• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 3rd, 2023

Ads October 3, 2023

Posted on: October 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Ayuda para sa mga Solo Parents, nilunsad sa Navotas

Posted on: October 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASA 220 Navoteñong mga kwalipikadong solo parents ang nakatanggap ng P2,000 cash tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas kasunod ng verification ng kanilang bagong-apply o na-renew na solo parent identification card sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program. Ani Mayor John Rey Tiangco, ito na ang pang-apat na batch ng solo parents na nakatanggap ng cash aid. (Richard Mesa)

Nag-file na ng kaso laban sa sindikato… PAUL at MIKEE, na-scam sa cryptocurrency, milyones ang nawala

Posted on: October 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SOBRANG pasabog si Kim Chiu sa ‘Linlang!’

 

Grabe, ibang-ibang Kim ang mapapanood sa kanya.

 

‘Yung bungisngis na personalidad ni Kim, pwedeng sabihin na mapanlinlang pala.

 

Sa ‘Linlang’, first time ni Kim na tumodo sa mga daring at intimate scene niya with Paulo at JM.

 

Ayon kay Kim, nagtiwala na lang daw siya sa dalawang mahusay nilang directors na sina FM Reyes at Jojo Saguin.

 

At sey ni Kim, okay naman daw. At thankful din siya sa dalawang leading men na talagang inalagaan daw siya sa eksena.

 

Pinapanood na sa ilang members of entertainment press ang 2 episodes ng ‘Linlang’ at talaga namang pinalakpakan ito at kami na nagsasabi, dapat talagang subaybayan sa Prime Video na simula na sa October 5.

 

***

 

NA-SCAM pala ang magkarelasyon na sina Paul Salas at Mikee Quintos.

 

Nag-invest sila sa cryptocurrency kaso sindikato pala.

 

At ‘yun na nga, kasama ang kanilang lawyer na si Attorney Lance Tan, nag-file na sila, kasama ang pito pang biktima sa Makati Prosecutor’s Office.

 

Apat na individuals daw ang diumano’y nanloko sa kanila o tumangay ng milyones nila for alleged violation of Presidential Decree No. 1699 or Syndicated Estafa in relation to Articles 315 and 316 of the Revised Penal Code.
Ayon sa interview kay Mikee, ang modus daw talaga ng mga scammer, aalagaan muna sila at papabilibin, hanggang sa makapaglabas na sila ng halos hard earned money nila.

 

Nauso kasi ang crypto investment at mukhang unti-unti, may mga nababalita na ngang nagkaka-scam dito.
Syndicated estafa ang tawag na ayon sa lawyer nila Paul at Mikee, walang bail at life imprisonment ang parusa.

(ROSE GARCIA)

Full Voice Cast Revealed for Walt Disney Animation Studios’ “Wish”

Posted on: October 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Excitement is in the air as Walt Disney Animation Studios unveils a brand-new trailer, poster, and enchanting images of “Wish,” the epic musical comedy that’s set to dazzle Philippine cinemas on November 22, 2023.

 

 

But that’s not all, the talented members of the film’s voice cast revealed, adding even more star power to this already stellar lineup.

 

 

Get ready to be charmed by the world of “Wish”!

 

 

Joining the previously announced cast members are some familiar voices that will bring this magical tale to life:

 

Angelique Cabral steps into the role of Queen Amaya, the wise and supportive wife of King Magnifico.

 

Victor Garber lends his voice to Sabino, Asha’s 100-year-old grandfather, patiently awaiting his wish to come true.

 

Natasha Rothwell takes on the role of Sakina, Asha’s loving and caring mother.

 

 

Asha’s Loyal Companions Asha, our 17-year-old heroine, is surrounded by a group of friends who add depth and charm to her journey:

 

Jennifer Kumiyama portrays Dahlia, Asha’s closest confidante and an accomplished baker who unofficially leads their group.

Evan Peters brings to life Simon, the strong and gentle giant with an infectious yawn.

Harvey Guillén voices Gabo, the cynic with a heart of gold.

Ramy Youseff becomes Safi, a character plagued by allergies but full of surprises.

Niko Vargas embodies Hal, Asha’s joyful and ever-smiling buddy.

Della Saba takes on the seemingly shy teenager, Bazeema, who’s full of unexpected surprises.

