• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 14th, 2023

Maiintindihan ng JulieVer fans na hindi si Julie Anne: RAYVER, first time na makatatambal si JASMINE sa isang serye

Posted on: November 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SI Jasmine Curtis-Smith ang makatatambal ni Rayver Cruz sa bago niyang teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’

 

 

 

“Si Jas, lagi ko naman nakakasama, lagi kong nakikita si Jas sa mga events, and sa mga guestings, ‘pag may gathering ng mga artists pero first time, first time to work with her kaya nakaka-excite,” sey ni Rayver na gaganap na asawa ni Jasmine sa series.

 

 

 

Maiintindihan naman daw ng JulieVer fans kung bakit hindi si Julie Anne San Jose ang partner niya sa teleserye. Kakagawa lang daw kasi nila ng movie at magkasama sila sa ‘All-Out Sundays’ at sa iba pang regional shows. Susuportahan pa rin daw siya ng fans nila ni Julie.

 

 

 

Si Laurice Guillen ang direktor ng teleserye na nakatrabaho ni Rayver sa teleserye na ‘Magkano Ang Iyong Dangal’ noong 2010 sa ABS-CBN.

 

 

 

Ang iba pang kasama sa teleserye ay sina Martin Del Rosario, Liezel Lopez, Joem Bascon, Gina Alajar, Kim De Leon, Patricia Coma, Luis Hontiveros, Crystal Paras, Jennifer Maravilla, Bruce Roeland, Billie Hakenson, at Kzhoebe Nichole Baker.

 

 

 

***

 

 

 

HINDI inakala ng Kapuso comedian na si Divine Aucina na magiging close sila ng veteran actress na si Ms. Celia Rodriguez.

 

 

 

Noong una raw ay natatakot lumapit si Divine kay Tita Celia para nakipagkuwentuhan kapag naka-break sila sa set ng ‘Stolen Life’. Pero nalaman din niya na mabait at hindi mataray ang aktres.

 

 

 

“Ang saya kausap kasi ang daming knowledge and she’s very generous about it. Kapag walang ganap, pinapakanta ako lagi ni Tita Celia ng kanyang favorite song na “Never Enough” from the movie ‘The Greatest Showman’, go naman ako kakantahan ko siya ng mga gusto niyang songs para happy siya.”

 

 

 

Ikinatuwa naman ni Divine nang regaluhan siya ni Celia ng bangles.

 

 

 

“May mga bangles akong pagmamay-ari ng nag-iisang Celia Rodriguez! Aside from memories, i value the gifts, especially random gifts from colleagues. Its like sharing a piece of them, extension siya ng appreciation nila sa iyo and I think thats beautiful.”

 

 

 

***

 

 

 

ANG “Kill Bill” singer na si SZA ang nakakuha ang pinakamaraming nominations sa 67th Grammy Award na magaganap sa Crypto.com Arena in Los Angeles on Feb. 4, 2024.

 

 

 

Nakakuha ng 9 nominations si SZA. Ang mga co-nominees niya na sina Phoebe Bridgers, Serban Ghenea and Victoria Monét ay may seven nominations samantalang tig-6 nominations naman sina Jack Antonoff, Jon Batiste, boygenius, Brandy Clark, Miley Cyrus, Billie Eilish, Olivia Rodrigo and Taylor Swift.

 

 

 

Naka-tie na ni Taylor si Barbra Streisand for “most nominations for a female artist” sa category na Album of the Year. Pareho silang may six nominations.

 

 

 

Kung manalo si Taylor sa naturang category for her ‘Midnights album’, she will become the first artist to win album of the year four times.

 

 

 

The 67th Grammy Awards, will air live on the CBS Television Network and will stream on Paramount+.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ika-400th Founding Anniversary ng Valenzuela City, ipinagdiwang

Posted on: November 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BILANG pagpupugay sa kasaysayan at pag-unlad, ginunita ng Lungsod ng Valenzuela ang ika-400th Founding Anniversary nito sa ilang mga programa at pagdiriwang para sa Pamilyang Valenzuelanos na ginanap sa makasaysayang San Diego de Alcala Church at Casa de Polo, nitong Nobyembre 12, 2023

 

 

Ito ang pinakaaabangang araw para sa Lungsod ng Valenzuela, na nag-ugat sa Pueblo de Polo – na unang nakilala sa lungsod bilang – petsa ng pagkakatatag noong Nobyembre 12, 1623.

