• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 9th, 2024

Elizabeth Banks and Kumail Nanjiani Talk About What They Love About “Migration”

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FOR both Elizabeth Banks and Kumain Nanjiani, joining the voice cast of “Migration,” Illumination’s new original comedy, was a no-brainer.

 

 

“Migration” tells the story of a duck family that takes flight into the thrill of the unknown with a funny, feathered family vacation like no other. While dad Mack (voiced by Nanjiani) is content to keep his family, the Mallards, safe paddling around their New England pond forever, mom Pam (Banks) is eager to shake things up and show their kids – teen son Dax (Caspar Jennings) and duckling daughter Gwen (Tresi Gazal) – the whole wide world.
After a migrating duck family alights on their pond with thrilling tales of far-flung places, Pam persuades Mack to embark on a family trip, via New York City, to tropical Jamaica.

 

 

But as the Mallards make their way South for the winter, their well-laid plans quickly go awry. The experience will inspire them to expand their horizons, open themselves up to new friends and accomplish more than they ever thought possible, while teaching them more about each other – and themselves – than they ever imagined.

 

 

Nanjiani joined the movie because he felt that the film is something that families can enjoy together.

 

 

“I just thought that, at its base, ‘Migration’ was a really good family movie,” he says. “And I felt that we are at a time when films like this, that are for everybody, just don’t get made anymore.”

 

 

Plus, it didn’t hurt that he got to work with people he admired! “To be able to work with [Illumination founder and CEO] Chris Meledandri, [writer] Mike White and Elizabeth Banks was very exciting to me,” continues Nanjiani.

 

 

“Then Awkwafina, Keegan Michael-Key and Danny DeVito got cast, which was a great bonus that I hadn’t expected, but the main reason I wanted to do it was because I felt it was a movie everyone could enjoy.”

 

 

Banks was also excited to be part of the Illumination family because of the studio’s previous works – especially because they are movies that everyone can enjoy. “I wanted to be a part of ‘Migration’ because I think Chris Meledandri is a genius and Illumination films speak for themselves,” says Banks. “They are all just incredibly distinct, so I knew ‘Migration’ would be really funny and subversive, and that it would be both for kids and adults.

 

 

Family dynamics aside, also at the heart of the movie is the relationship between couple Mack and Pam, whose philosophies about how best to live life happen to be polar opposites.

 

 

Banks agrees and adds that the adventure the Mallards go on is the key to Mack and Pam achieving a balance. “I believe the story is about that sense of adventure as much as it is about this couple truly connecting and leaving the sort of humdrum of daily life,” she says.

 

 

“And almost in the style of ‘Mr. and Mrs. Smith,’ their adventure brings out the notion of them having to work together to solve the problems they will encounter along the way. There is a real tango in the film to achieve that because I feel they have become a bit disconnected. One of the things I most enjoyed about the film is that I think a lot of couples will see themselves in this movie, apart from the family adventure.”

 

 

Apart from bringing joy to audiences, Banks also points to the movie’s message as an inspiration.

 

 

“I also wanted to be a part of a movie that had this message about shaking ourselves out of our nest and getting back out into the world, showing how necessary adventure is for the soul – especially during the Covid-19 pandemic, which is when we made the bulk of the film,” she shares. “I truly believe in the message of this film. I love it!”

 

 

Nanjiani agrees. “This film talks about the importance of stepping out of your comfort zone and living your life, and also about how relationships and families have to keep evolving,” he says. “Here we see that even though this couple has been together for many years, they end in a new place.”

 

 

And just as important, the film is visually stunning and fun to watch. “Migration is so fun!” says Nanjiani. “And it truly is a gorgeous movie.”

 

 

Watch “Migration” with your family and loved ones when it lands in Philippine cinemas January 17, 2024, from Universal Pictures International. #MigrationMovie

 

(ROHN ROMULO)

Ads January 9, 2024

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SRP sa bigas planong ipatupad ng DA

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng suggested retail prices (SRPs) sa bigas upang matiyak na may bigas na makakain ang lahat ng sambayanang Pilipino sa abot kayang presyo ng produkto.

