• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 29th, 2023

Ang reunion na pinakahihintay ng lahat: PIA, masayang pinost ang muling pagkikita nila ni Miss Columbia ARIADNA

Posted on: September 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT kami ay nagulat at natuwa na makita ang litrato na magkasama sina Pia Wurtzbach at Ariadna Gutierrez!

 

 

Well sino ba naman ang makakalimot sa nangyari noong Miss Universe 2015 kung saan nagkamali si Steve Harvey ng announcement ng winner, na sa halip na Philippines ang tawagin niya ay Colombia ang inanunsiyo niyang nagwagi bilang pinakamagandang babae sa buong universe noong taong iyon.

 

 

At heto nga, kailan lamang ay nag-post si Pia sa kanyang Instagram account ng larawan kung saan magkasama sila ni Ariadna na naglalakad sa isang kalye sa Paris.

 

 

Ginanap kasi doon ang Paris Fashion Week kaya naroroon ang dalawang beauties.

 

 

“The reunion you’ve all been waiting for,” ang caption ni Queen Pia sa kanyang post na nilagyan ni Ariadna ng comment na “Almost 8 years!”

 

 

Maging si Ariadna ay nag-post ng lirato nila ni Pia sa kanyang IG account na may caption na…

 

 

“It’s been almost 8 years since the last time we were together. So happy to see you again. When time makes sure you meet the right people once again.”
Nagbubunyi ang mga beauty pageant afficionados sa muling pagkikita ng dalawa.
***
 

AYAW paawat ni Alden Richards! Bakit?

 

 

Si Alden kasi ang pinakabagong Board of Trustees member ng Movie Workers Welfare Foundation, Inc. o MOWELFUND.

 

 

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang MOWELFUND ay organisasyon na nagbibigay-tulong at suporta (kadalasan ay pinansiyal) sa lahat ng miyembro nito na nasa industriya ng pelikula.

 

 

“Naghahanap na talaga ako ng ways kung paano ba ako makakapagbigay pabalik sa isang industriya na nagpabago ng buhay ko. Iyon, binigay sa akin ni Lord si MOWELFUND,” pahayag ni Alden.

 

 

Ang president at CEO ng organisasyon ay si Rez Cortez, ang ilan sa mga board members nito ay sina Gina Alajar at Boots Anson Roa, na dumalo din sa oath-taking ni Alden.

 

 

Samantala, isa pang ganap ni Alden ay ang pagiging… direktor!

 

 

Di ba kasi may pelikula ang Asia’s Multimedia Star kung saan isa rin siya sa producer (with his Myriad Corporation) at ito yung ‘Five Breakups And A Romance’ nila ni Julia Montes

 

 

And during the shoot, nilapitan si Alden ng direktor ng pelikula, si Irene Villamor at kinausap na siya, si Alden, ang maging direktor ng isang eksena.

 

 

“Si direk Irene came up to me, nasa Singapore kami nun, ‘I-direk mo yan,’ tapos umalis. ‘Ok po.’

 

 

“Tayo agad ako, punta ako sa AD (Assistant Director), punta ako sa DOP (Director of Photography) namin.

 

 

“Ganun siya e. Pupuntahan namin yung location, babasahin namin yung script, ano yung elements na incorporated sa script na puwedeng maging additional detail for the scene, the framings, the blockings of the actors, basta lahat ‘yun,” kuwento ni Alden.

 

 

Sa October 18 ang showing ng pelikula kung saan personal choice ni Alden na gumanap bilang ina niya ang mahusay na aktres na si Lotlot de Leon.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Natanggap agad dahil mahal at nirerespeto: RICKY, emosyonal nang balikan kung paano nag-out si RIKKI MAE

Posted on: September 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGSIMULA nang mag-shooting ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng movie nilang “Rewind”,” na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival sa December.

