• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 20th, 2023

Ads October 20, 2023

Posted on: October 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Valenzuela City at Tanauan City, lumagda sa Sisterhood Agreement

Posted on: October 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UPANG higit pang palawigin at patatagin ang alyansa sa pagitan ng Valenzuela City at Tanauan City, pinangunahan nina Mayor WES Gatchalian at Mayor Nelson Collantes ang paglagda sa sisterhood agreement na ginanap sa Tanauan City Hall.

 

 

Sa bisa ng Resolution No. 2610, Series of 2023, na ipinasa ng Valenzuela City Council at Resolution No. 2022-2264, na nilagdaan ng Tanauan City Council, pormal na pinagtibay ang relasyong magkakapatid sa pagitan ng dalawang nabanggit na lungsod.

 

 

Maliban diyan, ikinategorya na rin nila ang developmental checklist na balak nilang pagtuunan ng pansin, upang magkaroon ng mas mahusay na pagpapalitan ng mga sistema ng gobyerno para sa sustainable growth ng kani-kanilang ekonomiya.

 

 

Kabilang ang anim na pangunahing ekonomiya pauunlarin ang Technical Exchange and Cooperation for Sustainable Development, Trade and Investment, Tourism, Information Technology, Human Development at Culture and Arts.

 

 

Bilang bahagi ng kanilang pagbisita sa pamamahalaan Tanauan City, nilibot ni Mayor WES, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, at ng buong konseho ng lungsod ang Sabang River Eco Park, Taal Lake, Honda Philippines Factory, at Apolinario Mabini Shrine and Museum.

 

 

Ang mga delegado mula sa Valenzuela ay naglalayon na obserbahan at pag-aralan ang kanilang mga pinakamahusay na kasanayan, industriya at pangangalaga ng mga kultural na palatandaan, na maaaring magamit para sa mga programa ng lungsod sa hinaharap.

 

 

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Mayor WES na ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela ay lubos na susuporta at sasamahan ang Tanauan City sa oras ng kanilang pangangailangan.

 

 

“Kami po ay nagagalak na makita ang inyong mga programa at iba’t ibang mga imprastraktura. Naniniwala po ako [na] with the right vision ni Mayor Sonny, sa kaniyang dedication, at sincerity sa paglilingkod, na ang Lungsod ng Tanauan po ay hihigitan pa ang Lungsod ng Valenzuela sa mga darating na araw. Makakaasa po kayo na ang buong pamunuan ng Valenzuela ay buo ang commitment na aalalayan ang inyong Lungsod sa oras na inyong kakailanganin.” pahayag ni Mayor Wes. (Richard Mesa)

Baryang nakolekta ng BSP sa coin deposit machines, higit P115 milyon na!

Posted on: October 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT na sa mahigit P115 milyon ang halaga ng mga barya na nakolekta ng kanilang mga coin deposit machines (CoDMs).

 

 

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), hanggang noong Oktubre 6, aabot sa lagpas 44 milyong mga barya ang naideposito sa mga CoDMs.

 

 

Pumalo naman sa 42,386 ang dami ng mga transaksyong naisagawa sa mga makina.

 

 

Sa kasalukuyan, nasa 25 ang CoDMs ng BSP.

 

 

Ang mga ito ay matatagpuan sa iba’t ibang lugar sa Greater Manila Area, kabilang na ang mga malls.

 

 

Nauna nang sinabi ng BSP na target nilang paramihin pa ang mga makina, dahil sa pagtangkilik dito ng ating mga kababayan.

 

 

Ang mga baryang maidedeposito sa mga CoDMs ay make-credit sa e-wallets gaya ng GCash at Maya, o di kaya ay maaaring ma­ging shopping vouchers.

AFP handa nang ilikas mga Pinoy sa Gaza

Posted on: October 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKAHANDA na ang mga aircraft ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sakaling iutos ng pamahalaan ang paglikas o repatriation ng mga Pinoy na naiipit sa gulo ng Israel at Hamas.

