• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 7th, 2023

GINAWARAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng Silver Seal of Protection ng Government Service Insurance System

Posted on: December 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

GINAWARAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng Silver Seal of Protection ng Government Service Insurance System (GSIS) dahil sa pagsunod nito sa Republic Act 656 o Property Insurance Law. Nagpasalamat naman si Mayor John Rey Tiangco sa nakamit na parangal ng lungsod na una aniyang ibinigay ng GSIS ang ganitong pagkilala sa mga LGUs. (Richard Mesa)

PBBM, nilagdaan ang PPP Code, Internet Act habang naka-isolate dahil positibo sa COVID-19

Posted on: December 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging gaap na batas ang Public-Private Partnerships (PPP) Code at  Internet Transactions Act. 
Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na dapat sana’y pangungunahan ng Pangulo ang ceremonial signing sa Palasyo ng Malakanyang subalit kailangan na lamang pirmahan ang mga nasabing batas habang naka-isolate sa Bahay Pangulo matapos mag-positibo sa COVID-19.
Aniya, ang paglagda sa mga bagong batas ay nagpapakita lamang ng commitment at kahandaan ng bansa na pabilisin ang  development at tanggapin at yakapin ang digital economy.
“Republic Act 11966 or the PPP Code will establish a stable and predictable environment for collaboration between the public and private sectors to address the gaps in the infrastructure systems and also free up much-needed resources to enable the government to pursue other equally important projects and initiatives,” ayon sa  PCO.
Tinuran pa ng PCO na sa pamamagitan ng  bagong batas, pagsasama-samahin ang “best practices” mula sa dekadang karanasan sa pagpapatupad ng Build-Operate-Transfer Law at tiyakin na ang bansa ay makapagtatayo ng  “better infrastructure projects” at pagagaanin ang  panganib sa panahon ng implementasyon.
Samantala, tinuran ng  PCO  na ang Republic Act 11967, o the Internet Transactions Act  ay magbibigay sa publiko ng mekanismo para yakapin ang digital economy.
“This “highlights the government’s efforts to not only protect consumers and merchants, but also harness e-commerce as a tool for growth and development as it upholds fair business practices, fosters innovation, and institutes effective mechanisms for dispute resolution,” ayon pa rin sa PCO.
Sa ilalim ng batas, ang  E-Commerce Bureau ay itatatag sa ilalim ng Department of Trade and Industry.
Layon ng ahensiya na pabilisin ang implementasyon ng RA 11967 at maging ng  Electronic Commerce Act of 2000 at ngPhilippine E-Commerce Roadmap. (Daris Jose)

Kaya matutuloy na ang ‘Pagtatag’ concert: Problema ng SB19 sa dating management, naayos na

Posted on: December 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA wakas ay natapos na ang problema ng SB19 na may kinalaman sa kanilang dating management na ShowBT Philippines Corp.

 

 

Sa pamamagitan ng sariling ahensiya ng phenomenal boy group, ang 1Z Entertainment, ay inanunsiyo nila na nagkaroon na ng pagkakasundo nito lamang Disyembre 5.

 

 

Ayon sa kanilang Facebook post, ay nagkaroon na sila ng parehas at pantay na resolusyon.

 

 

“We formally announce that we have come to an amicable agreement with ShowBT Philippines Corp. through a fair and equitable resolution.

 

 

“Thank you for your patience and unwavering support toward SB19 and 1Z Entertainment. Pablo, Josh, Stell, Ken, and Justin eagerly anticipate reconnecting with all of you in their upcoming endeavors.

 

 

“We can’t wait to see you all again soon,”

 

 

Nasa ilalim ng talent management company na ShowBT ang SB19 mula sa pagsisimula ng lkanilang career noong 2018 hanggang Hunyo 2023.

 

 

Subalit dahil sa mga internal na problema at conflict sa pagitan ng grupo at ng ahensiya ay nagdesisyon ng SB19 na lisanin ang dati nilang management team at itatag ang sarili nilang agency, ito ngang 1Z Entertainment.

 

 

Naging kasunod nito ang pagkakansela ng mga ‘PAGTATAG’ concert tour ng grupo sa iba-ibang bansa, dahilan upang mangamba ang kanilang mga fans sa nangyayari.

 

 

Pero ngayon nga, maayos na ang lahat.

 

 

***

 

 

MAY mga limitations ang Vivamax actress na si Robb Guinto sa mga intimate scenes nila ng Vivamax actor na si Matt Francsico sa pelikulang “Araro” sa direksyon ni Topel Lee.