 

 

Gayunman, sinabi ni DA Asst Secretary at spokesman Arnel de Mesa na upang maipatupad ang hakbang ay kailangan muna nilang kumonsulta sa lahat ng mga stakeholders mula sa consumer groups, producer groups, traders at millers upang maitakda ang SRP.

 

 

Ang pahayag ay ginawa ng DA nang ianunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may pagtaas sa pre­syo ng bigas ng may 22.9 percent noong Disyembre 2023, ang pinaka mabilis na pagsirit ng presyo sa nakalipas na 14 na taon.

 

 

Kailangan nating tignan ‘yung composition sa producers group, paano na produce ‘yung palay hanggang sa maging bigas. And then, on the traders side, ano mga gastusin nila sa warehousing, sa milling, sa drying. Sa retailers naman, magkano ‘yung kanilang mga gastusin din po, at maikumpara, at sa ganoong paraan, makikita po ang magiging gains ng SRP,” pahayag ni De Mesa.

 

 

Noong Disyembre 2023, ang presyo ng well-milled rice kada kilo ay pumalo sa P53.82, mas mataas ito sa P51.99 per kilo noong November 2023 o halos mataas ng P10 kung ikukumpara sa P43.98 kada kilo ng bigas noong December 2022. (Daris Jose)

Tiangco brothers nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KAAGAD nagbigay ng tulong pinansyal sina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco sa halos 60 pamilyang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay sa Navotas City.

 

 

Personal na binisita at kinamusta ni Mayor Tiangco, kasama ang ibang pang mga opsiyal ng lungsod ang mga nasunugan na karamihan ay pansamantalang nanunuluyan sa basketball court ng Tanza National High School para iabot ang tulong pinansyal.

 

 

Naghandog din ang pamahalaang lungsod ng hot meals, relief goods at mga hygiene kit, pati na gamot at mga vitamins.

 

 

Nabatid na dakong alas-4 noong Biyernes ng hapon nang magsimula ang sunog sa Silahis St. Brgy. Tanza 1 na halos nasa gilid lamang ng Tangos River.

 

 

Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang mga gawa sa light materials ang mga kabahayan sa lugar kaya kaagad na itinaas sa ikalawang alarma ang sunog.

 

 

Ayon kay Navotas City Fire Marshal Supt. Jude Delos Reyes, dahil nasa tabing ilog lamang ang mga nasusunog na kabahayan, ginamit nila ang kanilang fireboats na nakatulong ng malaki dahil tuloy-tuloy ang buga ng tubig sa mga nasusunog na kabahayan.

 

 

Alas-5 ng hapon nang idineklarang fire out ang sunog na tumupok sa may 30 kabahayan habang wala namang iniulat na nasawi o nasugatan bagama’t karamihan sa mga apektadong pamilya ay walang naisalbang kagamitan sanhi ng mabilis na pagkalat ng apoy.

 

 

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng ari-ariang natupok sa sunog habang nagpaalala naman si Mayor Tiangco sa mga Navoteños na palaging mag-ingat para maiwasan ang ganitong insidente. (Richard Mesa)

Kabuuang kita ng ‘MMFF 2023’, lampas isang bilyon na: ‘Rewind’ nina DINGDONG at MARIAN, higit P600M na ang kinita at kalat na ang ‘pirated copy’

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-UUMAPAW ang pasasalamat ng Metro Manila Film Festival dahil umabot na sa higit isang bilyong piso ang kinita ng 49th MMFF noong ika-7 ng Enero, na talaga namang pinilahan ng mga manonood ang huling araw ng filmfest.

