• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 2nd, 2023

Pinas, nagawang kontakin ang ilang Pinoy sa Gaza; access sa tubig, mahirap

Posted on: November 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MATAPOS maranasan na maputol ang komunikasyon, nagawa na ng gobyerno ng Pilipinas na kontakin ang ilang filipino sa  Gaza na nagpaabot ng kanilang kalagayan lalo na ang puntong nahihirapan silang magkaroon ng access sa tubig. 
“We were able to get in touch with the Filipinos starting at 4 a.m. yesterday (Sunday). We were able to contact 87 Filipinos, including 57 in Rafah,” ayon kay Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos.
“While their food supply is sufficient, access to water is becoming increasingly difficult,” dagdag na pahayag ni Santos sabay sabing “136 Filipinos in the besieged enclave, “49 Filipinos remain unreachable for now,” subalit patuloy naman silang kinokontak ng embahada.
Sa kabilang dako, sinabi ng United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees (UNRWA), na walang convoy ng humanitarian aid ang pumasok sa Gaza noong Oktubre 28 dahil sa blackout sa komunikasyon.
Sa ulat, tanghali ng Oktubre 27 (New York time),  in-adopt ng United Nations General Assembly ang non-binding resolution na nananawagan para sa humanitarian truce subalit noong mga nakaraang araw ay may nakitang walang tigil ang pagbomba sa coastal strip habang itinutulak ng Israel na lansagin ang mga Hamas.
Nag-abstain naman ang Pilipinas mula sa pagboto sa resolusyon dahil sa kakulangan ng pagbanggit o pagkondena sa  cross-border attack na inilunsad ng  Hamas laban sa Israel noong Oktubre 7 na nagresulta ng pagkamatay ng libo-libong katao kabilang na ang apat na Filipino. (Daris Jose)

Makikitang kasama si Sen. Chiz papuntang bookstore: HEART, ni-reveal na nag-aaral na magsalita ng French

Posted on: November 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NI-REVEAL ni Heart Evangelista na nag-aaral siyang magsalita ng French.

 

 

 

Sa kanyang Tiktok video, pinost niya: “Today is my first day of school. School school-an, I am learning how to speak French.”

 

 

 

In the video, Heart was seen with her husband Senator Chiz Escudero driving to a bookstore. Heart disclosed they are on their way to get a notebook for her French lessons.

 

 

 

“Since gulo gulo ‘yung bahay ko, kailangan ko ng bagong notebook. Kasi ‘yung notebook ko nawawala, kailangan malaking book. I always need to write down and then after I write down, I am able to review it by transferring it to a smaller notebook na maganda,” sey ni Heart.

 

 

 

***

 

 

 

PUMANAW sa edad na 54 ang Hollywood actor na si Matthew Perry, na kilala sa kanyang role as Chandler Bing sa ’90s hit sitcom na “Friends.”

 

 

 

Ayon sa report ng TMZ, natagpuan ang aktor na “nalunod” sa jacuzzi ng kanyang bahay sa Los Angeles, California nitong Sabado.

 

 

 

“Our sources say first responders rushed over on a call for cardiac arrest,” ulat ng TMZ.

 

 

 

Inihayag din ng sources ng TMZ na walang nakitang “drugs” sa pinangyarihan ng insidente.

 

 

 

Nag-post naman ng pagdadalamhati sa official social media account ng TV show Friends sa pagpanaw ni Matthew.

 

 

 

“We are devastated to learn of Matthew Perry’s passing,” saad nito. “He was a true gift to us all. Our heart goes out to his family, loved ones, and all of his fans.”

 

 

 

Kabilang si Matthew sa cast ng “Friends” na ipinalabas noong 1994 na tumakbo ng 10 seasons na tuloy-tuloy. Taong 2004 nang ipalabas ang finale nito na pinanood ng nasa 52 million televiewers.

