• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 4th, 2023

Sayaw ng sayaw habang in character sila: FAITH, kinaaliwan ang bagong Tiktok video kasama si BARBIE

Posted on: October 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

VIRAL at kinaaaliwan ng mga netizens ang bagong Tiktok video ni Faith Da Silva kung san kasama niya si Barbie Forteza.

 

Dance kung dance ang dalawa sa tugtuging ‘Beauty And A Beat’

 

Ang dalawang Sparkle actresses na co-stars rin sa ‘Maging Sino Ka Man.’

 

Ang bongga pa, hindi bilang sina Faith at Barbie ang sumasayaw sa naturang Tiktok video kundi ang mga karakter nilang sina Betty at Dino (ang karakter ng pagpapanggap ni Barbie/Monique bilang isang lalaki) sa nabanggit na GMA series.

 

Kuwela nga kasi dahil sa ‘Maging Sino Ka Man’ ay isang love triangle ang nabubuo sa kanilang tatlo, with David Licauco o Carding in the middle.

 

“Kay Dino na lang kaya?” ang caption ni Faith sa naturang video na kinomentuhan ni Barbie ng “Mine.”

 

***

 

DAHIL sa recent guesting ni Herlene Budol sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’ ay nasagot na rin niya ang matagal ng isyu sa kanya ng palaging pagiging late sa taping ng hit show niyang ‘Magandang Dilag’.

 

“Thank you, Lord. Masasagot ko na rin ‘to,” unang bulalas ni Herlene nang tanungin ni Cassy Legaspi ng “Gaano katotoo ang mga balita na madalas ka raw nali-late sa set ng Magandang Dilag?

 

“Ang chismis, lumalaki nang lumalaki ang balita ho.

 

“Isang beses lang ho ako na-late dahil sa strike-strike. Lahat po ng jeep sa amin naparada. Tapos, Tanay po kami pupunta, wala pong malabasan.

 

“Hindi po ako nag-jeep, may dala po akong sasakyan, na-trap lang po yung sasakyan ko.”

 

Sa huli ay sinabi ni Herlene na twice siyang na-late sa kanilang taping, pero hindi naman raw palagi tulad ng tsismis.

 

“Make it two!”

(ROMMEL L. GONZALES)

80 TO 90 PORSYENTO NANG TAPOS ANG MEDICAL CANNABIS ADVOCATES

Posted on: October 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGAWA na ng mga scientist, doktor, imbentor at celebrity ang 80 hanggang 90 porsyento ng kanilang adbokasiya para sa medikal na cannabis. Sa isang Media Health Forum sinabi ni Dr. Donnabelle Cunanan na “80 to 90 percent na po ang achievement ng medical cannabis advocacy at hindi na po pinag-uusapan kung gamot ang cannabis, marami pong mga doktor, inhinyero at abogado na talagang pabor sa medikal na cannabis,” dagdag ni Cunanan.

 

 

“We are also thankful to our international cannabis supporters kasi nabigyan ako ng pagkakataon na umattend ng international forum on medical cannabis,” she added.

 

 

Sa kanyang bahagi, sinabi naman ni Dr. Richard Nixon Gomez, scientist/inventor at general manager ng Bauertek Corporation, na “maraming maaaring matulungan ang cannabis.

 

 

Sa Pilipinas, maraming atleta ang gumagamit ng cannabis dahil sa kanilang kondisyon. Hindi lang daw nila pwedeng ipost ang mga share natin.” Dr. Gomez noted that “Kapag may medical cannabis, mas kalmado, mas relax at mas nakakagalaw ang mga atleta”

 

 

“Never na lumabas sa usapan namin ang salitang adik. Magkaiba yung for cancer treatment at for pain treatment,” Dr. Gomez added. Ang tinutukoy ni Dr. Gomez ay ang mga gumagamit ng medikal na cannabis.

 

 

“Ang cannabis ay pwede sa pedia, sa mga sanggol. Yung dosage lang ang pagkakaiba at ang form,” he said. “Ang bulaklak ng Marijuana ay iniroroll, patutuyuin at hihithitin iyon ang raw form. Sa Bauertek, ini-extract natin ang oil ng cannabis. Pwedeng i-extract ang serphine para walang amoy at pwede ring ibalik,” Dr. Gomez said.