 

At dahil sa matinding pagsuporta at kahilingan nang hindi pa nakakapanood ng 10 official entries, “A Family of Two (A Mother and Son Story),” “(K)Ampon,” “Penduko,” “Rewind,” “Becky and Badette,” “Broken Heart’s Trip,” “Firefly,” “GomBurZa,” “Mallari,” at “When I Met You in Tokyo,” in-announce ng MMFF kahapon na extended ang pagpapalabas ng mga pelikula hanggang ika-14 ng Enero.

 

At pwede pa rin magamit ang festival pass, kaya balik-pila na naman ang mga viewers sa sinehan para habulin ang mga pelikulang ‘di pa napapanood.

 

Samatala, kumalat na sa Facebook ang pirated copy ng top-grosser na Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong Lunes ng umaga, Enero 8, 2023, na nagkakahalaga lang daw ng 50 pesos.

 

Sabi ng isang nag-share, nabili niya ang kopya sa halagang P50.

 

 

Last week naman, marami ang nagpo-post ng link, na kung saan marami ang na-scam na matapos magpadala ng bayad, ay hindi naman nila mabuksan ang pekeng link.

 

 

Marami kasi ang pumatol dahil pahirapan ang pagkuha ng tickets, na bukod sa mahabang pila at palaging sold-out ang mga screenings.

 

 

Marami naman ang nagsi-share at nagpapaalala na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsi-share ng link, pero marami pa rin ang matitigas ang ulo at ayaw magpasaway, makapanglamang lang sa mga tao.

 

 

Kaya nag-post na rin ng paalala ang ABS-CBN Film Productions, Inc. (Star Cinema), isa sa prodyuser ng Rewind, sa pamamagitan ni Lods (karakter ni Pepe Herrera),

 

 

“PIRACY IS STEALING. Sabi ni Lods, DO NOT STEAL.

 

 

“SIGE KA BAD YAN.”

 

 

Nakalagay din sa caption na, “EXTENDED ang #RewindMMFF in cinemas NATIONWIDE! Doon ang #RewindExperience na deserve mo!

 

 

“Report pirated Rewind contents:

Send email to Report-Piracy@abs-cbn.com.

– Email title: Report Piracy (Name of Movie/Program)

– Please provide LINKS of the pirated contents.”

 

 

Pinost din ng Star Cinema ang list of cinemas nationwide, para mapanood ‘Rewind’ na nasa 3rd super blockbuster week na, na balitang nalampasan na nito ang P600M mark, at patuloy na kumikita.

 

 

Ito ang pinakamalakas na MMFF entry sa kasaysayan at pasok na rin sa Top 5 sa Highest Grossing Filipino Films at kinabog na ang ‘The Super Parental Guidance’ (2016) nina Vice Ganda at Coco Martin na kumita ng P598M.

 

 

Hindi pa man official dahil hindi pa maglalabas ng figures ang Execom ng MMFF.

 

 

Ano kaya ang puwedeng gawin o aksyon ng MMFF at MMDA kaugnay ng usaping pamimirata?

 

 

Abangan natin sa pagharap nila sa media ngayong umaga, Enero 9.

 

 

Tiyak na matatalakay rin ang tungkol sa inaugural Manila International Film Festival na ipalalabas sa Los Angeles, California starting on January 29.

 

 

Malalaman din kung magkakaroon ng ikalawang edisyon ng Summer MMFF sa buwan ng Abril.

 

(ROHN ROMULO)

DILG, magsasagawa ng “quarterly recognition” sa gagawing pagpapatupad ng LGUs sa Kalinisan Program ni PBBM

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASAGAWA ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng quarterly recognition sa mga Local Government Units (LGUs) na episyenteng ipatutupad ang Kalinga at Inisyatiba Para Sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

Matagumpay na inilunsad kasi ang KALINISAN program, araw ng Sabado sa pamamagitan ng isang national simultaneous clean-up drive sa Baseco Compound sa Maynila, nataon naman sa pagdiriwang ng taunang Community Development Day.