Jon Rudnitsky lends his voice to Dario, Asha’s rosy-cheeked and wiggly-eared pal.

 

About the Movie

In “Wish,” audiences are invited into the enchanting kingdom of Rosas, where we meet Asha, a quick-witted idealist. Her powerful wish sets the stage for cosmic intervention, bringing forth a boundless energy known as Star. Together, Asha and Star face their most formidable adversary—the ruler of Rosas, King Magnifico—as they embark on a journey to save their community. This heartwarming tale proves that when the determination of one courageous soul aligns with the magic of the stars, extraordinary things can happen.

 

 

Starring Academy Award®-winning actor Ariana DeBose as Asha, the indomitable Chris Pine as King Magnifico, and the unforgettable Alan Tudyk as Asha’s beloved goat, Valentino, “Wish” is directed by Oscar®-winning director Chris Buck (“Frozen,” “Frozen 2”) and Fawn Veerasunthorn (“Raya and the Last Dragon”). The film is produced by Peter Del Vecho (“Frozen,” “Frozen 2”) and Juan Pablo Reyes Lancaster Jones (“Encanto”). The executive producer is Jennifer Lee (“Frozen,” “Frozen 2”), with Allison Moore (“Night Sky,” “Manhunt”) joining as a writer. With original songs by Grammy®-nominated singer/songwriter Julia Michaels and Grammy-winning producer/songwriter/musician Benjamin Rice, as well as a captivating score by composer Dave Metzger, “Wish” promises a truly magical cinematic experience.

 

 

Get ready to embark on a magical adventure that’s bound to leave you singing and believing in the power of wishes!

(ROHN ROMULO)

Bulacan, umangat sa ikawalong pwesto bilang Most Competitive Province

Posted on: October 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang patunay sa pagsisikap nito tungo sa pag-unlad at dedikasyon sa mabuting pamamahala, umangat ang Lalawigan ng Bulacan sa ikawalong pwesto bilang isa sa Most Competitive Province sa 2023 Philippine Competitiveness Ranking na iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isinagawang 10th Cities and Municipalities Competitive Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kamakailan.

 

 

Sa 1,634 na kalahok na mga pamahalaang lokal, may kabuuang 103 na mga lungsod, munisipalidad at lalawigan ang ginawaran ng top rankings para sa iba’t ibang kategorya kung saan ang Bulacan ang tanging lalawigan sa Gitnang Luzon na nakakuha ng puwesto sa Top 10 Most Competitive Province.

 

 

Bukod pa rito, humakot din ng mga parangal ang Lungsod ng Baliwag kabilang na ang ikatlong puwesto para sa Overall Most Competitive na 1st to 2nd Class Municiplaities, Top 5 sa Infrastructure, Top 6 sa Innovation at Top 8 sa Resiliency habang nakamit ng Munisipalidad ng Santa Maria ang Top 4 sa Infrastructure at Top 6 sa Economic Dynamism; Munisipalidad ng Marilao bilang Top 6 sa Economic Dynamism, Munisipalidad ng Angat sa Top 7 ng Most Improved 1st to 2nd Class Municipality; at Lungsod ng Meycauayan bilang Top 3 sa Special Award, Top Intellectual Property Filer.

 

 

Samantala, binigyang-diin naman ni Kalihim Alfredo E. Pascual ng DTI ang mga gampanin ng bawat lokal na pamahalaan sa pangkalahatang pag-unlad at katatagan ng bansa.

 

 

“Our cities and communities are the bedrock of our society. It is where on which bedrock, we build the Philippines. They’re the living, breathing embodiments of our competitive spirit, culture and aspirations. Ensuring their flourishing progress in a world in flux is not just a goal; it is a shared duty that binds us all,” pahayag ni Kalihim Pascual.

 

 

Sa kanyang mensahe, nangako si Gob. Daniel R. Fernando na lalo pang magsusumikap para sa kahusayan ng lalawigan.

 

 

“Habang patuloy na umuunlad at yumayabong ang Bulacan, handa itong tumanggap pa ng mga mamumuhunan, lumikha ng mga trabaho, at magbigay ng mas mataas na kalidad na pamumuhay sa mga residente nito. Sa malinaw nitong bisyon para sa hinaharap at matibay na mga komunidad, ang Bulacan ay nakatakdang umangat pa sa darating na panahon, patunay na isa ito sa most competitive at progresibong lalawigan sa Pilipinas,” ani Fernando.

