• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 13th, 2024

DIRECTOR SJ CLARKSON SAYS THAT “MADAME WEB” IS UNLIKE ANY OTHER SUPERHERO. THE DAKOTA JOHNSON STARRER OPENS IN CINEMAS ON VALENTINE’S DAY

Posted on: February 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“MADAME Web is unlike any other superhero,” says director SJ Clarkson, who helms Madame Web, the first superhero movie with a female lead in Sony’s Spider-Man Universe.

 

 

 

In bringing to the screen one of Marvel’s most mysterious and inscrutable characters, Clarkson directs a standalone origin story for the character, played by Dakota Johnson, who uses the power of her mind to weave together the fates of everyone around her. “One of the themes of the movie is that you don’t have to be superhuman to have superpowers,” Clarkson continues. “Most superheroes’ powers come from strength and agility. With Madame Web, it’s all psychological.”

 

 

 

Watch the trailer: https://youtu.be/9PtNR_Oukdg

 

 

 

I think what fascinated me the most about this was the fact that the superpower was her mind,” continues Clarkson. “One of the lines in the movie is, ‘the power of your mind has infinite potential.’ And I thought that was so strong and so powerful – what an amazing thing to be able to explore in a film.”

Clarkson has earned a reputation as one of the go-to directors for strong female characters, having helmed the miniseries Anatomy of a Scandal, Collateral and Love, Nina, as well as episodes of Succession and Orange Is the New Black. She also set up the Marvel series Jessica Jones and directed episodes of The Defenders. With Madame Web, the director says she sought to bring a unique, cinematic presentation to Cassie’s visions. “Maybe seeing into the future is like remembering something – and memory sometimes isn’t clear, it’s often fragmented. It wasn’t necessarily linear. You never saw it from A to B to C. Visions and sounds don’t always meet up together,” she explains. “So, I thought about how we might find a visual way into this, and it’s almost like a camera shutter, the blink of an eye.”

 

 

 

Under Clarkson’s direction, the film, which also stars Sydney Sweeney, Isabela Merced and Celeste O’Connor, brings a female-forward point of view to its storytelling. “There’s a theme of empowerment throughout the movie that comes from the fact that each of these characters go on their own journey,” says Clarkson. “Cassie has to resolve the wounds of her past in order to fully embrace the future, and each of the girls come to learn that they had strengths within them that they didn’t know.”

 

 

 

“I really like the idea of ordinary people being heroes, because they are,” says Johnson. “There was an opportunity with this movie to reinvent a Marvel world where, first of all, it’s led by women, and it’s made by women – and because of that, the characters are real, and they are messy, and they are complicated, and they are extremely powerful.”

 

 

 

Get ready for a world of change when Madame Web, distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International, opens only in cinemas February 14. Connect with the hashtag #MadameWeb

 

 

 

About Madame Web

 

 

 

In a switch from the typical genre, Madame Web tells the standalone origin story of one of Marvel publishing’s most enigmatic heroines. The suspense-driven thriller stars Dakota Johnson as Cassandra Webb, a paramedic in Manhattan who develops the power to see the future… and realizes she can use that insight to change it. Forced to confront revelations about her past, she forges a relationship with three young women bound for powerful destinies… if they can all survive a deadly present.

 

 

 

Directed by SJ Clarkson, with screenplay by Claire Parker & Clarkson, story by Kerem Sanga, based on the Marvel Comics. Produced by Lorenzo di Bonaventura.

 

 

 

Starring Dakota Johnson, Sydney Sweeney, Celeste O’Connor, Isabela Merced, Tahar Rahim, Mike Epps, Emma Roberts, Adam Scott.

 

 

 

In cinemas February 14, Madame Web is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #MadameWeb (Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

(ROHN ROMULO)

3 pang karagdagan Academic Centers, itatayo sa Valenzuela

Posted on: February 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian ang isinagawang groundbreaking at capsule-laying ceremonies para sa tatlong karagdarang Valenzuela City Academic Center for Excellence (ValACE) na itatayo sa Brgy., Gen. T. de Leon, Marulas at Mapulang Lupa para sa pangarap na nito gawing “Reading City” ng lungsod.

 

 

Ang tatlong itatayong mga proyektong ito ay naglalayong magbigay ng mas malapit at madaling mapuntahan ng mga mag-aaral na mga Valenzuelano.

