• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 16th, 2024

Gayahin ang Senado, magpasa ng P100 wage hike bill

Posted on: February 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINAMON ng isang grupo ng mga manggagawa ang Kamarang maghain ng counterpart bill sa panukalang P100 minimum wage hike ng Senado, bagay na lusot na sa ikalawang pagdinig.

 

 

Miyerkules lang nang pumasa sa second reading ang Senate Bill 2534, na layong iangat ang arawang minimum na pasahod para sa mga manggagawa’t empleyado sa pribadong sektor.

 

 

“Bagama’t nahuhuli na at maliit kumpara sa family living wage, deserve ng mga manggagawa na itaas ang kanilang sahod lalo pa’t taun-taon ay lumalaki ang inaambag ng mga manggagawa sa yaman ng bayan,” wika ng Kilusang Mayo Uno (KMU) nitong Miyerkules.

 

 

“Hinahamon namin ang mga mambabatas sa House of Representatives na isantabi na ang pakikipagbangayan. Dapat mas pagtuunan ng pansin ang pagpapasa ng kaparehong batas sa Kamara, at hindi ang pagtatalo-talo dahil sa [Charter Change].”

 

 

Dati nang inilalaban ng KMU at mga grupo ng manggagawa ang P750 na umento sa arawang sahod para mailapit ang minimum wage sa family living wage (FLW), o ‘yung sahod na kailangan para mabuhay nang disente ang pamilyang may limang miyembro.

 

 

Kasalukuyang kasing nasa P1,193/araw ang FLW para sa mga nakatira sa Metro Manila, malayo sa P610 na minimum wage sa ngayon sa

 

 

Una nang pinalagan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at grupo ng mga employer ang panukalang wage hike sa dahilang mahihirapan aniya ang mga maliliit na negosyante rito, bukod pa sa pagbilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin (inflation).

 

 

Pero sagot ng mga manggagawa, higit namang mas maraming ine-empleyado sa ngayon ang mga malalaking kumpanya kaysa sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs).

 

 

Binabanatan sa ngayon ng mga progresibong grupo ang pagtatalakay ng pagbabago ng 1987 Constitution, bagay na magpapahintulot sa mas malaking pagmamay-ari at pamumuhunang banyaga sa mga lokal na serbisyo, negosyo at industriya.

 

 

Sinabi ng KMU na mas mahalagang unahin ang mga panukalang magpapagaan sa buhay ng karaniwang Pilipino kaysa sa Cha-Cha at dayuhang interes.

 

 

“At para naman sa mismong mastermind ng Cha-cha na si Bongbong Marcos, galaw-galaw naman! Dalawang taon ka na sa pwesto pero wala ka pa ring ginagawa para sa mga manggagawa,” dagdag pa ng grupo.

 

 

“Gawin mo namang priority ang mga manggagawa, hindi puro pagpapayaman!”

 

 

Sinang-ayunan naman ng grupong Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) ang pagpapasa ng P100 dagdag sa minimum wage, lalo na’t kailangang kailangan daw ito ng mga manggagawa.

 

 

Sa kabila nito, aminado ang grupong kulang pa rin ito para matugunan ng karaniwang tao ang mga batayang pangangailangan.

 

 

“P100 increase in the minimum wage will help wage earners cope with inflation and high costs of social services,” wika ng CTUHR. “While the proposal will result in wage distortion, it will also help even those who earn above the minimum wage.”

 

 

“While higher than the meager amounts that have been approved by the country’s regional wage boards, a P100 wage increase still falls short of the basic needs of an ordinary family.”

 

 

Payo pa ng CTUHR, magandang gawing “across-the-board” o i-apply sa buong bansa ang panukalang dagdag sahod upang mapigilan ang wage distortion at alitan sa sweldo.