 

 

 

Kasama rin sa sitcom sina Matt LeBlanc, David Schwimmer, Courtney Cox, Lisa Kudrow, at Jennifer Aniston, na nagdadalamhati rin sa pagkawala ng kanilang kaibigan.

 

 

 

“What a loss. The world will miss you, Mathew Perry. The joy you brought to so many in your too-short lifetime will live on. I feel so very blessed by every creative moment we shared,” post sa Instagram ni Maggie Wheeler, na gumanap na on-and-off girlfriend niyang si Janice sa Friends.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Balik primetime bilang si ‘Black Rider’: RURU, nagpapasalamat na natupad ang pangarap na makagawa ng isang full-action series.

Posted on: November 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG  Nobyembre 6, abangan ang pagbabalik ng Primetime Action Hero na si Ruru Madrid sa action-packed Filipino drama series ng GMA Network na “Black Rider.”

 

 

Mula sa award-winning group na GMA Public Affairs, tampok sa full-action series na ito ang kabayanihan, paghihiganti, hustisya, at kuwentong pampamilya.

 

 

Makakasama ni Ruru sa inaabangang primetime series na ito sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, at Katrina Halili. Abangan din si Kylie Padilla sa isang natatanging pagganap.

 

 

Si Ruru ay si Elias Guerrero, isang motorcycle driver ng delivery app na Biyahero. Hindi magtatagal ay magkakaroon siya ng isa pang pagkatao – si “Black Rider,” isang vigilante na lalaban sa kilalang sindikato na Golden Scorpion.

 

 

Kilala sa kanyang hilig na gumawa ng sarili niyang mga stunt, masinsinang nagsanay ang homegrown Kapuso actor sa hand combat, motocross, at martial arts para sa fight scenes ng Black Rider. Itinuturing ni Ruru ang “Black Rider” bilang isang dream come true project.

 

 

“Excited na po ako na ibahagi sa inyo ang Black Rider – ang latest primetime offering ng GMA Public Affairs kung saan pinagsama-sama ang mga artista mula sa iba’t ibang henerasyon. Isang karangalan na makasama ko ang mga tinitingala kong artista sa napakalaking proyektong ito.

 

 

“Maraming salamat, GMA Network, GMA Public Affairs, at Sparkle GMA Artist Center sa pagtupad sa aking pangarap na makagawa ng isang full-action series. Ipinapangako ko sa inyo na ibubuhos ko ang lahat para sa programa na ito,” paglalahad ni Ruru.

 

 

Samantala, ang ‘Black Rider’ ang nagsisilbing pinakamalaking proyekto ni Matteo pagkatapos niyang bumalik sa Kapuso Network.

 

 

“It’s a very nice feeling to get back, working on the craft again,” sabi ni Matteo, na gumaganap bilang Paeng Policarpio, isang matapang na pulis na may malalim na kaugnayan kay Elias.

 

 

Nagbabalik din sa paggawa ng teleserye sa GMA si Yassi, na mapapanood bilang si Vanessa “Bane” Bartolome. Si Bane ay isang small time na magnanakaw. Magku-krus ang kanilang landas ni Elias. Mayroon din siyang madilim na nakaraan na kinasasangkutan ng Golden Scorpion.

 

 

Nagpapasalamat si Yassi sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanyang pagbabalik sa GMA. “It’s nice that everybody is kind, everybody is still warm. Pagdating din sa set namin, ang warm din ng mga tao,” say ni Yassi na excited na raw ipakita ang “badass” side ng kanyang karakter.

 

 

Ang homegrown GMA actress naman na si Katrina ang gaganap bilang si Rona Marie Ana ‘Romana’ Tolentino, isang vigilante na makakasangga ni Elias sa paglabas sa Golden Scorpion.

 

 

“I am happy and excited to return to primetime and this time, for a full-action drama series alongside great actors,” pagbabahagi ni Katrina na tiyak na magpapamalas ng kanyang fierce action skills sa serye. “Nag-train po kami para sa aming mga karakter sa seryeng ito kaya naman sana po ay suportahan ninyo ang Black Rider.”