 

 

Ang mga gusaling pang-akademiko na ito ay maglalaman ng isang mini library, study Hall na may mga self-study cubicle, communal review lounge, computer laboratory, 50-seating capacity training room, 80-100 pax capacity multi -purpose hall, cafeteria, administrative office, at parking area.

 

 

Ang proyektong ito ng pagpapalawak ng mga gusali ng ValACE sa buong Valenzuela ay isang tugon sa lumalaking pangangailangan ng lungsod para sa mas maraming pampublikong pasilidad sa pag-aaral.

 

 

Sa kanyang mensahe, iginiit ni Mayor WES ang kahalagahan ng mga proyektong ito para sa mga mag-aaral ng Valenzuelano.

 

 

“Ang pangarap po natin dito sa Valenzuela ay ang maging ‘Reading City’; kung saan [makapagbubuo] tayo ng mga ‘literate communities’ [sa] bawat barangay; at kung saan maibababa po natin ang culture of studying and reading again.” pahayag niya.

 

 

Para sa lungsod, ang library ay itinayo upang itaguyod ang panghabambuhay na pag-aaral at literacy para sa lahat at bumuo ng isang rebolusyonaryong espasyo sa pag-aaral na naa-access, maaasahan, at inklusibo na may sukdulang layunin na tulungan ang mga mag-aaral na maabot ang kanilang mga pangarap.

 

 

Sa amicable service nito sa mga mag-aaral, kinilala ang city library para sa Gawad Pampublikong Aklatan (Most Inclusive and Innovative Programs) na iginawad ng National Library of the Philippines.

 

 

Samantala, habang ginagawa ang naturang tatlong gusali ay bukas naman sa publiko ang ValACE sa Barangay Malinta at libre itong magbibigay ng mga programa at serbisyong pang-edukasyon sa mga Valenzuelano. (Richard Mesa)

$14-B investments, naisakatuparan mula sa Marcos’ trips- DTI

Posted on: February 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG 46 proyekto na nagkakahalaga ng $14.2 billion sa foreign investments ang naikatuparan mula sa byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba’t ibang bansa sa nakalipas na 16 na buwan.

 

 

Tinukoy ng Presidential Communications Office (PCO) ang data mula sa Department of Trade and Industry (DTI), lumalabas na may kabuuang $72.2 billion sa investments sa iba’t ibang stages, bumubuo sa 148 proyekto ang naitala “as of December 2023.”

 

 

 

Sa nasabing inisyatiba, 46 proyekto na nagkakahalaga ng $14.2 billion o 20% ng kabuuang pledges, ang naisakatuparan na, ibig sabihin ay nag-operate na, o nakompleto na ang proseso ng pagpaparehistro ng proyekto sa Investment Promotion Agencies ng DTI, o naikasa na ang implementasyon.

 

 

 

Ang mga investments na ito ay “manufacturing, IT-BPM, renewable energy, infrastructure, transport and logistics, agriculture, at retail sectors.”

 

 

 

“Investment pledges from foreign firms during the presidential visits over the past 16 months are now being actualized substantively and tangibly, boosting the position of the Philippines as a premier investment destination for foreign businesses in Asia,” ayon sa PCO.

 

 

 

“Notably, the presidential visits of President Ferdinand R. Marcos Jr. have been pivotal in generating serious investment interest in the Philippines. The President visited key countries, introducing to specific investor communities his overall vision and policy direction of opening up the country to more foreign investments, including implementing game-changing legislation under his term,”  dagdag na wika ng PCO.

 

 

 

Makikita rin sa data ng DTI na ang manufacturing ang bumubuo sa pinakamalaking share pagdating sa bilang ng mga proyekto, kasama na rito ang 16 proyekto (katumbas ng 35%). Ang sumunod naman ay ang information technology and business process management (IT-BPM) na may 10 proyekto (22%), at renewable energy na may 9 na proyekto (20%).

 

 

 

Samantala, kinilala naman ang Japan bilang “the most significant country’ bilang investment source base sa bilang ng mga proyekto.

 

 

 

Ang Japan ay mayroong 21 proyekto na naisakatuparan na, sumunod ang Estados Unidos na may 13.

 

 

 

Sa kabilang dako, patuloy naman na nagsasagawa ang mga foreign investors ng “pre-implementation at planning activities” sa kani-kanilang mga bansa para sa natitirang 102 proyekto, kabilang na ang $58 billion na investment pledges, ayon sa DTI.

