• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 9th, 2023

Dahil nakitang masaya at okay na: ‘Life update’ IG stories ni KATHRYN, ikinatuwa ng fans

Posted on: December 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
SA post ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram stories ng photos niya na may caption na, “Life Update,” positibo ang naging dating nito.
Sa larawan, makikita si Kathryn na tila nag-aayos ng napakarami niyang damit at ang isang larawan naman, kumakain sila ng ine-endorsong fastfood.
Parehong tila masaya naman si Kathryn sa bawat photos. Hindi naman na rin nakapagtataka dahil kung paniniwalaan ang mga kuwento, matagal naman na raw kasi ngang break sina Kathryn at Daniel Padilla.
Ngayon lang naging official ang pag-amin, pero kung matagal na silang break, this time, ‘di naman nakapagtatakang naka-move-on na sila o si Kathryn.
Ikinatuwa naman ng mga fan ni Kathryn ang kanyang life update. Nakita raw nila na okay naman ito at mukha namang masaya.
Sey pa sa mga comment, para raw nagkaroon ng freedom si Kathryn. Naging malaya raw ito.
***
NANG ginawa ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang ikalawang primetime series na pinagtambalan nila, ang ‘Dyesebel’ ang gusto raw na i-rewind ni Dingdong kung mabibigyan ng pagkakataon.
Sabi niya, “Gusto kong i-rewind ang moment noong siya ay si Dyesebel.”
Tila kinilig naman si Marian at napatanong ng paulit-ulit kay Dingdong sa ginanap na mediacon ng kanilang MMFF movie na ‘Rewind’ nang, “bakit? Bakit ‘yon?”
Sinagot ito ni Dingdong na, “Okay kang ka-swimming, e!”
Tila mas kinilig naman si Marian sa sagot ni Dingdong na masarap siyang kasamang lumangoy, huh!  Sa parte naman ni Marian, ang unang seryeng pinagtambalan nila na ‘Marimar’ ang gusto raw itong i-rewind.
Aniya, “Kasi, do’n ko nakilala si Sergio. Parang ‘yung moment na ‘yon, sinabi sa akin ni Direk na, ‘O, Marian, this is the moment. Ibigay mo na lahat ng maibibigay mo sa sayaw na ‘to.’
“Parang, okay, sige, bahala na Lord. Ikaw na bahala.  Naibigay ko naman ng husto.
“Tapos, sa bandang gano’n, nakita ko si Sergio, sa isla. Basta ‘yon, ‘yung sumasayaw ako sa isla na may Fulgoso.”
Pero may pakiramdam kami na hindi man binanggit nina Dingdong at Marian, ang dalawang unang primetime series naman kasi nilang ito ang naging simula ng relasyon nila at kung bakit sila ang nagkatuluyan.
Sa isang banda, espesyal daw para kay Dingdong ang ‘Rewind’ dahil sa mensahe na gustong ihatid ng movie. At may gusto rin daw siyang malaman.
“More importantly, special siya dahil kasama ko ang asawa ko sa pag-create at paglikha nitong kuwentong ito.  Siguro, more than anything, kung ano man ang magiging response ng mga manonood, siguro, gusto kong malaman kung naging best partner ba ko para kay Marian. ‘Yun ang pinakamahalaga para sa akin.”
Ang ‘Rewind’ ay co-production din ng Agostodos ni Dingdong, APT Entertainment at Star Cinema
(ROSE GARCIA)

DOH naglinaw: ‘Walking pneumonia’ cases ng Pilipinas magaling na

Posted on: December 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW ng Department of Health (DOH) na nag-“recover” na ang mga kaso ng walking pneumonia sa Pilipinas, bagay na pinangangambahan ngayon ng publiko.

 

 

Miyerkules lang kasi nang kumpirmahin ng kagawarang umabot na sa apat na kaso ng Mycoplasma pneumoniae infection o “walking pneumonia” ang naitatala sa bansa magmula pa Nobyembre.

 

 

“[T]he DOH wishes to clarify and emphasize that the detected cases are NOT NEW,” sambit ng DOH sa isang pahayag na media kagabi.

