• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 5th, 2023

Dedma after ma-link sa break-up nina Elijah-Miles at Kathryn-Daniel: ‘Unbothered Queen’, pwedeng itawag sa pinaka-controversial na young actress na si ANDREA

Posted on: December 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL may daily morning show na sa TV5 na ‘Gud Morning Kapatid,’ sinigurado na ni Dimples Romana na ngayong Kapaskuhan, wala siyang plano at nandito lang daw siya sa Manila. 

 

 

“Walang-wala kaming plans ngayong Holiday dahil bawal akong mag-absent,” sey niya na natatawa.

 

 

“So ngayon, ine-enjoy namin ang araw-araw ng wala kaming plano. Ang saya!  Masaya rin pala ‘yung walang plano at hindi siya gano’n kagastos.  At saka, ‘yung makikisabay ka sa holiday season, bukod sa mahal siya, hindi ko talaga afford as of the moment dahil si Callie, dumudugo kami kay Callie. 

 

 

“Alam ng anak ko ‘yon. Kaya rin naman si Cal, sumusuporta rin siya. Nandito siya for the Holidays, pero nag-aaral pa rin siya kahit nandito siya. Pero ‘yung gastos sa Australia, hindi tumitigil ha… ‘yung renta ng bahay, kahit wala siya ro’n, siyempre, binabayaran.”

 

 

Pero mas nae-enjoy raw nila ngayon na sa bahay lang sila. Ayon kay Dimples, ngayon lang daw talaga siya napirmi rin ng bahay.

 

 

Nakausap namin si Dimples nang i-launch niya ang bago niyang career, may sariling lines of clothing designs na rin siya sa @getspotted ng mga pang-OOTD for the Holidays.  Ang gaganda ng mga designs na pwede rin mabili online via Lazada at Shoppee.  

 

 

Pero, bilib kaming talaga sa kanya kung saan niya nanggagaling ang energy sa lahat ng mga ginagawa.

 

 

As a morning show host, actress, endorser, businesswoman, nanay at asawa, huh!

 

 

***

 

 

‘UNBOTHERED Queen’ ang pwedeng itawag sa pinaka-controversial na young actress na yata ngayon na si Andrea Brillantes.  

 

 

Sunod-sunod ang mga isyu kay Andrea kunsaan, nauugnay ang pangalan niya sa mga break-up issues.

 

 

Nandiyan ang Elijah Canlas at Miles Ocampo break-up, pero pinaka-maingay na kinokonek ang pangalan ni Andrea ay sa pinag-uusapang break-up ng KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

 

 

Ang daming nag-aabang talaga ng magiging statement ni Andrea sa isyu. Kung tutuusin, negatibo sa isang artistang babae ang maging ‘third party’ sa ano mang relasyon, lalo na sa isang highly popolar real & reel loveteam pa ng KathNiel. 

 

 

Pero ‘yun nga, sa lahat ng ito, nagpapakita lang ng pagka-unbothered si Andrea.

 

 

Kung unaffected ba siya? ‘Yan ang ‘di natin alam dahil si Andrea lang ang makakapagsabi kung naaapektuhan na rin ba siya o hindi lang. 

 

 

Pero kung pagbabasehan ang recent X tweet niya kunsaan, nakiuso rin siya sa pagpo-post ng top songs nil ana magre-rehistro sa kanilang digital apps tulad ng Spotify, ipinost ni Andrea na legit Olivia Rodrigo fan siyang talaga.

 

 

Ang lumabas sa Top 5 songs niya ay pawang mga kanta ni Olivia mula sa ‘Bad idea, Right?,’ ‘American Bitch,’ ‘Lacy,’ ‘Vampire,’ at ‘Get him back.’ 

 

 

At saka siya nag-caption na, “When I said that I love Olivia and her newest album, this is what I meant. I didn’t expect or plan this btw haha.”

 

 

Pero sa comment ng kanyang X kinuyog ng mga netizens si Andrea.  Karamihan sa mga comment, inuudyukan itong magsalita na.  Na kung hindi raw totoo ang mga ibinabato sa kanyang isyu, bakit hindi raw linawin o linisin ang pangalan.  