 

 

 

Habang may ilan namang investment projects ang nagpapatuloy ang progreso mula “pangako hanggang sa operasyon”.

 

 

 

Sinabi ng PCO na kailangan ng iba ang pinalawig na implementation period ng hanggang 7 taon para sa offshore wind at pangunahing physical infrastructure projects.

 

 

 

“The investment flows into the country in phases over the implementation period, during which the project transitions into operational status and begins generating revenues,” ayon sa DTI.

 

 

 

Ipinaliwanag pa ng PCO na ang tagal ng implementation period ay depende sa sektor kung saan nabibilang ang proyekto.

 

 

 

“Due to relatively shorter implementation periods, investment commitments from the presidential visits in the … IT-BPM sector and in light manufacturing have mostly become operational,” ayon sa PCO.

 

 

 

“While the FDI (foreign direct investment) values are modest, the early actualization of investment commitments in these sectors contributes to the decrease in the unemployment rate in the Philippines, given that IT-BPM and manufacturing are significant generators of direct employment,” dagdag na wika ng PCO.

 

 

 

Para naman kay DTI Secretary Alfredo Pascual, sinabi nito na sa bawat presidential visit ng Pangulo ay nakikinabang ang ahensiya, “springboard for building up a pipeline of investment opportunities and making the Philippines an investment destination of choice”, ayon kay Pascual. (Daris Jose)

Nagpaabot ng suporta si Michelle: MARINA SUMMERS, first Pinoy na magku-compete sa ‘Drag Race UK vs. The World’

Posted on: February 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

RAMDAM na agad ang chemistry sa pagitan ng Sparkle Loveteam na AshCo nila Ashley Sarmiento and Marco Masa.

 

 

 

Sa launch ng kanilang loveteam para sa Sparkle TikTok Kilig Series, makikita agad na kumportable sila sa isa’t isa. Dahil na rin siguro sa co-stars sila sa teleserye na ‘Black Rider’ bago sila maging official loveteam.

 

 

 

“Sobrang excited po ako and thankful po ako dahil na-acknowledge po kami ng GMA. Before po kami i-launch as a love team, may ginagampanan na po kami sa Black Rider. We enjoy each other’s company and talagang naga-guide po namin ‘yung isa’t isa,” sey ni Marco.

 

 

 

Thankful si Ashley sa social media kaya marami silang fan agad ni Marco.

 

 

 

“Since sa Black Rider nagkaka-work naman na po kami, mas excited po ako since si Marco very hardworking siya na tao and masaya siya kasama sa trabaho. Magaan siya kasama talaga so I’m really happy with our tandem.”

 

 

 

Kapwa nagsimula bilang child stars sina Marco at Ashley. Si Marco ay lumabas sa iba’t ibang ABS-CBN drama series tulad ng ‘Huwag Ka Lang Mawawala’, ‘Honesto’, ‘Nathaniel’ at ‘The Killer Bride’.

 

 

 

Sa bakuran din ng ABS-CBN nagsimula si Ashley sa mga teleserye na ‘Dyesebel’, ‘Flordeliza’, ‘The Greatest Love’ at ‘The General’s Daughter.’

 

 

 

***

 

 

 

NAGPAABOT ng suporta si 2023 Miss Universe PH Michelle Marquez Dee sa Pinoy Drag Artist na si Marina Summers na nagku-compete ngayon sa second season ng ‘Drag Race: UK vs. The World.’

 

 

 

Nag-post si Michelle sa X (formerly) bilang suporta at humingi rin siya ng suporta mula sa kanyang followers.

 

 

 

“Marina’s World! You know the drill #Filipinas!” post ni Michelle.

 

 

 

Nangabog nga si Marina sa kanyang performance sa lip sync showdown sa unang episode pa lang. Unforgettable din ang entrance niya sa show with her own version of a Filipiana dress.

 

 

 

Si Marina ang only Asian representative sa bagong season ng ‘Drag Race UK vs. The World’. Siya rin ang first drag queen to represent the Philippines sa international edition of the Emmy Award-winning original series.

 

 

 

Naging contestant si Marina sa kauna-unahang season ng ‘Drag Race Philippines’ noong 2022. Naging first runner-up siya sa winner na si Precious Paula Nicole.

 

 

 

***

 

 

 

PINALUHA ni Reba McEntire ang maraming um-attend sa opening ng 2024 Super Bowl sa Allegiant Stadium in Paradise, Nevada.