 

 

Mahalaga aniya ang ini-sponsor na panukala ni Sen. Jinggoy Estrada sa ngayon lalo na’t bigo raw ang 35-anyos na regional wage boards sa pagbibigay ng agarang kaginhawaan sa mga manggagawa.

 

 

Dagdag pa nila, kung gusto ng gobyernong protektahan ang mga MSMEs ay panahon na raw upang babaan ang singil sa kuryente at tubig, ayusin ang mga imprastruktura at solusyunan ang problema sa trapik. (Daris Jose)

Zubiri, Romualdez nagkasundo: ‘Word war’ tigil na

Posted on: February 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGKASUNDO na sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Martin Romualdez na itigil na ang “word war” sa pagitan ng dalawang kapulungan ng kongreso dahil sa kontrobersiya sa Charter Change sa pamamagitan ng People’s initiative (PI).

 

 

Ayon kay Zubiri, ginawa nila ang kasunduan sa harap mismo ni President Bongbong Marcos sa birthday celebration ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa Malacañang.

 

 

Sa harap ng Pangulo ay nagkamayan sila at nagkausap ni Romualdez at napagkasunduan din na itigil na ang bangayan at sa halip ay propesyunal na magtrabaho para sa benepisyo ng administrasyon at ng mga Filipino.

 

 

Sa tanong kung mayroong utos sa mga miyembro ng Senado at Kamara na itigil ang bangayan, sinabi ni Zubiri na depende ito sa mga senador at kongresista, subalit sa panig nila ay handa naman silang kalimutan ang lahat.

 

 

Dahil dito kaya umaasa si Zubiri na magkakaroon na ng “smooth flow” sa bicameral conference committee meeting at sa mga hearing ng Committee on Appointments.

 

 

Sa tanong naman kung susunod ang Senado sa panawagan ng Kamara na itigil ang imbestigasyon sa people’s initiative, sagot ni Zubiri hindi niya maaaring pigilan ang mga miyembro ng komite na ituloy ang pagdinig. (Daris Jose)

Inihabilin na sina Bimby at Joshua kay Boy: KRIS, nag-sorry kay DINGDONG dahil sa pagbanggit ng maling apelyido

Posted on: February 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA latest Instagram post ni Kris Aquino, na birthday pa rin niya, oras sa Amerika, ay nag-sorry siya sa kanyang inaanak sa kasal na si Dingdong Dantes, na dumalaw sa kanya sa Los Angeles, apat na oras daw silang nagkuwentuhan.

 

 

Sa halip kasi na Dingdong Dantes ay “Dingdong Avanzado” ang nabanggit ni Kris sa live interview via Zoom ng ‘Fast Talk With Boy Abunda’ noong February 14, oras sa Pilipinas.

 

 

Hindi na nga nagkaroon ng pagkakataon si Queen of All Media na itama ang kanyang pagkakamali sa talk show ni Boy Abunda.

 

 

Panimula ng kanyang IG post, “Boy & @gmanetwork THANK YOU for allowing me to spend my birthday with you & the🇵🇭.”

 

 

Kasunod nito, ang paghingi niya ng paumanhin kay Kapuso Primetime King.

 

 

“My BP was going haywire before I went live, that’s why I said Avanzado instead of DANTES – I’m sorry @dongdantes.”

 

 

Dagdag paliwanag pa ni Kris, “Yes, because of Churg Strauss I now have cardiomyopathy. This means my heart muscles are having trouble pumping blood due to inflammation, and because of that inflammation, it’s exhausting my heart and causing it to begin to fail and ultimately, please pray with me- sana hindi tuluyang sumuko or mag CARDIAC ARREST.

 

 

“Please help me pray for my doctors and my nurses so that God will continue to guide them as they try to heal me. I have always believed in sharing the TRUTH no matter how painful with all of you. Why? “Because sinamahan nyo ako sa laban. Sana wag tayong sumuko sa ating pananampalataya na nakikinig ang Diyos sa mga Dasal ng buo ang tiwala sa Kanya.”