 

 

Isa rito ay may kinalaman sa kanyang boobs.

 

 

“Yes po, may mga limits din naman po ako na sinabi sa kanya, like ayoko po ng hinahawakan yung boobs ko,” sinabi ni Robb.

 

 

Maingat rin si Robb sa kanyang dila.

 

 

“And then no tongue pag nagki-kiss,” pakli pa ni Robb.

 

 

May torrid kissing scene sila sa ‘Araro’, paano nila iyon ginawa na walang dila?

 

 

“Parang siguro dinaya na lang din namin.”

 

 

Nakasuot rin daw si Robb ng plaster sa mga eksena ng pagtatalik na dapat ay hubu’t-hubad siya.

 

 

“Opo, may plaster po, and sa lahat naman po ng mga love scenes na ginagawa ko sa lahat ng movie, laging may plaster.”

 

 

Hindi na raw siya nasasaktan kapag tinatanggal na ang plaster niya dahil nilalagyan ng oil.

 

 

Undergraduate student ng kursong Tourism ang Vivamax star.

 

 

Isang taon pa ang kailangan niyang buuin para makapagtapos.

 

 

Breadwinner kasi si Robb ng kanilang pamilya.

 

 

“Opo, at kapag nakapag-ipon na po ako, tsaka ako mag-aaral uli,” pakli niya.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Navotas LGU humakot ng maraming awards

Posted on: December 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HUMAKOT ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng maraming parangal mula sa iba’t ibang ahensya bilang pagkilala sa mga natatanging tagumpay nito sa iba’t ibang kategorya.

 

 

“These commendations attest to our dedication to delivering the best services for the benefit of Navoteños. We are grateful and honored that our efforts have been acknowledged. We will continue to use this recognition as inspiration to further improve the programs and services we deliver,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Nakatanggap ng komendasyon ang Navotas mula sa Department of the Interior and Local Government para sa Community-based Drug Rehabilitation Program (CBDRP). Isa ito sa dalawang local government units (LGUs) sa Metro Manila na nakatanggap ng naturang pagkilala.

 

 

Mula noong 2016, ipinatupad ng Navotas ang Bidahan, isang community-based drug rehabilitation program kung saan ang mga taong gumagamit ng droga (PWUDs) ay sumasailalim sa serye ng mga counseling session at regular na pagsusuri.

 

 

Kinilala rin ang lungsod ng Department of Social Welfare and Development bilang Top 2 LGU na may pinakamataas na porsyento ng pinabuting nutritional status sa ilalim ng Supplementary Feeding Program (SFP).

 

 

Si Ms. Karen Rose B. Damsani ng City Social Welfare and Development Office, ay kinilala rin bilang Outstanding SFP Focal Person.

 

 

Nakuha rin ng Navotas ang Silver Seal of Protection mula sa Government Service Insurance System (GSIS) para sa pagsunod nito sa Republic Act No. 656 o ang Property Insurance Law.

 

 

Itinatampok ng RA 656 ang kahalagahan ng pagtiyak ng mga ari-arian ng gobyerno para sa mabilis na pagkukumpuni o pagpapalit kung sakaling masira.

 

 

Natanggap din ng Navotas ang Gawad Kalasag Seal of Excellence para sa 2023. Kinilala ang lungsod bilang Beyond Compliant sa mga pamantayang itinatag para sa functionality ng local disaster risk reduction and management councils and offices, gaya ng itinakda sa Republic Act No. 10121, na kilala rin bilang ang Philippines Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010. (Richard Mesa)

Magnitude 5.9 na lindol niyanig Mindoro, ramdam hanggang Metro Manila

Posted on: December 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINULAGA nang malakas-lakas na magnitude 5.9 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon ayon sa Phivolcs, bagay na nangyari ilang oras matapos ianunsyo ang 2023 Bar Exam results.

 

 

Bandang 4:23 p.m. kahapon nang yanigin ng lindol ang epicenter ng Lubang, Occidental Mindoro.

