• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 23rd, 2023

Pamahalaan handa sa posibleng PUV shortage sa Jan.

Posted on: December 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAHANDA ang pamahalaan sa posibleng sinasabing kakulangan ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa darating na January dahil ang ibang drivers at operators ay hindi lalahok sa consolidation na may deadline ng Dec. 31.

 

 

 

Dahil dito, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay handa naman magbigay ng special permits at mag deploy ng libreng sakay sa darating na taon.

 

 

 

“The LTFRB could issue special permits on January 1 to consolidated operators to supplement routes with fewer PUVs,” wika ni Department of Transportation (DOTr) undersecretary TJ Batan.

 

 

 

Sinabi ni Batan na ang pamahalaan ay nakikipagusap at nakikipaguganayan sa lokal na pamahalaan upang mag deploy ng libreng sakay sa mga pasahero na maapektuhan ng posibleng kakulangan ng bilang ng mga PUVs sa lansangan.

 

 

 

“The good news is, based on LTFRB data, all of the major roads in Metro Manila already have at least one consolidated operator. So, we are not anticipating these major routes to not have any operators at all. But for the other routes that may not have consolidated operator comes January 1, then the LTFRB is ready to issue special permits for others to step in,” saad ni Batan.

 

 

 

Ayon sa mga ilang grupo ng transportasyon na magkakaron ng transport crisis sa susunod na taon dahil ang mga unconsolidated jeepney drivers ay hindi na papayagan na tumakbo sa kanilang ruta. Ang DOTr ay binalewala ang banta at naging matigas sa kanilang binigay na deadline.

 

 

 

Kinukunbinse pa rin ni Batan ang ibang operators at drivers na humabol upang mag consolidate bago dumating ang deadline sa Dec. 31 na ayon sa kanya ay hindi na rin babaguhin ni mismong President Marcos.

 

 

 

Dahil nga hindi na magkakaron ng extension sa binigay na deadline, sinabi naman ng LTFRB na nagkakaron na ng pagtaas ng bilang ng mga aplikante na lalahok sa consolidation ng kanilang prangkisa.  LASACMAR

Matatanda, PWDs isama sa rekomendasyon na pagbibigyan ng executive clemency

Posted on: December 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANANAWAGAN ang isang mambabatas sa Department of Justice (DOJ) na ikunsidera ang pagbibigay prayoridad sa mga matatanda, may sakit at persons with disabilities (PWDs)  sa pagrerekomenda nang pagbibigyan ng executive clemency sa mga bilanggo ngayong panahon ng kaaskuhan.

 

 

Ginawa ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang panawagan kasabay nang pagbibigay suporta sa inisyatibo ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na paluwagin ang mga bilangguan sa pamamagitan nang pagrekomenda sa pangulo nang pagbibigay ng executive clemency sa nasa 1,500  persons deprived of liberty (PDLs).

 

 

Ang mga kuwalipikadong PDLs ay inirekomendang bigyan ng clemency ng Board of Pardons  and Parole (BPP), isang ahensiyang nasa ilalim ng DOJ.

 

 

Pinapurihan din ng mambabatas ang DOJ’S Bureau of Corrections (BuCor) sa ilalim ni Director General Gregorio Catapang Jr. Ra sa ginawa nitong pasilidad para sa pagpapalaya ng mahigit 11,000 PDLs simula ng administration ng Panuglong Marcos bilang bahagi na rin ng jail decongestion program ng gobyerno.

 

 

“We urge  the DOJ and the BPP to consider giving priority to elderly, frail PDLs and those suffering from  critical illnesses and disabilities in recommending  the grant of executive clemency to President Marcos,” ani Yamsuan .

 

 

Umaasa naman ito na pagbibigyan ng pangulo ang nasabing rekomendasyon.

 

 

Sa ilalim ng revised rules and regulations ng BPP, ang executive clemency ay ang “reprieve, absolute pardon, conditional pardon with or without parole conditions and commutation of sentence as may be granted by the President of the Philippines.”

 

 

Kumpiyansa din si Yamsuan na bibigyang prayoridad ng BPP ang matatanda, may sakit at mahihina nang PDLs kasunod nang pagpapalabas ng Board Resolution OT-08-02-2023.

