• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 18th, 2023

Philippines coast, inilagay sa ilalim ng Dark Vessel detection system ng Canada

Posted on: October 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAYAGAN na ang Ottawa, Canada  na tulungan ang Maynila na i-monitor ang coastal waters at high seas nito gamit ang  Canadian satellite surveillance program.

 

 

Ito’y matapos na kapwa  tintahan ng Pilipinas at  Canada ang isang kasunduan ukol dito.

 

 

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang Dark Vessel program ng Canada ay gumagamit ng satellite technology para mahanap at matunton ang mga barko na ilegal na nangingisda maski saan kahit pa naka-switch off ang kanilang  location transmitting devices  para makaiwas sa monitoring at surveillance.

 

 

“The Philippines and Canada signed an arrangement that will include the Philippine National Coast Watch Center in Canada’s Dark Vessel Detection System at the sidelines of the 6th Joint Commission for Bilateral Cooperation in Ottawa, Canada on 12 October 2023,” ang naging pahayag ng departamento sa kanilang X account.

 

 

Sinasabing tutulungan ng satellite program ng Canada ang Pilipinas na mamataan at matugunan ang problema sa karagatan gaya ng  illegal fishing at makakuha ng scientific data tungkol sa lawak ng kanilang teritoryo at  continental shelf.

 

 

Sa ulat, sinabi ng Philippine Coast Guard, na kahit pa nagsasagawa sila ng territorial patrols sa West Philippines Sea, marami pa ring mga vessels, kabilang na ang Chinese Coast Guard ships at militia vessels, ang madalas ay naka- turn off  ang kanilang  location transmitting devices para maiwasan na ma-detect ang kailang galaw sa pinagtatalunang katubigan.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Colin Townson, pinuno ng political section  ng Canadian Embassy,  na ang teknolohiya ay “would enhance Philippine maritime domain awareness.” (Daris Jose)

MAINIT na sinalubong ng mga Navoteño

Posted on: October 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAINIT na sinalubong ng mga Navoteño sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco sina Vice President Inday Sara Duterte at Senator Imee R. Marcos na nagtungo sa Brgy. Tangos North upang mamahagi ng grocery packs, school supplies, food packs, nutribun, champorado, at laruan sa mga bata sa 500 residente. Dumalo rin sa aktibidad si Department of Social Welfare and Development Secretary REX Gatchalian at ang mga opisyal ng lungsod. (Richard Mesa)

Pangako ni PBBM, paglago ng industriya ng bigas sa Pinas, titiyakin

Posted on: October 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TITIYAKIN ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  ang paglago ng industriya ng bigas sa Pilipinas.

 

 

Bukod dito, sisiguraduuhin din niya na protektado  ang kapakanan ng mga lokal na magsasaka.

 

 

Nauna rito,  ipinresenta ng mga scientists  o siyentipiko mula sa  International Rice Research Institute (IRRI) kay Pangulong Marcos ang “identified genes” para sa mababa at  ultra-low glycaemic index (GI) sa bigas.

 

 

“We will spare no effort to ensure the growth of the rice industry here in our country even as we safeguard the welfare of farmers and consumers alike,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Marcos.

 

 

“We will do everything to pursue and punish those who are involved in smuggling and hoarding. We will make them pay for their wrongful actions and remedy the situation,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Nakikipagtulungan na rin aniya ang pamahalaan sa  international institutions  gaya ng  IRRI at foreign governments hindi lamang para siguraduhin na  nakapirmi ang suplay ng bigas kundi para palakasin ang “development at sharing” ng mahalagang teknolohiya at estratehiya.

 

 

“We have likewise been working on our disaster preparedness and resilience so that the rice industry can respond and adapt to the effects of El Nin?o and other calamitous events,” ang winika ng Pangulo.

 

 

“The new discovery on rice will be able to convert popular rice varieties into low and ultra-low GI for refined white rice, through conventional breeding methods, keeping high quality grain and without compromising yield,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na patuloy na tutukan ang galaw ng kooperativa, kabilang na ang kontribusyon nito sa  agricultural sector.

 

 

“I look forward to the continued partnership between the cooperative movement and even the heightened participation in executing these programs, including those that concern food, transportation, security, financial literacy, and social services,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Aniya, paggalaw  ng kooperatiba ay  “very closely related to agriculture because for the simple reason that we need to consolidate our farmers.”  (Daris Jose)

Rollback sa diesel tuloy, presyo ng gasolina tataas

Posted on: October 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPATUPAD ng magkakaibang galaw sa presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa kung saan tuloy ang rollback sa diesel at kerosene, habang tataas naman ang presyo ng gasolina.

