• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 27th, 2024

The Beatles “Now and Then” is the Heart of the Soundtrack of “Argylle”

Posted on: January 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AT the heart of “Argylle’s” soundtrack and score is the just released new, and final, song from The Beatles, “Now and Then.”

 

In Argylle, Bryce Dallas Howard is Elly Conway, the reclusive author of a series of best-selling espionage novels, whose idea of bliss is a night at home with her computer and her cat, Alfie. But when the plots of Elly’s fictional books – which center on secret agent Argylle and his mission to unravel a global spy syndicate – begin to mirror the covert actions of a real-life spy organization, quiet evenings at home become a thing of the past.

 

 

Accompanied by Aidan (Sam Rockwell), a cat-allergic spy, Elly (carrying Alfie in her backpack) races across the world to stay one step ahead of the killers as the line between Elly’s fictional world and her real one begins to blur. The cast includes Henry Cavill, John Cena, Bryan Cranston, Catherine O’Hara, Samuel L. Jackson, Ariana DeBose and Dua Lipa.

 

 

Music in the films of director Matthew Vaughn is as important and integral as plot, character and design. From the score to the soundtrack, every musical element serves the storytelling, narratively and emotionally. With Argylle, Vaughn was keen to craft a screen romance that fizzed with banter and chemistry. As Elly Conway and Aidan go on the run in the movie, they find themselves slowly drawn together, in spite of all the danger. “It is a love story deep down,” Vaughn says. “It’s a weird one, but it is one.”

 

 

And as their relationship deepens, one song in particular becomes increasingly important to them and their story. “We needed a love song that we would play three times, and the meaning would change each time,” Vaughn says. Vaughn tried multiple tracks, but in the end the song he went with is a little piece of music history all by itself. At the time Vaughn heard “Now and Then,” it was unreleased.

 

 

Giles Martin, son of Beatles producer George Martin, had approached Vaughn about using a Beatles track in the film. Vaughn, a devoted Beatlemaniac, had considered it, but there were obstacles that prevented it. “I laughed and told Giles, ‘A) we can’t afford it, B) we can’t afford it and C) we can’t afford it,’” Vaughn says. “And Giles said, ‘How about D)? There’s a new Beatles track that might just work.’”

 

 

Bryce Dallas Howard and Sam Rockwell in ‘Argylle’

 

“Now and Then” is one of multiple songs John Lennon recorded rough demos for back in 1978, but never completed. Years after his death in 1980, Lennon’s widow, Yoko Ono, handed Lennon’s former songwriting partner, Paul McCartney, a tape containing the songs. The tape was marked, “For Paul.” Of the four songs on it, one – “Grow Old with Me” – had already been released. Two of the songs – “Free as a Bird” and “Real Love” – were worked on by the surviving Beatles and were included on the landmark release of The Beatles: Anthology in 1995.

 

 

The last remaining unreleased song, “Now and Then,” was earmarked for the Beatles treatment too, but work on it had been abandoned. But then, Giles Martin and his production team – using the same state-of-the-art technology that Oscar®-winning filmmaker Peter Jackson had used to turn the Get Back sessions into 2021’s The Beatles: Get Back – realized that there was a chance to remove tape hiss and the sound of electrical current from “Now and Then.” And with the involvement of surviving Beatles McCartney and Ringo Starr (and including backing provided by George Harrison when the three started working on the track for possible inclusion in 1995’s Anthology), they could turn it into a fully-fledged band number, anchored by Lennon’s plaintive, emotional vocal.

 

 

When Martin played the finished number for Vaughn, the director was blown away. “We put it on the film as a test, and without having to change a single edit it fit everything,” Vaughn says. “It was as if Lennon had watched the movie and written the song for us. It’s got lyrics that encompass the central relationship.”

 

 

Vaughn knew that he had to have it for the movie, even going as far as to have the film’s composer, Lorne Balfe, incorporate its melody into his score. “It plays so well with an orchestra,” says Vaughn, who got to meet one of his heroes thanks to the song. “I was incredibly starstruck when I met Paul McCartney to talk about it,” Vaughn says. “And when we were mixing the film, I said, ‘drop out the orchestra and give me Lennon and McCartney,’ and I thought, ‘Wow, I am playing around with two of the greatest songwriters of all time.’ It is a real honor.”