 

 

 

Ang 68-year old Grammy-winning country superstar ang umawit ng national anthem na “The Star-Spangled Banner”.

 

 

 

Ang one minute and 35 seconds na pag-awit ng national anthem ay na-practice raw ni Reba habang naliligo at sa loob ng kanyang sasakyan.

 

 

 

Kabilang na si Reba sa mga singers tulad nila Chris Stapleton (2023), Pink (2018), Lady Gaga(2016), Beyoncé (2004), Mariah Carey (2002) and Whitney Houston (1991) na napiling umawit ng national anthem.

 

(RUEL J. MENDOZA)

MAGTIPID NG TUBIG, EL NIÑO KAKABIG – PAGASA

Posted on: February 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang isang hydrologist sa publiko, partikular sa mga residente ng Metro Manila, na magtipid ng tubig dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng water level sa ilang mga dam.

 

 

Ayon kay hydrologist Sonia Serrano, sa kanilang pagbabantay sa Angat Dam na nagsusuplay sa 98 porsyento ng potable water sa Metro Manila sa pamamagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System, naobserbahan ang pagbaba ng 0.9 meter sa water level nito mula Feb. 1 to 8 at karamihan sa water levels ng mga dam ay bumaba mula noong Enero.

 

 

Sa kasalukuyan, lahat ng dam ay mas mababa sa normal water levels ng mga ito, na 212 meters para sa Angat, 575 meters para sa Binga, 280 meters para sa San Roque, 221 meters para sa Pantabangan, 193 meters para sa Magat, 288 meters para sa Caliraya, 80.15 meters para sa La Mesa, at 752 meters para sa Ambuklao.

 

 

Subalit, tumaas ang water levels ng La Mesa at Ambuklao sa nakalipas na 24 oras, kung saan umakyat ang lebel ng tubig sa La Mesa ng 0.10 meter sa 77.89 meters, at Ambuklao ng 0.02 sa 750.91 meters.

 

 

Nitong Enero, sinabi ng PAGASA na inaasahan na ang patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa ilang dam dahil sa nararanasang malakas na tropical cyclone ng bansa.

 

 

Iginiit din niya ang paggamit ng recycled water bilang pambuhos sa mga toilet, at pagbawas ng ginagamit na tubig para sa paliligo at paglilinis ay makatutulong ng malaki sa pagtitipid ng tubig. (PAUL JOHN REYES)

Voter registration sa 2025 polls, umarangkada na

Posted on: February 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMARANGKADA  na kahapon Lunes, Pebrero 12, ang voter registration period para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

 

 

Ayon sa Comelec, ina­asahan nilang aabot sa hanggang tatlong milyong Pinoy ang magpaparehistro para sa halalan sa susunod na taon.

 

 

Pinayuhan din nito ang mga aplikante na magdala lamang ng government-issued identification cards (ID) na mayroon nilang lagda bago magtungo sa tanggapan ng Comelec na malapit sa kanilang lugar.

 

 

Kabilang sa mga IDs na tinatanggap sa pagpapare­histro sa poll body ay ang National Identification (ID) card, Postal ID card, PWD ID card, Student’s ID card o library card, na pirmado ng school authority, Senior Citizen’s ID card, Land Transportation Office (LTO) Driver’s License/Student Permit, National Bureau of Investigation (NBI) Clearance, Philippine Passport, Social Security System (SSS)/Government Service Insurance System (GSIS) o iba pang Unified Multi-Purpose ID card, Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID card, lisensiyang inisyu ng Professional Regulatory Commission (PRC), Certificate of Confirmation na inisyu ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) para sa miyembro ng ICCs o IPs at Barangay Identification/ Certification na may larawan at iba pang government-issued valid ID.

 

 

Magtatagal ang voter registration period hanggang sa Setyembre 30, 2024 lamang.

 

 

Matatandaang ang Pebrero 12 ay una na ring idineklara ng Comelec en banc bilang “National Voter’s Day” o “Pambansang Araw ng mga Botanteng Pilipino”.

 

 

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, isinagawa nila ang deklarasyon upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging isang rehistradong botante at ipaliwanag ang mga proseso ng pagrere­histro at ng halalan sa mga Pinoy.

 

 

Inaasahang kasabay ng naturang pagdiriwang, lahat ng tanggapan ng Comelec sa buong bansa ay magkakaroon ng iba’t ibang aktibidad upang i-entertain ang mga registrants at pukawin ang interes ng kanilang mga constituents para mahikayat silang magparehistro.