 

 

Ramdam na ramdam naman ang sumunod niyang mensahe para sa kanyang mga anak, kapatid, kamag-anak at kaibigan.

 

 

“Just in case this is the last birthday I get to celebrate here on earth, THANK YOU kuya & bimb for the most precious privilege of being chosen to be your mom.

 

 

“THANK YOU to my sisters for their love & generosity. THANK YOU to my small but very close circle of cousins & friends who have shared my life and their lives with me. THANK YOU to all of you for making all my childhood dreams come true.

 

 

“Pa birthday n’yo na please- i have a few loved ones and dear friends battling very difficult illnesses as well. PLEASE PRAY FOR THEM, too.”

 

 

Panghuli ng kanyang post ay ang kagustuhan niyang mabuhay pa ng mas matagal.

 

 

“I still want to live, I know the odds are against me- dahil ang puso hindi pwedeng diktahan pero sana sa tulong ng dasal nyo mabigyan pa ko ng konting extension. YOU HAVE MY LOVE & ETERNAL GRATITUDE.

 

 

“Happy Valentine’s Day. [four different colors of heart] (year of the pig’s lucky & healing colors for 2024).”

 

 

Nag-comment naman si Dingdong sa post ni Kris ng, “Ninang, please know that we are here for you. On your special day, we thank God for giving you to us, as you are truly a blessing to many!”

 

 

Ilan pa sa bumati sa kanyang kaarawan ay si Jinkee Pacqiuao, “Happiest birthday Mare! God is merciful. He is our ultimate healer. Be strong in the Lord and in His mighty power.

 

 

“By His stripes you will be healed” In Jesus Name!”

 

 

Comment naman ni Darla Sauler, “Walang last birthday. More birthdays to come! Nanalig ako ng buo you’ll get better.”

 

 

Bumati rin na may kasamang dasal sina Aga Muhlach, Lorna Tolentino, Darren Espanto, Vina Morales, Chesca Garcia Kramer at marami pang iba.

 

 

Samantala, sa naging interview ni Kris, ganun-ganun na lang ang pasasalamat niya kay Boy. At sinabi nitong kailangan nang umuwi nina Bimby at Joshua, at inihabilin na rin ang mga ito kay King of Talk, na itinuturing na niyang kapatid.

 

 

“I want to take this opportunity Boy, na magpasalamat sa ‘yo. Because nangako ka sa akin, at ‘yun ilan sa malapit na kaibigan ko at mga kapatid kong babae, na kung ano man ang mangyari sa akin, may dalawa akong kaibigan na lilipad dito, para samahan ang two boys.

 

 

“And you also promised me, sorry dun sa show mo, pag may nabalitaan ka at tawagan ka ni Alvin (Gagui), sasakay ka agad ng eroplano to be here with me.

 

 

“I love you so much and I’m entrusting Bimb with you. Because the two will actually be going home, in two weeks.

 

 

“Why, did I decided this? Because naaawa ako doon sa dalawang bata. Kasi ako, makukulong na ako sa bahay. Pupunta na lang at lalabas ako para makita ang doktor.”

 

 

Patuloy at walang ngang humpay ang pagdarasal ng mga kaibigan at netizens na sana’y gumaling si Kris at humaba pa ang kanyang buhay para sa kanyang dalawang anak.

 

 

In Jesus name, Amen!

 

 

(ROHN ROMULO)

SINAKSIHAN nina Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco at Vice Mayor Tito Sanchez ang pagsubuan ng cake

Posted on: February 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINAKSIHAN nina Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco at Vice Mayor Tito Sanchez ang pagsubuan ng cake nina Reynaldo Gregorio, 59, at Rosario Avelino, 55, ang pinakamatandang mag-asawa na kabilang sa 51 long-term partners na ikinasal sa libreng Kasalan Bayan na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas para sa mga Navoteño. (Richard Mesa)

Matapos silang maghiwalay ni KC: GENEVA, ni-reveal na minsan nang tumira sa bahay nina KRIS at JAY-R

Posted on: February 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MUNTIK maging biktima ng panggagahasa ang Vivamax actress na si Aiko Garcia.

