• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 1st, 2023

Nasalanta ni ‘Goring’ umakyat sa 196,900 katao; isa nawawala

Posted on: September 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAKYAT na sa 196,926 ang bilang ng mga residenteng apektado ng Super Typhoon Goring mula sa pitong rehiyon sa Luzon na apektado nito.

 

 

Ayon ito sa isang ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kung saan binanggit na 56,410 ang bilang ng mga pamilyang apektado ng super typhoon.

 

 

Mula rin sa bilang ng mga pamilyang lumikas, naitala rin ang sumusunod:

 

Lumikas: 48,997

Nasa loob ng evacuation centers: 35,095

Nasa labas ng evacuation centers: 13,902

Ang mga naitalang apektadong populasyon ay nagmula sa mga sumusunod na rehiyon:

Ilocos Region

Cagayan Valley

Central Luzon

CALABARZON

MIMAROPA

Western Visayas

Cordillera Administrative Region

 

 

Mas mataas ito sa naitala kahapon na 63,565 residente mula sa 19,370 pamilyang apektado ng super typhoon.

 

 

Wala pa ring naitatalang namatay o sugatan ang NDRRMC ngunit iniimbestigahan ang posibleng pagkawala ng isang tao sa Western Visayas.

 

 

Umabot na rin sa 134 ang bilang ng mga bahay na napinsala at nawasak dulot ng masamang panahon.

 

 

Sa huling weather bulletin na inilabas ng PAGASA, namataan ang Super Typhoon Goring sa 90 kilometro kanluran timogkanluran ng Basco, Batanes at kumikilos patungo sa hilagang bahagi ng West Philippine Sea.

Nag-trending na naman dahil sa new hairstyle: MAINE, blooming na blooming at happy bilang wife ni ARJO

Posted on: September 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAG-TRENDING ang new hairstyle ni Maine Mendoza.

 

 

Sinamahan pa siya ng kanyang hubby na si Cong. Arjo Atayde na magpagupit kay Celeste Tuviera, na kung saan may pinost siyang video.

 

 

Sumunod na IG post ni Maine kasama ang ilang photos, “hey shortyyyy
#Celestified.”

 

 

Ikinatuwa nga ito ng kanyang mga followers at celebrity friends at karamihan ay nagsasabi na blooming na blooming si Mrs. Atayde, na kaka-celebrate lang ng kanilang first month bilang mag-asawa noong August 28.

 

 

Say naman ng mga netizens na karamihan ay nagandahan sa kanyang short hair…

 

 

“Bagay sa kanya, in fairness! Gumanda sya lalo.”

 

 

“Kahawig nya si Pops Fernandez.”

 

 

“Wala namang nabago. Sakto lang.”

 

 

“Keri naman. Blooming si misis. Ganda nya sa 1st pic.”

 

 

“Iba lang anggulo sa first pic. Parang di siya. Pero ganda din. Blooming ang newlywed.”

 

 

“Love the hair and the outfit!”

 

 

“Ang ganda ng balikat nya.”

 

 

“She needs a new team glam team.”

 

 

“She’s indeed blooming! Lalong gumaganda nitong wife era niya…”

 

 

Kaya sa maging sa “E.A.T.” kitang-kita rin ang pagiging blooming ni Maine, na sa tingin ng marami ay mas bumata at gumanda pa.

 

 

Isang indikasyon lang ito na sobrang happy and contented siya sa buhay may-asawa.

 

 

***

 

 

ANG pinakaaabangang ‘Asia Artist Awards’ (AAA), na taunang seremonya na nagdiriwang ng pinakamahuhusay sa K-pop at K-drama, ay gaganapin sa Pilipinas ngayong Disyembre, ayon ito sa ulat ng Korean media outlet na Star News.

 

 

Magaganap sa Disyembre 14, ang 2023 AAA sa Philippine Arena sa Bulacan. Ang pinakamalaking indoor arena sa buong mundo na kinikilala ng Guinness Book of World Records, ang Philippine Arena ay may capacity ng higit sa 50,000 katao. Ito rin ang magiging venue ng mga K-Pop acts tulad ng Blackpink, Seventeen, Tomorrow X Together (TXT) at Twice mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 1.