 

 

Nagtala ang Phivolcs ng iba’t-ibang intensity sa maraming bahagi ng Pilipinas:

 

Intensity V (strong)

Lubang, Occidental Mindoro

Puerto Galera, Oriental Mindoro

 

Intensity IV (moderately strong)

City of Makati

Quezon City

City of Taguig

City of Malolos, City of Meycauayan, Obando, at Plaridel, Bulacan

Floridablanca, Pampanga

San Jose, Batangas

City of Tagaytay, Cavite

 

Intensity III (weak)

City of Caloocan

City of Pasig

Cuenca at Talisay, Batangas

City of Bacoor, at City of General Trias, Cavite

Rodriguez, Rizal

Mamburao, Occidental Mindoro

 

Intensity II (slightly felt)

City of Marikina

City of San Jose Del Monte, Bulacan

Gabaldon, Nueva Ecija

Lucban, Quezon

San Mateo, Rizal

Odiongan, Romblon

 

Intensity I (scarcely perceptible)

City of San Fernando, Pampanga

City of San Pedro, Laguna

Mauban, Quezon

 

 

Samantala, lumabas ang mga kawani ng Department of Justice sa kanilang building ilang sandali matapos ianunsyo ang pagpasa ng nasa 3,812 katao sa professional licensure examination para sa mga abogado.

Good catch ang aktor bilang son-in-law: SHARON, puring-puri ang mga katangian na taglay ni ALDEN

Posted on: December 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PURING-PURI talaga ni Megastar Sharon Cuneta ang anak-anakan niyang si Alden Richards, na kung saan nabuo ang kanilang closeness habang ginagawa ang Family Of Two (A Mother And Son Story) na entry ng CineKo Productions sa 2023 Metro Manila Film Festival.

 

Sa bonggang mediacon na nagmistulang Christmas party, natanong si Mega kung na kay Asia’s Multimedia Star ba ang mga katangian ng gusto niya sa magiging son-in-law?

 

“Oh yes! Lahat, na kay Alden!” mabilis na sagot ni Sharon.

 

“Kung ganyan ang magiging asawa ng kahit sino sa mga anak ko… kahit si Miguel pa! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! OK lang sa akin!

 

“Alam niyo naman ako, kung saan maligaya ang mga anak ko, doon ako! Support lang ako. Wala akong ganyan.”

 

Pagbawi niya, “No… but you know, kasi kuyang-kuya nila, e. Iyong panganay [KC Concepcion] ko naman, may buhay nang sarili rin. E, may honey na rin siya, so…

 

“Naku! Kung pupuwede lang, mag-produce pa isa pa, para sa yo, di ba?! Ha! Ha! Ha! Eh may kanya-kanyang buhay sila.

 

“So… but oh my God! Any mother I think would be just so blessed to have this boy as a son-in-law.

 

“No, really, from the bottom of my heart. Because he’s so responsible. He’s like me! He’s like me, so he’s responsible.

 

“He works hard. He knows his priorities. He’s God-fearing. He is honest.

 

He’s authentic. And look at the face! Ha! Ha! Ha! Ha!”

 

Wish naman ni Sharon sa mamahalin ni Alden in the future…

 

“She’ll have to be smart and independent. She will be loving but not needy and understand his schedule. She’ll be supportive of his career, his dreams and love his family.

 

“She has the same values and she has to be strong.”

 

Sa ngayon, wala siyang masabi kung sino ang babagay kay Alden. Magsasabi naman daw ang kanyang ‘anak’ pag may girlfriend na ito, at susuportahan niya ito.

 

Anyway, nagbabalik nga ang tandem na may gawa ng most award-winning film of 2022 na Family Matters, na idinirek ni Nuel Crisostomo Naval at mula sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario.

 

Isa na namang heartwarming story ng ina at anak, ang Family Of Two (A Mother And Son Story) na kung saan kasama rin sina Miles Ocampo, Pepe Herrera, Jackielou BLanco, Tonton Gutierrez, Soliman Cruz, Donna Cariaga, Carla Guevarra, Adriana So, Chris Tan, at Justine Luzares.

 

Kakaibang Sharon Cuneta ang mapapanood sa naturang filmfest entry ng CineKo Productions, na sa tingin namin ay pareho sila ni Alden na strong contender din sa Best Actress at Best Actor categories.

 

Palaban din tiyak ang pelikula, direksyon, screenplay at sa iba pang technical awards.

 

Kaya isa kami, na excited nang mapanood ito, bago pa sumapit ang December 25.

 

Goodluck team #FamilyOfTwo.

 

***

 

INAMIN naman ni Jeri Violago na mukhang hindi 23 dahil sa kanyang baby face, na napagkakamalan siya palagi na batang Matteo Guidicelli, o kaya puwede kamag-anak ng actor-TV host na bibida rin sa filmfest entry na ‘Penduko’.

 

Pahayag niya, “I get that a lot, kung saan ako pumupunta. I feel very honored kasi you know naman Matteo, napakagwapo siya. But hopefully naman in the future, I’ll have my own identity.”