 

Lahad ni Aiko, “Muntikan, muntikan! Mga ten years ago. Nasa grade school ako. Nagkataon lang na mag-isa ako sa house and good thing naman alert ako that time.”

 

Kilala ni Aiko ang kapitbahay nila na nagtangka siyang halayin.

 

“Sinadya niya, I mean motive niya iyon, knowing na mag-isa ako that time,” pagpapatuloy na kuwento ni Aiko.

 

“Good thing, siguro by ano na rin, by God’s protection. Hindi ako natulog ng maaga that time, I stayed up late tapos nagtaka ako na bakit parang may tao na palakad-lakad sa labas ng bahay.

 

“So naging alerto ako that time. So pinapakinggan ko lang and then nagkaroon talaga siya ng chance na makapasok. So nung time na yun nakatakbo na ako sa labas.

 

“Sinandalan ko lang muna yung door, inantay ko, pinapakinggan ko yung lakad niya, ganyan, so nung nakapasok na siya tumakbo na ako palabas ng bahay kasi kapitbahay ko rin naman yung tita ko.”

 

Hindi na raw nagreklamo si Aiko.

 

 

“Kasi takot ako sa gulo, something like that. Ayoko ng eskandalo whatsoever kasi baka mamaya… uso din yung victim-blaming, iyon din yung ikinakatakot ko so wala.

 

 

“Ang ipinagpapasalamat e hindi nangyari.”

 

 

Mag-isa lamang siya that time sa bahay nila dahil nagtatrabaho pareho ang parents niya.

 

 

Nasa edad dose-trese raw siya noong nangyari iyon.

 

 

May rape scene si Aiko (bilang si Amy) sa pelikulang ‘Palipat-Lipat Papalit-Palit’ sa direksyon ni Roman Perez, Jr. at kasalukuyan na ang streaming sa Vivamax, nasa pelikula rin sina Denise Esteban (bilang si Edna) at Victor Relosa (bilang si Larry), ang mag-asawang magugulo ang pagsasama sa pagdating ng misteryosang babaeng si Amy.

 

 

***

 

 

NAGULAT kami sa rebelasyon ni Geneva Cruz na minsan isang panahon ay tumira siya sa bahay nina Kris Lawrence at Jay-R na parehong RnB singers.

 

 

Nangyari iyon noong naghiwalay sila ng dati niyang karelasyon na si KC Montero matapos ang sampung taon nilang samahan.

 

 

“You know, Kris and I had lived together,” umpisang kuwento ni Geneva.

 

 

“Pangit pakinggan, ‘no? But we did kina Jay-R before noong nag-separate kami ni KC.

 

 

“I stayed with them… mga one year din yun.”

 

 

Iisa ang manager nina Geneva, Kris at Jay-R, si Arnold Vegafria o ALV. Nagkataon rin na magkakabigan sina Kris, Jay-R at KC kaya sa mga ito nakituloy si Geneva after theor breakup.

 

 

“Mas gusto na ni KC noon na sa kanila ako dahil kilala niya rin sila,” wika pa ni Geneva.

 

 

Pero matapos ang ilang panahon ay umalis na rin si Geneva sa poder nina Kris at Jay-R, hindi naman rin daw maaaring habambuhay na siyang doon manirahan.

 

 

Nananatili ang friendship nina Geneva at Kris; sa katunayan may tatlong gabing Valentine show na ‘King and Queen of Hearts’ sa The Palace, Olongapo City last February 13, 14 and 15.