Pulis, kasama pinagtulungan kuyugin ng 2 kagawad, tanod at 5 pa sa Caloocan

Posted on: February 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA ospital ang bagsak ng isang pulis at kasamang sibilyan matapos pagtulungan kuyugin ng walong kalalakihan, kabilang ang dalawang kagawad ng barangay at executive officer (Ex-O) makaraang dakpin ang isang lalaking sangkot sa ilegal na droga sa Caloocan City.

 

 

Ginagamot sa hindi tinukoy na pagamutan sina P/Cpl. Roger Lagarto, nakatalaga sa Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at sibilyang si Adrian Villagomez, 37, ng Libis Espina, Brgy. 18, makaraang magtamo ng seryosong mga sugat sa ulo, mukha at buong katawan, batay sa inilabas na medico-legal certificate ng kanilang attending physician.

 

 

Kinilala naman ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina Kagawad Jimmy Marinda, 53, at Ex-O Ferdinand Basmayor, 43, ng Brgy. 36, na kapuwa positibo sa alcohol nang isailalim sa medical examination, habang tinutugis pa ang isa pang Kagawad na si Renato Rivera, alyas “Tisoy” at lima pang kalalakihan.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nagsasagawa ng paniniktik at pagmo-monitor ang mga tauhan ng SDEU sa pangunguna ni P/SSg. Jason Taguba sa Barangay 36, dakong alas-11 ng gabi nang arestuhin ni Cpl. Lagarto at kasamang sibilyan si alyas “Joshua” na siyang target ng kanilang operasyon matapos mamataan sa kahabaan ng Marulas B St. Brgy, 36.

 

 

Nang dadalhin na nila sa Barangay Hall ang suspek upang isailalim sa imbentaryo ang nakuha sa kanyang ilegal na droga, ay hinarang sila at pinagtulungang gulpihin ng mga kalalakihan, kabilang ang dalawang Barangay Kagawad at Ex-O, kahit nagpakilala na si Lagarto na isang pulis.

 

 

Kaagad namang sumaklulo ang mga kasamahan ni Lagarto na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek, habang nagawang makatakas ng iba pa.

 

 

Ayon kay Col. Lacuesta, sasampahan nila ng patong-patong na kasong obstruction of justice, direct assault, at serious physical injuries ang mga barangay official at kanilang mga kasama sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Malasakit Centers: 6 taon nang nagseserbisyo sa Pilipino

Posted on: February 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NOONG Pebrero 12, 2018, isang makabuluhang marka sa pangangalaga sa kalusugan ang pinasimulan matapos pasinayaan ang unang Malasakit Center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City.

 

 

Pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go na noon ay Special Assistant to the President, ang Malasakit ay isang one-stop shop na nagpabilis sa access sa healthcare services sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng DSWD, DOH, PhilHealth at PCSO sa iisang bubong.

 

 

Iniakda at inisponsoran ni Go ang Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Cen­ters Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

 

 

Hanggang ngayon, tinitiyak ni Go, bilang chairperson ng Senate committee on health, na ang mga serbisyo sa Malasakit Centers ay patuloy na naibibigay alinsunod sa batas.

 

 

Anim na taon simula nang maitatag, mayroon nang 150 operartional Malasakit Centers sa buong bansa at humigit-kumulang 10 milyong Pilipino ang natulungan na nito.

 

 

Si Yazumi, isang batang pasyente mula sa Caloocan City na sumailalim sa liver transplant, ay nagpapatunay na mahalaga ang pagtutulungan ng gobyerno at mga institusyon sa pagpapagaan ng pasanin ng mga Pilipinong nasa kagipitan.

 

 

Sa edad na 4 buwan, na-diagnose si Yazumi na may biliary atresia at matapos ang kanyang liver transplant procedure noong 2017, nagpatuloy ang Malasakit Center sa pagbibigay ng tulong at suporta, kabilang ang mga gamot para tuluyang gumaling si Yazumi.

 

 

Ibinahagi rin ni Roselyn Vente, isang ina mula sa Tagbilaran City, ang hinarap na pagsubok para sa kanyang 2-anyos anak na babaeng si Margaret Vente na na-diagnose na may ventricular septal defect, isang malubhang kondisyon sa puso.