 

 

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, gagamitin ang dalawang C130 at isang C295 transport planes para sa mabilis na pagpapauwi sa mga Pinoy sakaling mas lumala pa ang sitwasyon.

 

 

Sinabi ni Aguilar na handa silang gamitin ang mga aircraft ng bansa sa pagliligtas sa mga Filipino mailayo lamang sa patuloy na Israel-Hamas war.

 

 

“We have to deploy our own aircraft there to make sure they can be transported a short distance. From the temporary safe haven, they can now fly through commercial aircraft going back to the Philippines,” ani Aguilar.

 

 

Batay sa report nasa 131 Pinoys sa Gaza Strip ang umalis na kasunod ng kautusan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mandatory repatriation.

 

 

Inaasahang tatawid ng border ng Egypt ang mga Filipino kung saan susunduin ng mga opisyal ng Philippine government pabalik ng bansa.

 

 

Sinabi naman ni Department of Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac, nasa 35 Pinoy sa Israel ang nagnanais na makabalik ng Pilipinas.

 

 

“They might arrive in the Philippines “hopefully within this week,” Cacdac.

Labis ang pasasalamat sa daughter-in-law: SYLVIA, taga-picture at taga-video ng happy moments nina ARJO at MAINE

Posted on: October 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MINSAN pa ay nag-express ng labis na pasasalamat si Sylvia Sanchez sa kanyang daugther-in-law na si Maine Mendoza, asawa ng kanyang anak na si Cong. Arjo Atayde, dahil sa simula pa lang ay magkasundo na sila.

 

Sa IG account ng premyadong aktres, pinost ang photos at videos na kuha sa kanilang recent trip sa ibang bansa.

 

Simula ng caption niya, “This is a first for me.

 

“It feels so great to be a Mother-In-Law lalo na pagkasundo mo ang Daughter In Law mo.

 

“What a Blessing to have this kind of relationship with you my daughter @mainedcm.

 

“Ito ang tanging hiling namin sa mga anak namin. Uwian kami ng mabubuting asawa. Maine nak, I love watching you & Arjo Happy and I am behind you two 100%.”

 

Dagdag pa ni Sylvia, “Ako taga picture at taga-video ninyo so we can capture wonderful moments. At gaya ng sabi ko sayo, ito din ang gagawin mo later on sa mga magiging anak nyo ni Arjo.

 

“Let’s fill up our hearts with countless happy memories. This is our second trip together and super excited ako dahil ang next trip natin ay kasama na ang buong pamilya .

 

“Soon Yahoooo!!!!!!

“Loving You both @arjoatayde @mainedcm brings me so much joy & happiness. Love you my kiddos.”

Reply naman ni Maine, “Love you, ma! thank you po for everything!”

 

Tuwang-tuwa naman ang netizens at ganun na rin ang ilang celebrities sa naturang post at comment nila:

“@sylviasanchez_a awwww so sweet! So happy for all of u lalo kang sasaya pag nag ka apo kna, ganyan din ako i love all my in-laws.”

“Napakabuti nyo pong biyenan, swerte ni Maine.”

“Ito yung hiling or pinagdarasal ng bawat babae na makasundo 100% ang biyenan at manugang.Sana lahat ganyan para lahat happy family. God Bless po.”

“God bless po ms sylvia your such a kind and loving mom to ur kids and now to ur daughter in law.”

“Both Arjo and Maine lucky specially may byenan na super bait down to earth.”

Samantala, patuloy na napapanood si Sylvia sa ‘Senior High’ na kung saan kasama niya sa abg anak na si Gela Atayde.

 

***

 

SA isang isinagawang pag-aaral sa kaugalian ng mga tao sa buong mundo, lumalabas na ang pinakamalaki nilang kasiyahan ay ang nakakapaglaro sa snow, o kaya ay nakakapagtampisaw, hindi man makapaligo sa tabing dagat.