 

 

Tampok sa “Black Rider” ang pinagsamang grupo ng mga young at veteran actors kabilang ang mga iconic action stars na sina Zoren Legaspi, Raymart Santiago, Gary Estrada, Raymond Bagatsing, Isko Moreno, Monsour del Rosario, at Roi Vinzon; gayundin ang mga batikang aktor na sina Rio Locsin, Gladys Reyes, Maureen Larrazabal, at Almira Muhlach.

 

 

Gagampanan naman ni Jon Lucas si Calvin Magallanes. Kahit pareho silang mahusay sa motorsiklo ni Elias, mas pinaiiral ni Calvin ang ambisyon at uhaw sa kapangyarihan sa loob ng Golden Scorpion.

 

 

Nakatakdang gawing miserable ang buhay ni Elias ng mga Golden Scorpion Boys na sina Joem Bascon, Dustin Yu, Joaquin Manansala, Kim Perez, Vance Larena, at Saviour Ramos.

 

 

Makakasama naman ni Elias bilang Biyaheros sina Empoy MarquezJanus del Prado, at Rainier Castillo.

 

 

Magdadagdag kulay sa serye ang mga sikat na komedyante na sina Empoy at Jayson Gainza; gayundin ang paboritong rapper ng Gen Z na si Shanti Dope, social media stars na sina Pipay at si Ashley Rivera, drag queen Turing, Sparkle artists Prince Clemente and Mariel Pamintuan at young love team nina Ashley Sarmiento at Marco Masa.

 

 

Ang “Black Rider” ay produced ng grupong pinangungunahan nina Senior Program Manager John Mychal Feraren; Program Manager Gemma Gonzaga; at Executive Producers Lea Reyes, Jojo Aleta, at Tanna delos Santos.

 

 

Ang creative team nito ay binubuo nina Erwin Caezar Verdillo Bravo, ang creator at head writer ng highest GTV series ng 2021 na “The Lost Recipe”; John Bedia, isa sa mga manunulat ng “Descendants of the Sun Philippines”; Aeious Asin, isa sa mga manunulat ng “Lolong”; at Dickson Comia, manunulat ng ilan sa mga long-running anthologies sa Philippine TV.

 

 

Ang “Black Rider” ay sa direksyon nina action director Erwin Tagle, and master directors Rommel Penesa (“Lolong”) at Richard Arellano.

 

 

Abangan ang world premiere ng “Black Rider” ngayong Nobyembre 6, 8 PM sa GMA Telebabad, at may simulcast sa Pinoy Hits at livestreamed sa Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa GTV, 9:40 PM. Para sa Global Pinoys, mapapanood ito sa GMA Pinoy TV.

(ROHN ROMULO)

Panawagan ni PBBM sa sambayanang Filipino: ‘Solemn, peaceful’ na paggunita sa Undas

Posted on: November 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN  si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang filipino para sa “mataimtim at mapayapa” na paggunita ngayong  All Saints’ Day, Nobyembre 1 at All Souls’ Day, Nobyembre 2. 
“Isang mataimtim at mapayapang Undas sa ating lahat,” ayon sa Pangulo sa kanyang  vlog  na naka-upload sa kanyang official Facebook page.
Ang paalala pa rin ng Pangulo sa publiko ay sundin ang mga patakaran o alituntunin  sa pagbisita sa mga namayapa nilang mahal sa buhay sa sementeryo o  memorial parks.
Pinayuhan din niya ang mga byahero na mag-ingat ngayong holiday break.
“Sa lahat po nang magbabakasyon o out-of-town ngayon, mag-ingat po tayo sa biyahe. Panatilihing malinis ang mga sementeryo at ingatan ang inyong mga kagamitan,” ayon sa Pangulo.
Sa ulat, handa namang umalalay sa publiko ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa may 4,866 na mga Police Assistance Desk na nakakalat sa iba’t ibang sementeryo at iba pang matataong lugar ngayong araw.
Ito’y kasabay na rin ng paggunita ng sambayanang Pilipino sa tradisyonal na Undas o All Saint’s Day ngayong araw gayundin sa All Soul’s Day bukas, November 2.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, maliban sa mahigit 27,000 pulis ay kanilang makakatuwang ang mahigit sa 22,000 force multipliers buhat naman sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Kabilang na rito ang tropa mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at mga lokal na pamahalaan.
Kasama na rin ani Fajardo ang mga Non-Government o Civic Organizations na kanilang makakatuwang upang tiyaking magiging ligtas, maayos, at mapayapa ang paggunita ng Undas.
Muli namang nagpaalala si Fajardo sa publiko hinggil sa mga ipinagbabawal dalhin sa mga sementeryo ngayong Undas.  (Daris Jose)