 

 

Ayon kay Dingdong, dahil sa iba pang mga works nila, nagiging bonding time na rin nilang mag-asawa iyon.  Minsan nga ay nag-post sila na nagti-Tiktok sa set, na siyang naging first collaboration nilang mag-asawa.

 

 

Pero excited na raw sila sa kanilang project, after four years na hindi sila nagtambal sa movie.

 

 

“Excited kami sa project na ito,” sabi ni Dingdong.

 

 

“Three months na lamang, December na. At nakatutuwang malaman na marami pa rin palang producers ang gustong gumawa ng pelikula at maipalabas sa mga sinehan.”

 

 

Inisa-isa ni Dingdong ang mga movies na sabi’y papasok na sa festival.  “Merong entry si Pipo (Tirso Cruz III, nakasama sa ‘Royal Blood’) with Ms. Vilma Santos at Christopher de Leon.

 

 

“May entry rin sina Ms. Sharon Cuneta at si Alden Richards.  Ibabalik din ng Regal Films and “Shake, Rattle & Roll.”  Nakatutuwa, dahil we belong to this industry at iisa lamang naman ang gusto natin, na mabuhay muli ang industriyang ito, at bumalik ang mga manonood sa mga sinehan.

 

 

“Kaya wish namin ni Marian this December, lumabas na ang mga tao, at tangkilikin ang Pelikulang Pilipino.  Kaya it’s our hope and our prayer, na mag-normalize na ang lahat after this pandemic, at bumalik na ang mga manonood sa ating mga sinehan.”

 

 

                                                            ***

 

 

NAGING special guest ni Boy Abunda last Tuesday, September 26, sa“Fast T alk with Boy Abunda,” ang mahusay na actor at director, si Ricky Davao.

 

 

First time nitong nagpahayag ng tungkol sa paghihiwalay nila ng dating asawang si Jackie Lou Blanco, 23 years ago.  Hindi raw nila kagustuhan pareho ang kanilang paghihiwalay, wala sa kanilang plano.

 

 

“We have to accept, move on and continue living, be positive, dahil mahirap pagdaanan ang isang break-up.  Pero nagbabago rin ang mga break-ups sa paglipas ng panahon at nag-mature na rin ang tao.

 

 

“Pero I’m in love now, at naniniwala ako sa second chance,” nakangiting pahayag ni Direk Ricky

 

 

Sa ngayon, sa kabila ng paghihiwalay nina Jackie at Direk Ricky, co-parenting pa rin sila sa mga anak nila.  Doon na rin inamin ni Direk Ricky kung paano inamin ng kanilang anak na si Rikki Mae na member siya ng LGBTQ+ community.

 

 

“Something happened in her school, nabalitaan ko at nagalit ako,” emosyonal na kuwento niya.

 

 

“Sa bahay, nag-aayos ako ng shoes, nagalit ako, binato ko, hindi ko naman siya tinamaan, at umiyak na siya, maluha-luha rin ako.  Kinabukasan, binigyan ako ni Rikki Mae ng sulat, pag-amin tungkol sa pagkatao niya.

 

 

“She’s different daw at part nga ng LGBT+ community.  Of course, natanggap ko naman agad, because I love her, and I respect her.  So, whatever that will make her happy.”

 

 

Napapanood ngayon si Direk Ricky na umaarte sa “Love Before Sunrise” nina Dennis Trillo at Bea Alonzo, gabi-gabi after ng “Maging Sino Ka Man” sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Lalaban sila ni Heaven sa ‘2023 Asian Academy Creative Awards’: ARJO, tinanghal na National Winner for Best Actor in a Leading Role

Posted on: September 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SUNUD-SUNOD ang pagdating ng magagandang balita para sa mahusay aktor at Congressman ng QC na si Arjo Atayde.

 

Kahapon, September 28, in-annouce na ang National Winners ng mga bansa sa Asya na maglalaban-laban naman ‘2023 Asian Academy Creative Awards’.
Ang Grand Awards at Gala Final ay sa December 7, 2023 at gaganapin sa historic Chijmes Hall ng Singapore.