 

 

Opening in cinemas January 31, “Argylle,” an Apple Original Films presentation, in association with MARV, a Cloudy production, is distributed by Universal Pictures. #ArgylleMoviePH

 

 

Follow Universal Pictures Ph (FB) and universalpicturesph (IG) for the latest updates on Argylle. (Photo and Video Credit: “Universal Pictures”)

 

 

(ROHN ROMULO)

P889M na ang running total worldwide gross… ‘Rewind’ nina MARIAN at DINGDONG, kumpirmadong ‘highest grossing Filipino of all time’

Posted on: January 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIRMADO na ang 49th MMFF entry na ‘Rewind’ na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na ang may hawak ng ‘highest grossing Filipino film of all time’.

 

 

Patuloy ngang binabasag ang mga box office records ng naturang pelikula na produced ng Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Pictures, na as of January 26, 2024 ay may running total worldwide gross na P889 million.

 

 

Tulad ng inaasahan, nalampasan na nito ang 2019 movie na ‘Hello, Love, Goodbye’ nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, na may kabuuang kita na P880 million.

 

 

“Damang-dama namin ang greatest love niyo all over the world! #SalamatLods”, ayon sa post ng Star Cinema sa kanilang socia media accounts.

 

 

Nirepost naman ito ng Kapuso Primetime King, na Box Office King na rin at may caption na, “Happy 1st monthsary mga ka-#Rewind! [praying hand emoji]

 

 

Now on its fifth week, patuloy na napapanod ang ‘Rewind’ sa higit 270 cinemas sa Pilipinas, United Arab Emirates, United States, Canada, Australia, New Zealand, Singapore, Guam at Saipan.

 

 

Nagpasalamat naman si Marian sa pamamagitang ng short video.

 

 

Ayon sa bagong Box Office Queen na nag-uumapaw ang saya, “walang hanggang pasasalamat po sa lahat ng sumuporta at nagmahal po sa ‘Rewind’. Maraming-maraming salamat po sa inyo.

 

 

“Nawa’y ‘wag po kayong magsawa na sumuporta ng mga pelikulang Pilipino. God bless, everyone.”

 

 

Congrats DongYan!

 

 

***

 

 

MULING pinagtibay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang desisyon nitong suspendehin ang mga palabas sa telebisyon ng SMNI na “Gikan sa Masa, Para sa Masa” at “Laban Kasama ang Bayan” at ibasura ang mga Motions for Reconsideration (MR) ng naturang network.

 

 

Ang unang pasya ng MTRCB na suspendihin ang dalawang programa ay bunsod ng mga reklamo na natanggap ng Ahensiya hinggil sa alegasyong paggamit ng mga death threat at masasamang salita ng isang host sa “Gikan sa Masa, Para sa Masa” noong ika-10 ng Oktubre 2023.

 

 

Binalaan din ng MTRCB ang sa SMNI na anumang katulad na paglabag ay mabibigyan ng mas mabigat na parusa–bilalng pagtalima sa dedikasyon ng Board sa patas at makatarungang pagdinig.

 

 

Mahigit isang buwan matapos ibasura ng MTRCB ang kaso, nakatanggap muli ang Ahensiya ng mga reklamo laban sa mga nasabing mga palabas.

 

 

Noong ika-13 ng Disyembre 2023, matapos ang masusing pagsusuri sa kaso at ng mga position papers na isinabmit ng mga respondents, nagpasya ang MTRCB na ipatupad ang preventive suspension na labing-apat (14) na araw para sa parehong programa.

 

 

Ang pasyang ito ay kasunod sa naunang babala ng MTRCB at naglingkod bilang proaktib na hakbang na layuning matugunan ang mga alalahanin at tiyakin ang pagsunod sa itinakdang pamantayan ng P.D. No. 1986.

 

 

Matapos ang masusing pagsusuri ng mga argumento at ng position papers mula sa mga respondents ay napag-alaman na ang dalawang programa ay lumabag sa Presidential Decree No. 1986 at ang Implementing Rules and Regulations nito.

 

 

“Ang mandato ng MTRCB ay protektahan ang mga manonood mula sa hindi angkop na mga panoorin, lalo na sa Telebisyon kung saan ang lahat ay may malayang access. Batay sa mga prinsipyo ng tamang proseso at katarungan, matibay ang aming paninindigan na ipatupad ang aming pananagutan sa regulasyon ng content ng media,” sabi ni MTRCB Chairperson Lala Sotto.

