• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 30th, 2024

China, pinapayagan ang Pinas na magpadala ng tropa sa Ayungin Shoal

Posted on: January 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng China Coast Guard na gumawa ito ng “temporary special arrangements” upang makapagpadala ang Pilipinas ng tropa nito sa grounded World War II-era vessel sa pinagtatalunang katubigan.

 

 

Napaulat na nag-deploy ang Chinese coastguard ng kanilang vessels para pigilan ang misyon ng Pilipinas na mag-suplay ng tropa sa BRP Sierra Madre, na naging military outpost sa Ayungin Shoal, 190 km (118 miles) off Palawan.

 

 

Sa isang kalatas, sa official WeChat account, sinabi ng Chinese Coast Guard na pinapayagan nito ang kailangang suplay, subalit desidido rin itong depensahan ang soberanya at maritime rights ng China at interests sa shoal at katabing-katubigan.

 

 

“On Jan. 21, a small aircraft from the Philippines airdropped supplies to the illegally beached warship,” ang nasakasaad pa rin sa kalatas.

 

 

“The Chinese coast guard has followed up and monitored the situation in real time, controlled and dealt with it in accordance with laws and regulations, and made temporary special arrangements for the Philippines to replenish necessary daily supplies,” dagdag nito.

 

 

Sinasabi pa rin sa WeChat message na “relevant parties” sa Pilipinas ay sadyang inililigaw ang international opinion at binabalewala ang katotohanan, at hindi kaaya-aya para pagaanin ang tensyon sa South China Sea. (Daris Jose)