Masaya sana kung magkakasama sa isang filmfest: VILMA, nalungkot din na ‘di nakapasok ang movie nina MARICEL at NORA

Posted on: November 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI nga sana ang nag-aabang na mga big stars talaga bida sa mga pelikulang magiging official entey para sa MMFF.

 

Pero hindi nakapasok ang mga pelikula nina Maricel Soriano at Nora Aunor.
Naitanong nga ang tungkol dito kay Vilma Santos na pasok ang ‘When I Met You in Tokyo.’

 

“Hindi na kasi namin hawak ‘yon,” sey ni Ate Vi.

 

“It’s not even sa box-office, e, it’s more of magkikita na naman kami ulit. Magkakasama sa isang film festival. It’s just unfortunate na si Marya at si Kumareng Guy ay hindi nakapasok.

 

“Hindi namin alam, hindi namin hawak ‘yon,” saad niya.

 

Sabi niya rin, “Pero, kung sama-sama kami, mas masaya. Uulitin ko lang, hindi pang-award, kung hindi para sa mga tao. I’m sure maliligayahan at mabubuhay sana ang dugo ng mga tao.

 

“But you know, meron naman kaming ‘When I Met You in Tokyo,’ nandiyan si Shawie (Sharon Cuneta), at marami naman magagandang pelikula na kaya nilang pagpilian para maging successful din ang Metro Manila Film Festival.
“Marami, sampung pelikula ‘yan with good actors also and good movies.”

 

Diretsuhan din tinanong si Ate Vi kung sa siyam na pelikulang opisyal na kalahok din sa 2023 MMFF, sino raw kaya sa tingin niya ang magiging mahigpit na makakalaban niya for box-office?

 

Si Arnel Ignacio kasi ng OWWA ay nagpahayag na sigurado na raw na may nakalatag na silang 20 block screening para sa ‘When I Met You in Tokyo’ dahil tila may eksena rito na makakasuporta rin sa OWWA.

 

“Alam mo, ayokong magpa-pressure, dyusko, ayoko ng ma-tension,” natawang sabi niya.

 

“Hindi na worth it para sa health ko. ‘Wag na. Alam mo, ulitin ko man ‘yong 35 and gorgeous, aalagaan mo na ang sarili mo. You know, soon, basta kami—kaming pamilya sa ‘When I Met You in Tokyo’, of course, with Lotlot (de Leon), Gina Alajar, Lyn Cruz, Jacky Woo, Ms. Redgie (Magno), The producer, Ms. Weng (Rowena Jamaji). The directors, Yetbo, lahat—basta kaming pamilya, sama-sama naming pino-promote itong When I Met You in Tokyo.”

 

***

 

SIMULA sa Lunes, November 6, magkakatapat na ang mga teleserye nina Coco Martin na ‘Batang Quiapo’ at ang bagong action primetime series ni Ruru Madrid na ‘Black Rider.’

 

Pero bago ito, nagkita raw sila ni Coco.