 

 

Bilang pasasalamat at karangalan sa 400 mabungang taon ng lungsod, isang concelebrated mass ang naganap sa simbahan ng San Diego de Alcala kaninang umaga, na nagbigay sa araw ng anibersaryo ng isang mapagpalang simula.

 

 

Sa kabilang banda, ang international sister city ng Valenzuela mula noong 2008, Bucheon City of South Korea, ay may mga delegado na bumisita sa lungsod para sa Commemoration of 15 Years of Sisterhood at makiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo noong Nobyembre 11, 2023.

 

 

Maglibot sila sa mga makasaysayan at iconic na lugar ng Valenzuela City tulad ng Casa de Polo, Tagalag Fishing Village, Valenzuela City Library, at Museo ni Dr. Pio Valenzuela. Ang study tour na ito ay tatagal ng tatlong araw, mula Nobyembre 11 hanggang 13.

 

 

Kasabay nito, opisyal na binuksan ng Valenzuela City Library ang espesyal na seksyon nito, ang “Bucheon Special Lounge” na nagtatampok ng resource collection courtesy of Bucheon City. Si Bucheon Mayor Cho Yong-eek at iba pang mga delegado mula sa kapatid na lungsod ay nakibahagi din signing of the Agreement on Promotion of Friendship Exchange, na nagpapatibay sa ugnayan at pakikipagkaibigan sa pagitan ng mga lungsod.

 

 

Sa araw ng anibersaryo nito, nakiisa si Mayor Cho Yong-eek at iba pang delegado ng Bucheon kay Mayor WES Gatchalian at sa mga opisyal ng lungsod sa basbas ng Casa de Polo at sa pagpapasinaya ng Museo de Polo para sa Araw ng Valenzuela. Ang Casa de Polo ay isang heritage-themed event space na umaakma sa mga makasaysayang istruktura ng lumang bayan ng Polo.

 

 

Nagbahagi naman sina Vice Mayor Lorie at Senator WIN Gatchalian ng isang welcoming message para sa mga Valenzuelano. Samantala, ipinahayag din ni Mayor Cho Yong-eek ang kanyang adhikain na palakasin ang partnership ng Valenzuela City at Bucheon City sa hinaharap.

 

 

“Ako nga po ay lubos na naga-galak, dahil ang pagdiriwang natin ng once-in-a-lifetime na 400th Founding Anniversary, ay naganap sa aking unang termino bilang Alkalde ng ating mahal na Lungsod. Talaga nga pong nakaka-taba ng puso, dahil ako ay naging bahagi ng nata-tanging kaganapang ito. Kaya kami po sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, ay ibinuhos ang lahat ng aming maka-kaya upang maging espesyal, at hindi malilimutan ang selebrasyong ito.” pahayag naman na mensahi ni Mayor Wes.

 

 

Kasabay anibersaryo, idinaos din ang Paggawad ng Gawad Dr. Pio Valenzuela sa sampung kilalang Valenzuelano sa iba’t ibang larangan. Ang pagpaparangal sa mga Valenzuelano sa kanilang napakahalagang kontribusyon at namumukod-tanging trabaho sa kani-kanilang propesyon. (Richard Mesa)

Nagulat din na nagkaroon ng ‘unfollow issue’: JAMES, nilinaw na happy at sila pa rin ni ISSA

Posted on: November 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MALINAW na officially, sina James Reid at Issa Pressman pa rin.

 

 

At si James mismo ang sumagot sa tanong namin kung happy pa rin sila ni Issa.

 

 

Positibo ang sagot ni James at gets din niya agad na kung dahil daw ba do’n sa unfollow issue.

 

 

Kuwento ni James, kahit siya raw nagulat. Paano raw ito nalaman ng iba na nag-unfollow. Tina-try lang daw niya yong block/unblock. Pero gano’n daw pala ‘yon, lalabas na unfollow na.