 

 

Ang Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ay isang taunang pagraranggo sa mga lungsod at munisipalidad sa Pilipinas na binuo ng National Competitiveness Council sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees (RCCs) upang higit pang palakasin ang local competitiveness batay sa Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, at Innovation.

PBBM may malakas na mensahe sa China

Posted on: October 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPADALA ng matinding mensahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gobyerno ng China nang utusan nito ang Philippine Coast Guard (PCG) na putulin ang mga lumulutang na 300-meter buoy na inilagay ng China Coast Guard (CCG) sa Scarborough Shoal.

 

 

Ito ang inihayag ni Professor Renato De Castro ng La Salle International Studies.

 

 

Binigyang-diin ni De Castro na ang decisive actions ng Pangulong Marcos ay ang pagsasabi sa gobyerno ng China tungkol sa kanyang malakas na political will upang matiyak ang food security para sa mamamayang Pilipino, lalo na para sa mga mangingisda, at ang kanyang independent foreign policy na nagdulot ng matinding epekto sa China.

 

 

Paliwanag ni De Castro, ang ginawa ni Pangulong Marcos, nang hindi ito kumunsulta sa mga pamahalaan ng US, Japan, at Australia, ay nagpakita ng kanyang independiyenteng patakarang panlabas at nagpasya na harapin ang “maritime expansionism” ng China Coast Guard.

 

 

Binigyang-diin din ni De Castro na ang pagkilos ni Pangulong Marcos ay kanyang paraan upang ipakita sa gobyerno ng China kung paano haharapin ng administrasyon ang kanilang mga ilegal na aktibidad sa West Philippine Sea at kung paano ipagtanggol ang mga karapatan ng bansa sa karagatan ng Pilipinas. (Daris Jose)

15% senior discount sa kuryente, tubig

Posted on: October 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUSOT na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang maitaas sa 15 porsiyento ang diskwento  ng mga senior citizen na may  bayarin sa tubig at kur­yente.

 

 

Sinabi ni Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang mga residente na ang konsumo sa kuryente ay hindi hihigit sa 100 kilowatt hour kada buwan at 30 cubic meter sa tubig lamang ang mabibigyan ng diskwento.

 

 

Gayunman ayon kay Ordanes na napagdesisyunan nila na huwag ng bigyan ng diskwento sa value-added tax ang konsumo sa kuryente at tubig ng mga senior citizen dahil sa laki ng mawawalang kita sa gobyerno.

 

 

“The original proposal in substitute bill consolidating 8 bills was 10% discount, but this was increased to 15% after it was conceded that the proposed value added tax (VAT) exemption would result in about P3.1 billion in revenue losses for the national government, so the VAT exemption was dropped and the discount was raised to 15%,” ani Ordanes.Si Ordanes ang nag-sponsor ng panukala sa House Committee on Ways and Means na naglalayong dagdagan ang tulong na nakukuha ng mga senior citizen sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa ika-anim na edisyon ng ‘The EDDYS’… NADINE at HEAVEN, makakalaban sina KIM, MAX, JANINE, at ROSE sa pagka-Best Actress

Posted on: October 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TIYAK na kapana-panabik na naman ang magiging labanan sa ika-anim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa taong ito.

 

 

 

Muli ngang magtatapat sa pagka-Best Actress sina Nadine Lustre para sa ‘Greed’ at Heaven Peralejo para sa ‘Nanahimik ang Gabi’. Makakalaban nila sina Kim Chiu (‘Always’); Max Eigenmann (’12 Weeks’); Janine Guttierez (‘Bakit ‘Di Mo Sabihin’); at Rose Van Ginkel (‘Kitty K-7’).

 

 

Sa pagka-Best Actor rin ang bakbakan nina Elijah Canlas (‘Blue Room’); Baron Geisler (‘Doll House’); Noel Trinidad (‘Family Matters’); Ian Veneracion (‘Nanahimik ang Gabi’); at JC de Vera, (‘Bakit ‘Di Mo Sabihin’).

 

 

Limang pelikulang Pilipino naman ang nagmarka at nang-agaw ng eksena noong nakaraang taon ang maglalaban-laban.

 

Nominado sa Best Film ang “Bakit ‘Di Mo Sabihin”, “Blue Room”,“Doll House”, “Family Matters” at “Nanahimik ang Gabi.”