 

 

Sa advisory ng Pilipinas Shell Petroleum Corp, Caltex, at Seaoil Philippines Corp., parehong bababa ang ­presyo ng kanilang diesel at kerosene ng P.95 sentimos kada litro.

 

 

Magtataas naman ang mga kompanya ng P.55 sentimos sa kada litro ng gasolina.

 

 

Kaparehong pagbababa rin sa diesel at pagtataas sa gasolina ang ikakasa ng Cleanfuel, PetroGazz at ng PTT sa hiwalay nilang advisory.

 

 

Inaasahan na maipatutupad ang price adjustments dakong alas-12:01 ng madaling araw at alas-6 ng umaga sa ibang kumpanya.

 

 

Ang naturang galaw sa presyo ng petrolyo ay makaraan ang malakihang rolbak noong Oktubre 10 kung kailan binawasan ng P3.05 ang litro ng gasolina, P2.45 sa diesel at P3 sa kerosene.

 

 

Dahil sa panibagong galaw sa presyo ng petrol­yo, naitala sa P12.25 kada litro ang naitaas sa gasolina mula nitong Enero 1, P11.35 kada litro sa diesel at P5.94 sa kerosene.

GAME TO FILM “FIVE NIGHTS AT FREDDY’S” HITS CINEMAS THIS HALLOWEEN

Posted on: October 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

GET ready for a game of survival at the cinemas when “Five Nights At Freddy’s” opens November 1 nationwide, from Universal Pictures International.

 

 

 

From horror haven Blumhouse, producers of recent hit cinema terrors “M3gan”, “The Black Phone” and “Invisible Man”  brings “Five Nights at Freddy’s” to the big screen.  The film stars Hunger Games’ Josh Hutcherson as he takes on his latest character as Mike, a guard who must survive the harrowing nights in the abandoned Freddy Fazbear’s Pizzeria.

 

 

 

Haunted by the mysterious disappearance of his brother a decade ago, Mike takes the job as a night watchman at the mysterious restaurant after being fired from his previous job in order to keep custody of his other younger sibling, Abby (played by Piper Rubio).

 

 

 

But Mike soon discovers that nothing at Freddy’s is what it seems. With the aid of Vanessa Shelly, a local police officer (Elizabeth Lail; You, Mack & Rita), Mike’s nights at Freddy’s will lead him into unexplainable encounters with the supernatural and drag him into the black heart of an unspeakable nightmare.

 

 

 

Nearly a decade ago, game developer Scott Cawthon found himself at a crossroads. Cawthon’s previous gaming projects had not been financially successful, and he found himself in a crisis of faith, questioning whether he should give up game development entirely and find a different path. Then, late one night, Cawthon came across a review of what he had imagined might be his final gaming effort, Chipper & Sons Lumber Co. A user had written that the animatronic characters in the family-friendly game were “unintentionally terrifying.” In that moment Cawthon had an epiphany: What if he were to make something intentionally terrifying?

 

 

 

Five Nights at Freddy’s, the resulting horror game, puts players in the shoes of Mike, a night watchman hired to look after the abandoned theme-style Freddy Fazbear’s Pizzeria. Players quickly learn that it’s the restaurant’s derelict animatronic stage performers —Freddy Fazbear, Bonnie, Chica and Foxy the Pirate—they must worry about, because the hulking creations seem to take on a life of their own between midnight and 6 a.m.

 

 

 

The film also stars Mary Stuart Masterson (Blindspot, Fried Green Tomatoes), as Mike’s icy aunt, Jane; Kat Conner Sterling (We Have a Ghost, 9-1-1) as Abby’s caring babysitter, Maxine; and Matthew Lillard (Good Girls, Scream) as Steve Raglan, Mike’s smug career counselor.

 

 

 

“Five Nights at Freddy’s” is directed by Ema Tammi (The Wind, Blood Moon). Based on the video game series “Five Nights at Freddy’s” by Scott Cawthon.  The puppet wrangling supervisor is Robert Bennett (Mary Poppins Returns, The Jungle Book); the special effects coordinator is Donnie Dean (Unhinged, Girls Trip) and the visual effects supervisor is Jonathan Dearing (M3GAN, The Invisible Man).