 

 

Pero ayon kay James, okay sila ni Issa at walang issue. Masaya raw si James, lalo na at more than what he is expecting ang nangyayari sa career at sa Careless.

 

 

Ngayon nga, may bago siyang single at music video, ang “Jacuzzi” kunsaan, ka-collab niya si B.I., isa sa mga sikat na Korean rapper, singer, composer.

 

 

***

 

 

ANG haba ng Instagram caption ni Kim Chiu ng pasasalamat niya dahil sa pakiramdam daw niya, lutang pa siya o high dahil sa pagkapanalo ng grupo nila sa ‘Magpasikat’ ng “It’s Showtime.”

 

 

Sabi nga ni Kim, “Still in #Magpasikat2023 high!

 

“Thank you @itsshowtimena family for always giving me a memorable year with each and everyone! Yung magpasikat lagi ang icing on top yearly! Nandun ang kaba, excitement, doubts, worries and many more all in the spirit of love and fun.

 

“Three years pa lang ako and pang apat na magpasikat na ang na experience ko got 3 wins of 4! Grabe iba ang saya! Nakaka tulala na wow kasama pala ako dito sa pamilyang ‘to. Congratulations sa lahat ng teams. Happy Anniversary indeed.”

 

Nagpasalamat at pinuri rin ni Kim ang mga ka-team niya na sina Jhong at Ion. Bilib daw siya sa leadership skill ni Jhong at nagpasalamat sa pag-alalay sa kanya, lalo na raw sa mga stunts nila.

 

Binigyan naman ng tatlong bagsak na palakpak ni Kim si Ion sa husay raw nitong sumayaw at walang inuurang.

 

 

Sey ni Kim, “Nagulat ako sa willingness and determination mo na gawin lahat ng mga choreo and stunts. Nakita ko kung paano ka nagpursige and wala kang pinagdududahan sa ginawa mo. Husay mo! Isa ka nang ganap na dancer.”

 

Hindi rin nakalimutan ni Kim na pasalamatan ang mga staff at iba pa nilang nakasama tulad ni Janice de Belen.

 

Komento naman ng netizen, year daw talaga ni Kim ngayon. Bukod kasi sa panalo niya sa “It’s Showtime”, winner rin siya dahil sa tagumpay naman ng teleserye niya na “Linlang” sa Amazon Prime.

(ROSE GARCIA)

“Accountability, openness” sigurado sa ilalim ng binagong IRR ng Maharlika

Posted on: November 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TITIYAKIN ng kamakailan lamang na ipinalabas na implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF)  na mayroong “accountability, openness, at efficacy” sa pagpapatupad ng batas.

 

 

Sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng  Maharlika Investment Corporation (MIC) Board, kung saan ang pangunahing trabaho nito ay “to rule and administer” ang MIC, assets nito, at investments” na naaayon sa batas,  “will have the necessary freedom to oversee the fund without undue political interventions that will impede its fulfillment of functions.”

 

 

“I am glad of this development, as this shall allow the MIC Board to have the liberty and flexibility to fulfill its mandate, and explore beneficial investment opportunities while adhering faithfully to the letter of the law and ensuring high-impact investments that are in line with the country’s socioeconomic development policies and programs,” ayon sa Kalihim sa isang kalatas.

 

 

Kumpiyansa naman si Pangandaman na sa pagtatapos ng taon ay magsisimula na ang operasyon ng MIF.

 

 

“The MIC, created under Republic Act (RA) 11954 or the Maharlika Investment Fund Act of 2023, shall act as the sole vehicle for mobilizing and utilizing the MIF for investments in transactions to generate optimal returns on investments while reinvigorating job creation and accelerating poverty reduction by sustaining the economy’s high growth trajectory,” ayon kay Pangandaman.

 

 

“The MIC will identify financially and commercially viable infrastructure projects to invest in and will formulate investment strategies covering emerging megatrends, such as environment, social and governance, digitalization, and health care,” aniya pa rin sabay sabing “As a member of the Philippine economic team, I commit my full and unequivocal support for the smooth implementation of the MIF’s IRR, with trust and confidence that MIF’s managers will perform their duties and responsibilities to the best of their abilities for the good of the nation.”