 

Ang snow ay kung winter, ang pamamasyal sa dagat ay kung summer. Dalawang magkaibang panahon, at hindi kailanman napagsasabay ang dalawang iyan. Pero gamit ang makabagong teknolohiya, pilit na pinagsama ni Thomas Choong, na siyang naka-imbento rin ng snow machine na ginagamit ng Snow World, na mapagsabay ang dalawang magkaibang panahon. Gamit ang mga makabagong teknolohiya ay maaaring puntahan ang tabing dagat ano mang oras, at kagaya rin ng inaasahang sariwang hangin sa tabing dagat kung pumapalo ang mga alon sa dalampasigan, ganoon din ang hanging inyong malalanghap gamit ang mga makabagong ionizers.

 

Yon lamang ay isa nang karanasang hindi mo palalampasin, pero kung kasabay niyan ay madarama mo na bumabagsak mula sa langit ang maliliit na butil ng snow, at may snow rin sa iyong paligid, aba iyan ay isang kahanga-hangang karanasan na mahirap mong maranasan, pero possible na ngayon sa loob ng Snow World Manila. Nang simulan ito sa Star City marami ang nagsasabing imposible iyon dahil sa init ng panahon sa PIlipinas. Isa pa nagkaroon na ng ibang winter attraction noon pa sa PIlipinas, pero hindi tunay na snow kung di dinurog na yelo at kung minsan ay foam lamang.

 

Gamit ang makabagong imbensiyon, nadala ang tunay na snow sa loob ng Star City. Naitayo ang pinakamahaba na man made ice slide sa loob, naitayo ang isang magandang snow village, isang coffee shop, at iba pang attractions kasama ng snow.

 

Ngayon ang atraksiyon naman ng tag-araw ang isinama nila sa Snow World Manila, na bukas mula Huwebes hanggang Linggo, mula alas dos ng hapon hanggang alas diyes ng gabi.

(ROHN ROMULO)

Kamara may kapangyarihan na maglipat ng pondo kasama ang CIF

Posted on: October 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASA kapangyarihan umano ng Kamara ang paglilipat ng alokasyon sa ilalim ng panukalang budget at kasama rito ang confidential and intelligence funds (CIF) ng iba’t ibang ahensya.

 

 

“There’s no question about it. The Congress, particularly the House, where the national budget bill originates, possesses that power. It is granted by the Constitution. The limitation to that power is that the Congress, to use the language of the Constitution, ‘may not increase the appropriations recommended by the President for the operation of the government as specified in the budget,” ayon kay Davao del Sur Rep. John Tracy Cagas.

 

 

Sinabi ng mambabatas na ang kamara at senado ay binigyan ng kapangyarihan sa ilalim ng Konstitusyon na baguhin ang alokasyon ng mga pondo sa ilalim ng panukalang budget upang ito ay maging angkop sa pangangailangan ng bansa.

 

 

Nagdesisyon ang Kamara ang confidential funds ng mga civilian offices gaya ng Department of Agriculture, Department of Foreign Affairs, Office of the Vice President, at Department of Education at inilipat ito sa mga security agency na ang pangunahing mandato ay magbigay ng seguridad sa bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Bahagi rin ng pondo ay inilaan sa Pag-asa Island na nasa WPS upang malinang ang lugar na bahagi ng probinsya ng Palawan.

 

 

Ang desisyon ng Kamara na i-realign ang confidential fund ay hindi lamang umano paggamit nito ng kapangyarihan sa ilalim ng Konstitusyon kundi pagtugon din sa mga hiling ng mga ahensya na dagdagan ang kanilang pondo upang mabantayan ang interes, seguridad, soberanya at mapangalagaan ang teritoryo ng bansa, ayon kay Cagas.

 

 

Ipinunto rin ni Cagas na ang mga ahensiya, gaya ng OVP ay wala naman talagang confidential funds sa mga nagdaang panahon dahil hindi kabilang sa pangunahing mandato nito ang pagbibigay ng seguridad sa bansa. (Ara Romero)

Morales in, Zagala out bilang Commander ng PSG

Posted on: October 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Brig. General Jesus Nelson B. Morales (PAF) bilang  Commander ng Presidential Security Group (PSG).