 

 

Pero meron din naman na talagang all-out ang support kay Andrea at naniniwalang nada-drag lang ang pangalan nito sa mga ganyang isyu ng break-up.

 

(ROSE GARCIA)

Ads December 5, 2023

Posted on: December 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Ridley Scott’s “Napoleon” Starring Joaquin Phoenix Storms Global Box Office

Posted on: December 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
Ridley Scott’s ‘Napoleon,’ starring Joaquin Phoenix, storms the global box office with a stunning $78.8 million opening weekend. Explore the film’s journey to success and still showing in the Philippines.

 

Director Ridley Scott’s latest masterpiece, “Napoleon,” has emerged as an undisputed champion at the box office. This action-packed historical epic, graced by the talents of Joaquin Phoenix and Vanessa Kirby, has garnered a massive $78.8 million globally in its opening weekend. This includes an impressive $46.3 million from international markets, firmly establishing its worldwide appeal.

 

 

Stellar Performances and Strategic Releases

 

Phoenix’s portrayal of the renowned French emperor and Kirby as his wife Josephine has resonated with audiences across the globe. The film’s strategic debut in countries like France, the United Kingdom, Germany, and Italy has propelled it to the top spot in these regions. Anticipation is high in Asia, particularly in the Philippines, where the film is set to release on November 29.

 

A Director’s Vision: Bridging History and Art

 

Ridley Scott, known for his visionary filmmaking, brings a unique perspective to the historical figure of Napoleon. “History’s very interesting, because we don’t learn from all of our mistakes,” remarks Scott. The film is more than just a historical recount; it’s a portrayal of Napoleon’s tumultuous journey to power and his intense relationship with Josephine. It’s a blend of personal drama and grand-scale military tactics, brought to life through some of the most elaborate battle scenes ever captured on film.

Joaquin Phoenix and director Ridley Scott at the Madrid premiere of Napoleon on November 20.

 

 

Critics Acclaim: A Spectacular Display of Filmmaking

 

 

The New York Times has praised the film’s battle sequences as ““The war scenes are extraordinary, vigorous, harrowing and rightly grotesque.” The sheer scale, coupled with Scott’s intricate staging using a multitude of actors and horses, adds a raw, visceral power to these scenes, making them a cinematic spectacle.

Joaquin Phoenix, director Ridley Scott and Vanessa Kirby at the Paris premiere of Napoleon on November 14. The film would go on to debut at No. 1 in France. 

 

Distribution and Anticipation in the Philippines

 

 

Produced by Apple Original Films and distributed locally by Columbia Pictures, a division of Sony Pictures Releasing International, “Napoleon” is all set to captivate Philippine audiences. The film’s imminent release is generating significant buzz, as fans eagerly await its arrival and now showing in PH cinemas.

 

 

Join the conversation online with the hashtag #Napoleon and be part of this cinematic event.

(ROHN ROMULO) 

PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi

Posted on: December 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng 40 smart TV, 287 wall fan, at 287 ceiling fan na ibinigay ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas  sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at high school sa nasabing lungsod para magamit ng mga guro at mga estudyante. (Richard Mesa) 

Smart tv, wall fan, ceiling fan, ipinamahagi sa mga paaralan sa Navotas

Posted on: December 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ang 40 smart TV, 287 wall fan, at 287 ceiling fan sa mga pampublikong paaralan na elementarya at high school.

 

 

Kabilang sa mga elementarya na nakatanggap ng 55-inch smart TV at electric fan ay ang North Bay Boulevard North Elementary School, San Roque Elementary School, at Tanza Elementary School habang ang mga benepisyaryo ng sekondaryang paaralan, ang Navotas National High School, San Rafael Technical and Vocational High School, at Kaunlaran High School.

 

 

Samantala. inilunsad naman ng NavotaAs Hanapbuhay Center, sa pakikipagtulungan ng Schools Division Office–Navotas, ang One School, One Product Program (OSOP).