 

 

Matatandaang, tinintahan ni Pangulong Marcos ang RA 11954 upang maganp na batas noong Hulyo,  ito ang “first ever sovereign investment fund” na itinatag sa bansa. (Daris Jose)

DTI, nakatakdang ipalabas ang Noche Buena price guide

Posted on: November 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG ipalalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa Noche Buena products.

 

 

Ito’y sa gitna ng nakabinbin na price hike petition para sa holiday ham na sinasabing maaaring tumaas ng 4%.

 

 

“It will be out (price guide)  by the second week of November because not all of the manufacturers have submitted their position and prices,” ayon kay DTI Usec. Maria Blanca  Kim Bernardo- Lokin.

 

 

Aniya, may 80% ng mga manufacturer na nagpo-produce ng goods na kabilang sa  taunang Noche Buena price guide ng DTI ang nagsumite ng kanilang posisyon sa usapin.

 

 

At sa tanong kung  dapat bang asahan ng publiko ang pagtatas sa presyo ng mga sangkap ng pagkain ngayong holiday season, sinabi ni Bernardo-Lokin na nakakuha naman sila ng suporta mula sa Federation  of Filipino- Chinese Chambetrs of Commerce and Industry, INC. (FFCCCII) na huwag munang magkasa ng anumang  pagtaas ng presyo ngayong taon.

 

 

Kabilang sa mga miyembro ng FFCCCII ay ang local retailers, merchant association at mga  food manufaturer. (Daris Jose)

39 Pinoy nananatili pa rin sa Gaza

Posted on: November 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA  ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac na nasa 39 Pinoy, na nananatili pa rin sa Gaza, ang ina­asahang makatatawid na rin sa Rafah border patungong Egypt, sa lalong madaling panahon.

 

 

Ayon kay Cacdac, base sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 98 na ang mga Pinoy, o 71.5% ng 137 Pinoy na nakabase sa Gaza, ang nailikas sa Egypt.

 

 

May ilan na rin aniya sa mga ito ang matagumpay na nai-repatriate sa bansa.

 

 

Sa ngayon aniya ay patuloy ang pagtatawid nila sa mga natitira pang mga Pinoy doon.

 

 

“…sinasabi na ‘yung natitirang 39 ay makakatawid na rin as soon as possible,” ayon pa kay Cacdac, sa panayam sa radyo.

 

 

Una nang sinabi ng border authority sa Gaza nitong Sabado, na ang Rafah land na patawid sa Egypt, ay muling bubuksan nitong Linggo para sa mga foreign passport hol­ders at kanilang mga dependents.

 

 

Sinimulan umano ang pagbubukas nito para sa mga dayuhan at mga medical evacuees dakong alas-9:00 ng umaga local time doon o alas-3:00 ng hapon sa Pilipinas. (Daris Jose)

Mahigit 10 libong residente napagkalooban ng financial assistance ni Konsehala Aiko Melendez

Posted on: November 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 10,500 residente ng Quezon City ang napagkalooban ng financial assistance na naibaba sa pamamagitan ni District 5 Councilor Aiko Melendez.

 

 

Bukod sa financial assistance, nakapagbaba rin katumbas ng P20 million medical assistance sa pamamagitan ng Guarantee Letters si Melendez na kamakailan ay ginawaran ng “National Outstanding Humanitarian and Leadership Service”. Kasama niya sa mga pinarangalan si Quezon City Mayor Joy Belmonte na kinilala bilang “National Outstanding Mayor of the Philippines” ng Saludo Excellence Award.

 

 

Sinabi ni Melendez na ito ay naging possible dahilan sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa mga mambabatas at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Sec. Rex Gatchalian.

 

 

Ayon sa kanya, nakatanggap ng ayudang P1,000 to P2,000 ayuda ang kanyang mga kadistrito sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis o AICS ng DSWD simula nang muli siyang maupo bilang konsehal ng ikalimang distrito. Nauna nang nagsilbi bilang konsehal ng Quezon City si Melendez noong 2001 hanggang 2010.