 

 

Batid ng Board na ang mga katwiran ng mga respondents ay hindi kapani-paniwala at hindi kumbinsing. Dahil diyan, pinalawig ng MTRCB ang suspensiyon sa dalawampu’t-walong (28) araw, mula sa orihinal na labing-apat (14) na araw na preventive suspension.

 

 

Noong ika-11 ng Enero 2024, nagsumite ang mga respondents ng mga MR. Matapos ang maingat na pagsusuri ng mga isinumiteng mga mosyon, ibinasura ng MTRCB ang mga MR sa dahilang inulit lamang nila ang mga nauna nilang argumento.

 

(ROHN ROMULO)

Nag-react nang ikumpara kay Ruffa: POKWANG, ‘di matatahimik hanggang nasa ‘Pinas pa si LEE

Posted on: January 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa rin matatahimik ang Kapuso aktres na si Pokwang hanggang nasa Pilipinas pa ang ama ng anak niya na si Lee O’Brian.

 

Kahit na may desisyon na at inatasan na ng korte na lisanin na ni Lee Ang Pilipinas, still nasa bansa pa rin ang foreigner. Kaya nga ganun na lang ang galit ni Pokwang at ginagawa niya ang lahat ng paraan na alam niya para lang maibalik sa bansang pinagmulan ang dating asawa. May mga bumatikos naman Kay Pokwang sa ginawa niyang pagtaboy sa ama pa naman daw ng anak niya, huh!

 

Bakit naman daw hindi na lang gayahin ni Pokwang si Ruffa Gutierrez pagdating sa pag-aalaga ng mga anak. Kumbaga, si Ruffa raw kasi ay hindi nagawang lásunin ang isip ng mga anak para magmukhang masama ang mister nitong si Ylmaz Bektas.

 

Pero agad namang nag-react si Pokwang na hindi raw dapat ikumpara siya kay Ruffa, dahil unang-una raw ay beauty queen ang napabalitang bagong karelasyon ngayon ni Herbert Bautista.

 

Dagdag pa rin ni Pokwang na dahil sa hitsura pa rin daw ay malaki ang kaibahan niya kay Ruffa at magkakaiba pa rin ang dinanas nilang pait at pinagdaanan, huh!

 

Hindi raw naman niya ginagatungan ang anak niyang si Maila at kung may pabaya man at may pagkukulang sa anak nila ay ang tatay daw nito.

 

***

 

KASALUKUYANG palabas sa mga sinehan ang pelikulang ‘GG (Good Game)’ na pinagbibidahan ni Donny Pangilinan, na kung saan isa sa mga producer.

 

“This is my first film as a producer and just seeing everything behind the scenes, is from a whole different perspective,” banggit pa ni Donny sa isang interview. Dagdag pa rin niya na doon daw niya nalaman na dapat may respetuhan ang lahat ng magkakasama lalo ‘yung behind the camera.

 

Hindi raw kasi biro ang pinagdaanan ng lahat na kung saan ang mga lugar, in and out problems at solutions ay naramdaman ng lahat.

 

***

 

PORMAL nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda Acosta na tumayong inducting officer . Pinangunahan ang oath taking ng bagong Pangulo ng PMPC na si Rodel Fernando kasama ang iba pang opisyal na kinabibilangan nina Jimi Escala (Secretary), Mildred Bacud (Assistant Secretary), Boy Romero (Treasurer), Lourdes Fabian (Assistant Treasurer), John Fontanilla (Auditor), at Glen Sibonga (Public Relations Officer).

 

Kasama ring nanumpa ang Board Members na binubuo nina Joe Barrameda, Roldan Castro, Fernan de Guzman, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon. Sa kanyang talumpati ay pinasalamatan ni Atty. Acosta sa suportang patuloy na ibinibigay ng PMPC sa kanya at sa PAO sa maraming mga taon.

 

“Dalawang dekada na pong partner ng PAO ang PMPC, isang non-government institution, NGO. Sila ang nagpapadalisay at nagpapatanyag ng mga artista, mga mang-aawit, mga entertainer natin.

