sa TV5 at 7:00 PM sa BuKo Channel.

 

 

Taong 1996 pa nang una itong makilala with Joey de Leon as host. Naging instant hit ang mga kuwelang “candid camera” pranks ng programa at naging naging household term na ang “Wow Mali” sa mga Pinoy.

 

 

Ngayong Agosto, magbabalik ang legacy show na ito ng TV5 para muling maghatid ng kakulitan, kalokohan at katuwaan sa “Wow Mali: Doble Tama,” sa pangununa ng kilalang comic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola bilang mga bagong prankmasters ng programa.

 

 

Co-produced ng APT Entertainment at Cignal TV para sa TV5, ang “Wow Mali: Doble Tama” ay magbibigay ng times two na kasiyahan at sorpresa sa hatid nitong new-generation humor, nakakatawang segments, at kaabang-abang na parodies! Huwag palampasin at “maki-CSL (Can’t Stop Laughing)” 

 

 

Para sa mga behind-the-scenes, sneak peeks o nakakatawang clips at interactive content ng “Wow Mali: Doble Tama,” i-follow lamang ang social media pages ng TV5.

 

(ROSE GARCIA)

Ads August 24, 2023

Posted on: August 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Dahil sa pag-arte at pagi-gaming: ALDEN, natatakasan ang mga stress ng buhay

Posted on: August 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PARA kay Alden Richards, ang acting o pag-arte sa harap ng kamera “is an escape” mula sa mga stress ng buhay.

 

Ano ba ang mga stress ni Alden sa kanyang buhay?

 

“Minsan kasi, of course tayo tao lang, dun nga po pumapasok yung, ‘Tao lang tayo,’ kahit gaano mo katagal i-shield yung sarili mo dito sa mga bagay na ‘to na present sa paligid, especially may it be you know, mga tao sa paligid mo na hindi ka gusto who creates false news about you.

 

“Na ayaw mong mag-react kasi… I never really react to these people because I know myself, I know the truth and I don’t really have to explain myself every now and then pag nagkakaroon po ng issues.

 

“Of course may family problems as well, andiyan din po yan and then yung different kinds of pressure.
“So dumarating po talaga sa point na nahahabol niya po ako nang sabay-sabay.

 

“And with acting kahit papaano every now and then, acting and gaming, natatakasan ko po sila.

 

“And then after a while, kasi minsan kapag nalulunod tayo sa problema hindi natin naiisip yung solusyon dun dahil masyadong malaki yung problema para makapag-isip tayo ng tama.

 

“So with the things that I love to do which is acting and gaming, at least nagkakaroon ako ng time off, nae-eject ko yung sarili ko dun then nakakapag-isip ako ng mga solusyon.

 

“Kasi of course andiyan ang prayers para tulungan tayo pero minsan po kasi may mga problema na hindi kayang ma-solve ng kahit sino sa paligid mo other than yourself.

 

“Ikaw ang tutulong, ikaw ang magso-solve.

 

“So iyon po yung mga life lessons ko po na natutunan dito sa industriya at sa pagtatrabaho ko po sa showbiz.”

 

Sa Sabado ay mapapanood ang pangatlo sa apat na MPK episodes ni Alden at ito ay ang “The Lost Boy” (sa direksyon ni Irene Villamor) kung saan gaganap si Alden bilang si Allan, isang lalaking napilitang sumapi sa isang grupo ng mga kriminal para mailigtas ang buhay ng kanyang magulang.

 

At ang pang-apat naman na ipapalabas sa August 26 ay may pamagat na “Sa Puso’t Isipan: The Andrew Cantillana Story” sa direksyon naman ni Gina Alajar.

 

Ang month-long special ng Magpakailanman ay napapanoood tuwing Sabado, 8:15 ng gabi sa GMA.

 

Naka-livestream din ito nang sabay sa official YouTube channel at website ng GMA Network.

 

 

***

 

 

MAY patutunguhang makabuluhang layunin ang kikitain sa pagre-revive ni Ronnie Liang ng kantang “Ngayon At Kailanman.”

 

 

“The proceeds of all my produced music, royalties & sales on all digital platforms worldwide will be donated to Ronnie Liang Project Ngiti Foundation.

 

 

“Ito ay para sa mga batang may lip & cleft palate, for them to have free surgery and operation,” pahayag ni Ronnie.

 

 

Ni-revive ni Ronnie ang classic song ni Basil Valdez na “Ngayon At Kailanman” dahil masugid siyang tagahanga ni Mr. Valdez na siyang orihinal na umawit ng naturang kanta.

 

 

“I am a fan of the original singer of the song, siyempre si Sir Basil Valdez and I usually sing this song at my shows and concerts.

 

 

“Matagal ko ng pangarap mai-record and magkaroon ng version of this classic OPM song.”

 

 

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Ronnie nang mabigyan siya ng lisensiya at permiso na i-record at i-release ang naturang kanta.

 

 

“And I would like to thank the publishing company for the honor & privilege to be given the license and permit to record and release this song in all online music stores worldwide.”

 

 

Samantala, magkakaroon ng concert si Ronnie sa November 10 sa Grand Hyatt Manila sa Bonifacio Global City.

 

 

Isa itong concert for a cause for the benefit of Ronnie Liang Project Ngiti Foundation.

 

 

Ito ay handog ng Viva Live in partnership with The Rotary Club of Pasig Premier.

 

(ROMMEL L. GONZALES)