 

 

“Ang AICS ay diretsong tulong na ipinagkakaloob ng DSWD sa mga Pilipinong humaharap sa krisis. Ang layunin natin ay masiguro na walang mamamayan na maiiwan, at kami ay patuloy na magsusumikap upang mas marami pang maabot ang proramang ito at patuloy na magsusumikap upang maging boses ng mga nangangailangan at magkaroon ng positibong pag-asa sa buhay ng mga taga Quezon City” sabi ni Melendez.

 

 

Kabilang sa mga mambabatas na nagbaba ng pondo sa ikalimang distrito sa pamamagitan ng DSWD ay sina Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, Senator Ronald “Bato” Dela Rosa Senator Grace Poe, Senator Manuel “Lito” Lapid, Senator Robin Padilla, at Senator Joel Villanueva. Nagpasalamat si Melendez sa tulong ng mga mambabatas at ng DSWD na pinakinabangan ng may 10,500 residente mula sa ikalimang distrito.

 

 

“Ako’y nagpapasalamat na naging daan ang aming tanggapan upang itong tulong na mula sa National Government at sa ating mga mambabatas ay maibaba sa ating mga kadistrito na humaharap sa kahirapan at pagsubok sa kanilang buhay,” sabi ni Melendez.

 

 

Nangako naman si Melendez na patuloy siyang makikipag-ugnayan sa lahat ng sector na maaring magkaloob ng tulong para sa mamamayan ng Quezon City. (PAUL JOHN REYES)

Barko ng Pinas hinabol ng Chinese vessels

Posted on: November 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAHABULAN ang barko ng Pilipinas at Chinese vessels hanggang sa matagumpay na naisagawa ng bansa ang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Biyernes.

 

 

      Ito’y ayon sa Philippine Coast Guard, tila pelikulang nangyari nang habulin ng Chinese vessels ang barko ng Pilipinas na nakalusot sa gitna ng mga pagharang at panggigipit ng China Coast Guard.

 

 

Nasa 11 Chinese vessels ang nagsagawa ng mga pagharang at panggigipit sa PCG vessels at sa resupply boats.

 

 

      Nabatid na nasaksihan din ng ilang miyembro ng media ang habulan hanggang sa mara­ting ng PCG personnel ang Ayungin Shoal.

 

 

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, nakumpleto ang resupply mission sa kabila ng mga pagharang ng China Coast Guard.

 

 

Nabatid na sinamahan ng PCG ang dalawang barko na magsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre. Ang barkong World War II  ay 1999 pa  nasa Ayungin Shoal na indikasyon sa claim ng  Pilipinas sa West Philippine Sea.

 

 

Tiniyak naman ng mga sundalong naka­talaga sa BRP Sierra Madre na patuloy nilang ipaglalaban at babantayan ang pag-aari ng Pilipinas mula sa bansang naghahangad  dito.

 

 

      Matatandaang batay sa 2016 Arbitral Award and the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang Ayugin Shoal ay nasa loob ng 200-km exclusive economic zone ng Pilipinas.

 

 

Hindi ito matanggap ng China kaya patuloy ang pagharang sa mga resupply mission. (Dari Jose)

DA: Mag-ingat sa mga frozen meat sa wet market

Posted on: November 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IINGAT ng Department of Agriculture (DA)  ang publiko laban sa mga ibinebentang mga frozen meat sa mga wet market na posible umanong kontaminado ng mga bacteria.

 

 

Payo ng Kagawaran sa mga mamimili, tignan ang tatak ng National Meat Inspection Service (NMIS) upang matiyak ang kaligtasan sa pagkain.

 

 

Kasabay nito, binalaan din ni Agriculture Undersecretary Deogracias Victor Savellano ang mga vendor at mga negosyante na nagbebenta ng frozen meat sa mga wet market.

 

 

Ayon kay Savellano, dahil sa kawalan ng refrigeration facilities at kakulangan ng kaalaman ng mga vendor sa paghawak ng frozen meat maaaring magkaroon ng kontaminasyon at bacteria ang mga karneng ibebenta na posibleng magdulot ng peligro sa kalusugan ng tao.