 

“Maraming salamat po PMPC sa inyong pagbibigay ng pagkakataon sa akin na maging inducting officer, kumbaga sa akin kayo manunumpa para magampanan niyo ang inyong mga tungkulin ng buong katapatan at giting. Marami pong salamat!” sabi ni Atty. Acosta.

(JIMI C. ESCALA)

Tuluy-tuloy ang pag-arangkada ng serye: ‘Black Rider’ ni RURU, naungusan na ang katapat na palabas

Posted on: January 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TULUY-TULOY ang pag-arangkada sa primetime ng serye ni Ruru Madrid na ‘Black Rider’ at nitong Miyerkules nga ay naungusan na nito nang tuluyan ang katapat na palabas.

 

 

 

Nagtala ito ng people rating na 12.5 percent sa National Urban TV Audience Measurement overnight ratings nitong January 24, habang 12.2 percent naman ang nakuha ng kalaban.

 

 

 

Buong-puso naman ang pasasalamat ni Ruru sa Panginoon sa bagong blessing na ito.

 

 

 

“Salamat, Ama! Tunay na walang imposible sayo! Pangako na patuloy kong pagbubutihin ang aking ginagawa ng makapagbigay ng magandang programa, saya at inspirasyon sa bawat manonood,” saad ni Ruru sa kanyang social media post.

 

 

 

Pinasalamatan niya rin ang mga tao sa likod ng ‘Black Rider’ at sa mga loyal viewers nito.

 

 

 

“Salamat po sa inyong lahat na patuloy na tumututok at nagmamahal sa Black Rider! Asahan na mas lalo naming pagandahin ang aming programa para po sa inyo!”

 

 

 

***

 

 

 

HINDI raw malilimutan ng Kapuso singer na si Jeniffer Maravilla ang bugbugan scene nila ni Joem Bascon sa GMA prime series na ‘Asawa Ng Asawa Ko’.

 

 

 

Masyado raw intense ang mga eksena nila kaya nakalimutan daw ni Jeniffer na mag-focus sa ginawa nilang rehearsals bago kunan yung eksena. Kaya hindi raw sinasadyang nasaktan siya ni Joem.

 

 

 

“Magkakasunod po kasi yung mga eksena namin ni Joem tapos kasama pa si Jasmine (Curtis-Smith). Siguro nalito na rin ako kaya mali yung galaw ko. E, si Joem intense din sa mga eksena kaya tinuloy-tuloy namin.

 

 

 

“Medyo nasaktan po tayo pero nag-sorry agad si Joem. Sinabi ko naman na it’s my fault kasi nawala ako sa focus kasi sobrang intense na yung emotions namin sa scene,” kuwento pa ni Jeniffer.

 

 

 

Noong i-playback naman daw sa kanila yung eksena, maganda lumabas at napakanatural ng dating kaya natuwa si Direk Laurice Guillen.

 

 

 

Second teleserye pa lang ito ni Jeniffer at una siyang lumabas sa ‘I Left My Heart in Sorsogon’ bilang best friend ni Heart Evangelista.

 

 

 

Si Jeniffer din ang umawit ng theme song ng serye titled “Akin Siya” kunsaan ka-duet niya si Crystal Paras.

 

 

 

***

 

 

 

NAGSIMULA na ang filming ng biopic ng yumaong King of Pop Michael Jackson simply titled ‘Michael’. Mula ito sa direksyon ni Antoine Fuqua.

 

 

 

Si Jaafar Jackson ang gaganap bilang Michael. Si Jaafar ay anak ng kapatid ni Michael na si Jermaine Jackson.

 

 

 

Nag-share si Jaafar ng two behind-the-scenes images in costume as the pop icon in his signature hat.

 

 

 

Kasama rin sa cast ang Oscar best actor nominee na si Colman Domingo as Joe Jackson, ang abusive father ng Jackson 5.

 

 

 

Ayon sa ni-release ng production: “The film presents his triumphs and tragedies on an epic, cinematic scale — from his human side and personal struggles to his undeniable creative genius, exemplified by his most iconic performances.

 

 

 

“As never before, audiences will experience an inside look into one of the most influential, trailblazing artists the world has ever known.”

 

 

 

Pumanaw si Michael noong June 25, 2009 dahil sa acute propofol intoxication.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ads January 27, 2024

Posted on: January 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments