NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paiigtingin ng pamahalaan ang pagsisikap nito na tiyakin ang ‘proactive farming’ sa bansa.
Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati na binasa ni Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban sa idinaos na ika-51 taong anibersaryo ng National Food Authority.
“I share with you our high hopes in the success of the SARAI Project—or the Smarter Approaches to Reinvigorate Agriculture as an Industry in the Philippines Project,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Through this, we will be intensifying our efforts in providing smart and sustainable solutions for a more productive and proactive farming. Likewise, I am optimistic in the positive impacts that will be carried out by the NFA Modernization Program,” dagdag na wika nito.
Inamin ng Punong Ehekutibo na nito lamang nakalipas na buwan ay maituturing na talagang isang malaking hamon para sa sektor ng agrikultura.
“However, we continue to find the best solutions to the issues that we face without compromising the needs of our farmers and retailers,” ani Pangulong Marcos.
“We continue to relentlessly strive to bolster the agriculture sector to increase our local food production and supply,” aniya pa rin.
Binanggit ng Chief Executive na gumagawa na ng agresibong hakbang ang pamahalaan para mapagaan ang epekto ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa ‘price stability’ ng mga pangunahing bilihin lalo na ng bigas.
Samantala, ipinag-utos naman ni Pangulong Marcos ang pagpapalakas sa law-enforcement activities laban sa mga smugglers, hoarders, at mga nagpapahina sa pagsisikap ng gobyerno na siguraduhin ang food security. (Daris Jose)