 

 

Sina Marla Ancheta (‘Doll House’); Ma-an L. Asuncion-Dagñalan (‘Blue Room’); Real S. Florido (‘Bakit ‘Di Mo Sabihin’); Nuel Crisostomo Naval (‘Family Matters’); at Shugo Praico (‘Nanahimik ang Gabi’) ang na-nominate sa Best Director category.

 

 

Hindi rin magpapahuli ang labanan nina Mylene Dizon (‘Family Matters’); Matet de Leon (‘An Inconvenient Love’); Althea Ruedas (‘Doll House’); Ruby Ruiz (‘Ginhawa’); at Nikki Valdez (‘Family Matters’) sa kategoryang Best Supporting Actress.

 

 

Para sa Best Supporting Actor, mabigat din ng labanan nina Nonie Buencamino (‘Family Matters’); Mon Confiado (‘Nanahimik ang Gabi’); Soliman Cruz (‘Blue Room’); Sid Lucero (‘Reroute’); at Dido dela Paz (‘Ginhawa’).

 

 

Magaganap ang 6th Entertainment Editors’ Choice sa Oktubre, 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City, mula sa direksyon ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon. Ihahatid ng Airtime Marketing Philippines ni Tessie Celestino-Howard ang ikaanim na edisyon ng The EDDYS. Magkakaroon ito ng delayed telecast sa NET 25 sa Oktubre 28.

 

 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng People’s Journal.

 

 

Ang pagbibigay-parangal ng SPEEd ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at dekalibreng pelikula.

 

 

 

Narito ang iba pang nominado para sa The 6th EDDYS:

 

BEST SCREENPLAY

 

Anna Isabelle Matutina, “12 Weeks”
Mel Mendoza del Rosario, “Family Matters”
Shugo Praico, “Nanahimik ang Gabi”
Onay Sales-Camero, “Doll House”
Racquel Villavicencio, “Lampas Langit”

 

 

BEST CINEMATOGRAPHY

 

Neil Daza, “Blue Room”
Yam Laranas, “Greed”
Tom Redoble, “Doll House”
Noel Teehankee, “An Inconvenient Love”
Moises Zee, “Nanahimik ang Gabi”

 

 

BEST PRODUCTION DESIGN

 

Marxie Maolen Fadul, “Blue Room”
Marielle Hizon, “Nanahimik ang Gabi”
Erik Manalo, “Doll House”
Cheska Salangsang, “An Inconvenient Love”
Elfren Palpan Vibar Jr., “Family Matters”

 

 

BEST EDITING

 

Vanessa de Leon, “Blue Room”
Michael Lacanilao and Anna Isabelle Matutina, “12 Weeks”
Noah Tonga, “Doll House”
Noah Tonga, “Mahal Kita Beksman”
Moises Zee, “Nananahimik ang Gabi”

 

 

BEST MUSICAL SCORE

 

Teresa Barrozo, “An Inconvenient Love”
Pipo Cifra, “Katips”
Jesse Lasaten, “Doll House”
Jazz Nicolas and Mikey Amistoso, “Blue Room”
Emerzon Tecson, “Mahal Kita Beksman”

 

 

BEST SOUND

 

Aizen Andrade, “How to Love Mr. Heartless”
Andrea Teresa Idioma and Emilio Bien Sparks, “Nananahimik ang Gabi”
Janina Mikaela Minglanilla and Michael Keanu Cruz, “Blue Room”
Immanuel Verona, “Reroute”
Immanuel Verona and Fatima Nerikka Salim, “LiveScream”

 

 

BEST VISUAL EFFECTS

 

BB Studio, “Deleter”
Carl Regis Abuel, Tricia Bernasor, Geraldine Co, “LiveScream”
Gaspar Mangarin and Walter Monte, “Reroute”
John Anthony Wong, “Nananahimik ang Gabi”
Visual Magic, “Bahay Na Pula”

 

 

BEST THEME SONG

 

“Aking Mahal”, (“Mamasapano: Now It Can Be Told”) composed and sung by Atty. Ferdinand Topacio
“Hihintayin Kita, (“Broken Blooms”) composed by Louie Ignacio and sung by Jeric Gonzales
“Nais Ko” (“Yorme: The Isko Domagoso Story”) composed by Joven Tan
“Sa Hawak Mo” (“Family Matters”) composed by Paulo Zarate and sung by Floyd Tena
“Unang Araw ng Pag-iisa”, (“Blue Room”) from the poem of Jeng Plata, composed by Mike Dagnalan and sung by Rebel Rebel

 

(ROHN ROMULO)

Nagpapasalamat sa reunion project nila: DERRICK, ‘di na mag-a-adjust dahil si ELLE uli ang ka-partner

Posted on: October 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAPASALAMAT ang real-life couple na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio dahil sa kanilang reunion project na revenge-drama series na ‘Makiling.’