 

 

Sa kanyang naging mensahe, sinabi ni DILG Secretary Benjamin Abalos na titiyakin nila na imo-monitor mabuti ang pagganap ng 42,000 barangay sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

“Sa DILG, imo-monitor namin ang performance ng bawat barangay on a monthly basis, and quarterly basis magkakaroon ng awarding ito…Tututukan talaga namin ito,” ayon sa Kalihim.

 

 

Aniya, pinapayagan ng programa ang mga Filipino na ipakita ang kanilang “spirit of volunteerism” habang tinitiyak naman ang ligtas at malusog na komunidad.

 

 

Hinikayat din nito ang lahat ng local chief executives na ipasa ang kani-kanilang mga ordinansa kung saan ire-require ang community service sa mga indibidwal na mahuhuling magtatapon ng basura.

 

 

Umaasa naman si Abalos na mas maraming Filipino ang magkakaroon ng disiplina na mas maging responsable sa pagtatapon ng kanilang kalat o basura.

 

 

“Sana ma-achieve natin na hindi na kailangan mahuli, dapat may disiplina. Dapat may disiplina ang bawat isa na hindi ka na sitahin,” ayon kay Abalos.

 

 

Samantala, nakiisa naman ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at LGUs sa buong mundo sa sabay-sabay na clean-up drive ng gobyerno. (Daris Jose)

‘Di na makakasama si Ruru dahil sa ‘Black Rider’: Grupo nina MIKAEL, babalik sa South Korea para sa ‘Running Man PH 2’

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LILIPAD na sa isang linggo ang cast ng ‘Running Man Philippines 2’ patungong South Korea.

 

 

Si Mikael Daez mismo ang nag-announce nito sa guesting nila sa ‘All-Out Sundays’ nito lamang Linggo.

 

 

Kasama ni Mikael sa season 2 ng naturang show sina Glaiza de Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Kokoy de Santos.

 

 

Lahad ni Mikael, “Sasabog sa lamig ang katawan ni Buboy, kasi next week pupunta na kami sa South Korea, dahil Winter edition ang season two ng Running Man Philippines.

 

 

“Mas exciting, pero mas challenging itong season two kasi lahat ng mission ay gagawin namin sa napakalamig na panahon.”

 

 

Minus one sila dahil hindi kasali this time si Ruru Madrid na nagte-taping pa rin para sa top-rating series niyang ‘Black Rider.’

 

 

“Hindi namin makakasama si Ruru sa buong season two, kasi ongoing pa yung shoot niya for Black Rider. Pero hindi naman siya aalis sa show, Runner pa rin siya forever!” inanunsiyo pa rin ni Mikael.

 

 

“Kaya may special participation din si Ruru sa season two. Abangan niyo yan, dahil madadagdagan pa ng isang Runner… Oy! Sino yan?”

 

 

***

 

 

MAAYOS raw ang pagtatrabaho nila ni Claudine Barretto, ayon kay Ara Mina.

 

 

Nasa ‘Lovers/Liars’ ngayon si Ara at kahit medyo matagal silang hindi nagkasama sa isang proyekto, ikinuwento ni Ara sa nakaraang pagbisita niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” na walang awkwardness o kapaan na nangyari sa kanila ni Claudine kahit na mabibigat ang mga eksena nila sa naturang GMA series.

 

 

“Parang akala mo yung matagal na kaming magkakilala. Hindi naman ako nailang ka-work siya. But marami kaming mga matitinding eksena rito,” sabi ni Ara.

 

 

Gumaganap dito si Ara bilang si Elizabeth na unang asawa ni Ramon na ginagampanan ni Johnny Revilla.

 

 

Si Claudine naman, bilang si Via, ay ikalawang asawa at pinamanahan ni Ramon ng kumpanya kaya bongga ang banggaan nina Claudine at Ara sa serye.

 

 

Isa pang pasabog sa serye ay ang muling pagkikita at pagtatrabaho nina Ara at ng dati niyang boyfriend na si Polo Ravales.