 

 

Hindi pa naman inihayag ang lineup ng mga artist na dadalo sa AAA, na kung saan nagtitipon ng mga kilalang tao mula sa buong Asian entertainment scene. Ang okasyon ay ipi-present bilang “a festival of a different class.”

 

 

Dahil sa premiere noong 2016, ang AAA ay nagbibigay ng mga papuri sa mga pambihirang tagumpay sa larangan ng musika, telebisyon, at pelikula.

 

 

“The 2023 AAA is heralding a bigger-scale festival this year,” ayon sa nilabas ng Star News sa kanilang website.

 

 

Ang seremonya ng paggawad noong nakaraang taon ay ginanap sa Nippon Gaishi Hall sa Nagoya, Japan at dinaluhan ng mga artist tulad ng The Boyz, Stray Kids, Itzy, Treasure, IVE, Kep1er, Le Sserafim, NewJeans at NMIXX, at marami pang iba. Nagsilbing host sina Leeteuk ng Super Junior at Wonyoung ng IVE.

 

 

Inihahandog ito ng Star News at co-host ng Asia Artist Awards Organizing Committee, TONZ Entertainment, at PULP Live World.

 

(ROHN ROMULO)

‘DSLU’ pantapat sa viral course ni Jak: DAVID, aminadong seloso siya pero nasa lugar

Posted on: September 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MABILIS na kumalat iyong JRU (Jak Roberto University) ‘Anti-Silos Class’ ni Jak Roberto, ngayon naman ay may DLSU na si David Licauco na pantapat niya sa “viral course” ng boyfriend ng kanyang ka-love team na si Barbie Forteza.  

 

 

Nang mag-guest si David sa “Fast Talk with Boy Abunda,” last August 29, doon naman sinabi ni David na ang meaning ng DLSU niya ay “David  Licauco Seloso University.”

 

 

Inamin ni David na seloso siya sa tunay na buhay, pero nasa lugar.

 

 

“Depende sa sitwasyon, kung lalabas naman talaga yung girlfriend mo with her friends, need mong intindihin iyon, kaya lang, minsan may mga guys na iba yung pakay,” paliwanag ni David.

 

 

“As a guy, alam ko kung ano yung lalakeng pwede mong pagkatiwalaan. Yes, seloso ako in a way, pero I don’t really say it sa public, hindi naman maganda iyon dahil may sarili din siayng buhay, meron din akong sariling buhay.  Kaya sinasarili ko lang, I just keep it to myself.”

 

 

As a loveteam lamang sina Barbie at David, pero best friends silang dalawa.  Ikinuwento ni David na friends din sila ni Jak at napag-uusapan nila ni Barbie ang boyfriend nito sa set ng “Maging Sino Ka Man,” a special limited series ng GMA-7 na movie noon na pinagtambalan nina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla.

 

 

“Pinag-usapan namin ni Barbie yung anti-silos ni Jak, kung magri-react ba ako o si Jak, pero tinawanan na lamang naming kasi, at the end of the day, entertainers kami.  We’re so happy to entertain.

 

 

“At sa mga fans naman namin ni Barbie na umaasang magkakatuluyan kami sa tunay na buhay, personally, I think kailangan kong intindihin iyon on a fans perspective kasi humahanga sila sa amin, pero iyong may mga hate, we try our best to understand that kasi meron din silang feelings.”

 

 

Ang “Maging Sino Ka Man” ay magkakaroon na ng world premiere on September 11, papalitan nila ang “Voltes V: Legacy” na finale episode na on September 8, 8 p.m. sa GMA-7.

 

 

                                                            ***

 

 

BUKOD pala sa pagiging busy ni Eric Quizon sa mga inaalagaan niyang bagong talents ng Net25 under his Star Center, meron pala siyang nilulutong isa pang show para sa said network.

 

 

This time, isang sitcom ang gagawin niya kasama si Diamond Star Maricel Soriano.

 

 

“I’m gonna work to another show, a sitcom with Maria,” kuwento ni Direk Eric.

 

 

Si Maricel ba ang magiging next big star ni Direk Eric?