 

 

Ang OSOP ay isang programang pangkabuhayan na nagpapahintulot sa mga mag-aaral ng Senior High School na matuto ng mga kasanayan sa pagnenegosyo at kumita sa pamamagitan ng pagbuo ng isang mabibiling produkto na nagtataguyod din ng mga lokal na mapagkukunan ng lungsod.

 

 

Kabilang sa mga entry ang Spanish Style Tahong at Vegetable Nuggets mula sa Navotas National High School; Bidbid Eomuk o fish cake, Tangos National High School; Pansit ng Navotas, San Roque National High School; Corn Cob Cookies, Filemon T. Lizan Senior High School; Mga Post Card ng Navotas Heritage Sites, Kaunlaran High School; NavoRoll, Bangkulasi Senior High School; Adobong Gulay, Tanza National High School; at Seafood Delights, San Rafael Technological and Vocational High School.

 

 

Ang mga kalahok na paaralan ay magpapakita ng kanilang mga produkto sa Christmas Bazaar na gaganapin sa Navotas Citywalk and Amphitheater sa Nobyembre 23-25, at 30, at Disyembre 1-2, at 7-9.

 

 

“Education remains to be one of our top priorities. We aim to provide Navoteño students with the highest quality of education and open opportunities for them to have the best future,” ani Tiangco.

 

 

Sa kabilang banda, ang Navotas City Health Office, katuwang ang Philippine National Red Cross, ay nagsagawa ng human papillomavirus (HPV) Caravan para sa cervical cancer awareness at prevention kung saan ang mga batang babaeng Navoteño, siyam na taong gulang, ay nakatanggap ng mga bakuna laban sa HPV na nagdudulot ng ilang uri ng kanser at nabigyan din ng libreng HPV screening ang mga Navoteña na may edad 30-49. (Richard Mesa)

Holdaper na sumapak at sumaksak sa tindera sa Valenzuela, kalaboso

Posted on: December 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa selda ang isang holdaper na sumapak at sumaksak sa biniktima niyang tinder ng ‘ukay-ukay’ nang masapol sa kuha ng CCTV camera ang kanyang pagtakas sa Valenzuela City.

 

 

Sa ulat ni P/Col Salvador Destura Jr, hepe ng Valenzuela City Police Station kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagpanggap na kostumer ang suspek na si alyas “Aksel”, 30, construction worker nang pumasok sa tindahan ng ukay-ukay sa Tongco St. Brgy. Maysan, Biyernes ng hapon.

 

 

Nang makatiyempo, tinutukan ng suspek ng patalim ang tinderang si Renalyn, 19, at ipinasok sa banyo saka doon na sinapak at sinaksak ng dalawang beses sa tiyan.

 

 

Matapos nito, nagpalit ng damit ang suspek saka tumakas tangay ang P3,500.00 na pinagbentahan habang isinugod naman ang biktima sa Valenzuela Medical Center kung saan siya ginagamot.

 

 

Kaagad bumuo ng team si Col. Destura mula sa mga operatiba ng Sub-Station-9, Station Intelligence Section (SIS), Station Investigation Unit (SIU), at Detective Management Unit (DMU) sa pangunguna nila PCpt Richie Garcia, PLt Armando Delima, PLt Ronald Bautista, at PCpt Robin Santos para sa pagtugis sa suspek.

 

 

Sa ginawang backtracking ng pulisya sa kuha ng mga CCTV sa lugar, nakita ang pagpasok ng suspek sa tindahan pati na ang paglabas na iba na ang suot na damit hanggang sa pagsakay ng tricyle patungo sa construction site na kanyang pinagta-trabahuhan sa R. jacinto St. Brgy. Canumay na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

 

 

Positibong kinilala ng tindera ang suspek nang dalhin ng mga pulis sa pagamutan kung saan nakaratay pa ang biktima sanhi ng tinamong saksak sa tiyan.

 

 

Ayon kina P/Cpl Larry Legazpi at P/SSg Julius Congson, kasong robbery with physical injuries ang inihain nila sa piskalya ng Valenzuela City laban sa suspek. (Richard Mesa)

Malaking challenge pero maayos namang naitawid: PIOLO, muntik nang ‘di tanggapin ang ‘Mallari’ dahil sa tatlong characters

Posted on: December 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO Piolo Pascual na bida ng ‘Mallari’, ang kauna-unahang Filipino film na idi-distribute ng Warner Bros. Pictures, na malaking challenge talaga sa kanya ang gumanap ng tatlong characters na sina Severino, John Rey at Jonathan sa tatlong magkakaibang panahon.