 

“Nang magkita po kami ni Sir Coco sa isang event, ‘yung kay Senator Robin (Padilla), nagpatawag po siya ng mga artista, pag-uusapan ‘yung mga problems.

 

“Sakto, nando’n si Sir Coco. Nilapitan ko po siya, sabi ko, ‘Sir Coco, magandang gabi po.’ Tapos, bigla siyang tumingin sa akin. Tumayo at niyakap niya ko ng mahigpit.

 

“Mahigpit as in, mahigpit na mahigpit. Sabi ko, ‘Sir Coco, malaking karangalan na makilala kita. Sabi niya, ‘hindi, ako ang dapat magsabi no’n. Palagi kitang pinapanood, ang galing-galing mo.

 

“Napanood ko ‘yung ‘Lolong’ sobrang husay mo. Pagbutihin mo lang ‘yan. Tapos, niyakap niya ulit ako at sabi niya, nakikita niya ang pagiging makatao ko. Ipagpatuloy mo lang. Sobrang na-appreciate ko.”

 

Siguro raw, alam din ni Coco na magkakatapat ang primetime series nila. Pero sabi rin ni Ruru, sobrang bata pa lang daw siya, sila ng Nanay niya, pinapanood na nila ang mga teleserye ni Coco.

 

“Sobrang iniidolo ko siya kasi nga, nakikita ko ang pagmamahal niya sa trabaho at hindi po biro ang ginagawa niya.”
Obviously, isa si Ruru sa talagang bongga ang career ngayon as Kapuso.

(ROSE GARCIA)

Heartwarming Tearjerker Date Movie “The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes”

Posted on: November 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WISHES granted come with a price in the award-winning and highly-acclaimed YA romantic drama anime film The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes.

 

 

The film’s main characters Kaoru and Anzu are voiced by Ouji Suzuka and Marie Iitoyo respectively. Supporting characters are voiced by Tasuku Hatanaka as Shouhei Kaga, Arisa Komiya as Koharu Kawasaki, Haruka Terui as Mr. Hamamoto, Rikiya Koyama as Kaoru’s Father, and Seiran Kobayashi as Karen Touno.

 

 

This year’s recipient of the highly coveted Paul Grimault Prize at the Annecy International Animation Festival, the film is inspired by the award-winning novel of the same name by Mei Hachimoku and illustrated by Kukka. With CLAP in charge of the animation production, the movie is directed by Tomohisa Taguchi with Tomomi Yabuki as character designer and chief animation director.

 

 

The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes is a reality-defying coming-of-age romantic drama that follows teenagers Kaoru and Anzu as they discover about the rumored fantastical Urashima Tunnel. Rumor has it that laws of space and time mean nothing to the Urashima Tunnel where wishes come true once you’ve walked through it.

 

 

One night, after an argument with his father, Kaoru walks away and is fatefully led in front of a tunnel that has been described in the rumors. Finally standing in front of the tunnel, he finds himself thinking of his sister Karen whom he lost in an accident five years ago.

 

 

Yearning for his sister, Kaoru returns to the tunnel only to find out that he’s been followed by his classmate, Anzu. A newcomer in their school, Kaoru’s first awkward meeting with Anzu at the town’s train station blossoms into friendship as they try to discover the secrets that the time-twisting tunnel holds.

 

 

As they continue to explore the tunnel and realize that time moves faster inside the tunnel, the two unconsciously develop a deeper bond while healing their pain from the past. With Kaoru wishing to undo the untimely death of his sister and Anzu seeking to escape the pain that’s plagued her growing up, together they must resolve whether their wishes are worth the cost of the sacrifice they have to make.

 

 

A stunning, beautiful story of one’s first love set at the backdrop of a fantastical tale, The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes has received rave reviews and is currently rated 100% fresh at Rotten Tomatoes.

 

 

Critics and audiences alike (from Japan and other international territories) are pleasantly surprised with its incredible stylish visuals, voice acting and sound design, well-written story and moving soundtrack among others.