 

 

Naka-graduate na si Jeri ng kolehiyo sa Ateneo de Manila University. At dahil dito, kahit may mga negosyo ang kanilang pamilya, mas pinili niya ang maging singer at pinayagan naman siya ng parents na sundin ang pangarap niya.

 

 

At heto na nga at nai-launch na ang kanyang first music video para sa single niya na “Gusto Kita” na kinompos ni Vehnee Saturno.

 

 

Kasama si Jeri sa nakakikilig na music video ang isa sa mga ‘It’s Showtime’ host na si Jackie Gonzaga, na kilala rin na Ate Girl.

 

 

May nagko-comment sa mga nakapanood na parang bagay kasi sila!

 

 

Kuwento ng baguhang mang-aawit ng Star Music, “Sa video kasi, siya ‘yung may gusto sa akin. Pero, she was able to say it… I mean, that time na gusto na niyang sabihin sa akin na ‘gusto kita’ biglang may sumingit.

 

 

“And in the end naman, ako rin pala ang magsasabi sa kanya na gusto ko siya.”

 

 

Dagdag pa niya habang nagsho-shoot sila, “super fun lang. Ang sarap kasama ni Jackie. Ang sarap niyang kausap. Mabait siya.

 

 

“Nasa ‘Showtime’ siya at nasa Star Music ako, so gusto nila na mag-collab kami. And hopefully, nagustuhan naman niya ang music video namin.”

 

 

Sa media launch, kinanta nga ni Jeri ang “Gusto Kita” after ipakita ang music video nito. Inawit din niya ang isa pang niyang song na “Di Ka Mag-iisa”.

 

 

Ayon naman sa composer and songwriter na si Jonathan Manalo wino-work out na nila ang magiging follow up single ni Jeri kasama pa rin ang Tarsier Records.

 

 

Wish naman ni Jeri na magaling ding gumawa ng kanta, na maka-collab ang mga fave singers na sina Zack Tabudlo, Ben&Ben at ang funk-pop band na Lola Amour.

 

 

Anyway, magiging busy nga si Jeri sa 2024, dahil sa pagpo-promote ng “Gusto Kita”. Kaya abangan na lang sa kanyang TV guestings, and hopefully magkaroon din siya ng gigs sa pagpasok ng bagong taon.

 

(ROHN ROMULO)

3,812 pasado sa 2023 Bar Exams, magiging abogado

Posted on: December 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 3,812 examinees ang pumasa sa 2023 Bar Exams o ‘yung professional licensure examination para sa mga nais mag-abogado sa Pilipinas.

 

 

Ito ang ibinahagi ng Supreme Court sa publiko ngayong Martes nang tanghali sa pamamagitan ni Associate Justice Ramon Paul Hernando, chairperson ng 2023 Bar Examinations.

 

 

Narito ang top 20 bar takers ngayong taon:

 

  1. Bie, Ephraim Porciuncula (UST, 89.2625%)
  2. Vivit, Mark Josel Padua (ADMU, 89.1250%)
  3. Francisco, Frances Camille Altonaga (San Beda University, 88.9125%)
  4. Tang, Nathaniel Nino Alipio (Aquinas-UST-Legazpi, 88.6500%)
  5. Flores, David Joseph Austria (DLSU, 88.5500%)
  6. Samaniego, Ralph Vincent Salvador (UP, 88.4750%)
  7. Antonio, Bryan Gerard Tapnio (ADMU, 88.3125%)
  8. Buencamino, Pio Vincent Roura (UST, 88.2500%)
  9. Batulan, Paolo (University of San Jose – Recoletos, 88.2500%)
  10. Batusita, Grace Abigail Morales (Angeles University Foundation School of Law, 88.0625%)
  11. Non, Zes Trina Banares (Aquinas-UST-Legazpi, 88.0125%)
  12. Chan, Jayson Ong (Saint Paul School of Professional Studies, 88.0125%)
  13. Calderon, Maria Sofia Esguerra (San Beda University, 88.0000%)
  14. Cruz, Cedric Jerome Moya (Bulacan State University, 87.9250%)
  15. Ocampo, Marvin Joseph Manarang (UP, 87.9125%)
  16. Rueda, Yvette Veronique de Guzman (University of Makati, 87.8750%)
  17. Pobar, Dionisio III Tenorio (UP, 87.8375%)
  18. Barrion, Vince Benedict Abu (UP, 87.8000%)
  19. Guzman, Paolo Luna (UP, 87.7875%)
  20. Balisong, Rockylle Dominique Laureta (San Beda University, 87.7375%)

 

 

Lumalabas na 36.77% ang overall passing percentage sa naturang examination.