 

 

“Hindi siya makahindi sa akin,” natatawang sagot ni Direk.

 

 

“Dapat nga pag-uusapan na namin ang tungkol dito noong isang araw, pero may trabaho siya.”

 

 

Ayaw munang magkuwento ni Direk Eric, kahit ang title man lamang ng sitcom na pagsasamahan nila ni Maria.  Pero siya ang magdidirek at makakasama nila ang iba pang Quizon brothers,

 

 

Soon ay ia-announce na nilang madadagdag si Maricel Soriano sa Net 25.  At very soon ay ia-announce na rin nila ang gagawing show ng mga bagong talents ng Star Center, at ang iba pa nilang plano sa naturang TV network.

 

 

                                                            ***

 

 

ISA nang ganap na ina si Kapuso actress Kris Bernal matapos niyang isilang ang first baby nila ng husband niyang si Perry Choi.

 

 

Ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram post ang isang video na ibinida niya ang kanilang moments kasama ang kanilang little sunshine.

 

 

“15 days with our #LittleSunshine @haileelucca! And it has been the most magical days of our lives.  After the longest pregnancy and hardest labor, I would do it over so many times to meet my #LittleSunshine. The bond between a mother and child is one of the strongest in existence, I’m so in love!”

 

 

Dagdag pa ni Kris sa naramdaman sa kanyang pagbubuntis, “ay isang klase ng pagmamahal na never understood until it happens to you.”

(NORA V. CALDERON)

Isang welcome evolution na tingnan ang Europa para sa security alliance- PBBM

Posted on: September 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na hindi tradisyonal para sa gobyerno ng Pilipinas na tingnan ang Europa para sa “security partnerships at alliances.”

 

 

Ito’y matapos na mag-courtesy call si  United Kingdom Foreign Secretary James Cleverly kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Dumalo at nakiisa rin sa courtesy call sina  Executive Secretary Lucas Bersamin, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, at Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the United Kingdom of Great Britain at Northern Ireland Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr.

 

 

“The new development in terms of security and defense… It is not traditional for us to look to Europe for our… to seek alliances and partnerships when it comes to security and defense,”  ayon sa  Punong Ehekutibo.

 

 

“But that seems to be the evolution, the geopolitics these days. It is a welcome evolution in my view, and again your visit here I think, is a clear indication of that intent. So once again, welcome to Manila, welcome to the Philippines, welcome to the Palace,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, winika ni Cleverly na may nakikita siyang maraming oportunidad pagdating sa pagpapalakas sa relasyon sa Pilipinas kabilang na ang ugnayan sa kalakalan.

 

 

“We are now looking towards enhancing the trade relationship, which is in a good place, that there is still growth. I know that you are very focused on attracting investment into the country and I’ve been discussing with our ambassador about UK export finance facility, which I hope would encourage UK companies to invest more broadly,” ayon kay Cleverly. (Daris Jose)

Nakalulungkot dahil meron na namang tampuhan: GABBY, alam ang dahilan kung bakit in-unfollow ni KC ang mag-amang KIKO at FRANKIE

Posted on: September 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ALAM daw ni Gabby Concepcion ang dahilan ng anak niyang si KC Concepcion kung bakit nito in-unfollow ang stepdad niyang si Kiko Pangilinan at stepsister na si Frankie.  

 

 

Ayon ito sa columnist/host na si Cristy Fermin, na alam nga raw ni Gabby ang nangyayari, pero siguradong pipiliin daw nitong huwag panghimasukan ang tampuhan ng anak sa kanyang pamilya sa side ng mommy nitong si Megastar Sharon Cuneta.

 

 

Usap-usapan na kasi sa social media na mukhang hindi na naman maayos ang relasyon nila na napansin ng mga netizens, kaya nag-unfollow si KC.

 

 

Sabi pa rin ni Cristy, si Gabby raw kasi ay parang si KC din, bihira lamang magsalita at hindi nagpo-post ng malalalim na bagay tungkol sa mga tao na malalapit sa kanya.