 

 

Enter The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes now showing exclusive at SM Cinemas, from Encore Films distributed by Warner Bros.

 

(ROHN ROMULO)

Barbers sa mataas na rating ni Speaker Romualdez: ‘Nakaka-proud’

Posted on: November 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
Ang mataas na trust at satisfaction rating na nakuha ni Speaker Martin Romualdez sa survey ng Octa Research ay magsisilbi umanong inspirasyon ng Kamara upang mas magsumikap para matapos ang legislative agenda ng administrasyong Marcos.
Ito ang sinabi ni Surigao del Norte  Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na nagsabi  na ang morale ng mga miyembro ng Kamara ay lalong tumaas sa nakuhang rating ni Speaker Romualdez.
Bagamat ang sesyon ng Kongreso ay naka-break, inatasan ni  Romualdez ang mga komite na magsagawa ng mga pagdinig upang mapabilis ang pagpasa ng mga panukalang batas na makatutulong upang mapaganda ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Bago nag-adjourn ang sesyon noong Setyembre 27, inaprubahan ng Kamara ang panukalang P5.768 trilyong panukalang budget para sa 2024. Sa kaparehong araw ay inanunsyo ni Speaker Romualdez na natapos na ng Kamara ang lahat ng 20 prayoridad na panukala ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) list.
Batay sa resulta ng survey na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4, nakakuha si Romualdez ng 60% trust rating at 61% satisfaction rating.
Kung ikukumpara sa nakuha noong 2022, tumaas ang trust rating ni Speaker ng 22% at 17%  naman ang itinaas ng satisfaction rating nito. (Ara Romero)

Pinas, iginiit ang karapatan na mag-patrol sa Scarborough Shoal sa gitna ng panibagong akusasyon ng Tsina

Posted on: November 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MAY karapatan ang Pilipinas na mag-patrol sa  Scarborough Shoal matapos akusahan ng Tsina ang Philippine military ship ng ilegal na pagpasok sa nasabing lugar. 
Sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na ang ginagawa ng China  ay“overhyping” ang insidente at pinaiinit  lamang ang tensyon sa Pilipinas.
“Under international law, the Philippines has every right to patrol the length and breadth of the West Philippine Sea which necessarily includes Bajo de Masinloc which is well within the country’s Exclusive Economic Zone (EEZ),” ayon kay Año, gamit ang lokal na pangalan ng  Scarborough Shoal.
“China is again over hyping this incident and creating unnecessary tensions between our two nations,” dagdag na pahayag nito.
Dahil dito, hinikayat ni Año ang China  na “act responsibly,  sumunod sa international laws, at tigilan na ang agresibo at ilegal na aksyon sa Philippine waters.
“We urge China to act responsibly, respect UNCLOS, adhere to the 2016 Arbitral Ruling, promote the rules-based international order, and stop its aggressive and illegal actions in PH waters,” ayon kay Año.
Ang UNCLOS ay  ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea, kinokonsiderang konstitusyon sa karagatan.
Winika pa ni Año na ang Philippine ship PS39 ay nagsagawa ng  routine patrol operations sa pangkalahatang bisinidad ng  Bajo de Masinloc “without any untoward incident.”
“It did not illegally enter any space under Chinese sovereignty because Bajo de Masinloc is part of the PH archipelago and EEZ,” ayon kay Año. (Daris Jose)

DFA, idinepensa ang pag-abstain ng Pinas sa UN resolution na nananawagan ng Israel-Hamas ‘humanitarian truce’

Posted on: November 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALIWANAG  si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo  kung bakit nag-abstain ang Pilipinas mula sa pagboto sa United Nations General Assembly (UNGA) resolution na nananawagan ng “immediate, durable, and sustained humanitarian truce leading to a cessation of hostilities” sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.

 

Ang katuwiran ni Manalo,  hindi kasama sa panukalang resolusyon ang terrorist attacks noong Oktubre  7.