 

Si Arjo nga ang nagwagi ng Best Actor in a Leading Role dahil sa napakahusay niyang pagganap sa series na ‘Cattleya Killer’ na napili ring Best Drama Series ng bansa para sa 2022.

 

Muli ngang makikipagtunggali si Arjo sa mga mahuhusay ding aktor sa Asya at matatandaang nakapag-uwi na siya ng Best Actor trophy sa mula 3rd Asian Academy Creative Awards 2020 para sa series na ‘Bagman.’

 

Kapansin-pansin nga ang mahusay niyang pagganap sa ‘Cattleya Killer’ kaya ‘di na nakapagtataka na siya ang hirangin na National Winner at malakas ang laban niya. Let’s hope na masungkit niya uli ang naturang acting award.
Recently, ay na-nominate din siya sa Asia Content Awards & Global OTT Awards bilang Best Lead Actor para rin sa naturang series na prinoduce ng ABS-CBN International Productions, Prime Video at Nathan Studios.

 

Katatapos lang din ng North American premiere ng movie niya na ‘Topakk’ last September 23 & 23 sa Austin, Texas.
Samantala si Heaven Peralejo ang tinanghal na PH Best Actress in a Leading Role dahil din sa mahusay niyang pagganap sa MMFF 2022 entry na ‘Nanahimik ang Gabi (A Silent Night)’ ng Rein Entertainment Productions na napapanood sa Amazon Prime Video.

 

Ang naturang sexy suspense-thriller naman ang nagwagi ng Best Feature Film.

 

Kapapanalo lang din ni Heaven ng Best Actress sa 39th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines (FAP), kaya palaban din siya dito sa AACA.

 

Ang co-actor niyang si Mon Confiado sa movie ang waging Best Actor in a Supporting Role, na nanalo rin sa MMFF 2022.

 

Last year ay si Jodi Sta. Maria ang nanalong Best Actress para drama series na “The Broken Marriage Vow.” Kaya abang-abang kung magba-back-to-back win ang Pilipinas.

 

 

Narito pa ang ibang National Winners sa para 2023 AACA:

BEST ACTOR/ACTRESS IN A COMEDY ROLE – Isabelle Daza – ‘K-LOVE’
BEST ACTRESS IN A SUPPORTING ROLE – Sue Ramirez – ‘K-LOVE’
BEST ADAPTATION OF AN EXISTING FORMAT – ‘Flower Of Evil’
BEST ANIMATED PROGRAMME OR SERIES (2D OR 3D) – ‘Voltes V: Legacy’
BEST VISUAL OR SPECIAL FX IN TV SERIES OR FEATURE FILM – ‘Voltes V: Legacy’
BEST DIRECTION (FICTION) – Onat Diaz – ‘Dirty Linen’
BEST ENTERTAINMENT HOST – Manila Luzon – ‘Dragden With Manila Luzon’
BEST NON SCRIPTED ENTERTAINMENT – ‘Dragden With Manila Luzon’
BEST MUSIC OR DANCE PROGRAMME- ‘ASAP NATIN ‘TO’
BEST GENERAL ENTERTAINMENT, GAME OR QUIZ PROGRAMME – ‘EVERYBODY, SING!’

 

Para sa complete list bisitahin lang ang kanilang website: https://www.asianacademycreativeawards.com.

 

 

(ROHN ROMULO)

Mga Bulakenyong magsasaka, makikinabang mula sa tatlong ‘solar-powered irrigation system’ ng DA-NIA

Posted on: September 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – May 1,434 Bulakenyong magsasaka ang makikinabang mula sa nakumpletong tatlong solar pump irrigation na proyekto ng Department of Agriculture – National Irrigation Administration na inanunsyo sa ginanap na presentasyon ng Solar Irrigation Projects sa NIA Regional Office III sa Brgy. Tambubong, San Rafael, Bulacan noong Biyernes.