 

 

Pinalitan ni Morales sa puwesto si  Brig. General Ramon P. Zagala (PA) na nakatakdang umupo para sa kanyang bagong papel bilang  Commander ng Civil Relations Service ng  Armed Forces of the Philippines, ang nakasaad sa kalatas na ipinalabas ni Communication Secretary Cheloy Garafil.

 

 

Si Morales  ay nagsilbi bilang  deputy wing commander ng Tactical Operations Wing Eastern Mindanao ng PAF na nakabase sa Davao City.

 

 

Habang si Zagala  naman ay nagmula sa pamilya na may pamana ng militar, may tatlong henerasyon mula sa kanyang lolo na si  Col. Ramon Zagala, at ama na si  Maj. Gen. Rafael Zagala. (Daris Jose)

US Pres. Biden pinayuhan ang mga taga-Israel na huwag padadala sa galit

Posted on: October 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAYUHAN  ni US President Joe Biden ang mga taga Israel na huwag padadala sa kanilang damdamin dahil sa patuloy na nangyayaring kaguluhan sa pagitan nila ng Hamas Militants.

 

 

Sinabi nito na hindi kailanman kasagutan ang giyera dahil hindi ito madali at malinaw.

 

 

Marami ang madadamay kapag ilagay ng mga taga Israel ang batas sa kanilang kamay.

 

 

Naniniwala rin ito na marami pa ring mga Palestines ang hindi sumasang-ayon sa mga pinaglalaban ng mga Hamas militants. (Daris Jose)

Sobrang saya na kasama ang movie sa ‘2023 MMFF’: VILMA, excited nang mag-promote at sumama sa ‘Parade of Stars’

Posted on: October 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG-MASAYA si Star for All Seasons Vilma Santos at feeling nasa cloud nine, nang malamang kasali ang reunion movie nila ni Christopher de Leon, ang “When I Met You in Tokyo” sa 49th Metro Manila Film Festival sa December.

 

 

Nagpasalamat si Ate Vi sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakasama ang kanilang movie.  Excited din si Ate Vi na mag-promote at lumahok sila sa Parade of Stars sa December 17 na nagsisimula sa Navotas, dadaan sa Malabon at Caloocan, at magtatapos sa Valenzuela.

 

 

Sigurado rin daw na magpu-promote si Ate Vi ng movie, at isa sa maggi-guest siya ay sa last day ng “It’s Your Lucky Day”, hosted by her son Luis Manzano.  Kinuha kasi si Ate Vi na mag-judge sa grand finals doon ng singing competition na “Stars of All Seasons.”

 

 

***

 

 

MARAMING artista at celebrities ang sumuporta kina Alden Richards at Julia Montes sa premiere night ng first movie team-up nila, ang “Five Breakups and A Romance” sa SM Megamall last Wednesday, October 18, na produced ng GMA Pictures, Cornerstone Studio at Myriad Productions.

 

 

Ilan sa mga sumuporta sina Kapamilya actress Kathryn Bernardo na kasama si Miles Ocampo.  Dumating naman among the Sparkler Artists sina Ruru Madrid at Bianca Umali, Sanya Lopez, Dion Ignacio, Kelvin Miranda at naroon din sina Direk Gina Alajar at Lorna Tolentino.

 

 

Hindi nakitang rumampa sa red carpet si Megastar Sharon Cuneta, pero sa Instagram video ng GMA-7, nakita siyang maluha-luhang hinahalikan at niyakap ang mga anak niyang sina Alden at Julia na maluha-luha ring yumakap sa nanay-nanayan nila sa showbiz.

 

 

Kaya comment ng mga fans, “one proud mama si Sharon,” “aaw, so supportive si Ma’am Sharon, ang sweet niya!” “Ito ang gusto ko kay Sharon, anak talaga ang turing niya sa mga nakakasama niya, minamahal niya.”

 

 

Marami tuloy ang nagsasabi na malamang susuportahan naman nina Alden at Julia, ang coming “Dear Heart: The Concert” nina Sharon at Gabby Concepcion sa SM Mall of Asia Arena sa October 27.