 

 

Isa nga ito sa natanong sa ultimate heartthrob sa ginanap na biggest mediacon at fancon last December 1 sa SM Mall of Asia.

 

 

“Hindi ko naman in-expect na mag-play ng tatlong characters. For the record, I turned this down. Sabi ko, ‘kaya ko ba ‘to? Pagod na pagod na ako sa ginagawa ko,” natatawang kuwento ni Papa P.

 

 

“But when I found out about the reality that ‘Mallari’ was, sabi ko, ‘baka naman po.’ As an actor, I guess it’s your job to always push yourself, to always so something different. And I guest for my growth as well, for my evolution I wanna be able to give myself a challenge. So I can become better.

 

 

“Hindi naman po puwedeng mag-rest sa laurels mo, hindi naman puwedeng mag-settle ka na lang palagi. And I have this big opportunity to be able to choose the roles that I can play.”

 

 

Dagdag pa ng aktor, “And this time around, with the streaming platform, mas broad na po kasi ang mga roles na puwede mong tanggapin. So, mas madali nang mag-diversify nowadays and I guess for me, I’m really passionate about my job, what will I do.

 

 

“And open po ako sa kahit na ano role na puwedeng magbigay sa akin ng challenge para mag-grow pa rin ako sa craft ko.

 

 

Kuwento naman ng screen writer na si Joaquin Enrico Santos, first choice nila ni Piolo para role at ang “Mallari” na hatid ng Mentorque Productions.

 

 

“The truth is the first name that came up on the whiteboard noong nag-brainstorming tayo, noong first day, unang pangalan nasa whiteboard ay si Piolo. Dumating iba’t ibang pangalan and then balik din kay Piolo. To convince Piolo all we had to do was a pitch.

 

 

“The four years were research, the project itself took less than a year.”

 

 

Rebelasyon pa ni Enrico, nagsimula lang daw sa biru-biruan ang tatlong characters ni Piolo sa movie, hanggang sa nabuo ang script at lumabas na maganda ang kuwento

 

 

“Mayabang kami ni Direk Derik (Cabrido). Nagyayabangan kami brainstorming. Pag may sinabi siya isa, dadagdagan niya. Pag may sinabi ako dadagdagan ko. So, ginawa namin isa, sabi ko direk ayoko isa gawin natin dalawa para may present day. Hindi gawin mo tatlo sabi niya, nagsimula siya as a pusta,” pahayag ni Santos.

 

 

“Impossible kasi 1812 tas 2023, Yung mga Gen Z, hindi makakarelate. Wala alo mahugot papunta 2023. Siyempre MMFF 2023, mga bata, so kailangan mo maitawid ng konti. 1812, 1946, bago mag 2023. Para madala mga tao, ah naimbento na ang camera, TV, cellphone, kasi gamit yun sa pelikula.

 

 

“So we had to create some supernatural manner para makita ng audience ang 1812,” he added.

 

 

Dagdag pa niya, iso-showcase sa “Mallari” ang pinagmulan ng mga katatakutan sa mga Pinoy.

 

 

“Tinatry namin gawin social commentary on what is fear sa mga tao, noong 1812, ang fear ng tao demonyo, maligno, kasalanan, haciendero masungit o pumapatay. Ano fear ng 1946-1948, CIA, nag-imbento ng aswang sa probinsya. 2023, ano nakakatakot? Kapwa tao na di ba, hindi na multo.

 

 

“It is a really good exploration of fear through the centuries and I hope makita niyo when you watch the movie. Hindi takutan pero latag ng kultura natin. Bakit lagi tinatakot ang Pilipino ng Kastila, Amerikano, at ngayon tayo,” pahayag pa ni Enrico.

 

 

Nag-shoot naman si Direk Derick sa iba’t-ibang historic locations sa bansa. Kasama ang isang ginawang village para i-recreate ang authentic setting, na for sure ginastusan nang husto ang production design nito.