 

(ROHN ROMULO)

Nora, Nadine at Maricel, hindi pinalad mapili: Movie nina VILMA-BOYET, EUGENE-POKWANG at PIOLO, pasok sa final six ng ‘MMFF 2023’

Posted on: October 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

na nga ang Selection Committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) para makumpleto ang mga entries para sa taunang film festival.

 

At dahil nga sa umaapaw na 30 finished films na pinadala para ma-review at mapasama sa mga entries, nagdesisyon ng komite na sa halip na apat ay ginawang anim na ang pelikulang pipiliin, matapos ng matindi nilang deliberation.
Kahapon, Oct. 17, sa Facebook page ng MMFF, inanunsiyo nina Selection Committee heads Jesse Ejercito, Chair Romando Artes, Atty. Rochelle Ona, at spoeksperson Noel Ferrer ang final six films na bubuo sa Magic 10 ng filmfest.

 

Ang pagpili ay base sa mga sumusunod na criteria: Artistic Excellence – 40%, Commercial Appeal – 40%, Filipino Cultural Values – 10% at Global Appeal – 10%.

 

Narito ang mga pelikulang nakalusot sa panlasa ng komite ayon sa pagkakasunud-sunod ng pagbanggit:

 

When I Met You In Tokyo – Starring Vilma Santos and Christopher de Leon; Director: Rado Peru (JG Productions Incorporated)

 

Becky & Badette – Starring Eugene Domingo and Pokwang; Director: Jun Robles Lana (The IdeaFirst Company)

 

Mallari – Starring: Piolo Pascual and Janella Salvador; Director: Derick Cabrido (Mentorque Productions)

 

Firefly – Starring: Alessandra de Rossi, Euwenn Mikaell, Yayo Aguila, Cherry Pie Picache, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins, Epy Quizon, with the special participation of Dingdong Dantes; Director: Zig Dulay (GMA Pictures and GMA Public Affairs)

 

Broken Heart’s Trip – Starring Christian Bables and Jaclyn Jose; Director: Lex Bonife (BMC Films)

 

GomBurZa – Starring: Dante Rivero, Cedric Juan, Enchong Dee, with the special participation of Piolo Pascual; Director: Pepe Diokno (JesCom Films, etc.).

 

 

Matatandaan naman na noong July 10, 2023, in-announce ang first four films na based on script submission:

 

Family of Two (A Mother’s Son Story) – Starring Sharon Cuneta and Alden Richards, Director: Nuel Naval (Cineko Productions, Inc.)

 

(K)Ampon – Starring Beauty Gonzalez and Derek Ramsay; Director: King Palisoc (Quantum Films)

 

Penduko – Starring Cristine Reyes and Matteo Guidicelli; Director – Jason Paul Laxamana (Viva Films, etc.)

 

Rewind – Starring Marian Rivera and Dingdong Dantes; Director: Mae Cruz-Alviar (Star Cinema, etc.)

 

 

Ang ika-49 na edisyon ng MMFF ay magsisimula sa December 25, 2023 at magtatapos sa January 7, 2024.

 

 

Ang inaabangan na Parade of Stars ay gaganapin sa CaMaNaVa, at ang Gabi Ng Parangal naman ay gaganapin sa December 27, 2023.

 

 

Suportahan natin ang Pelikulang Pilipino sa darating na Kapaskuhan.

 

 

***

 

 

TIYAK na nalungkot naman ang mga tagahanga ng National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor dahil ‘di nakapasok sa final six ng MMFF 2023 ng ‘Pieta’ na kung saan kasama niya sina Jaclyn Jose, Gina Alajar at Alfred Vargas.

 

 

‘Di rin pinalad ang drama film nina Maricel Soriano, LA Santos at Roderick Paulate na ‘In His Mother’s Eye’, dahil ay ang nagwagi ay ang romcom movie nina Vilma Santos.

 

 

Sa horror/thriller movie, laglag sa listahan ang ‘Nokturno’ ni Nadine Lustre na waging Best Actress last year para sa ‘Deleter’ at ang ‘Shake, Rattle and Rolle EXTREME’ ng Regal Films, dahil nakapasok ang ‘Mallari’ ni Papa P.

 

 

Hindi kasi puwede lumampas sa 2 films sa bawat genre.