 

 

Nagkita na nga raw sila, ayon pa rin kay Ara.

 

“Nagkita kami one time sa taping namin and then nandun yung wife niya, so magka-chika na kami ng wife niya,” lahad pa ni Ara.

 

 

***

 

 

SA ‘Sarap ‘Di Ba?’ sinagot sa wakas ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ actress na si Kazel Kinouchi ang isyu ng pagdadawit sa kanya sa hiwalayan ng isang mag-asawang artista na hindi na pinangalanan.

 

 

Tanong ni Carmina Villarroel kay Kazel, “Ano ang naramdaman mo noong nadawit yung pangalan mo sa breakup ng isang couple?”

 

 

“Noong una, nakakatawa, kasi wala talagang katotohanan,” umpisang sagot ni Kazel. “Nakakatawa pero siyempre kapag medyo tumagal-tagal na, ang dami nang nambubulabog sa akin. Wala naman akong kasalanan.”

 

 

Lahad pa ni Kazel, may ilan raw na naniwala sa intriga.

 

 

“You’re innocent and people are made to believe these lies and they really believe, ‘di ba?

 

 

“It was saddening, but at the same time, naisip ko ‘yun nga na laging sinasabi, the truth will always come out. Ito rin ang lagi kong sinasabi, it will always come out.”

 

 

Mariing sinabi pa ni aktres na tunay na na wala siyang kinalaman sa hiwalayang ito.

 

 

“Confident lang ako. I am at peace with that at saka as long as I am not doing anything against anyone, God is with me.”

 

 

Tinanong naman ni Carmina si Kazel kung, “Naisip mo ba ever to defend or to speak up?”

 

 

“I actually defended myself,” ang sagot ni Kazel.

 

 

“Somebody asked me online on Instagram. Hindi ko alam bakit bigla na lang may nag-delete noon. Sabi ko talaga na no. They asked me, I answered straight up, no.

 

 

“For me, hindi ako ang dapat magsalita kasi ako ang nadawit dito.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Balitang-balita na ang plano sa Maynila: ISKO, wala nang balak mag-mayor at posibleng tumakbo si Sen. IMEE

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

WALA na raw balak na puntiryahin ni dating Manila Mayor, aktor at TV host Isko Moreno ang pagiging alkalde ng Maynila.

 

Kaya malakas ang ugong na si Sen. Imee Marcos daw ang makakalaban ng kasalukuyang Ina ng Maynila na si Mayor Honey Lacuna. Pero itinanggi naman ng isang malapit sa Senadora. But still, mukhang may katotohanan ang isyu dahil kaliwa’t kanang gumagalaw ngayon sa siyudad ng Maynila ang mga tàuhan ng senadora. Kamakailan lamang ay may ipinamahagi silang ayuda sa mga nasasakupan ng Maynila at dagdag pa rito yung iniisa-isang dinadalaw ng mga staff ni Sen. Imee ang bawat barangay ng nasasakupan ng Maynila. “Tatakbo yang Mayor ng Maynila, namigay sila ng kalendaryo at kung anik-anik pa sa bawat baranggay at ang sabi may mga kasunod pa raw yan,” sey ng nakausap naming isang brgy. captain na supporter ng senadora. Nakakuwentuhan din namin ang isang staff ni Mayora Lacuna na open naman daw sila sa posibilidad na pagtakbo ni Sen. Imee bilang mayor ng City of Manila. Pero ayon sa kanya malabong mangyari raw ng magkalaban ang dalawa. Kumbaga, hindi si Mayora Honey ang makakalaban ni Sen. Imee kung sakaling itutuloy ng huli ang planong pagtakbo.

 

Dagdag pa ng kausap namin na may pag-uusap naman daw ang mga nabanggit na dalawang babae kapwa public servant. Dagdag pa niya kung si Imee raw will seek the mayoral post ay maaring congressional seat daw ang puntiryahin ng first woman mayor ng City of Manila.

