• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 9th, 2024

SELEBRASYON NG IKA-118th FOUNDING ANNIVERSARY NG NAVOTAS, SINIMULAN NA

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang pagdiriwang ng ika-118th anibersaryo ng pagkakatatag nito sa January 16.

 

 

Ang kasiyahan ng Navotas Day celebration na may temang “Kapag Tulong-Tulong, Angat ALL, Saya ALL,” ay sisimulan sa Misa ng Pasasalamat at Pistang Kristiyano.

 

 

Ang Kalye Fiesta, isang banchetto-style night market, ay magbubukas din sa Navotas Citywalk and Amphitheatre.

 

 

Sa January 10, gaganapin ng Navotas ang Araw ng Mangingisda para parangalan ang mga mangingisda ng lungsod kung saan magtatampok ng mga kumpetisyon sa karera ng bangka at net mending, gayundin ang paggawad ng Top 10 Most Outstanding Fisherfolk.

 

 

Masasaksihan din ngayong taon ang pagbabalik ng street dancing competition, na tinaguriang Pangisdaan Festival kung saan ipapakita ng mga junior at senior na mag-aaral ng anim na pampublikong mataas na paaralan sa Navotas ang kanilang husay sa pagsasayaw at malikhaing chops na sumasalamin sa mayamang kasaysayan at kultura ng lungsod.

 

 

Bibigyan din ng Navotas ng pagkilala ang Top 20 Taxpayers in Business and Realty sa January 14.

 

 

“Another fruitful year of overcoming challenges has come and gone. Through this celebration, we express our gratefulness for the guidance and blessings that we received from the Almighty for the past years,” ani Mayor Tiangco.

 

 

“The milestones we have achieved in our city are also made possible with the support and cooperation of Navoteños,” dagdag niya.

 

 

Kasama rin sa mga aktibidad ang Zumba at Health Caravan para kina Lolo at Lola, Navotas Funbikers Get-Together Ride, Invitational Judo Tournament, Pakita Mo Pet Mo! (Dog Edition), at groundbreaking ng soon-to-rise na Kaunlaran Super Health Center.

 

 

Ang iba pang mga kaganapan sa loob ng isang linggo ay ang seminar ng financial literacy, simultaneous clean-up activity, at mega job fair.

 

 

Magbabalik din ngayon taon ang Grand Parade na gaganapin sa January 16, tampok ang mga sikat na artista habang sa pagtatapos ng pagdiriwang, mamimigay ang pamahalaang lungsod ng bigas sa mga residente simula Enero 17 hanggang 22. (Richard Mesa)

ERC, inatasan ni PBBM na i-reset ang NGCP rates matapos bumagsak ang Panay grid

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kaagad na i-reset ang rates ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kung saan isinisisi nito ang pagbagsak sa Panay sub-grid ang naranasang blackout sa isla ng Panay kamakailan.

 

 

Ang pag-reset sa rate ay naglalayong tiyakin na sumunod ang NGCP sa obligasyon nito. Kabilang na aniya rito ay ang pagpapanatili ng katatagan ng grid.

 

 

“The National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) had a crucial two-hour window to prevent the system collapse, as highlighted by the Independent Market Electricity Operator of The Philippines or IMEOP,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang video message araw ng Biyernes.

 

 

Pagpapatuloy pa nito “Accountability lies with the NGCP. They are tasked with grid stability. Stability involves proactive responses to breakdowns and unexpected events, a duty that NGCP unfortunately has not fulfilled adequately.”

 

 

Ayon sa Punong Ehekutibo, bagamat naibalik na ang suplay ng kuryente, nangyari na aniya ang danyos. “The situation has caused significant hardship to our people, crippling businesses, compromising livelihoods and endangering those in need of healthcare.”

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na nalugi ang mga negosyo sa Western Visayas dahil na rin sa naturang blackout.

 

 

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na hindi naagapan ng NGCP ang malawakang power outage sa kabila ng crucial 2-hour window nito.