 

 

Sa totoo lang, marami pang movie ang umaasam na mapipiling entry sa MMFF, pero sa rami nga nag-submit ng finished movies, marami rin ang hindi papalarin.

 

 

At sa 24 films na hindi na napili, puwede naman silang maghintay ng Summer Film Festival o ipalabas na sa November, bago mag-Pasko o pagkatapos ng filmfest.

 

 

(ROHN ROMULO)

LTFRB kakanselahin ang prangkisa ng mga sumama sa strike

Posted on: October 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kakanselahin ang mga prangkisa ng mga sumama sa transport strike at rally na ginawa noong Lunes.

 

 

 

“We will initiate an investigation of public utility jeepney (PUJ) operators and drivers who participated in the transport strike. We have people   on the ground as well as other agencies. If our people will forward to us information, we can investigate motu propio and will issue show cause orders against those joined the transport and rally,” wika ni LTFRB Technical Working Group chief Joel Bolano.

 

 

 

Diniin ni Bolano na ang isang operator na may hawak ng pragkisa ay may obligasyon na  magbigay ng serbisyo sa publiko. Bibigyan ng show-cause order ang mga jeepney drivers na lumahok upang magpaliwanag sila.

 

 

 

Dagdag din ni Bolano na ang mga PUJ drivers at operators ay puwedeng naman magpahayag ng kanilang saloobin ng hindi na kailangan gumawa pa ng transport strike at rally.

 

 

“Nobody is preventing them from expressing their sentiments, that is their right. What is important is that it does not affect their routes and the commuters,” sabi ni Bolano.

 

 

Ang miyembro ng grupong Manibela ang siyang nanguna sa nasabing transport strike habang palapit na ang binigay na deadline ng LTFRB upang sila ay mag sumunod sa programa ng pamahalaan tungkol sa modernization ng kanilang mga units.

 

 

Pinagmalaki naman ng grupong Manibela na naging matagumpay ang kanilang ginawang transport strike at rally kung saan nila sinabi na naparalisado nila ang buong Metro Manila. Kinontra naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sinabing ito ni Mar Valbuena ng Manibela.

 

 

Ayon kay Valbuena na 80 porsiento ang naapektuhan sa Metro Manila kung kayat naging isang “ghost town” ang kalakhang Maynila sapagkat ang mga residente ay hindi na lumabas ng kanilang tahanan.

 

 

Sinabi rin niya na hindi lamang Metro Manila ang naapektuhan kasama na rin ang mga ibang lugar sa probinsiya na nagakaron din ng transport strike at rally. Dagdag din ni Valbuena na hindi na sila interesado na magkaron ng pag-uusap ang kanilang grupo at Malacanang kung saan ang huli ay siyang naghahanda upang magkaron ng dialogo.

 

 

Samantala, dinepensahan naman ni President Ferdinand Marcos ang programa sa modernization ng pampublikong transportasyon sa bansa kung saan niya sinabi na ang nasabing programa ay nagsusulong na mabawasan ang pagiging lagi natin depende sa pang-aakangkat ng productong petrolyo. Mababawasan rin ang pollution at malalabanan ang climate change na ngayon ay ating nararanasan ayon sa kanya.

 

 

“Considering our continued dependence on imported fuels and the volatility of oil products in the world market, it is only sensible that we encourage the shift to electric vehicles. We not only get savings in fuel and gas but also significantly lessen greenhouse gas emission and champion sustainability in our day-to-day activities,” saad ni Marcos.

 

 

Pinahayag din ng LTFRB na tuloy ang deadline sa Dec. 31 tungkol sa PUV Modernization Program kung saan ang mga drivers at operators ay kailangan magtayo ng kooperatiba o korporasyon upang mapalitan ang mga traditional jeepneys ng mga modern jeepneys.

 

 

Ang mga apektadong ruta ng transport strike ay ang San Juan-Divisoria, Nagtahan-Paco, Balic-Balic-Quiapo, San Andres-Padre Faura at Zobel Roxas-Paco. Nagpadala naman ang mga local government unit ng mga sasakyan sa mga nasabing ruta upang isakay ang mga stranded na mga pasahero tulad ng Blumentritt-Novaliches, Divisoria-Cubao at Morayta-Divisoria.

