SIGURADONG ang mga BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco, ay napanood na ang full trailer ng “Maging Sino Ka Man,” ang iconic adaptation sa GMA-7 ng pelikula noon nina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla.
Sa trailer, makikita mo ang husay sa mga action scenes niya si David, na ayon sa kanya, hanggang maaari ay siya ang gumagawa ng mga stunts. Kaya naman noong mediacon ng action serye, nahingan ng comments ang mga kasama ni David na mga action stars na sina Jeric Raval at ER Ejercito.
Ayon kay former Laguna Mayor ER, sinusuportahan at gina-guide niya si David sa mga action scnes nito.
“Naniniwala akong si David, bilang isang action star ay pwedeng maging next Ace Vergel or next Rudy Fernandez.”
Naniniwala naman si Jeric na marami pang susunod na action projects si David.
“Nakikita ko sa trailer pa lamang na malayo ang mararating niya bilang isang action star.”
Tulad nang sabi ni Gov. ER, nakikita rin daw niya kay David ang mga mahuhusay na action stars na sina Rudy at Ace.
Sa September 11 na mapapanood ang world premiere ng “Maging Sino Ka Man” na makakasama rin nina Barbie at David, sina Jean Garcia, Faith da Silva. Jean Saburit, Juancho Trvino, Rain Matienzo at marami pang iba.
Papalitan nila ang “Voltes V: Legacy” na finale episode na sa September 8 sa GMA-7, 8pm.
***
IKINALUNGKOT pala ng tinaguriang “The Father of Philippine Christmas Music” na si Jose Mari Chan, nang malaman niyang wala o bibihira na ang bumibili ng CDs at cassettes sa panahon natin ngayon na may makabago nang technology.
Kaya nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” last September 1, nalungkot siyang malaman na hindi na rin gaanong kumikita ang mga artists natin. At iyon nga nasabi ni Jose Mari kay Boy, na wala na raw bumibili ng records, ng CDs at cassettes.
“Sa Spotify na lamang kumikita ang ating mga artists pero konti na lamang maliban kung may mga endorsements sila at may mga shows sila,” sabi ni Jose Mari.
“Hindi madali ang buhay ng pagiging isang singer at kompositor. Kaya may payo ako sa mga new compositors and singers, gamitin nila ito as a hobby or on the side. Kumuha sila ng ibang career, mag-aral sila ng law or accounting, or medicine.
“Huwag nilang ihinto ang paggawa ng music, kasi God’s given gift sa kanila ang kanilang boses at kaalaman para maging kompositor.”
That day, September 1, sinimulan ni Jose Mari Chan ang araw nang mag-guest siya sa “Unang Hirit”| ng GMA-7 at inawit niya ang pamoso niyang Christmas song na “Christmas in Our Hearts.”
***
NAGPASALAMAT ang mga Vilmanians kay Vilma Santos nang ipakita niya ang movie poster ng upcoming movie niya with favorite leading man, Christopher de Leon, ang “When I Met You in Tokyo” na backdrop nila ang Japan’s sakura at caption na “Ready to fall in love? Soon…”
Ang “When I Met You in Tokyo” ay isang romantic drama na shot in Japan. Makakasama nila sa movie sina Cassy Legaspi at Darren Espanto. Thankful si Vilma sa bagong movie na na-miss niya ang paggawa sa nakalipas na six years.
Kaya raw nang i-offer sa kanya, tinanong lamang niya ay ang synopsis ng story at kung sino ang makakasama niya, Oo agad ang sagot niya nang malamang si Christopher de Leon ang makakatambal niya.
May guest role din sa movie ang best friend nilang si Tirso Cruz III na nag-shoot din sa Japan.
Tuloy kayang isama sa coming Metro Manila Film Festival 2023 ang “When I Met You in Tokyo?”
(NORA V. CALDERON)