 

 

Nangyari na rin aniya ang insidente sa naturang lugar noong Abril 2023 kaya’t nangako ang NGCP na hindi na mauulit ang insidente dahil tinatapos na ang Panay-Negros-Cebu interconnections sa pagsapit ng Agosto 2023.

 

 

Paliwanag ng Pangulo, hindi natupad ang pangako ng NGCP at naulit ang insidente nitong Enero.

 

 

“I have also directed the ERC to complete the reset of NGCP’s rates without further delay, to ensure NGCP’s compliance with its statutory and regulatory obligations, and to defend in no uncertain terms against any attempt to defer, delay, or prevent the implementation of regulatory measures,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Idinagdag pa ni Pangulong Marcos na nagsisikap na ang gobyerno upang ito ay masolusyunan. (Daris Jose)

DENR SECRETARY KAKASUHAN NG MGA MAGSASAKA!

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa 30 taong napagkaitan ng mga lupa ang may 1,000 magsasaka sa Palawan dahil sa paghahari ng pamilya ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga ay maghahain na ng kaso sa Office of the Ombudsman ang mga bumubuo ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK).

 

 

Inihayag ni Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) Spokesman Orly Marcellana na ipinoproseso na umano ng kanilang hanay sa asiste ng kanilang legal counsels sa isasampang kaso sa Office of the Ombudsman dahil malinaw umano na may “CONFLICT OF INTEREST” ang pagkakatalaga kay DENR Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga ng hukuman na ito ang Executor ng YKR na umaangkin sa may 40,000 ektaryang lupain sa Coron at Busuanga sa Palawan.

 

 

Ang Manila Regional Trial Court Branch 17 ay naglabas ng resolusyon sa pagtatalaga kay Yulo-Loyzaga (DENR Secretary) bilang ito ang Executor ng YKR Corporation, kung saan itong si ACT Partylist Rep. France Castro ay naghain ng resolusyon para magsagawa ng “Investigation in Aid of Legislation” ang Congress.

 

 

Ang mga itinalaga ng korte bilang mga Co-Administrator ay isang Ma. Paz Socorro J. Yulo Cammack na kapatid ni DENR Secretary, na ang iba pang tagapagmana ng yumaong si Jose A. Yulo ay sina Teresa J. Yulo, Cecilia J. Yulo, Maria Teresa Carmen J. Yulo Gomez, Jose Luis J. Yulo, Jose Enrique J. Yulo, Ma. Carmen J. Yulo, Jose Manuel J. Yulo at Jose Maria J. Yulo.

 

 

Sa pagpupunto ni Marcellana ay may “CONFLICT OF INTEREST” sa naging paghirang at pagtanggap sa puwesto ni Yulo-Loyzaga bilang DENR Secretary.

 

 

Hinimok din ng mga magsasaka si House Speaker Martin Romualdez na magpakita ng sinseridad ang administrasyon sa pagpapaimplementa ng Republic Act 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law.

 

 

Nitong nagdaang buwan ay nag-atas si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Agrarian Reform (DAR) na kumpletuhin na ang pamamahagi ng Land Titles sa mga karapatdapat na Agrarian Reform Beneficiaries (ARB).

 

 

Sa pananaw ng mga bumubuo ng Makabayan Bloc ay malinaw umano na may “CONFLICT OF INTEREST” na bumabalot kay DENR Secretary para sa kapakanan ng YKR na pagmamay-ari ng Yulo Family sa Palawan, na rektang inaakusahan ni Act Partylist Rep. Castro si Yulo-Loyzaga sa kasong Ethical Violation nang tanggapin nito ang posisyon gayong batid nito na pinipetisyon ang YKR na ipamahagi na sa mga magsasaka ang lupain sa ilalim CARP.

 

 

Sa Fact-Finding and Solidarity Mission Report noong taong 2014 na sumasaklaw sa Coron at Busuanga ay isinalarawang “THE LARGEST AGRARIAN ANOMALY IN THE COUNTRY” ang LAND GRABBING CASE ng YKR.

