• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 6th, 2023

DA, umangkat ng 21K metriko toneladang sibuyas para ngayong holiday season

Posted on: December 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMANGKAT ang Department of Agriculture (DA) ng  21,000 metriko tonelada ng sibuyas upang matugunan ang mataas na demand ngayong  holiday season.

 

 

Sinabi ng Bureau of Plant Industry (BPI)  na umangkat ang  Department of Agriculture (DA) ng  17,000 metriko toneladang pulang sibuyas at 4,000 metriko toneladang dilaw na sibuyas mula sa  China, India at Netherlands.

 

 

Ang kabuuang dami ng sibuyas ay base sa pangangailangan ng bawat Filipino.

 

 

Inaasahan namang darating ngayong buwan sa bansa ang  mga imported na sibuyas, magsisilbi itong  buffer stock  para i- stabilize ang presyo habang ang naghihintay ng harvest peaks mula Marso hanggang Abril  2024.

 

 

Sa kasalukuyan, ang pulang sibuyas ay may presyong P140 hanggang P180 kada kilo.

 

 

Inaasahan naman ng BPI na bababa ang presyo ng sibuyas sa pagdating ng imported na sibuyas.

 

 

Matatandaang, sa layuning mapalakas ang produksyon ng sibuyas sa buong bansa, inilunsad ng DA ang Onion Expansion Program sa bayan ng Tupi, South Cotabato.

 

 

Ang launching program ay pinangunahan ni Assistant Secretary James Layug kasama ang mga opisyal ng DA 12 at iba pang attached agencies.

 

 

Layon nito na masolusyunan ang shortage sa supply ng sibuyas at maging estable ang presyo nito. Inihayag ni Leonel Limbawan, representative ng High Value Crop Development Program (HVCDP) ng central office na ang bayan ng Tupi ang mangunguna sa onion production sa Mindanao. (Daris Jose)

Nakagugulat ang naging rebelasyon: GLADYS, makikiusap kay JUDY ANN para matuloy ang ideya na magsama sa isang concert

Posted on: December 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NAKAGUGULAT ang rebelasyon ni GLADYS REYES na isang concert ang ideya niya na maging reunion project nila ni Judy Ann Santos.
“Sa totoo lang, naisip ko na yan,” umpisang sinabi ni Gladys.
“Kasi inspired by yung ginawa nina ate Sharon at kuya Gabby.”
Kailan lamang ay idinaos ang reunion project nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion; noong 1981 ay nagsama sa blockbuster film na ‘Dear Heart’sina Sharon at Gabby at nitong Oktubre, 2023 ay naganap naman ang ‘Dear Heart: The Concert’ ng dalawa.
Lahad pa ni Gladys, “Noon ko pa pinaplano sana, sana nga movie, sana kung hindi man movie aba e why not in a concert nga.”
Maraming proyektong pinagsamahan na dati sina Gladys at Judy Ann, tulad na lamang ng phenomenal Kapamilya series nilang dalawa na Mara Clara na umere mula noong 1992 hanggang 1997.
Kuwento pa ni Gladys sa dream project niya nila ni Judy Ann, “Judy Ann and Gladys in concert, tapos meron tayong live band, di ba?
“At ang mga special guests namin si Christophe, si Yohan,” pagtukoy pa niya sa mga anak nila ni Judy Ann.
Panganay na anak nina Gladys at Christopher Roxas si Christophe at panganay na anak naman nina Judy Ann at Ryan Agoncillo si Yohan.
“Umpisahan muna natin dun kasi matagal pa bago yung pelikula, di ba? Kailangan ayusin ang script, ang ganito, pero bakit hindi [concert],” sinabi pa ni Gladys.
“Kumbaga nakakanta naman… may album nga si Judy Ann, e.”
Nakagawa ng tatlong album noon si Juday; ang Judy Anne (1998), Bida Ng Buhay Ko (2001) at Musika ng Buhay Ko (2007).
At noong Hunyo, 2007 ay nagkaroon ng 20th anniversary special/concert si Juday, ang Bida ng Buhay Ko: 20 Years of Judy Ann Santossa Araneta Coliseum.
Samantalang si Gladys naman ay regular ang post sa kanyang Facebook at Instagram account na kumakanta ng live habang naghu-hula hoop.
“Kaya Mara Clara concert,” bulalas pa ni Gladys.
Suhestiyon pa namin kay Gladys, sila rin ni Juday ang mag-produce ng concert nila, at willing raw siya.
“Pero hindi ko pa ‘to nabanggit kay Judy Ann, actually dito ko pa lang, sa iyo ko pa lang unang nasabi. Babanggitin ko sa kanya.
“Kasi gusto ko ring mai-showcase yung talent nina Yohan, nila Christophe, ni Lucho, so why not di ba, in one concert kasi puwedeng yung resurrecting the past, yung mga batang 90’s.
“At alalahanin mo, yung mga batang 90’s na mga ka-contemporary namin noon na mga nanonood sa amin sila na yung mga boss, di ba?
“Sila na yung kumbaga meron na silang budget, di ba, para makanood. Kasi mga nagtatrabaho na sila.”
Dagdag pa ni Gladys, “Ako nae-excite ako sa thought na, why not, actually iniisip ko nga in 2024, baka puwede kong i-request kay Judy Ann na iyon ang birthday ano niya sa akin, instead na birthday ano, birthday concert!”
Sa Hunyo ang kaarawan ni Gladys.
Muli pa naming suhestiyon, ang concert nila ay puwedeng presented, bilang collaboration, ng GMA at ABS-CBN bilang Kapuso si Gladys at Kapamilya si Juday.
“Puwede,” ang tili ni Gladys, “di ba nagko-collab na sila?’
“So let’s see, sana, I’ll pray for that and hindi pa actually alam ng mga kinauukulan iyan, like si Juday hindi pa niya alam, first ko nga dito naisip at sinabi ko nga sa iyo.
“Sana talaga kasi medyo matatagalan pa bago maisakatuparan yung pelikula which is hindi ako sumusuko, pinagpe-pray ko iyan sana matuloy, so why not concert muna.”
Pahabol pa ng premyadong aktres, “We’re expecting na sana  yung mga sumuporta sa amin mula noon, noon sa Mara Clara, nandiyan pa rin sila at sana yung mga anak nila nadagdag sa mga magsu-support, di ba?”
Nakausap namin si Gladys sa mediacon ng pelikulang ‘Unspoken Letters’ na kung saan bida ang young actress na si Jhassy Busran at ipapalabas sa mga sinehan sa December 13.
Kasama rin sa main cast si Gladys ng ‘Black Rider’ ni Ruru Madrid na napapanood gabi-gabi sa GMA.
(ROMMEL L. GONZALES)

PBBM, bitbit ang tungkulin at responsibilidad sa gitna ng COVID-19 isolation

Posted on: December 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Filipino na tuloy ang kanyang trabaho bilang halal na Pangulo ng bansa dahil bitbit niya ang kanyang tungkulin at responsibilidad sa gitna ng kanyang five-day isolation matapos na mag-positibo sa COVID-19.

 

 

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na nag-positibo si Pangulong Marcos sa  COVID-19  at pinayuhan ng kanyang doktor na gawin ang mandatory five-day isolation period.

 

 

“The President remains fit to carry out his duties and will be continuing his scheduled meetings via teleconference. Updates on his health will be provided as available,” ayon sa  PCO sa official Facebook page nito.

 

 

Dahil dito, hinikayat ni Pangulong Marcos ang publiko na patuloy na mag-ingat, bantayan ang kanilang kalusugan gaya ng pagpapabakuna at pagsusuot ng  face masks sa matataong lugar.

 

 

Bago pa ito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang  Family Day celebration ng  Office of the President  nito lamang  weekend. (Daris Jose)