 

 

Ang suporta mula sa Malasakit Centers ang nagpagaan sa emosyonal at pinansyal na pasanin ng kalagayan ng kanyang anak.

 

 

Nakatanggap din ng ­katulad na tulong ang kambal na Divine at Mercy Cerillo mula Vinzons, Camarines Norte na isinilang na magkadikit ang dibdib.

 

 

Sa tulong ni Sen. Go at ng mga programang ibinigay ng Malasakit Center, dinala sila sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila noong 2019 para sa isang complex separation surgery.

 

 

Tumayo pa bilang ninong sa binyag ng kambal si Sen. Go.

 

 

Kinikilala bilang ama ng Malasakit Centers dahil sa walang sawang paglilingkod sa mahihirap, lubos na pinasalamatan ni Go ang lahat ng stakeholders sa pangako na gawing accessible ang pangangalagang pangkalusugan sa bawat Pilipino.

 

 

“Ang mga kwentong ito ng pag-asa, katatagan, at pagbangon ay sumasa­lamin sa kakayahan ng ating naisip nang ilunsad natin ang Malasakit Cen­ters,” ani Go. (Daris Jose)

PBBM, suportado ang panukala ng PSAC na magsanay ng mas maraming Pinoy Healthcare

Posted on: February 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang ituloy ang pagsasanay sa mas maraming manggagawang Filipino sa healthcare at information technology (IT) sectors.

 

 

Kailangan na i- require sa mga ito na magsilbi ng dalawa hanggang tatlong taon ‘locally’ bago pa payagan ang mga ito na maghanap ng trabaho sa ibang bansa para tugunan ang human capital flight sa mga naturang sektor.

 

 

“It’s fine [because] if they find jobs abroad, that’s good for them. But the problem is tayo dito, we lose the talent that we train… that we took through the certification system,” ayon sa Pangulo sa idinaos na 5th meeting kasama ang Private Sector Advisory Council-Jobs Sector Group (PSAC-Jobs) sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“We have to come up with some kind of strategy wherein, let’s say, you provide scholarships and then the scholarship agreement includes that you stay three years. After that then they’re free to go,” aniya pa rin.

 

 

Binanggit ng Pangulo ang usapin ng “brain drain” sa healthcare at IT sectors dahil na rin sa parami ng parami ang skilled Filipino workers ang naghahanap ng greener pastures sa ibang bansa, iiwanan ang Pilipinas bitbit ang kakaunting talento para suportahan ang mga industriya.

 

 

Tanggap naman ng mga opisyal ng PSAC na ang local labor market para sa mga nabanggit na sektor ay hindi mapapantayan ang malaking sweldo na iniaalok ng mga kompanya at healthcare facilities sa Estado Unidos, UK, Australia at Europa at ang estratehiya ng Pilipinas ay marapat lamang na nakatuon sa ipagpapatuloy ng pagsasanay para sa mga bagong manggagawa.

 

 

“I think what we can do is to continue to offer certificate programs and train their skills. I think we can do that. There’s no way for us to retain them,” ayon kay Teresita Sy-Coson of SM Investments Corp, ipinresenta ang panukala sa ngalan ng PSAC Jobs sector.

 

 

“Even in the digital, if we train them naman in the cybersecurity or in whatever advanced technology, they’ll also leave. If only we can get them for two years, good enough na rin,” ayon kay Coson.

 

 

Ipinanukala rin ng PSAC-Jobs na mas palakasin at pagtibayin ang naunang direktiba ni Pangulong Marcos na iprayoridad ang paglikha ng isang “coordinated game plan” kung saan ang DOH, CHED, DMW at DFA ay maaaring makipag-negotiate sa ibang bansa hinggil sa pag-hire ng mga manggagawang Filipino.

 

 

Nauna nang inatasan ni Pangulong Marcos ang DOH, CHED, DMW at DFA na makipagtulungan sa pakikipagnegosasyon sa posisyon na palakasin kasama ang foreign governments kaugnay sa naturang isyu.

 

 

Winika ng PSAC na ito’y hakbang para sa tamang direksyon.

 

 

Tinuran pa nito na ang human resources ng DOH para sa healthcare master plan ay dapat na suportado, ipnanukala na dapat na iprayoridad ng pamahalaan na makipag-usap sa ibang bansa Canada, US at Australia.

 

 

“This includes requiring them to adopt a hospital or a school, invest in them so that they can participate in the country’s labor force and afterwards require the graduates to stay in the Philippines for at least two years before they could seek employment overseas,” ayon sa PSAC.