 

 

At dahil sa tatlong characters ni Piolo “Mallari” na kitang-kita sa trailer ang tindi ng pagganap, strong contender talaga sa pagka-Best Actor sa 2023 Metro Manila Film Festival at posibleng maghakot pa ng ibang awards.

 

 

Samantala, um-attend sa kick off event si John Bryan Diamante, ang president ng Mentorque Productions, at kasama ni Piolo ang iba pang cast na sina Janella Salvador, JC Santos, Ron Angeles, at Gloria Diaz. Kasama rin siyempre si Direk Derick at Enrico.

 

 

Ang maganda pang balita, as of December 1, ayon sa isang survey nangunguna na ang “Mallari” na Top 4 Films na unang nilang panonoorin sa December 25.

 

 

Pangalawa ang “Firefly”, pangatlo ang “Becky & Badette” at ang “Family of Two” naman ang pang-apat.

 

 

(ROHN ROMULO)

GSIS pensioners, magsisimula nang matanggap ang Christmas cash gift sa Disyembre 6

Posted on: December 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA Disyembre 6 ay matatanggap na ng 300,000 old-age at disability pensioners  ng  Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang Christmas cash gift.

 

 

Sa katunayan ipalalabas na ang P3.47 billion na pondo para rito.

 

 

Ang  cash gift ay ike-kredito sa kanilang  eCards.

 

 

Sinabi ni GSIS President a General Manager Wick Veloso  na ang  Christmas cash gift ay katumbas ng one-month pension o P10,000 o kung ano ang mas mababa.

 

 

“Eligible to receive the Christmas cash gift are old-age and disability pensioners under Republic Act (RA) 8291 (GSIS Act of 1997); Presidential Decree 1146 (Revised GSIS Act of 1977); and Republic Act 660 (Magic 87, or the law that grants retirement at the minimum age of 52 as long as the member has been in government service for at least 35 years) who are receiving their regular monthly pensions and are alive as of Nov. 30, 2023,” ayon sa GSIS.

 

 

Kuwalipikado rin ang mga pensiyonado na makakuha ng five-year lump sum benefit at iyong mga ipinagpatuloy ang regular monthly pensions matapos ang Dec. 31, 2022 (kasunod ng five-year period); mga miyembro na nahiwalay na sa kanilang serbisyo mula 2007 hanggang  2023  bago pa naabot ang edad na 60 subalit nagsimula nang makatanggap ng kanilang  regular monthly pension mula  2018 hanggang ngayon ; at iyong naging  regular pensioners sa loob ng limang taon.

 

 

“Old-age and disability pensioners who are on suspended status due to non-compliance with the Annual Pensioners Information Revalidation will receive their cash gifts after they have reactivated their status,” ayon sa GSIS.

 

 

Samantala, ang mga hindi karapat-dapat na tumanggap ng cash gift ay  “pensioners who availed of the five-year lump sum but will receive their regular monthly pension after Dec. 31, 2023; survivorship and dependent pensioners; pensioners who retired under Republic Act 7699 (Portability Law or contributions under both Social Security System and GSIS for purposes of eligibility and computations of benefits); at iyong mga tumatanggap ng pro-rata pension.”

 

 

Ang mga bagong retirado mula 2019 hanggang  2022 na nag-avail ng 18-month cash payment ng kanilang  basic monthly pension at agarang pensyon sa ilalim ng  RA 8291 ay makatatanggap ng kanilang  cash gifts na limang taon matapos ang kanilang  retirement.   (Daris Jose)

7.4 magnitude na lindol yumanig sa Surigao del Sur

Posted on: December 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATAY ang isang ina habang sugatan naman ang mister nito at anak sa Tagum City, Davao del Norte matapos ang magnitude 7.4 lindol na yumanig sa Hinatuan, Surigao del Sur Sabado ng gabi.

 

 

Batay sa ulat, nakilala ang biktima na si Joy Gemarino ng Brgy. La Filipina Tagum City, Davao del Norte na nasawi matapos mabagsakan ng pader ng gumuhong bahay. Dinala pa ito sa ospital subalit namatay din. Ginagamot naman ang asawa at anak nito.