 

 

Makikita ang kumpletong listahan ang mga pumasa sa link na ito.

 

 

Matatandaang ikinasa ang pagsusulit noong ika-17, ika-20 at ika-24 ng Setyembre taong ito at hinati sa anim na core subjects:

Political and Public International Law (15%)

Commercial and Taxation Laws (20%)

Civil Law (20%)

Labor Law and Social Legislation (10%)

Criminal Law (10%)

Remedial Law, Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises (25%)

 

 

Bagama’t 10,791 ang inaasahang kumuha ng pagsusulit, sinabi ni Hernando na nasa 10,387 ang aktwal na kumuha nito.

 

 

Ginanap ang exams sa 14 local testing centers kabilang ang San Beda University – Manila, University of Santo Tomas, San Beda College Alabang, University of the Philippines – Diliman, University of the Philippines – Bonifacio Global City, Saint Louis University, Cagayan State University, University of Nueva Caceres, University of San Jose – Recoletos, University of San Carlos, Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation, Ateneo de Davao University, Xavier University (Mindanao). (Daris Jose)

MALLARI: First Filipino Film distributed by Warner Bros. Pictures, Kicks off with a Biggest Mediacon and Fancon

Posted on: December 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MENTORQUE Productions makes history through its film and Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 entry, MALLARI, as the first Filipino movie distributed by Warner Brothers Pictures.

 

 

Kicking off its month-long journey towards the December 25 MMFF 2023 release, Mentorque in cooperation with Cleverminds Incorporated, held the biggest and grandest media and fan conference-in-one last Friday, December 1 at The Music Hall of SM Mall of Asia, Pasay City.

 

 

‘Mallari’ stars the Philippines’ ultimate heartthrob Piolo Pascual as Fr. Juan Severino Mallari, the first Filipino priest executed by the Spanish colonial government.

 

 

The mediacon was held at Cinema 5. Refreshments for registered guests served at 3 pm onwards, in the mall’s activity center during the fan conference. The media has special access to cover the ongoing activities, which featured a show, games, interactive booths, the Mallari Gallery, and there are giveaways, too.

 

 

Expected audience of 2,000, which is composed of artists’ fans, movie fans, vloggers, and social media influencers. The event is open to the public.

 

 

Attending the December 1 event are John Bryan Diamante, the president of Mentorque Productions, the main cast-Piolo Pascual, Janella Salvador, JC Santos, Gloria Diaz, Ron Angeles, Tommy Alejandrino, and many more.

 

 

Mallari is a partly fictional, partly true-to-life account inspired by the true story of Fr. Mallari, a parish priest in the 1800s who killed 57 people before being caught, thereby becoming the first and only recorded Filipino serial killer ever, antedating Jack The Ripper by more than 60 years.

 

 

The film takes pride in its high-quality production and high caliber team, which earned the nod of Warner Bros. and promises to be the scariest movie this Christmas season during the MMFF 2023 run in cinemas nationwide. The development of its concept started in 2018 and had its green light by Mentorque in 2022.

 

 

Directed by Derick Cabrido, he shot the film in various historic locations in the Philippines, including a village built for the project to recreate an authentic setting.

 

 

Also, it boasts of three timelines–combining the audiences’ love for retro horror with the immediate relatability of current terrors.

 

 

Recently, the Philippine-based leading production house specializing in events management, marketing, advertising, and now focused on content creation-has formally signed a partnership with the American film production and distribution company on November 25.

 

 

(ROHN ROMULO)

Pilipinas , nakapagtala ng halos 5 milyong int’l visitor arrivals- DOT

Posted on: December 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBINIDA ng Department of Tourism ang aabot 4.8 % o 5 milyong int’l visitor arrivals sa bansa bago matapos ang kasalukuyang taon.

 

 

Ginawa ni Tourism Secretary Ma. Christina Frasco ang pahayag kasunod ng naging pagdalo nito sa 1st Philippine Golf Tourism Summit.

 

 

Ayon sa kalihim, aabot sa 4.3 milyon o higit 91 porsyento mula sa naturang bilang ay mga foreign tourist

 

 

Ang nalalabi namang 391,000 o katumbas ng higit 8 % ay mga overseas Filipino na umuwi ng bansa.

 

 

Batay sa datos, nangunguna pa rin ang South Korea sa listahna ng mga intenational tourist na bumibisita sa Pilipinas na aabot sa higit isang milyon.

 

 

Sinusundan naman ito ng US, Japan, China at bansa Australia.

Ads December 7, 2023

Posted on: December 7th, 2023 by @peoplesbalita No Comments