 

 

Ang nasabing tatlong proyektong irigasyon na may kabuuang pondong inilaan na P98.6 milyon ay matatagpuan sa Brgy. Sampaloc sa San Rafael at mga Brgy. Tibagan at Malamig sa Bustos.

 

 

Sinabi ni NIA Region III Regional Manager at concurrent OIC Deputy Administrator for Engineering and Operation Sector Inh. Josephine Salazar na ang nasabing pilot solar project sa Brgy. Sampaloc, San Rafael ay may mga solar panel na nakainstila sa ibabaw ng mga irrigation canal.  Pinapagaan nito ang epekto nang paggamit sa mga lupaing pangsaka para sa solar installation nang sa gayon ay mas maraming oportunidad ang mga magsasaka na magamit ang lupain para sa kanilang mga pananim upang lumago ang kita. Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito na pinagsamang solar panel, pambomba, electronic controls para sa operasyon, kongkretong mga kanal, mga tangke ng tubig, conveyance structures, at pump houses, mas matipid na sistema kumpara sa mga de-gasolina na pambomba ang hatid nito sa mga magsasaka.

 

 

Buhat nang simulan ang operasyon ng Kapatiran Solar Pump Irrigation System, higit kalahati ng taunang konsumo sa elektrisidad ang nabawas.  Dahil sa naging tagumpay ng proyekto, dalawa pang katulad na modelo ang itinayo sa ibang lugar  – BUSPAN Solar Pump Irrigation System sa Brgy. Malamig at ANBUSPA Solar Pump Irrigation System sa Brgy. Tibagan, parehong nasa bayan ng Bustos.

 

 

“Irrigation is the backbone of agriculture. Together, let us continuously work as we support our President Ferdinand R. Marcos, Jr. on his agenda of achieving full food sufficient country bilang ito po ang kanyang top priority,” dagdag pa niya.

 

 

Gayundin, sinabi ni NIA Administrator Eduardo Guillen na makatutulong ang proyektong irigasyon sa pagbawas sa kagutuman at pagresolba sa problema ng implasyon o pagbaba ng halaga ng salapi.

 

 

Samantala, sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, pinasalamatan ni Bise Gob. Alexis C. Castro ang NIA para sa paglulunsad ng nasabing malaking proyekto sa Bulacan.

 

 

“Nagpapasalamat po tayo dahil sa malaking tulong na ito sa mga magsasaka natin na mabiyayaan ng programang ito,” ani Castro.

 

 

Dumalo din sa okasyon upang magbigay ng kanilang suporta sina Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan Ferdinand Martin Romualdez, mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan Edvic Yap, Erwin Tulfo, Elizaldy Co at Lorna Silverio, Punong Bayan ng San Rafael Mayor Mark Cholo Violago at iba pa.

8 aplikante sa inisyal na listahan ng kandidato para sa Maharlika Investment Corp.-DBM

Posted on: September 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MAY walong aplikante ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para maging bahagi ng board of directors ng Maharlika Investment Corp. (MIC). 
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman  na “Yung info na nabigay sakin nung una, but this was two weeks ago when we started, parang there’s already seven to eight… Private mostly, walang government.”
Ang MIC  ay isang government-owned company  na inatasan na mangasiwa sa Maharlika Investment Fund (MIF), paglalagakan ng mga government resources na i- invest sa high-impact projects, real estate, at financial instruments.
Nanawagan ang Presidential Communications Office  ng aplikasyon at nominasyon noong Setyembre 12, 2023, na may requirements at clarifications  na nakapaskil sa Department of Budget and Management (DBM) website.
Ang deadline para sa aplikasyon ay sa Setyembre 7.
Winika ni Pangandaman na ang rekomendasyon ay nakatakdang isumite kay Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa susunod na Lunes, Oktubre 2.
Aniya, may tatlo na ang nagsumite para sa  posisyon ng pangulo at  CEO, subalit may ibang aplikasyon ang natanggap matapos na magbigay ng update ang Kalihim.
“The advisory body for the MIC counts as members the secretaries of the DBM and the National Economic and Development Authority (NEDA), and the national treasurer,” ayon sa DBM.
“The MIC Board counts as members the Department of Finance (DOF) Secretary as the ex-officio chairperson, along with the respective president and CEOs of the Land Bank of the Philippines and the Development Bank of the Philippines,” ayon pa rin sa departamento.
Sa kabilang dako, ang anim na kandidato na irerekomenda kay Pangulong MArcos ay kinabibilangan ng  MIC president at CEO, dalawang regular directors, at tatlong  independent directors. (Daris Jose)