 

 

Habang ang lungsod ng Quezon ay nagbigay naman ng karagdagang libreng sakay sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

 

 

Samantala, ang tinatawag na “Magnificent 7” o Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines, Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide, Alliance of Concerned Transport Organizations, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines, Stop and Go Transport Coalition at ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas ay hindi sumama sa ginawang transport strike at rally.  LASACMAR

Bida sina Dante, Enchong at Cedrick: Historical film na ‘GomBurZa’, pasok sa final 6 ng ‘MMFF 2023’

Posted on: October 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT walang ka-loveteam, okey lang daw iyon sa Sparkada na si Kim Perez dahil gusto niyang makatrabaho ang maraming aktres sa showbiz.

 

 

Nais ding subukan ni Kim ang iba’t ibang roles kaya di na raw niya kailangan ng ka-loveteam.

 

 

“I like to experiment po with different roles. Ayoko ko pong ma-stuck sa iisa lang na role sa TV.

 

 

“Tulad po dito sa ‘Daig Kayo Ng Lola ako: Captain Kitten’, nag-comedy po ako. Yung last teleserye ko na ‘Hearts On Ice’, drama po yon. Now po kasama ako sa ‘Black Rider’, isa po ako sa kontrabida ni Ruru Madrid.

 

 

“Enjoy po ako sa ganun at mas nate-test po yung kakayanan ko bilang aktor,” sey ni Kim na napapanood din sa game segment ng ‘Unang Hirit.’

 

 

***

 

 

PINALABAS na online ang one-minute trailer clip ng inaabangan na historical film na GomBurZa kunsaan bida sina Dante Rivero, Enchong Dee, Cedrick Juan at may special participation si Piolo Pascual.

 

 

Sa trailer nito, naroon na ang sense of nationalism na naramdaman sa ibang historical films tulad ng kay Dr. Jose Rizal, Heneral Luna, at iba pa.

 

 

Makakatulong ang pelikulang ito para sa mga kabataan ngayon na hindi alam ang ibig sabihin ng GomBurZa. Sa totoo lang, kulang sa knowledge in Philippine history ang Gen Z ngayon dahil mas abala sila sa paggawa ng content videos para sa Tiktok.

 

 

Kapag tinanong sila kung sino ang tatlong pari na tinawag na GomBurZa, nakanganga lang sila at ngingiti dahil hindi nila alam ang isasagot.

 

 

Noong 1872 napatawan ng kamatayan ng Spanish authorities sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora sa pamamagitan ng garrote. Pinatawan sila ng public execution dahil sa ikinaso sa kanila na pag-orchestrate ng Cavite Mutiny at sa mga kasong treason and sedition,

 

 

Gagampanan ni Piolo ang papel na Padre Pédro Pelaéz, ang Filipino clergy leader na naging mentor ni Jose Burgos.

 

 

Ang iba pang nasa cast ng GomBurZa ay sina Epi Quizon, Jaime Fabregas, Carlitos Siguion-Reyna, Khalil Ramos, Elijah Canlas, Neil Ryan Sese, Paolo O’Hara, Tommy Alejandrino, Gerry Kaimo, Dylan Ray Talon, Jomari Angeles, Bon Lentejas, and Arnold Reyes.

 

 

Mula ito sa direksyon ni Pepe Diokno na nakilala sa mga critically-acclaimed films niya na Engkwentro (2009), Above The Clouds (2014) at Kapatiran (2015).

 

 

Ang ‘GomBurZa’ ay ang huling in-announce na nakapasok sa final six ng ‘MMFF 2023’ na kung saan napagdesisyunan na gawing sampung entries sa taong ito, sa rami ng nag-submit ng finished films.

 

 

***

 

 

NAGLULUKSA ang Hollywood dahil sa magkasunod na pagpanaw ng dalawang iconic actresses na sina Piper Laurie at Suzanne Somers.

 

 

Pumanaw si Piper Laurie sa edad na 91 sa Los Angeles, California noong October 14. Nakilala ang aktres dahil sa mga Oscar nominated roles niya sa mga pelikulang The Hustler, Carrie at Children of a Lesser God. Pinuri rin ang kanyang paggganap sa mga TV shows na Twin Peaks, St. Elsewhere, The Thord Birds at Hallmark Hall of Fame: Promise.

 

 

Bukod sa pagiging film and TV actress, isang marble sculptor din si Piper na nagkaroon na romantic past with Ronald Reagan, Rock Hudson, Tony Curtis at Tyrone Power.

 

 

Nitong October 16 naman pumanaw ang American model and comedian na si Suzanne Somers sa edad na 76 sa Palm Springs, California. Matagal siyang nakipaglaban sa sakit na breast cancer.