 

 

Ayon kay  DOJ  Undersecretary Jesse Hermogenes Andres,   nakasaad sa resolusyon na ang mga “PDLs who are 70 years old and, even if they  are considered  high-risk, if they have already served 10 years of their sentence,  shall now be considered for executive clemency specially if they are suffering from old age, being sickly, or terminal or life threatening illnesses or other serious disability.”

 

 

Nangangahuluhan na marami pang matatanda, critically ill  PDLs ay maaaring mabigyan ng executive clemency dahil sa ibinaba na ang period ng mandatory minimum sentence service sa 10 taon mula sa 15 taon. (Ara Romero)

Aminadong na-trauma nang gupitan: Makeover noon ni KRIS, biglang nag-viral sa social media

Posted on: December 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BIGLANG nag-viral sa social media ang makeover ni Kris Bernal noong maging finalists siya sa StarStruck: The Next Level noong 2006.

 

 

Sa  throwback video na ipinost ng GMA Network sa Instagram, naiyak si Kris nang gupitan ng maigsi ang mahabang buhok niya at nilagyan ng layers.

 

 

Kasama kasi ang makeover sa challenges nila noon. Pero pakiramdam ni Kris ay pinag-eksperimentuhan ang buhok niya.

 

 

Hindi pa kasi uso ang social media 17 years ago kaya ngayon lang ulit napanood ni Kris ang video na iyon.

 

 

“Yung trauma ko dito. Chareeeet!” comment ni Kris na nanalo naman bilang Ultimate Loveteam kasama si Mart Escudero sa grand finals ng StarStruck 4.

 

 

Ngayon, isa ng mother si Kris sa first baby nila ni Perry Choi na si Hailee Lucca.

 

 

***

 

 

BINITAWAN ng Marvel at Disney ang actor na si Jonathan Majors matapos na hatulan siya ng New York jury na guilty sa kasong pananakit sa kanyang dating nobya na si Grace Jabbari sa likod ng sasakyan.

 

 

Inalis na ang Emmy-nominated actor sa mga dapat na future projects nito sa Marvel Cinematic Universe kabilang ang Avengers: The Kang Dynasty. Huling napanood si Majors sa Ant-Man and The Wasp: Quantumania.

 

 

Ilalabas ang sentensiya kay Majors sa Feb. 6, 2024, at maaari siyang makulong ng hanggang isang taon.

(RUEL J. MENDOZA)

Malakas ang laban na magka-award: EUWENN, mahusay at nakaka-antig ang pagganap sa ‘Firefly’

Posted on: December 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NGAYONG Kapaskuhan, sariwain ang mahika ng pagkukuwento at ang kapangyarihan ng pagmamahal ng isang ina sa GMA Pictures at GMA Public Affairs’ coming-of-age/ road trip drama na “Firefly.”
Pinagbibidahan ito ng mahusay na GMA Sparkle child star na si Euwenn Mikaell at ang award-winning na aktres na si Alessandra de Rossi, ang “Firefly” ang opisyal na entry ng GMA Network sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.
Kasama rin ng ensemble cast sina Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Yayo Aguila, at Kokoy de Santos, kasama ang espesyal na partisipasyon nina Max Collins at Dingdong Dantes, na napakahusay din ng pagganap.
Nagsimula ang kuwento nang kapanayamin ang nasa hustong gulang na si Tonton (Dingdong) ng isang nagdudang mamamahayag na ginagampanan ni Max, matapos manalo ng National Book Award.
Inalam sa naturang panayam ang pinagmulan ng kanyang mga kuwento.
Si Elay (Alessandra) ay isang ina na mahilig magbahagi ng mga kwento bago matulog sa kanyang anak upang hikayatin itong maging matapang at sulitin ang buhay.
Si Tonton (Euwenn) ay isang 10 taong gulang na matanong at matalinong batang lalaki na madalas na binu-bully at kinukutya nang mas malalaking bata sa paaralan.
Upang hikayatin si Tonton, ikinuwento ni Elay sa kanya ang isang kuwento ng katapangan na makikita sa isang mahiwagang isla na puno ng mga alitaptap.
Sinabi niya sa kanya na ang isla ay totoo at na maaari kang gumawa ng isang kahilingan kung sakaling makarating ka doon.
Sa isang lumang sketchbook, gumuhit si Elay ng mapa sa isla. At sa kanyang puso, si Tonton ay bumubuo ng isang plano upang makarating doon at isang bagay na naisin: ang maging matapang.
Sa kanyang paglalakbay, nakatagpo siya ng tatlong estranghero na tutulong sa kanya o hadlangan ang kanyang pakikipagsapalaran.
Ang “Firefly” ay idinirek ni Zig Dulay, na sikat sa kanyang mga gawa tulad ng hit TV series na “Maria Clara at Ibarra” at ang mga internationally-acclaimed movies na “Paglipay” at “Black Rainbow.”
Ang sumulat ng screenplay mula sa kanyang orihinal na kuwento ay si GMA Public Affairs Senior AVP Angeli Atienza, na siya ring showrunner ng ilan sa mga most-awarded na programa ng GMA Public Affairs.
Itinatampok pa ng award-winning na cinematographer na si Neil Daza ang cinematic masterpiece ng pelikula.  Na-capture talaga niya ang magagandang tanawin na kinunan sa pelikula, bagay na nakakaengganyong panoorin.
Tiyak na maraming makaka-relate sa kuwento ni Tonton, dahil lahat naman tayo ay dumaan sa pagkabata at nanininiwala sa ating mga pinapangarap.
Tiyak ding manunumbalik sa atin ang karanasan noong bata pa tayo at minsang pinasaya ng mga alitaptap, may kanya kanya tayong kuwento na maibabahagi.
Sigurado kaming malakas ang laban nito sa Best Film sa ganda ng pagkakagawa, pati si Euween bilang Best Child Actor at kahit nga si Dingdong at puwede rin na ma-nominate bilang supporting actor.
Mapapanood na ang “Firefly” sa mga sinehan simula sa Araw ng Pasko, Disyembre 25, isama ang buong pamilya at wish namin na dumami pa ang mga sinehan para mas marami ang maka-experience sa nakaka-antig na pelikula.
(ROHN ROMULO)