 

 

Dahil dito, makikipagtulungan na aniya ang DA sa Department of Trade and Industry (DTI) upang maalis sa public wet markets ang mga hazardous frozen products.

 

 

Alinsunod sa DA Administrative Order 6-2012, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbenta ng frozen meat sa mga wet market.

 

 

Pinapayagan lamang ito sa hotels, restaurants at supermarkets na mayroong refrigeration facilities at handling expertise.

 

 

Samantala, sinusuri na rin ng DA ang mataas na presyo ng bentahan ng manok sa merkado sa kabila ng bumababang farmgate prices.

Isiniwalat ang ‘modus’ para maging babala: ARCI, nanakawan ng credit card sa loob ng eroplano

Posted on: November 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng kanyang TikTok account, ikinuwento ni Arci Muñoz ang kanyang nakatatakot na karanasan sa loob ng eroplanong sinakyan pabalik ng Pilipinas.

 

 

Nilagyan niya ito ng title na, ‘Horror Story in the Sky.’

 

 

“Hi, let me tell you a story about the experience I had going back home from Japan,” simula ng aktres.

 

 

“I’m on board in Korean Air, flight number KE704 bound to Incheon [South Korea]. So I have a connecting flight going back home here in Manila…

 

 

“I was resting in my cubicle and then when it’s time to land, siyempre nagising ako, naalimpungatan ako. May lalaking nakatayo sa cubicle ko tapos kinukuha niya ‘yung magazine sa cubicle ko, knowing that all cubicles in the business class has magazines ‘di ba.

 

 

“So ako naman, inisip ko lang na baka wala siyang magazine na andoon sa cubicle ko.”

 

 

Pagpapatuloy pa ng kanyang kuwento, “And then, buti nalang this woman, she’s very nice, she’s like sent by God and asked me, ‘do you know that guy?’ and I was like, ‘no!’

 

“And then she stood up and she confronted the man, ‘Why did you touch her bag?’ ako naman, sabi ko, ‘bakit nawawala ‘yung bag ko?’ and then I saw my bag on the floor near the aisle, e sa window seat ako nakaupo.”

 

Kaya kinumpronta ng woman yun guy, kasi hindi naman talaga tama yun ginawa niya.

 

Kaya tinawag agad nila ang flight attendant, pero dini-deny ito ng lalaki na ginalaw ang kanyang bag.

 

 

“This guy nakaayos, nakaporma, naka-garbo na mga luxury items. So I was thinking, ano ‘to modus talaga nila? Sumasakay sila ng mga business class, they fly?” nagtatakang kuwento pa ni Arci.

 

 

Pero ang nakakaloka ay huli na niyang nalaman na nanakawan na pala siya ng credit card.

 

 

Kuwento pa niya, “At first, I didn’t notice something was missing in my bag kasi compiled lahat ng cards ko e. And then after two days, may notification na sa bank ko na someone was using my credit card sa Ho Chi Minh, Vietnam at tsaka sa Jakarta.”

 

 

At ito ang rason kung bakit siya gumawa ng video na in-upload sa Tiktok, para magbigay ng babala sa mga tao.

 

 

 

“So guys, I’m doing this video to warn you na there’s a dangerous world out there. And you can’t really safe, so you have to be really alert and careful with your things.

 

 

“I’m doing this video, para lang guys you are aware na may mga ganitong modus kahit sa eroplano. The world is not a safe place.

 

 

“It’s just really weird, akala ko sa movie lang nangyayari ang mga ganito,” pahayag pa niya.

 

 

 

Kaya hiling niya sa Korean Air, sana maaksyunan agad ang nangyari.

 

 

“I didn’t have time kasi to report him kasi connecting flight ko one hour lang ‘yung layover ko sa Incheon,” sabi pa ng aktres.

 

 

“So, sana Korean Air, I left my email with you, because I wasn’t able to report this guy, and you said you’re gonna follow up in this case.

 

 

“So, I hope to hear from you guys and I hope this doesn’t happen to anyone else because if he did this once, for sure, he’s gonna do it again.

 

 

“Not until we do something to stop it. So please, I hope to here from you. This has to stop, dapat wala na siyang mabiktima.”

 

(ROHN ROMULO)