 

 

“Such scheme, could give the country at least some period of time to sustain the country’s supply of workers,” ayon pa rin sa PSAC.

 

 

Samantala, sa usapin naman ng employment situation sa bansa, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang bilang ng mga ’employed Filipinos’ ay umabot na sa 50.52 million noong December 2023, na may 0.88 million jobs na nalikha simula pa noong November 2023.

 

 

Ang unemployment rate ay bumaba naman noong December 2023 sa pinakamababang rate nito simula noong April 2005.  (Daris Jose)

Binasag na rin ang katahimikan: BEA, isiniwalat na mutual decision nila ni DOMINIC na maghiwalay

Posted on: February 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINASAG na ni Bea Alonzo ang katahimikan tungkol sa hiwalayan nila ni Dominic Roque.

 

After na pinagpiyestahan ang break up nilang dalawa ay nanahimik si Bea na lumipad patungong Singapore kasama ang buong pamilya niya, huh!

 

Ngayon ay binasag na ng Kapuso aktres ang katahimikan. Thru her Instagram post binanggit ni Bea na mutual decision daw ang nangyari.

 

Pareho daw nilang desisyon ni Dominic na huwag nang ituloy ang napagkasunduang engagement kung aya wala ng kasalang magaganap.

 

Banggit pa rin ni Bea sa kanyang IG account na hindi naging madali ang desisyon nila ni Dom.

 

Ang gusto raw nilang pareho ay maging tahimik at ipagdasal ang kanilang desisyon pero marami ang naglabasang na espekulasyon, mga pang-iintriga, kasama pa ang mga tanong at insulto against sa kanilang dalawa, huh!

 

Dahil dito ay nagpasya si Bea na mag-post tungkol sa nangyaring hiwalayan.

 

Dagdag pa ng dating Kapamilyang aktres na gusto na raw nilang dalawa ang katahimikan sa naturang isyu, na kung saan pati ang mga pamilya nila ay nadadamay na.

 

Kasabay ding nakiusap si Bea na itigil na ang paggawa ng mga kuwento at pang-intriga at yung masasakit na salita laban sa kanila ng ex-boyfriend.

 

Pagbigyan daw muna sila ng privacy habang patuloy pa nilang ginagamot ang mga sarili dulot ng naturang pangyayari.

 

At sa ngayon nga ay nakiusap si Bea na hayaan na muna sila ni Dominic para sa kanilang single life, with respect, kindness and compassion, huh!

 

***

 

VALENTINE’ Day na bukas.. siyempre may kanya-kanyang ka-Valentine ang karamihan sa mga celebrities.

 

Deretsahang itinanong kay Donny Pangilinan kung sino ang makakasama niya sa Araw ng mga Puso.

 

“Well, makakasama ko yung mga nasa set, magte taping kami ng Can’t Buy Me Love,” say pa ni Donny.

 

Siyempre kasama ng young aktor si Belle Mariano. May mga kukunan daw na eksena na out of town.

 

“Okey lang naman sa amin yun. Sanay na kami mag-shoot. Last year kasi, we didn’t have work but this year medyo busy,” dagdag pa ng Kapamilyang aktor.

 

Nang tanungin naman si Donny kung siya ba ay isang romantiko ay hindi raw niya alam.

 

Paliwanag pa niya na hindi raw naman siya ang dapat sumagot niyan kundi yung mga tao na nakakasama niya, huh!

 

“Ang weird naman kung ako pa ang magsasabi kung gaano ako ka-romantic. Ang masasabi ko lang, eh dapat mag-extra effort ako in the smallest things.

 

“Like yung mga maliliit na bagay like yung writing letters or sending small notes or simple small things that remind you of that person,” paliwanag ni Donny.

 

Kamakailan lang at nagselebryt ng kanyang 26th birthday si Donny. Pagmamalaki pa ng aktor na sobrang naramdaman daw niya ang suporta at pagmamahal sa kanya ng mga tagahanga niya.

 

Kahit raw kasi may okasyon o wala ay naramdaman daw niya ang init ng pagmamahal ng mga fans niya.

 

 

“A lot of times, I’ve had ten cakes sent to me by my supporters, when everyone they visit my events or stuff. Para sa akin romantic na yun,” lahad pa rin ni Donny.

(JIMI C. ESCALA)