 

 

“Only 4 (0.08%) of the confirmed influenza-like illness] from January up to November 25, 2023 were due to M. pneumoniae or ‘Walking Pneumonia.’ All these cases have recovered.”

 

 

Ika-30 lang ng Nobyembre lang nang pag-ingatin ni Health Undersecretary Eric Tayag ang publiko sa pagtaas ng kaso ng walking pneumonia — sakit na “95% drug resistant” sa Tsina.

 

 

Maliban sa Tsina at Pilipinas, aminado ang DOH na hindi pa ito nakikita sa ibang bansa.

 

 

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang ianunsyo ng gobyernong wala pang outbreak ng naturang sakit sa bansa.

 

 

Tiniyak naman ng DOH na lagpas kalahati ng mga ILI cases ay mula sa iba pang mas kilalang pathogens.

 

 

“We have medicines that can treat M. pneumoniae: and we can easily prevent its transmission,” dagdag pa ng DOH.

 

 

“It is one of the [ILIs], which presents as fever, sore throat, and cough. Younger children may have cold-like symptoms.”

 

 

Bagama’t lahat daw ay maaaring magkahawaan nito, mas malaki aniya ang posibilidad na mag-develop ng severe disease ang mga may mga mahihinang resistensya at nakatira sa mga kulob na lugar.

 

 

Hindi naman na raw bago at kakaiba ang pag-detect ng DOH sa M. pneumoniae. Mas mahalaga pa, maiiwasan aniya ang pagpapasahan nito sa pamamagitan ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face masks, sapat na bentilasyon at pagpapabakuna. (Daris Jose)

PBBM maayos ang pakiramdam at kalagayan sa kanyang ikatlong araw na isolation

Posted on: December 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAAYOS ang pakiramdam at kalagayan ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil dalawang araw matapos tamaan ng covid-19 si PBBM.

 

 

Sa katunayan, sinabi ni Garafil na sasabak pa nga sa isang teleconference ang Pangulo ngayong hapon.

 

 

Matatandaang hindi nakadalo si Pangulong Marcos sa ceremonial signing ng Public-Private Partnership Code of the Philippines (PPP Code) at Internet Transactions Act of 2023 sa Malacañang kahapon pero pinirmahan ng presidente ang dalawang batas sa kanyang tahanan sa Bahay Pangulo. (Daris Jose)

Mas mabigat na daloy ng trapiko, asahan sa susunod na 3 linggo – MMDA

Posted on: December 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAAGANG nag-abiso ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority sa publiko hinggil sa posibilidad ng pagbigat pa lalo ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada ng Kamaynilaan ngayong papalapit na ng papalapit ang holiday season.

 

 

Sa isang pahayag ay sinabi ni MMDA Chairman Don Artes, asahan na pagdoble ng bigat ng trapiko sa susunod na tatlong linggo.

 

 

Batay sa pagtataya ng ahensya, sa darating na Disyembre 8, 2023 ay inaasahang magsisimulang maranasan ang mas mabigat na trapiko nang dahil sa long weekend bilang pagdiriwang na rin ng Feast of the Immaculate Conception of Mary na itinakdang special non working day.

 

 

Bukod dito ay posibleng ring maranasan pa ang mabagal na usad ng trapiko sa darating na Disyembre 15 dahil naman sa mga inaasahang last minute Christmas shoppin kasabay ng payday weekend.

 

 

Habang sa darating na Disyembre 22 naman magsisimula ang pagdagsa ng mga biyaherong magsisiuwi sa kanilang mga probinsya para magdiwang ng Kapaskuhan kasama ang kanilang mga pamilya. (Daris Jose)

Dumaan din sa matinding depresyon dahil sa problema: ALDEN, ‘di inakalang darating sa buhay ni SHARON at mamahalin

Posted on: December 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Asia’s Multimedia Media Star Alden Richards na dumaan din pala siya ng matinding depresyon. 

 

 

Naramdaman daw niya na parang wala na siyang silbi sa entertainment industry, na kung saan ika-12 na taon na niya nitong December 8.

 

 

“Parang naabutan lang ako ng maraming problema during that time,” pag-amin ng Kapuso aktor.