 

 

Dr. Gomez also cited that “ang imbensyong Pinoy, ang gawang Pinoy ay 90 percent approximately na cheaper kumpara sa sourced from abroad,” Binigyang-diin ni Dr. Gomez na magkakaroon ng P40 bilyong buwis mula sa pag-export ng cannabis sa 2030. Ang Bauertek ay may mga pasilidad sa Rehiyon 1, Rehiyon 2 at Rehiyon 3 para sa medikal na cannabis. (PAUL JOHN REYES)

Magiging part ni KC, wala pa ring details: SHARON, naninibago pero excited na masaya sa concert nila ni GABBY

Posted on: October 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
ISA si Megastar Sharon Cuneta sa mga excited na sa papalapit na “Dear Heart: The Concert” nila ni Gabby Concepcion sa SM Mall of Asia Arena sa October 27, 2023. 
Na kung saan masasaksihan na ng kanilang masusugid na fans ang muli nilang pagtatanghal on stage.
Say ni Sharon,  “Naninibago ako, the concert is a brand new experience pagkalipas ng marami ring taon  na wala kaming ginawang dalawa na magkasama at ngayon we’re working together again.
“Excited ako at masaya.  Ang tagal na rin na naghihintay ang mga followers namin muli kaming mapanood, they missed us together,, tumayo lang kami, may effect na, naroon pa rin ang chemistry that cannot be created.  Gabby and I always have that, no matter what,” dagdag pa ni Sharon.
Almost four decades nang hiwalay sina Sharon at Gabby pero nanatili silang magkaibigan. Nagpasalamat si Sharon kay Gabby dahil sa pagiging mabuting ama nito kay KC.
 “I will always be thankful kay Gabby na siya ang naging father of my eldest daughter KC.  I will always respect the good time that we shared,  I will always remember him fondly.”
Sa ngayon ay excited na ang mga Sharon-Gabby fans kung ano ang magiging part ni KC sa coming concert, dahil wala pang details si Mega tungkol sa mga magiging guests nila.
***                                                          
 NABAGO pala ang plano ng GMA Network na ituloy ang young love team nina Jillian Ward at Will Ashley nang gawin nila ang “Prima Donnas Book 1 & 2.”
Matagal nang friends ang dalawa dahil 2014 pa sila unang nagkasama sa GMA, kaya nag-expect ang mga fans nila na sila ang ilo-launch na love team ng Sparkle Talent agency ng GMA.
Pero naging very busy na si Jillian sa kanyang top-rating afternoon prime drama series na “Abot-Kamay na Pangarap” at si Will naman ay nagpunta pa ng Switzerland para mag-shoot ng mga eksena ng “Unbreak My Heart” na kasama niya sina Gabbi Garcia at Joshua Garcia. Kaya nagdesisyon ang network na huwag na silang i-launch as a love team.  Tanggap naman daw ni Will at mas okey din sa kanya na solo as an actor playing different roles.
Ngayon nga ay isa si Will sa regular Kapuso stars na naggi-guest sa “Regal Studio Presents” na iba-iba ang katambal.
Sa second anniversary presentation nila, si Althea Ablan na kasama rin nila ni Jillian sa “Prima Donnas,” ang katambal niya sa “Poster Boy.”
Kaya thankful si Will kay Ms. Roselle Monteverde sa trust nito sa kanya.  Nauna siyang gumanap noon sa “Mano Po 3: The Flower Sisters” sa “Regal Studio Presents.”
At ang biggest break ni Will ay nang kinuha siya muli ng Regal Films para sa isang movie na ididirek ni Adolf Alix, ang “X & Y” na isang May-December affair ang theme at makakatambal niya si Ina Raymundo.
Will just turned 21, si Ina naman ay 47 years old na.  May love scene daw sila ni Ina at ready naman si Will na gawin ito.
“Yes po, I’m really preparing myself for that.  First time ko pong gagawin ang makipag-love scene, kaya kinakabahan po ako.  But with the help of Ms. Ina at ni Direk Adolf, naniniwala po akong maitatawid namin iyon nang maayos.”
(NORA V. CALDERON)