 

 

May mga nanghihinayang naman sa bagong development na ito, dahil katatapos lamang magsalita si KC kung gaano siya natuwa nang malaman niyang magsasama sa isang concert ang mga magulang niya, ang “Dear Heart,” na magaganap sa October 27, sa SM Mall of Asia Arena.

 

 

Iba raw kasi ang nararamdaman niya dahil siya lamang ang anak nina Gabby at Sharon, at pangarap niyang makita silang “masayang nag-uusap, nagtatawanan, magkasundo at magkaibigan.”

(NORA V. CALDERON)

Nagpaliwanag sa kinatuwaang ‘viral video’: BARBIE, nakatulog sa pagod at niyakap siya ni DAVID

Posted on: September 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IKINATUWA ng fans ng phenomenal BarDa loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco na nag-viral ang video ng isang eksena nila sa new primetime series ng remake hit movie na “Maging Sino Ka Man”.

 

 

Ang video ay nagpakitang magkayakap na natutulog sina Monique (Barbie) at Carding (David) at during the mediacon ng serye, ipinaliwanag nila kung bakit may ganoon silang video.

 

 

“Nagri-rehearse kami noon ni David ng eksenang iyon, na niyakap ko siya,” kuwento ni Barbie.

 

 

“Then inihanda na ni Direk Enzo Williams ang eksena, siguro sa pagod na namin dahil sa sunud-sunod na shoot nakatulog kami.  Pero iyon nga, sa halip na ako ang yumakap sa kanya, siya ang yumakap sa akin, hindi ba?”

 

 

“Yes,” sagot naman ni David, “Dahil sa pagod ko na rin.”

 

 

Ang “Maging Sino Ka Man,” ay magkakaroon ng world premiere sa September 11, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.

 

 

***

 

 

MAS lalong nag-enjoy ngayon si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mag-dance video dahil may ka-partner na siya.

 

 

Ito ay si Raphael Landicho, na gumaganap na anak niya sa upcoming series na ginagawa nila sa GMA Network, kasama si Gabby Concepcion.

 

 

Si Raphael ang nag-post ng video nila  ni Marian sa kanyang social media account, habang sumasayaw sila sa song ni Nicki Minaj na “Super Bass.”  Sa latest posting ng video, nakakuha na ito ng mahigit 1.5 million views.

 

 

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Raphael ang reel na nagpapakita silang sumasayaw ni Marian sa tune ng “Super Bass.”

 

 

At nagpasalamat pa siya: “Yehey, thank you po Ate Yan  @marianrivera, napagbigyan nyo po ako.”

 

 

Ang ginawa naman ni Marian, inilagay niya ang comments ng reel at sinamahan pa niya ito ng smiling face at heart-shaped eyes emojis, na pinusuan naman ng mga netizens.

 

 

Samantala, nasa last week na ang “Voltes V: Legacy”, na si Raphael ay gumaganap bilang si Little Jon Armstrong, na kasama niyang bumubuo sa Voltes V sina Miguel Tanfelix, Matt Lozano, Radson Flores at Ysabel Ortega na napapanood gabi-gabi (8:00 p.m.) sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Speaker Romualdez, Tingog Party-list, DSWD sanib-puwersa sa pagtulong mga drayber, estudyante sa Bulacan

Posted on: September 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa may 2,000 drayber at mag-aaral sa Bulacan nitong Miyerkules.

 

 

Ang pamimigay ng tulong ay natupad sa tulong ni Pangulong Bongbong Marcos na makapagbigay ng magandang serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinamumunuan ni Sec. Rex Gatchalian, dating kinatawan at alkalde ng Valenzuela City.

 

 

Mismong si Speaker Romualdez, at kanyang may-bahay na si Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, ang namahagi ng tig P5,000 tulong sa may 1,000 kwalipikadong miyembro ng Jeepney Operator at Drivers Association, at 1,000 estudyante.

 

 

Isinagawa ang AICS payout sa Valencia Hall ng Bulacan State University.

 

 

Nagpahayag naman si Speaker Romualdez ng paghanga sa Tingog sa pagpapakita nito na buhay pa ang Bayanihan sa mga Pilipino.