 

 

“Kasi nagpatung-patong na siya from family, to business, to career. More on personal. Pero hindi ko na po siya ise-share kasi naayos na naman na siya.”

 

 

Dagdag paliwanag pa niya, “Kasi ganu’n naman minsan, e. Kapag depressed tayo, minsan we end up na parang self-pity, na napupunta tayo sa ganu’ng part ng buhay natin.

 

 

“And for the first time after a decade po sa buhay ko, sa mundo ng showbiz, nakaramdam po ako ng ganu’n.

 

 

“Parang I’m feeling worthless, na parang hindi na ako kailangan sa industry, na itong mga taong nakatrabaho ko, nakakasama ko, including GMA, they helped me realize na ‘mali ang iniisip mo.’

 

 

“Ang sarap lang sa feeling na may mga tao talaga na darating sa buhay mo na talagang makakatulong para maka-recover ka sa mga pinagdaraanan mo.”

 

 

Inamin ni Alden na nawalan siya ng trabaho mo, na taliwas sa pagkakaalam ng marami.

 

 

“Dumating rin po ako sa point na wala akong trabaho for three months. Pero baka feeling ko lang yun kasi during that time siguro I was just ungrateful.

 

 

“Pero buti na lang talaga naibangon ko pa rin yung sarili ko after that kasi sometimes, everyone of us we go through something dark in our lives pero at the end of the day tayo lang ang tutulong sa mga sarili natin,” aniya pa.

 

 

Sambit pa niya, “But good thing naman po, I was able to get over that. And hindi po ako napunta du’n sa…hindi ako nagbisyo o nagdroga, whatsoever. Buti na lang po.”

 

 

Malaki raw ang naitulong ng paggawa niya ng dalawang pelikula, ang  ‘Five Breakups And A Romance’ with Julia Montes na kumita ng higit 70 million at itong “Family Of Two (Mother And Son Story)” na kasama niya si Megastar Sharon Cuneta, na isa sa filmfest entry sa 2023 MMFF.

 

 

“So, parang ito yung naging therapy ko.

 

 

“Talagang sobrang nakatulong yung mga projects na ‘to at yung mga kasama ko rito,” pag-amin ni Alden.

 

 

Tungkol sa pagganap ni Alden bilang Matteo sa pelikula, “pag umaarte na ako ngayon, of course, palaging nandyan p rin ang inspiration ng nanay ko, ang bilis ko lang na-attach sa character ni Matteo.

 

 

“In real life, my mom is absent, but this time, my father is absent,” seryosong sagot ni Alden at bigla siyang niyakap ni Sharon.

 

 

Pagpapatuloy pa niya, “whenever we do scenes, kaming dalawa ni Mama (Sharon), like what she said, madali.  Kasi po, parang spontaneous ang dating ng emotions, it’s like, not acting at all.

 

 

“Ang gaganda kasi ng mga linya.”

 

 

Sambit naman ni Mega, “sobra kasi ang naging bonding namin ni Alden, when I wrote him a letter, sabi ko, napapanood lang kita.  Hindi ko naman akalain na darating sa buhay ko ang isang Alden Richards, na mamahalin ko ng ganito.

 

 

“Kaya I’m so grateful for this movie project, super grateful!”

 

 

Marami na ngang excited na makapanood sa movie nila ni Sharon, na magkakaroon ng premiere night next week.

 

 

Super proud nga ang gumaganap na mag-ina sa kanilang MMFF 2023 entry dahil napakaganda ng pagkakagawa ng isa na namang heartwarming movie na mula sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Mel del Rosario na produced ng Cineko Productions, na naghatid ng award-winning movie of 2022 na ‘Family Matters’.

(ROHN ROMULO)

WATCH THE NEW TRAILER FOR “BOB MARLEY: ONE LOVE,” A FILM THAT CELEBRATES THE LIFE AND MUSIC OF THE LEGENDARY MUSICIAN

Posted on: December 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FIRST he changed music. Then he changed the world. Based on a true story and produced in partnership with the Marley family, Bob Marley: One Love opens in cinemas February 21. Kingsley Ben-Adir stars as the legendary musician and Lashana Lynch plays his wife Rita. Watch the trailer: 

YouTube: https://youtu.be/VyfUMCfCFno

About Bob Marley: One Love

BOB MARLEY: ONE LOVE celebrates the life and music of an icon who inspired generations through his message of love and unity. On the big screen for the first time, discover Bob’s powerful story of overcoming adversity and the journey behind his revolutionary music. Produced in partnership with the Marley family and starring Kingsley Ben-Adir as the legendary musician and Lashana Lynch as his wife Rita, BOB MARLEY: ONE LOVE is in theatres February 21, 2024.