 

 

Susunod namang magpu-promote sina Sharon at Alden ng movie nilang  “Family of Two (A Mother and A Son Story)” na isa sa 10 movies na ipalalabas sa 2023 Metro Manila Film Festival.

 

 

                                       ***

 

 

CONGRATULATIONS kay Kapuso It Girl Gabbi Garcia, ang first Filipina Global ambassador for Aldo.

 

 

Ginawa ni Gabbi ang announcement sa kanyang Instagram na nagpapasalamat siya sa pagkuha sa kanya para maging brand’s official Instagram handle.

 

 

Isang Canadian fashion retailer ang Aldo na may stores across the Philippines that specializes in trendy shoes, bags, jewelry, sunglasses, na tiyak na nagagamit ni Gabbi sa mga eksena niya sa “Unbreak My Heart,” ang historic collaboration ng GMA Network at ABS-CBN, na ayon kay Gabbi ang role niya bilang si Alexandra is her “most mature role” to date.

 

 

Kasama rito ni Gabbi sina Joshua Garcia, Jodi Sta. Maria and Richard Yap, na napapanood Mondays to Thursdays on GMA Telebabad, Pinoy Hits and I Heart Movies at 9:35p.m. and at 11:25 p.m. on GTV.  Napapanood din ito sa Viu.

(NORA V. CALDERON)

WHAT A TREAT! MEET THE COLORFUL CHARACTERS OF “WONKA,” IN CINEMAS DECEMBER 6

Posted on: October 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

STEP into a world of pure imagination, and get a glimpse of the wonderful characters of “Wonka,” starring Timothée Chalamet as the beloved chocolate-maker. Directed by Paul King (“Paddington”), “Wonka” opens in Philippine cinemas December 6. 

 

 

 

Watch the new trailer: https://youtu.be/Ke6EKcvZwiA

About “Wonka”

Based on the extraordinary character at the center of “Charlie and the Chocolate Factory,” Roald Dahl’s most iconic children’s book and one of the best-selling children’s books of all time, “Wonka” tells the wondrous story of how the world’s greatest inventor, magician and chocolate-maker became the beloved Willy Wonka we know today. “Wonka” is an intoxicating mix of magic and music, mayhem and emotion, all told with fabulous heart and humor. Starring Timothée Chalamet in the title role, this irresistibly vivid and inventive big screen spectacle will introduce audiences to a young Willy Wonka, chock-full of ideas and determined to change the world one delectable bite at a time—proving that the best things in life begin with a dream, and if you’re lucky enough to meet Willy Wonka, anything is possible.

Directed by Paul King, with a screenplay he co-wrote with Simon Farnaby. Produced by David Heyman, Alexandra Derbyshire and Luke Kelly.

Starring alongside Chalamet are Calah Lane (“The Day Shall Come”), Emmy and Peabody Award winner Keegan-Michael Key (“The Prom,” “Schmigadoon”), Paterson Joseph (“Vigil,” “Noughts + Crosses”), Matt Lucas (“Paddington,” “Little Britain”), Mathew Baynton (“The Wrong Mans,” “Ghosts”), Oscar nominee Sally Hawkins (“The Shape of Water,” the “Paddington” films, “Spencer”), Rowan Atkinson (the “Johnny English” and “Mr. Bean” films, “Love Actually”), Jim Carter (“Downton Abbey”), with Oscar winner Olivia Colman (“The Favourite”). The film also stars Natasha Rothwell (“White Lotus,” “Insecure”), Rich Fulcher (“Marriage Story,” “Disenchantment”), Rakhee Thakrar (“Sex Education,” “Four Weddings and a Funeral”), Tom Davis (“Paddington 2,” “King Gary”) and Kobna Holdbrook-Smith (“Paddington 2,” “Zack Snyder’s Justice League,” “Mary Poppins Returns”).

In cinemas December 6, “Wonka” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

Join the conversation online and use the hashtag #WonkaMovie


(ROHN ROMULO)