PBBM, nilagdaan na ang ‘TRABAHO PARA SA BAYAN ACT’

Posted on: September 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
TININTAHAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas, araw ng Miyerkules ang “Trabaho Para sa Bayan Act.”
Layon nito na tugunan ang “unemployment, underemployment, at iba pang hamon sa labor market.”
Ang batas ay nakatuon sa pagpapahusay sa “employability at competitiveness”  ng mga manggagawang Filipino  para itaas ang kasanayan at muling ituro ang inisyatiba at suportahan ang micro, small, and medium enterprises at industry stakeholders.
Sa ilalim ng batas, ang Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council (TPB-IAC), sa pangunguna ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, ay bubuo ng masterplan para sa “employment generation at recovery” sa Pilipinas.
Tatayong co-chair ng TPB-IAC ang mga Kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) at  Department of Labor and Employment (DOLE) na may kinatawan mula sa ibang ahensiya at iba’t ibang sektor.
Magsasagawa rin ito ng comprehensive analysis ng employment status at labor market sa bansa at titiyakin ang epektibong paggamit ng resources at pinagsama-samang pagsisikap ng pamahalaan.
Tutulungan din ng konseho  ang  local government units sa  “planning, devising, at implementing employment generation and recovery plans and programs” sa kani-kanilang lokalidad, tiyakin na naka- aligned sa Trabaho Para sa Bayan Plan.
Para kay  Secretary Balisacan, ang paglagda sa sa “Trabaho Para sa Bayan Act” ay isang “welcome development” dahil makapag-aambag ito sa  Philippine Development Plan 2023-2028 ng administrasyong Marcos.
“We support the Trabaho Para sa Bayan Act as it contributes to the Philippine Development Plan 2023-2028, which aims to increase employability, expand access to employment opportunities, and achieve shared labor market governance,”ayon kay Balisacan.
“With the passage of the TPB, this will facilitate stronger coordination and partnership among relevant agencies and stakeholders for the efficient implementation of employment programs,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

PBBM, pinangunahan ang panunumpa ng 55 heneral ng PNP

Posted on: September 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PINANGUNAHAN  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa sa 55 mga police generals na ginawa sa Heroes Hall sa Palasyo ng Malakanyang. 
Ito ang ikalawang batch ng mga nag -oath taking na heneral ng PNP dahil  nasa may 58 ang nanumpa sa unang batch na ginawa noong isang linggo.
Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos,  sinabi nitong zero tolerance ang gobyerno hindi lamang sa korapsyon kundi pati na sa human rights abuses.
Winika pa nito na sa ilalim ng  Bagong Pilipinas ay hindi dapat na magkaroon ng puwang ang katiwalian at pang- aabuso sa kapangyarihan.
Inaasahan din aniya ng mga mamamayan sa mga bagong promoted generals ang highest standards sa kanilang hanay at makikita sa kanila ang “leadership by example.”
Samantala, siniguro rin ng Pangulo ang  suporta nito  para sa modernisasyon ng PNP. (Daris Jose)

AYALA MALLS CINEMAS’ “THRILL FEST” EXCLUSIVELY BRINGS ICONIC HORROR MOVIE “THE EXORCIST” 50TH ANNIVERSARY DIRECTOR’S CUT

Posted on: September 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

READY for Halloween? To jump-start the spook-tacular season, Ayala Malls Cinemas is exclusively bringing back “The Exorcist” to theaters for its 50th anniversary, featuring a remastered director’s cut with additional terrifying visuals. 