Paramount Pictures Presents

A Plan B Entertainment / State Street Pictures / Tuff Gong Pictures Production

“BOB MARLEY: ONE LOVE”

Executive Producers: Brad Pitt, Richard Hewitt, Orly Marley, Matt Solodky

Produced by: Robert Teitel, p.g.a., Dede Gardner,p.g.a., Jeremy Kleiner, p.g.a., Ziggy Marley, p.g.a., Rita Marley, Cedella Marley

Story by: Terence Winter & Frank E. Flowers

Screenplay by: Terence Winter & Frank E. Flowers and Zach Baylin & Reinaldo Marcus Green

Directed by: Reinaldo Marcus Green

Starring: Kingsley Ben-Adir, Lashana Lynch, James Norton, Tosin Cole, Umi Myers, Anthony Welsh, Nia Ashi, Aston Barrett Jr., Anna-Sharé Blake, Gawaine “J-Summa” Campbell, Naomi Cowan, Alexx A-Game, Michael Gandolfini, Quan-Dajai Henriques, David Kerr, Hector Roots Lewis, Abijah “Naki Wailer” Livingston, Nadine Marshall, Sheldon Shepherd, Andrae Simpson, Stefan A.D Wade

CREDITS ARE NOT FINAL AND ARE SUBJECT TO CHANGE

In Philippine cinemas starting February 21, Bob Marley: One Love is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #BobMarleyMovie #OneLoveMovie and tag @paramountpicsph

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”

(ROHN ROMULO)

Ads December 9, 2023

Posted on: December 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pagrerehistro ng e-bike minungkahi ng LTO

Posted on: December 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISANG mungkahi ang isusumite ng Land Transportation Office (LTO) sa Department of Transportation (DOTr) upang magkaroon ng mandatory registration ng mga electronic scooters at e-bicycles kahit na ano pa mang vehicle capacity nito.

 

 

Sa ilalim ng panukala, ang mga rehistradong electronic scooters at e-bicycle sa LTO lamang ang maaaring dumaan at gumamit ng mga public roads.

 

 

Nakalagay sa LTO Administrative Order 2021-035, electronic vehicles na may maximum speed na mas mababa sa 25 kilometers ay hindi naman kailangan magparehistro sa LTO.

 

 

“There should be no speed limitation. For as long as these vehicles are used in public roads, they should be registered. We understand the side of manufacturers and importers and the public but the law is law,” wika ni assistant secretary Vigor Mendoza III.

 

 

Ayon kay Mendoza, ang pagrerehistro ng mga e-vehicles ay makakatulong sa road safety lalo na kung ang nasabing mga sasakyan ay nasangkot sa aksidente.

 

 

Ang motoristang mahuhuli na may unregistered vehicles ay papatawan ng multang P10,000. Hindi rin papayagan na magmaneho ang minors ng e-vehicles.

 

 

Sinabi naman ni Mendoza na may 12.9 milyon na motorcycles sa buong bansa ang hindi nakarehistro. Sa isang public hearing na ginawa ng Senate justice committee na pinangungunahan ni Sen. Francis Tolentino sa isang pagtalakay sa proposed amendments ng Republic Act 11225 o ang tinatawag na Motorcycle Crime Prevention Act, sinabi rin ng LTO na may 2 milyon na kotse at trucks ang hindi rin nakareshitro.

 

 

Isa sa mga dahilan ng hindi pagrerehistro ay nakakalimutan nila o di kaya ay hindi nare-renew dahil sa kabiguang mag transfer ng ownership pagkatapos mabili ang sasakyan.