 

 

Bago naangkin ng YKR ang nasabing lugar ay may mga magsasaka na ang naninirahan at nagsasaka noon pang early 1930’s, subalit dahil sa land grabbing ay napagkaitan ang mga magsasaka base sa Fact Finding Team na nagsagawa ng panayam sa mga residente mula sa 8 villages na naapektuhan tulad ng Decalachao, Guadalupe, San Jose, San Nicolas sa Coron at Quezon, New Busuanga, Cheey at Sto. Niño sa Busuanga. (PAUL JOHN REYES)

BINISITA at kinamusta ni Mayor John Rey Tiangco

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINISITA at kinamusta ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang ibang pang mga opsiyal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog na karamihan ay pansamantalang nanunuluyan sa basketball court ng Tanza National High School. Nagbigay din si Mayor Tiangco at Cong. Toby Tiangco ng tulong pinansyal sa mga nasunugan, pati na mga pagkain, tubig relief goods at mga hygiene kit, gamot at mga vitamins. (Richard Mesa)

PBBM, hiniling sa mga Pinoy na tumulong para makamit ang ‘Bagong Pilipinas’

Posted on: January 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bawat Filipino na tumulong para makamit ng administrasyon ang minimithi nitong “Bagong Pilipinas.”

 

 

Binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga Filipino sa minimithing ito ng pamahalaan.

 

 

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinalabas araw ng Sabado, hinamon ng Punong Ehekutibo ang mga Filipino na pagsikapang tuparin ang kani-kanilang New Year’s resolutions.

 

 

Gaya aniya ng maraming Filipino, siya aniya ay mayroong ding New Year’s resolution na nais niyang gawin para sa self-improvement at pagbabago.

 

 

Kabilang na rito ang paglalaan ng mas maraming oras sa kanyang pamilya, panatilihin ang magandang kalusugan, magkaroon ng regular na ehersisyo para mabawasan ang stress para sa mas malakas na immunity, at mas maging “cool-headed” o mahinahon sa pagmamaneho.

 

 

“Pero siyempre, nangingibabaw sa ating New Year’s resolution ang mga mithiin natin sa bayan dahil marami pang kailangang gawin, marami pang kailangan pagandahin, at marami pang kailangan ayusin para naman tuluy-tuloy ang pagsulong natin tungo sa isang Bagong Pilipinas,” ayon sa Pangulo.

 

 

Tinuran nito na ang pagkakasama ng indibidwal at komunidad ay kailangan para makamit ang nilalayon ng administrasyon.

 

 

Maliban aniya mula sa gobyerno, titiyakin niya, sa tulong ng mga Filipino, ang Bagong Pilipinas ay makakamit ng bansa sa pamamagitan ng “Bagong Pilipino,” Tinukoy ang kahalagahan ng New Year’s resolutions ng lahat.

 

 

“Filipinos could start with themselves and their families by observing punctuality, being more productive in their work, and spending prudently,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Kaya nga, hinikayat nito ang mga Filipino na paghusayin at i-develop ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro, matuto ng bagong teknolohiya, obserbahan ang personal grooming at self-discipline, at maging mabuting mamamayan at miyembro ng pamilya.

 

 

Habang pinagdiriwang ng bansa ang Community Development Day ngayong linggo, tinuran ng Pangulo na isa itong paalala para sa kahalagahan na paghusayin at I-develop ang lokal na komunidad.

 

 

“Sa mga susunod na linggo ay lalo niyo pang mauunawaan at mararamdaman ang ibig sabihin ng Bagong Pilipinas,” ang wika ng Punong Ehekutibo.

 

 

“Papaigtingin natin ang paghihikayat sa lahat na maging bahagi ng pagpapaganda ng ating barangay, siyudad, probinsiya, at ng buong bansa. Dahil walang Bagong Pilipinas kung walang Bagong Pilipino,” ayon pa rin sa Pangulo. (Daris Jose)