 

 

“The Exorcist: 50th Anniversary Director’s Cut” officially opens on September 27 this year’s “AMC Thrill Fest,” a month-long Halloween special by Ayala Malls Cinemas.

 

This year’s Thrill Fest gives horror fans a chance to see cult favorites from the genre on the big screen.  The classic horror movie “The Exorcist”, directed by William Friedkin and starring Max von Sydow, Jason Miller, Ellen Burstyn and Linda Blair, made history as the first horror film to be nominated for Best Picture at the Oscars, winning for Best Adapted Screenplay and Best Sound.  William Friedkin directs one of the most horrifying movies ever made. When a charming 12-year-old girl takes on the characteristics and voices of others, doctors say there is nothing they can do. As people begin to die, the girl’s mother realizes her daughter has been possessed by the devil – and that her daughter’s only possible hope lies with two priests and the ancient rite of demonic exorcism.  This re-release of the iconic movie is also a tribute to the late Friedkin, who passed away August 7, 2023, at age 87.

 

 

An elevated horror experience awaits movie fans at Ayala Malls Cinemas with Friedkin’s Extended Director’s Cut that is sourced from the original 1973 cut camera negative with newly restored and remastered picture and sound – removing dirt, scratches, and other defects, while maintaining the film’s original creative integrity.  Ayala Malls Cinemas continues to offer the moviegoing audience a whole new thrilling experience by bringing back the film that shocked the audience around the world when it was released 50 years ago that redefined and forever changed the horror genre.

 

 

Shortly after the re-release of “The Exorcist,” director David Gordon Green’s “The Exorcist: Believer” will hit cinemas October 4 which is also a part of the AMC Thrill Fest. The film is a direct sequel to the 1973 original and will see Burstyn reprise her role as Regan’s tormented mother, Chris MacNeil. The film will also star Leslie Odom Jr. and Ann Dowd.

 

 

These classics are best seen in theaters, with a crowd of fellow horror movie fans. At Ayala Malls Cinemas, horror enthusiasts can enjoy the experience with state-of-the-art features, including 4DX theaters with magical motion seats for a fully immersive movie experience.

 

 

With the classics on screen, Ayala Malls Cinemas fully complements this year’s Halloween adventure with their lobbies designed to capture those funny and spooky moments after watching the movies.

 

 

The galore of Halloween treats continue with Thrill Fest’s lineup of must-see thrillers that include The Forbidden Play (Oct. 11), Target (Oct. 18), Beetlejuice (Oct. 25) and Five Nights at Freddy’s (Nov. 1).

 

 

The Forbidden Play is a Japanese supernatural film about a son trying to resurrect her mother after a tragic death but has awaken something evil.

 

 

Target is a Korean thriller with a star-studded cast that includes K-drama’s favorites – Shin Hye-Sun (Mr. Queen), Kim Sung Kyun (Moving), Lim Chul-Soo (Crash Landing on You), Lee Joo-Young (School Nurse Files) and Kang Tae-Oh (Extraordinary Attorney Woo). The film takes action when a woman buys a defective washing machine and leaves angry comments on the shop’s website. Soon enough, strange things start to happen to her.

 

 

The original “Beetlejuice” celebrates its 35th anniversary so get ready to turn on the juice and see what shakes loose as  Ayala Malls Cinemas brings the remastered version on the big screen.