 

 

Nabuo ang loveteam nila sa 2022 GMA teleserye na ‘Return To Paradise’ na naging top-rater sa hapon.

 

 

“Masaya kasi siyempre siya ulit ang ka-partner ko, hindi na ako mag-a-adjust ulit sa mga ibang partner. Tsaka siyempre kilala namin ang isa’t isa, alam namin ang working style namin, and gusto ko ‘yung preparations namin before scenes. Gusto ko ‘yung mga ganu’ng bagay, napapadali ang work,” sabi ni Derrick.

 

 

Itatampok sa series ang mga usapin gaya ng sibling rivalry, bullying at mental health.

 

 

“Aside from the workshop that GMA gave us, kumuha pa kami ng personal workshop naming dalawa to get into our characters,” sey ni Derrick.

 

 

Sey naman ni Elle: “I guess naiisip lang namin na investment din siya para sa character namin at para sa sarili namin,” sabi ni Elle.

 

 

Kasama nila sa cast sina Thea Tolentino, TJ Marquez, Royce Cabrera, Myrtle Sarrosa, Claire Castro at Kristoffer Martin.

 

 

***

 

 

NAPILI na ang Top 4 finalist ng ‘Drag Race Philippines Season 2’ at sa linggong ito ay kokoronahan na ang ikalawang Philippine Drag Race Superstar.

 

 

Ang four remaining queens ay sina Arizona Brandy, Bernie, Captivating Katkat at M1ss Jade So.

 

 

Si Arizona Brandy na taga-Makati City ay representative ng Rapture Bar sa Cubao, Quezon City. Siya ang unang nakakuha ng Ru Badge para sa performance challenge na BOOGSH!

 

 

Si Bernie na taga-Mandaluyong City ay ang most established drag queen with 16 years of experience. Isang transwoman at regular performer sa O-Bar. Nakadalawang Ru Badge si Bernie para sa runway challenge (Fringe with Benefits) at sa Twinning The Shequel Challenge.

 

 

Si Captivating Katkat from Santa Maria, Ilocos Sur ay isa rin sa kilalang drag performers sa Pilipinas. Isa ring transwoman si Katkat na regular performer sa The One 690 Entertainment Bar in Manila. Nakadalawang Ru Badge siya for Snatch Game Challenge at sa runway challenge (Can I Get An Alien?).

 

 

Si M1ss Jade So na taga-Marikina City ay fashion design student at proud transgender woman. Nakilala siya sa social media dahil sa kanyang pagiging body queen at sa kanyang fierce advocate of doll domination. Nagwagi siya ng Ru Badge sa Doble-Kara Extravaganza.

 

 

Hosted by Paolo Ballesteros, the winner this season will receive 1 million pesos, a year’s supply of Anastasia Beverly Hills cosmetics, a crown and scepter.

 

 

Last year, si Precious Paula Nicole ang kinoronahan bilang first winner ng Drag Race Philippines.

 

 

***

 

 

ANG animated film na ‘Iti Mapukpukaw (The Missing)’, ang napiling Philippine entry to the 96th Academy Awards para sa category na International Feature Film.

 

“To support its campaign for the prestigious Oscars, the Film Development Council of the Philippines (FDCP) will be giving PHP1,000,000 through its Oscars Assistance Program to Dir. Papa and his team,” ayon sa official statement ng FDCP.

 

 

Tinanghal na best film sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2023 and Iti Mapukpukaw. Nagwgi rin ito ng NETPAC Award for full-length feature films.

 

 

Co-produced by Project 8, GMA Public Affairs First VP and GMA Pictures, tampok sa full-length animated film na dinirek ni Carl Joseph Papa sina Carlo Aquino, Gio Gahol at Dolly de Leon na nanalong best supporting actress.

 

(RUEL J. MENDOZA)