 

***

 

SPEAKING sa rigodon ng mga pulitiko ng Maynila nang hingan naman namin ng opinyon ni Vice Mayor Yul Servo ay napailing na lang ito. Ayon sa kanya abangan na lang daw natin sa mga susunod na buwan kung saan magpa-file na ng kanilang certificate of candidacy ang lahat ng tatakbo sa local elections. Sa ngayon daw ay tutukan daw muna niya ang obligasyon bilang pangalawang ama ng Maynila. Magse-seek pa ba si Vice Mayor Yul ng another term or babalikan na niya ang kongreso? “Well, let us wait and see kung anumang magiging desisyon ng Itaas, doon tayo,” banggit pa ni VM Yul sabay turo at senyas very popular God first sign nila ng dating mayor na si Isko Moreno.

(JIMI C. ESCALA)

Bong Go: Sakit sa puso ‘top killer’ sa Pinas kaya mahalaga ang RSC, SHC

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG DIIN ni Se­nator Christopher “Bong” Go ang mahalagang papel ng Republic Act No. 11959, kilala rin bilang “Regional Specialty Cen­ters Act”, bilang tugon sa nakababahalang istatistika na ang sakit sa puso ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.

 

 

Pangunahing itinagu­yod ni Go at isa sa mga may-akda sa Senado, ang batas ay nag-uutos sa paglikha ng mas mara­ming specialty center sa mga regional hospital sa buong bansa upang mailapit ang espesyal na pangangalaga sa mga nangangailangan.

 

 

Sa ilalim ng Regional Specialty Centers Act, ang mga kasalukuyang ospital ng Department of Health sa Pilipinas ay magkakaroon ng specialty center na nakatuon sa special care, kinabibilangan ng sakit sa puso, at iba pa, bukod sa Philippine Heart Center sa Quezon City.

 

 

“Meron kasing ibang nasa malalayong lugar na hindi na pumupunta sa mga espesyalista para magpakonsulta dahil sa sobrang layo. Imbes na igastos sa pamasahe, ibili na lang nila ng bigas at ulam,” paliwanag ni Go. “Kaya ang simpleng sakit katulad ng high blood pressure, dahil hindi natugunan, nahuhulog sa mas malalang kondisyon, katulad ng mga heart di­seases. Mas magastos pa para sa pamilya at sa gobyerno.”

 

 

Ang sakit sa puso ay nananatiling pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas sa unang kalahati ng 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority.

 

 

Higit sa 123,000 pagkamatay ang naitala noong 2022 at higit sa 155,000 noong 2021.

 

 

Kasunod ang cancer, stroke at diabetes mellitus.

 

 

“Meron kasing ibang nasa malalayong lugar na hindi na pumupunta sa mga espesyalista para magpakonsulta dahil sa sobrang layo. Imbes na igastos sa pamasahe, ibili na lang nila ng bigas at ulam,” paliwanag ni Go. “Kaya ang simpleng sakit katulad ng high blood pressure, dahil hindi natugunan, nahuhulog sa mas malalang kondisyon, katulad ng mga heart di­seases. Mas magastos pa para sa pamilya at sa gobyerno.”

3 drug suspects isinelda sa P90K shabu sa Caloocan

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P90,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Topher”, 27, (pusher) ng Brgy. 120, alyas “Junior”, 42 ng 10th Avenue at alyas “Dekdek”, 26, welder ng 3rd Ave., BMBA Compound.

 

 

Sa report ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-10:10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ng buy bust operation sa 2nd Avenue Brgy. 120 kontra kay Topher.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Topher ng P6,500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang medium sachet ng shabu ay agad siyang pinosasan ng mga operatiba.

 

 

Kasama ring binitbit ng mga operatiba sina Hunior at Dekdek na sinasabing kapwa bumili din ng shabu kay Topher.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 13.50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P91,100.00 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 6-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinapurihan naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang matagumpay na kampanya kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangeroud Drug Act of 2002. (Richard Mesa)