 

“There was one issue that was not reflected and that was the mention of the terrorist attacks on October 7 where in our case, four Filipinos were confirmed to have been killed during the attacks,” ayon kay Manalo.

 

Ang paliwanag pa ni Manalo, kumbinsido kasi ang Pilipinas na mahalaga sa resolusyon na isama ang terrorist acts lalo pa’t may 4 na filipino ang nasawi at dalawa pa ang nananatiling nawawala.

 

Inamin ni Manalo na ipinagpapalagay na ng pamahalaan na ang dalawang filipino na nawawala ay bihag ng mga Hamas.

 

Sa kabila ng abstention,  sinabi ni Manalo na nananatiling suportado ng Pilipinas ang  humanitarian efforts ng United Nations sa Gaza.

 

“We will continue to support the efforts of the United Nations to put a stop to the suffering in Gaza and to hope that we can open a humanitarian corridor,” ayon kay Manalo.

 

Aniya pa, ang pag-abstain mula sa pagboto ay hindi nangangahulugan na kontra ito sa resolusyon.

 

“Please note that abstention does not mean you are against the resolution, we just felt that there was something important to the Philippines that should have been mentioned in,” paliwanag ni Manalo. (Daris Jose)

PBBM, hindi nagpahuli: Kuwentong kababalaghan sa Palasyo ng Malakanyang, inalala si Father Brown, gumagalaw na mga upuan

Posted on: November 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
HINDI nagpahuli si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na ibahagi ang mga  Halloween  ghost stories na naranasan at nangyayari sa Palasyo ng Malakanyang. 
Sa Facebook video, inalala ng Pangulo ang pangyayari noong siya ay bata pa at ang kanyang ama ang Pangulo ng
Pilipinas noong panahon na iyon.
Aniya, nasa isa siya sa guest rooms malapit sa  state dining room (“ngayon ay kuwarto kung saan ginagawa ang Cabinet meetings”) ay aksidente niyang nabuksan ang pintuan.
“Gabing-gabi na. Umuwi ako. Sinasara ko lang ‘yung pintuan mula du’n sa kwarto ko. Pagbukas ko ba naman ng pintuan, nakita ko biglang gumalaw ‘yung mga upuan,” ayon sa Pangulo.
“‘Di nagsisisigaw ako dito at tumakbo ako… Sinabi ko sa security, ‘May multo, may multo!'” dagdag na kuwento ng Pangulo.
Sa pagkakataong iyon, sumali ang kanyang anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at nagsabi na  “I still find that hard to believe.”
“Ay nako. It’s true,” giit ng Pangulo.
Sinabi naman sa kanya ng security staff na si “Father Brown” lamang iyon.
May pagkakataon pa aniya na ang mga security personnel ay natulog sa banig na inilatag ng mga ito sa hall habang sumasailalim sa renovation ang hall.
Nagkuwento ang mga ito tungkol kay Father Brown, sinasabing “multo” na ginising sila mula sa kanilang pagkakatulog.
Winika pa ng Pangulo na tinitingan nila ang kasaysayan ng Palasyo at totoo nga, mayroong Father Brown na nagtrabaho noong panahon ng mga Amerikano.
“At mukhang hindi na umalis,” ayon sa Pangulo.
Samantala, ibinahagi rin ng Pangulo ang kuwento ng pintuan na sinasabing kusang bumubukas-sara, ang mga chandeliers na gumagalaw kahit walang ihip ng hangin na paparating.
Naramdaman din aniya niya ang mga nakatitindig-balahibo na may naglalakad at umaakyat sa tinatawag na “formal stairs” ng Palasyo lalo na sa gabi.
Pakiramdam aniya ay may nanonood sa kanyang likuran.
“Paatras tuloy ako paakyat dahil nakakatakot. Dahil alam niyo naman kung minsan pag naglalakad ka nararamdaman mo ‘pag may nakatingin sayo o may sumusunod sayo,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)