 

 

Ang The Palace ay bagong bukas na premiere entertainment manor sa Olongapo City na pag-aari ni ALV.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

DepEd ‘no comment’ sa panukalang P50k minimum salary ng entry-level teachers

Posted on: February 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Imbis na sumang-ayon o tumutol, aantayin muna ng Department of Education (DepEd) ang pananaw ng World Bank tungkol sa isyu ng pagtataas ng sweldo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

 

 

‘Yan ang pahayag ni DepEd Undersecretary Michael Poa ngayong Huwebes ilang araw matapos ihain ng Makabayan bloc ang House Bill 9920 — bagay na nagtatakda sa minimum salary ng mga guro sa P50,000.

 

 

“We cannot comment on the amount because we are still waiting for the study from the World Bank,” ani Poa sa isang statement na ipinadala sa mga reporters ngayong araw.

 

 

“We are expecting preliminary results from the World Bank in a few weeks. They are just requesting for additional data from DepEd which we are now processing.”

 

 

Una nang iniulat ng state-owned Philippine News Agency na kasalukuyang inaaral ng World Bank ang mga sweldo ng guro sa Pilipinas, bagay na isusumite rin daw kalaunan sa tanggapan ni Bise Presidente Sara Duterte, na siya ring kalihim ng DepEd

 

 

Layunin ng HB 9920 na inihain ng ACT Teachers party-list, Kabataan party-list at Gabriela Women’s party na tiyaking nakasasapat ang sahod ng mga gurong Pilipino, lalo na’t nasa Salary Grade 11 lang aniya ang iniuuwi ng ilang mid-level personnel gaya ng mga public school teachers.

 

 

Katumbas ang Salary Grade 11 ng P22,316 hanggang P24,391 buwanang sahod, alinsunod sa na rin sa Salary Standardization Law.

 

 

Wala pa ito sa P25,946/buwan na family living wage (FLW) para sa mga pamilyang nakatira sa Metro Manila, ayon sa estima ng IBON Foundation.

 

 

Tinatalakay sa ngayon ang planong pagtataas sa minimum na sweldo habang pinag-uusapan sa ngayon ang P100 na umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor

51 LONG-TERM PARTNERS KINASAL SA LIBRENG KASALAN BAYAN SA NAVOTAS

Posted on: February 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 51 long-term partners ang nagpakasal sa mass wedding na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco na sinaksihan ni Cong. Toby Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, at mga miyembro ng konseho ng lungsod.

 

 

Ang Kasalang Bayan, na regular na ginagawa sa Araw ng mga Puso at sa anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas, ay naglalayong gawing legal ang pagsasama ng mga mag-asawa na magkasamang naninirahan.

 

 

“Most of our newlyweds have been together for years and we are honored to help them finally realize their dream of making their union legal and complete,” ani Cong. Tiangco.

 

 

“We hope this ceremony will lead to stronger and healthier relationship between our couples.  Patunayan po ninyo sa lahat na mayroon talagang forever,” dagdag niya.

 

 

Sina Reynaldo Gregorio, 59, at Rosario Avelino, 55, ang pinakamatandang mag-asawa sa mga bagong kasal. 41-taon na silang nagsasama at nabiyayaan ng anim na anak.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Mayor Tiangco sa mga bagong kasal na may mga serbisyo at programa ang pamahalaang lungsod para makatulong sa kanilang pamilya.

 

 

“We give priority to improving the status of Navoteño families. Well-functioning families make strong communities,” ani Mayor John Rey.

 

 

“Importante po ang papel ninyo sa patuloy na pagtaas ng antas ng buhay sa ating lungsod. Nurture your children and guide them into becoming upstanding and productive members of our society,” dagdag niya. (Richard Mesa)

 

“Hudas” timbog sa Valenzuela buy bust, P2.4 milyon droga nasamsam

Posted on: February 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit P2.4 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng umaga.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong suspek na si alyas “ Reymond Hudas”, 33 ng Block 4, Lot 5, Phase 2A, Northville 1, Brgy., Bignay.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagputok ng pangalan ni “Hudas” sa pagbebenta umano ng droga sa kanilang lugar at kalapit na mga barangay.