 

 

Nakilala si Somers dahil sa hit ’70’s sitcom na Three’s Company kunsaan gumanap siya bilang ang dumb blonde na si Chrissy Snow. Nagbida rin siya sa sitcom na Step By Step, naging host ng Candid Camera at nagkaroon ng sariling talk show na The Suzanne Show.

 

 

Naging advocate din si Suzanne ng healthy living at spokesperson ng infomercial for Thighmaster. Ilan sa mga na-publish niyang books ay A New Way To Age, Ageless, Bombshell, Knockout, I’m Too Young For This and Breakthrough: Eight Steps to Wellness.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Pebrero 25 kada taon pinadedeklara ng mambabatas bilang regular, national at public non-working holiday

Posted on: October 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINADEDEKLARA ng isang mambabatas ang Pebrero 25 kada taon bilang regular, national at public non-working holiday.

 

 

Sa House bill 9405 na inihain ni Albay Rep. Edcel Lagman, pinadedeklara nitong holiday ang Pebrero 25 bilang komemorasyon sa Edsa People Power Revolution.

 

 

Kasunod na rin ito sa hindi pagkakasama sa inalabas na Proclamation 368 ni Pangulong Marcos sa listahan ng mga holidays at special non working days para sa taong 2024.

 

 

Tinuldukan ng EDSA People Power Revolution ang dekadang pamumuno ng yumaong si  dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

 

 

Sa ilalim ng panukala ni Lagman, ang EDSA Commission, na binuo sa pamamagitan ng Executive Order 82 ang siyang magpaplano at magpapatuad sa gagawing seremonya bilang pagkilala sa February 25.

 

 

Inihayag naman ng Palasyo nitong Biyernes na hindi nila isinama ang Pebrero 25, 2024 sa listahan ng holidays dahil pumatak ito sa araw ng Linggo. Idineklara naman nito ang Pebrero 24 bilang isang special non working day upang humaba ang bakasyon. (Ara Romero)

PBBM, nagpahayag ng pakikidalamhati, simpatiya sa pangatlong Filipino victim sa Israel-Hamas conflict

Posted on: October 18th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya ni  Loreta “Lorie” Villarin Alacre, pangatlong Filipino na nasawi sa labanan sa pagitan ng  Hamas militants at  Israeli forces, na agad na iuuwi ang labi nito sa  oras na buksan  na ang humanitarian corridor sa mga apektadong sibilyan.

 

 

Si Alacre, 49 taong gulang, isang caregiver, ay kabilang sa mga  Filipino na naunang napaulat na nawawala nang atakihin ng  militant Hamas ang Israel mula sa  Gaza strip.

 

 

Kinumpirma ito ng Department of Migrant Workers (DMW) at kagyat na ipinaalam sa pamilya  Alacre, araw ng Biyernes, na ang biktima na nagtatrabaho bilang  caregiver sa Haifa at Tel Aviv, ay nasawi.

 

 

Sa telephone call sa kapatid ng biktima, personal na nagpaabot ng kanyang pakikidalamhati si Pangulong Marcos at nagsabi na ang  DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nagbibigay ng lahat ng kakailanganing tulong  SA mga apektado ng  armed conflict.

 

 

Sinabi ng Pangulo na nakatuon ang pansin ng pamahalaan sa kung paano pauuwiin ng Pilipinas ang labi ni Alacre.

 

 

“May assistance para sa pamilya, pero lahat ng kailangang gawin para maiuwi na (ang iyong kapatid) ay gagawin na muna namin. Iyon lamang, hinihintay muna natin kung ano ‘yung magiging sitwasyon doon sa Israel dahil talagang napakagulo masyado ngayon at sarado lahat,” ayon kay Pangulong  Marcos.

 

 

“Tulungan ka namin. Basta’t nandito ang gobyerno. Lahat ng mga embassy natin naka-alert naman, alam nila ang sitwasyon mo … lahat nga gusto nang umuwi kaya ‘yun na muna ang inayos namin at basta’t mabigyan tayo ng pagkakataon ay iuuwi na namin silang lahat,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na hinihintay ng Philippine ambassador to Egypt para sa positioning   feedback para sa posibleng pagbubukas ng   humanitarian corridor upang kaagad na masimulan ng pamahalaan ang  repatriation efforts. (Daris Jose)