Pinas ‘di titiklop sa isyu ng West Philippine Sea – Marcos

Posted on: December 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi titiklop ang Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) sa gitna nang tumataas na geopolitical tension.

 

 

Sa ika-88 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ng Pangulo na sa kabila ng maraming probokasyon, ang bansa sa pamamagitan ng AFP, ay nananatiling isang puwersa at boses ng katwiran, na nagpapakita ng responsable at marangal na pag-uugali sa paglutas ng mga isyu alinsunod sa international law.

 

 

      “We shall continue to assert our rights in accordance with the Philippine Constitution and international law.  The recent incidents involving no less than our AFP Chief of Staff is worrisome,” ani Marcos na tumukoy sa pag-atake ng water cannon sa isa sa mga supply boat kung saan nakasakay si AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr.

 

 

      “Ang AFP, na inatasang itaguyod ang pambansang seguridad, ay dapat na patuloy na pagbutihin ang kanilang kahandaan sa pagpapatakbo upang epektibong maiwasan at tumugon sa kasalukuyan at umuusbong na mga banta,” sabi ni Marcos.

 

 

      Sa layuning ito, sinabi ng Pangulo na ang admi­nistrasyon ay nananatiling nakatuon sa pagsuporta sa mga hakbangin na magpapalakas sa panlabas na kakayahan sa pagtatanggol ng Armed Forces.

 

 

      Hinimok din ng Pangulo ang AFP na pahusayin ang umiiral na mga alyansa at pakikipagtulungan sa mga dayuhang katapat nito at tuklasin at bumuo ng mga bagong partnership batay sa mga karaniwang layunin, habang isinusulong din ang pambansang interes ng Pilipinas.

 

 

Kinilala rin ni Marcos ang mga awardees ngayong taon para sa kanilang walang katulad na dedikasyon, katapangan, at huwarang pagganap sa kani-kanilang tungkulin.

 

 

      Ayon din sa Pangulo,  gagantimpalaan niya ang mga kasalukuyang Medal of Valor Awardees sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang lifetime monthly gratuity para sa pagpapakita ng kagitingan at kabayanihan sa pagtatanggol sa kalayaan ng bansa. (Daris Jose)

Riding-in-tandem na walang helmet, buking sa baril sa Malabon

Posted on: December 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT sa selda ang dalawang lalaki nang mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil kapwa walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009) at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang naarestong mga suspek na sina alyas Qenet at alyas Mark Jayson.

 

 

Sa report ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Malabon Police Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) sa kahabaan ng P. Aquino, Brgy., Tonsuya nang parahin nila ang mga suspek na kapwa walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo dakong alas-12:20 ng madaling araw.