 

 

Samantala, nagsilbi namang panauhing pandangal si Romualdez sa pagbubukas ng Alagang Tingog Center (ATC) sa unang Distrito ng Bulacan.

 

 

Ikinalugod ng House Speaker na buhay at nananatili pa rin sa mga Pilipino ang pagkakaisa, paglilingkod at pagkahabag anuman ang estado sa buhay.

 

 

Naaayon din aniya sa direktiba ni Pangulong Marcos na palawakin at gawing madali ang pagpapaabot ng serbisyo ng gobyerno sa publiko ang pagtatayo ng ATC.

 

 

Aniya ang dedikasyon ng dalawang kinatawan ng Tingog ay nagpapatunay na malayo ang mararating kapag pinagsama ang isip at puso para mapaganda ang mga komunidad.

 

 

“The inauguration of the ATC is not just a celebration of a new building, but a celebration of hope, unity, and progress. Let this day mark the beginning of an era where the people of Bulacan, and the entire nation, feel more connected, heard, and cared for,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.  (Ara Romero)

Dating pulis na nasangkot sa viral video ng pananakit at panunutok ng baril dapat na sampahan ng kaso -Abalos

Posted on: September 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KUMBINSIDO  si Interior Secretary Benhur Abalos na dapat na sampahan ng kasong kriminal ang dating pulis na nasangkot sa viral video nang pananakit at panunutok pa ng baril nito laban sa isang siklista.

 

 

Ang katwiran ng Kalihim, hindi dapat na kinukunsinti ang  “culture of impunity” sa bansa.

 

 

“For the sake of a peaceful and orderly society, we cannot allow a culture of impunity. We cannot allow bullies to just go around intimidating people with deadly weapons. There must be consequences here,” ani Abalos.

 

 

Sinabi pa ni Abalos, kahit pa nakipag-areglo ang dating pulis na si  Wilfredo Gonzales sa siklista ay maaari pa rin aniyang sampahan ito ng kasong kriminal.

 

 

“Even if the victim won’t testify, criminal cases can still be filed if another witness comes forward. For example, the person that took the viral video, or other bystanders during the incident, can establish that they were at the scene, and identify the perpetrator and the acts that he committed. At the very least, a case for alarm and scandal could be filed,” paliwanag ni Abalos.

 

 

Sa ulat, sinabi ni Gonzales na nagkaayos na sila ng siklista.

 

 

“Pagkatapos ng komprontasyon na nakita niyo sa viral video, ako at ang aking siklista ay pumunta kami sa police station kung saan kami ay nagkausap, nagkapatawaran at nagkasundong kalimutan ang nangyari,” aniya.

 

 

Sinupalpal naman ng abogadong si Raymond Fortun ang pahayag ng dating pulis at sinabing pwersahang pinapirma ang siklista ng testimonyang nagsasabing siya ang may sala sa pangyayari.

 

 

Nagbayad pa umano ang biktima ng P500 dahil sa nagasgas na bahagi ng sasakyan.

 

 

“Dinala ng pulis ang siklista sa police station. Doon ay sapilitan sya na pinapirma ng agreement na nagkaayos umano sila at inamin nya na sya ang may mali. Di lang yon — pinagbayad pa sya ng ₱500 dahil nagasgasan n’ya ang sasakyan ng ex-pulis,” saad sa Facebook post ni Fortun.

 

 

“Yung nag-upload ng video ay tinakot din. Hindi nyo na makikita ang video sa vlogsite nya,” pagbabahagi pa niya.

 

 

“There can be no criminal case without the cooperation of the victim. But that does not mean that we, the public, are left helpless,” dagdag nito.

 

 

Mismong si Fortun na ang maghahain ng reklamo sa Land Transportation Office para bawiin naman ang driver’s license ni Gonzales, “for driving in a reckless manner that threatened the life of AB.”