 

 

The terrifying horror game phenomenon becomes a blood-chilling cinematic event, Five Nights at Freddy’s follows a troubled security guard as he begins working at Freddy Fazbear’s Pizza. While spending his first night on the job, he realizes the night shift at Freddy’s won’t be so easy to make it through. Prepare yourselves for a game of hide and seek, ride and die as Freddy’s house of horror comes to life at Ayala Malls Cinemas.

 

 

Ayala Malls Cinemas continue to treat its patrons this Halloween season with a free movie ticket to those who have watched five out of the six movies in the Thrill Fest lineup.

 

 

Watch all these thriller flicks until November 1, 2023 only at Ayala Malls Cinemas #WhereAmazingReelsAreReal

 

 

Check the full mechanics for more information at www.sureseats.com  Follow @ayalamallscinemas IG and FB.

 

(ROHN ROMULO)

DOTr: 76-km bike lane nilunsad sa CALABARZON

Posted on: September 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAROON ng groundbreaking ceremony sa Lipa City, Batangas ang 76-kilometer ng Class 2 at 3 bike lanes na siyang magdudugtong sa mga lungsod ng Lipa, Antipolo, Cainta, at San Mateo sa Rizal.

 

 

 

Ang nasabing bike lanes ay inaasahang matatapos sa unang quarter ng 2024. Inaasahan naman ng Department of Transportation na magkakaron ng kabuohang 400 kilometers na bike lanes sa Pilipinas pagkatapos ng ginawang groundbreaking ng P151.7 million na proyekto para sa Calabarzon region na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

 

 

 

“The Department of Transportation will seek an additional budget which will be allocated for creating more bike lanes next year,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

 

 

Sa taong 2023, may P700 million ang nakalaan para sa proyekto ng bicycle lane. Ang nasabing alokasyon ay may target na makapaglagay ng 470 kilometers ng bike lanes sa bansa.

 

 

 

Ang DOTr’s Active Transport Program ay naglalayon na mapalawak ang protected na bike lane networks ng 2,400 kilometers sa darating na 2028.

 

 

 

Noong 2022, nagkaron naman ng inagurasyon ang South at East Metro Manila bike lane network ang DOTr kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

 

 

Sa ngayon ay mayron ng kabuohang 563.57 na kilometro ang bicycle lane network ang tapos na nakalagay sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao.

 

 

 

Ang East Metro Manila bike lane ay may habang 17.2 na kilometro sa kahabaan ng anim (6) na road sections sa Marikina City. Habang may 49.36 na kilometro naman sa South Metro Manila bike lane sa tatlong (3) road sections na dumadaan sa Las Pinas, Muntinlupa at Paranaque. LASACMAR

‘Trabaho Para sa Bayan Act’ pirmado na ni Marcos

Posted on: September 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINIRMAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong batas na “Trabaho Para sa Bayan Act” na naglalayong tugunan ang unemployment at underemployment at iba pang hamon sa sektor ng paggawa.

 

 

Layon ng Senate Bill no. 11962 na pangunahing akda ni Senate Majority Joel Villanueva, na palakasin ang employability at competitiveness ng Pinoy workers sa pamamagitan ng upskilling at reskilling initiatives.

 

 

Gayundin ang pagsuporta sa micro, small at medium enterprises at industry stakeholders.

 

 

Nakasaad din sa “Trabaho Para sa Bayan Act” ang ­paglikha ng trabaho para sa Bayan Inter-Agency Council na pamumunuan ng Director General ng National Economic and Development Authority (NEDA) at ang co-chairman nito ay ang kalihim ng Department of Labor and Employment o DOLE at Department of Trade and Industry (DTI).

 

 

Sila rin ang babalangkas ng isang master plan para sa employement generation at recovery.

 

 

Kaagad naman ipinag-utos ni Marcos na balangkasin ang implementing rules and regulations para agad na mapakinabangan ng mga manggagawa.

 

 

Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan ng bagong batas ay mabubuksan sa mga Filipino ang bagong yugto para sa sapat at de kalidad na trabaho para sa lahat.