 

 

Naganap ang lindol sa baybayin ng Hinatuan, Surigao del Sur alas-10:37 ng gabi nitong Sabado.

 

 

Nagsasagawa pa rin ng assessment ang Tagum City Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa insidente.

 

 

Samantala, nakapagtala naman ng 800 aftershocks, 12 sa mga ito ay may lakas na magnitude 4.2 hanggang 6.2.

 

 

Ramdam ang pagyanig sa maraming lugar sa Min­danao at maging sa ilang lugar sa Visayas, Catanduanes at Sorsogon sa Luzon.

 

 

Pinakamalakas ang intensity 7 sa Tandag, Surigao del Sur, intensity 6 sa Bislig Surigao Del Sur at Intensity 5 sa Cagayan de Oro City, Nabunturan, Davao de Oro at Davao City.

 

 

Agad na nagsilabasan ang mga empleyado ng  BPO, ospital at residente sa Matina Enclaves dahil sa malakas na pagyanig.

 

 

Inalis na ng Phivolcs ang inilabas nitong Tsunami Warning.

Dedicated ang speech sa fiancee at dalawang anak: Macaulay Culkin, nabigyan na rin ng star sa ‘Hollywood Walk of Fame’

Posted on: December 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALIK din GMA si Michelle Vito na lumabas noon sa Kapuso teleserye na ‘Nita Negrita’ at sa teen drama series na ‘Reel Love Presents Tween Hearts.’

 

 

Kabilang si Michelle sa cast ng ‘Lovers/Liars’ kunsaan gumaganap siya bilang isang single mother na dumaan sa maraming pagsubok.

 

 

“Hindi ito ‘yung usual Michelle na napapanood n’yo rati, o ‘yung maarte o pa-cute o pa-tweetums. This one is more mature. Sobrang strong ng personality ng character ko because growing up marami siyang pinagdaanan sa buhay. Marami siyang pinasukan na work para lang makaraos siya sa buhay niya.

 

 

“As a single mom, lahat ginagawa niya para sa anak niya. Ang lahat nang ginagawa niya sa life, umiikot lang sa anak niya kasi iyon ‘yung naging buhay niya,” sey ni Michelle na nasanay nang gumanap na kontrabida sa mga nagawang teleserye…

 

 

***

 

 

SA wakas ay nabigyan na rin ng kanyang sariling star on the Hollywood Walk of Fame ang former Hollywood child actor na si Macaulay Culkin.

 

 

Sumikat si Macaulay dahil sa pinagbidahan niyang hit Christmas movie na ‘Home Alone’ noong 1990.

 

 

Naging in-demand siyang child actor at ginawa niya ang mga pelikulang ‘Home Alone 2: Lost in New York’, ‘Richie Rich’, ‘My Girl’, ‘Uncle Buck’, ‘The Good Son’, ‘The Pagemaster’ at ‘Getting Even with Dad.’

 

 

Sa kanyang speech, dedicated ang kanyang star sa kanyang fiancee na si Brenda Song at sa dalawang anak nila na sina Dakota (2) and Carson (1) na first time niyang pinakita sa public.

 

 

“I’d like to thank Brenda. You are absolutely everything. You’re my champion… You’re the best person I’ve ever known… You’ve given me family. After the birth of our two boys, you become one of my three favorite people.

 

 

“You’re somewhere in there. I love you. I love you so much. To wrap things up, and in the spirit of the holiday season. I just wanna say, merry Christmas, ya filthy animals!” sabay tawa pa ng 43-year old actor.

 

 

Present din sa ceremony ay ang co-star ni Macaulay sa Home Alone na si Catherine O’Hara at sinabi nito ay: “The reason families all over the world can’t let a year go by without watching and loving Home Alone together is because of Macaulay Culkin.”

 

 

Naroon din sina Seth Green, Natasha Lyonne at goddaughter na si Paris Jackson. Present naman ang kanyang mga kapatid na sina Rory at Quinn Culkin.

(RUEL J. MENDOZA)