 

 

Nang beripikahin, nadiskubre ng mga pulis ang dalang mga baril ng mga suspek at nang hanapan sila ng mga dokumento na nagpapahintulot sa kanila na magkroon at magdala ng baril sa labas ng kanilang tahanan ay wala silang naipakita.

 

 

Dahil dito, pinosasan ng mga pulis ang mga suspek at nakumpiska sa kanila ang dalawang cal. 38 revolver at isa sa mga ito ay kargado ng dalawang bala. (Richard Mesa)

Ads December 23, 2023

Posted on: December 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Top 3 most wanted person ng Navotas, timbog

Posted on: December 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki na nakatala bilang top 3 most wanted matapos mabingwit ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong akusado na si alyas Ananias, 34, ng Brgy., NBBS Kaunlaran at nakatala naman bilang Top 2 MWP sa Northern Police District (NPD).

 

 

Sa kanyang report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cortes na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

 

 

Bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni P/Maj. Danilo Esguerra Jr. saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-5:00 ng hapon sa Bidbid Street Barangay NBBS kaunlaran Navotas City.

 

 

Ani Maj. Esguerra, dinakip nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Romana M.M.P. Lindayag Del Rosario ng Navotas City Regional Trial Court Branch 287 noong December 11, 2023, para sa kasong Murder under Article 248 of the Revised Penal Code (4 Counts).

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Navotas police sa kanilang masigasig na pagtugis sa mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Navotas CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

May dinelete sa conversation para palabasing may affair: BIANCA, nagsalita na sa kinasangkutang isyu nila ni ROB

Posted on: December 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
May dinelete sa conversation para palabasing may affair:
BIANCA, nagsalita na sa kinasangkutang isyu nila ni ROB
NAGSALITA na si Bianca Manalo tungkol sa kinasangkutan niyang kontrobersya kasama ang co-star niya sa teleserye na ‘Magandang Dilag’ na si Rob Gomez.
Kumalat kamakailan sa social media ang conversation nila diumano ni Rob at parang lumalabas na meron silang affair.
Alam ng lahat na karelasyon ng former Miss Universe Philippines 2009 ay si Senator Sherwin Gatchalian.
Naintriga ang maraming netizens sa sinabi ni Bianca sa convo with Rob na “He’s not here. He’s in Valenzuela.”
Kasalukuyang nasa Japan si Bianca kasama ang kanyang pamilya para doon mag-celebrate ng Christmas.
Heto ang pinost ni Bianca via Instagram…“Let me clear all the false rumors circulating on the internet. Rob Gomez and I are friends and co-workers.
“He was going to bring Christmas gifts and I wanted to receive them early before I leave for the airport.
“It is upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing. It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations.
“Let this controversy end so I can enjoy the rest of my time in Japan with my family. Let us spread love and the truth this holiday season. Merry Christmas, everyone.”
Sangkot din sa kontrobersya ang bida ng Magandang Dilag na si Herlene “Hipon Girl” Budol.
Para raw may love triangle sila ayon sa mga marites.
(RUEL J. MENDOZA)

Paglaban sa kahirapan, kawalan ng edukasyon, kontra gutom at iba pa, saklaw sa 2024 nat’l budget

Posted on: December 23rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na ang 2024 national budget ay isang battle plan kontra sa kahirapan, gutom at iba pa.

 

 

      Sinabi ng Presidente higit sa numerong pinag – uusapan sa budget ay kumakatawan ito higit sa lahat sa isang simpleng listahan ng halaga o talaan ng mga proyekto.

 

 

      Ayon sa Pangulo, ang 2024 budget aniya ay naglalarawan sa Plano ng Administrasyon na labanan Hindi lamang ang kahirapan kundi pati na ang  paglaban sa kawalan ng edukasyon, sa kagutom, sa pangangalaga sa mga maysakit, pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan, paglikha ng trabaho, at pondo para sa mga kabuhayan.

 

 

Kaya hindi aniya tamang sabihin na panustos lamang sa overhead ng byurukrasya ang budget ng bayan para sa 2024.

 

 

Sabi ng Pangulo, ang pondong gagamitin sa susunod na taon ay nakaukol din upang pawiin ang mga problema at hamon na kinakaharap ng bansa. (Daris Jose)