 

 

Magpapadala rin umano siya ng kopya ng video “to the Senate President and the Speaker of the House, for them to decide whether the same can be the basis for a congressional investigation, in aid of legislation, in order that the August 8,2023 incident will not be repeated and that the citizenry would feel safer as they traverse our streets.” (Daris Jose)

Masaya sa ano mang relasyon nila: MIGUEL, ipinagdiinang ‘di pa sila mag-dyowa ni YSABEL

Posted on: September 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA totoo lang, si Maine Mendoza ang naalala namin nang mabasa namin ang Instagram post ni Sef Cadayona tungkol sa naging proposal niya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

 

 

Naalala namin si Maine dahil matagal din silang na-link habang kasagsagan pa ng Aldub.

 

 

Kakakasal ni Maine at si Sef naman, posibleng sumunod na rin. Cute ang kuwento ni Sef sa naging proposal niya dahil dalawang beses siyang nag-propose sa pagitan ng anim na buwan.

 

 

Mula sa singsing na papel hanggang sa diamond ring na ang binigay niya.

 

 

Sey ni Sef sa kanyang Instagram post, “February 14, 2023. Hindi ako makapaniwala na nakuha ko ang matamis mong OO! Biruin mo… sa hindi inaasahang pangyayari nag propose ako gamit ang gawa kong papel na singsing.

 

 

“May iba doon eh… lahat tama parang lahat ng naramdaman ko eh inuudyok nako itanong sa yo kung pwede ba kitang makasama habang buhay. Kahit hindi magarbo o engrande… umoo ka. Napaka swerte at saya ko nung gabing yun.

 

 

“Dumaan ang ilang buwan tuloy ang ating buhay pero nakatatak sa isip ko, ibibigay ko ang galak at saya na para sayo.

 

 

“Kabang kaba ako! Panay memorya ng linya na sasabihin ko pag nasa harap na kita. Pumunta sa bahay niyo para magpaalam sa magulang mo. Masabi ko sa kanila na masaya tayo at gusto ko sana ganun tayo hanggang sa tumanda na tayong dalawa na magkasama. Mapalad ako na pumayag sila. Humingi ako ng tulong kay Ate A paano diskarte sa pagdating mo.

 

 

“Kaya pagpasok mo sa bahay niyo… nakahintay na ko para itanong ulit sa ‘yo, ‘will you marry me?’ Mahal kita Nelan! May Lemoine. Wag mo ko papuntahin sa malayo.”

 

 

Marami rin kapwa niya celebrities ang bumati kay Sef, isa na rito si Marian Rivera.

 

 

***

 

 

SA ginanap na online mediacon para sa pagtatapos ng ‘Voltes V: Legacy’, tinanong namin sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega kung sa mahigit na apat na taon nilang pagsasama, masasabi nilang nag-level-up na rin talaga ang ano mang relasyon na meron sila.

 

 

Binigyang-diin ni Miguel na kung may maganda sa relasyon nilang dalawa ni Ysabel, lumalago raw silang magkasama at indibidwal.

 

“Actually, ang masasabi ko lang diyan, we’re both growing together,” simulang pahayag ni Miguel.

 

 

“Lalo na ngayon, si Ysabel, may tinatayo siyang business ngayon. Ako, nag-aaral ako ng Film. So, I’m happy na nakikita namin ang isa’t-isa na mag-grow.

 

“’Yung relationship namin, hindi siya magiging hindrance para pigilan ang isa’t-isa. May mga relationship kasi na mai-stop ang growth mo as a person dahil kunwari, kung clingy ang isang tao at nagre-require siya ng so much attention, so much time, parang mawawalan ka ng time na mag-build ng career mo and kung ano man ang gusto mong gawin sa buhay.”

 

Masaya raw si Miguel na hindi sila katulad ng inilalarawan niya.

 

“I’m very happy na sa relationship namin ni Ysabel, we’re pushing each other na mas gumanda ang buhay, mas mag-grow ang career. Ngayon, hindi lang showbiz ang pinu-push namin, pati personal lives namin.”

 

 

Pero ayon kay Miguel, hindi pa raw talaga sila mag-jowa. Sa isang banda, sa pagtatapos ng ‘Voltes V: Legacy’ sa September 8, kaya abangan ang mangyayari sa limang heroes kabilang nga ang mga characters ng dalawa bilang sina Jamie Robinson at Steve Armstrong.

(ROSE GARCIA)

Ads September 1, 2023

Posted on: September 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments