• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 29th, 2023

Panukalang ‘rice tariff reduction’, pinalagan ni PBBM

Posted on: September 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang pansamantalang ipatupad ang  rice tariff reduction para tugunan ang pagsirit ng presyo ng bigas sa merkado. 
“We decided with the agriculture and economic managers that … it was not the right time to lower the tariff rates because the projection of world rice prices is that it will go down. So, this is not the right time to lower tariffs. Tariffs are generally lowered when the price is going up,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos ang isinagawang sectoral meeting, araw ng Martes sa Palasyo ng Malakanyang kung daan ipinresenta ng National Economic and Development Authority (NEDA)  ang updates hinggil sa panukalang  rice tariff reduction  na may  ‘inputs’ mula sa Department of Finance (DOF), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Budget and Management (DBM).
May ilang grupo ng mga magsasaka ang nagpahayag ng kanilang alalahanin ukol sa negatibong epekto  kapag in-adopt ang rice tariff reduction gaya ng mas makikinabang ang mga  importers sa naturang panukala “because they are already undervaluing rice” at  “further depress” ang presyo ng palay  at  i-discourage o papanghinain ang loob  nila
(magsasaka)  mula sa pagpapalawak ng kanilang produksyon sa hinaharap.
Nauna rito, inirekomenda ng NEDA  ang pagtapyas sa taripa na ipinataw sa  imported rice sa layuning tulungan na maibaba ang  local rice prices sa merkado, sa kalaunan ay mauuwi sa sabay-sabay na pagbawi sa Executive Order (EO) No. 39, pagpapataw ng mandatong price ceilings sa regular at well-milled rice sa merkado.
Gayunman, sa nasabing pagpupulong, sina NEDA Secretary Arsenio Balisacan at ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) na sina Undersecretaries Leocadio Sebastian at Mercedita Sombilla ay sumang-ayon na hindi tama na ibaba ang tariff rates dahil sa ‘downtrend’ ng presyo ng bigas sa world market.
Sa ilalim ng EO 39, naging epektibo noong Setyembre 5,  ang ipinag-utos na  price ceiling sa  regular rice ay P41.00 kada kilo habang  ang ipinag-utos naman na  price cap  sa  well-milled rice ay P45.00 kada kilo.
Sa kabilang  dako, sinabi naman ni Pangulong Marcos  na pag-aaralang mabuti ng gobyerno kung babawiin nito ang implementasyon ng  EO 39,  sa ngayon aniya ay nananatiling epektibo ito.
“Pag-aralan natin mabuti,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Samantala, ipinag-utos naman ng Pangulo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng P15,000 cash assistance sa mga  small rice retailers na apektado ng implementasyon ng  EO 39  habang namamahagi naman siya ng sako ng bigas sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para masilguro ang sapat na  food supply para sa mga ito. (Daris Jose)

Ads September 29, 2023

Posted on: September 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

98K benepisaryo, nakakuha ng P221-M AICS sa ‘Bagong Pilipinas’ caravan

Posted on: September 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
INIULAT ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na namahagi ito ng P221.06 milyong piso sa 98,092 benepisaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program nito sa idsinagawang pag-arangkada  ng Bagong Pilipinas service caravan sa apat na lalawigan nito lamang  weekend. 
Ang  98,092  benepisaryo ng AICS  ay bahagi ng  322,689 benepisaryong nakarehistro sa portal  ng “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” (BPSF) sa isinagawang sabay-sabay na pag-arangkada sa  Ilocos Norte, Camarines Sur, Leyte at Davao de Oro nito lamang Setyembre 23 hanggang 24, 2023.
Sa naging pag-uulat ni Assistant Secretary Ada Colico ng Statutory Programs sa ilalim ng  Operations Group kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, sinabi nito na nakapagtala ang Leyte ng pinakamataas na bilang ng AICS clients  na may 48,018, sinundan ng Ilocos Norte na may 26,353; Camarines Sur na may 12,264; at Davao de Oro na may 11,457.
Sa kabuuang halaga na naipamahagi,  ang mga benepisaryo mula sa Leyte  ay nakakuha ng P97.91 million; Ilocos Norte, P77.84 million; Camarines Sur, P24.53 million; at Davao de Oro, P20.78 million.
“The Bagong Pilipinas caravan is the country’s biggest service caravan aimed at providing major government services to less fortunate Filipinos in various communities across the country,” ang sinabi ni Gatchalian sa isang kalatas.
Tinuran nito na ang tagumpay ng paglulunsad ng  BPSF noong nakaraang Sabado ang nag-udyok sa mga nag-organisa na palawigin ang ilang programa mula sa orihinal na  two-day event, nakapanghikayat ng mas higit pa sa 300,000 benepisaryo sa buong bansa.
Inilunsad ang caravan kung saan itinampok ang  “Kadiwa ng Pangulo,” naglalayong paghusayin ang  access sa abot-kayang halaga ng pagkain at iba pang bilihin, “Passport on Wheels,” driver’s license registration at assistance, national identification, Pag-IBIG Fund, at National Bureau of Investigation at police clearance applications.
Tiniyak naman ni Gatchalian  na dadalhin ng administrasyong Marcos ang Bagong Pilipinas service caravan sa lahat ng 82 lalawigan sa bansa matapos ang matagumpay na paglulunsad nito. (Daris Jose)