 

 

Mula sa datos ng LTO, ayon kay Mendoza mayron lamang na 13.9 milyon mula sa kabuuhang 38 milyon na four-wheeled na sasakyan at motorcycles na tumatakbo ang registrado as of 2003.

 

 

Minungkahi naman ni Senator JV Ejercito na siyang may akda sa amendments ng RA 11235 na dapat ang multa sa hindi pagrerehistro ng sasakyan ay dapat ibaba.

 

 

“The penalty of imprisonment for violating RA 11235 is too harsh and discriminatory to motorcycle owners,” saad ni Ejercito.  LASACMAR

MMDA: Trapik, lalo pang sisikip habang papalapit ang Pasko

Posted on: December 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko habang papalapit ang Pasko.

 

 

Ayon kay MMDA chairperson Atty. Romando Artes, dapat nang asahan ng publiko ang masikip na traffic simula ngayong araw, Disyembre 7, na hudyat ng Christmas season.

 

 

Partikular na tinukoy ni Artes ang mga weekends ng Disyembre 15 at 22 na may pinakamabigat na daloy ng trapiko.

 

 

Aniya, ang Disyembre 15 ay payday weekend kaya’t asahan nang marami ang magla-last minute shopping.

 

 

Ang Disyembre 22 naman ay ‘weekend going to Christmas’ kaya’y inaasahan naman nilang dadagsa na ang mga taong magsisiuwian sa mga lalawigan upang doon ipagdiwang ang Pasko.

 

 

Hindi naman umano nila aalisin ang number coding window hours dahil wala namang “carmaggedon” na sitwasyon sa mga lansangan.

 

 

Samantala, higit pa umanong paiigtingin ng MMDA ang kanilang clearing operations sa Mabuhay Lanes upang magkaloob ng alternatibong ruta sa Metro Manila drivers ngayong holiday season.

 

 

Payo pa niya sa publiko, umiwas sa Christmas rush sa weekends upang hindi maipit sa masikip na daloy ng trapiko.

Sec. Diokno, dedma lamang sa tsismis na papalitan siya sa puwesto

Posted on: December 9th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DEDMA lang si Finance Secretary Benjamin Diokno sa “tsismis” na aalisin siya sa puwesto para ilipat at pamunuan ang Maharlika Investment Corporation (MIC). 

 

 

Ipinagkibit-balikat lamang ni Diokno ang ulat na si Deputy Speaker Ralph Recto ang papalit sa kanya sa DoF.

 

 

Sinabi ni Diokno, tuloy lang ang kanyang trabaho bilang Kalihim ng DoF at hangga’t kailangan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Matatandaang may kuwento ang  Bilyonaryo.com kung saan tinukoy nito na papalitan ni Recto si Diokno at kinokonsidera ang huli bilang pinuno ng MIC.

 

 

Gayunman, nito lamang nakaraang buwan  ng Nobyembre, pinili ni Pangulong  Marcos si seasoned banker Rafael Consing Jr. para pamunuan ang MIC.

 

 

Sa isang panayam, tinanong si Diokno ukol sa umugong na balita na papalitan siya ni Recto bilang Kalihim ng DoF, kagyat namang sumagot si Diokno ng “I serve at the pleasure of the President.”

 

 

“I’ll work until, as long as I’m needed in the government,” dagdag na wika nito.

 

 

At nang tanungin kung sa tingin niya ay masaya ba ang Pangulo sa kanyang trabaho, ang naging tugon ni Diokno ay  “I think so, yes.”

 

 

Nauna rito, nalagay sa “hot seat” si Diokno  nang aminin nito na hindi kinonsulta ang economic team ukol sa price ceilings para sa regular milled at well-milled rice varieties.

 

 

Ang naturang usapin ang dahilan kung bakit nasipa sa puwesto si Finance Undersecretary Cielo Magno, matapos nitong batikusin  ang pagpapataw at pagpapatupad  ng  rice price ceiling.

 

 

Sinabi ng Malakanyang na ang  terminasyon ng kanyang appointment ay “expected,” sabay sabing “clearly does not support the administration and its programs for nation building.”

 

 

Sa kalaunan, sinabi ni Diokno na suportado ng economic team ang price cap sa bigas. (Daris Jose)