 

 

Isinailalim ng SDEU sa validation ang suspek at nang positibo ang ulat ay agad nagkasa ang mga ito ng buy bust operation sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez at PEMS Restie Mables kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay “Hudas” ng P8,500 halaga ng droga.

 

 

Nang matanggap ang pre-arranged signal mula sa kanyang kasama na hudyat na nakabili na ito ng droga sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka dinamba si “Hudas” sa harap mismo ng kanyang bahay dakong alas-7:40 ng umaga.

 

 

Ayon kay Cpt. Sanchez, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 365 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,482,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang 8-pirasong P1,000 boodle money, hard case, cellphone at digital weighing scale.

 

 

Ani PSSg Carlos Erasquin Jr, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 (Comrehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa nilang kaso laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Destura at kanyang mga tauhan sa kanilang pagtugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive & Honest Law Enforcement Operations” na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

Ads February 16, 2024

Posted on: February 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nag-open up sa kanilang body insecurities: ENRIQUE, inaming pasmado kaya pawisin ang mga palad

Posted on: February 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-OPEN up ang mga bida ng pelikulang ‘I Am Not Big Bird’ na sina Enrique Gil, Nikko Natividad, Red Ollero at Pepe Herrera tungkol sa body insecurities.

 

 

 

Inamin ni Gil na pawisin ang kanyang mga palad.

 

 

 

“Pasmado po kasi ako, so sweaty hands. So alam niyo na kapag may ka-holding hands, oh my gosh, basa! Sorry pasensiya na, pasmado ako.”

 

 

 

Si Nikko naman ay problema ang pimples.

 

 

 

“Sa akin po tagyawat sa mukha. Minsan may season kasi na may tagyawat ka, tapos napagkakamalan ka ng tao hindi ka nagpapalit ng punda!”

 

 

 

Si Red naman ay ang kanyang pagiging mataba.

 

 

 

“Siyempre lahat naman tayo may body insecurities and body type and everything. Ako naman nakaka-cope. Pero siyemore every now and then titingnan mo ang sarili mo, ‘ang taba mo.’”

 

 

 

Si Pepe naman ay may kinalaman sa buhok sa ilong.

 

 

 

“Di ba minsan kapag gumaganyan ka, lumalabas ang buhok mo sa ilong. Ito naman insecurity ko growing up, pero ngayon I am starting to outgrow it lalo na nasa industriya tayo ng pagpapatawa.”

 

 

 

***

 

 

 

NAGLABAS ng pahayag ang GMA Network para bigyan ng babala ang publiko laban sa mga scammer na ginagamit ang upcoming Kapuso series na ‘Encantadia Chronicles Sang’gre’, at kunwaring may audition.

 

 

 

“GMA Entertainment Group is again warning the public against online scammers posting about fake auditions for “Encantadia Chronicles: Sang’gre. The perpetrators are wrongfully using the name of GMA Network to ask for money and/or solicit private photos and information. Victims of these fake auditions are encouraged to report to the authorities,” ayon sa pahayag.

 

 

 

Ayon sa GMA Entertainment Group, walang ongoing audition para sa naturang proyekto sa ngayon.

 

 

 

“All official announcements are posted on GMA’s official social media accounts.”

 

 

 

Sa direksyon ni Mark Reyes, ang Encantadia Chronicles: Sang’gre ay pagbibidahan nina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda at Angel Guardian.

 

 

 

Kasama rin sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Sanya Lopez, Rocco Nacino, at Solenn Heussaff.

 

 

 

***

 

 

 

PUMANAW na sa edad na 88 ang veteran broadcaster at dating anchor ng GMA Balita na si Mike Lacanilao.

 

 

 

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng asawa ni Mike na si Anna Francisca Castañeda-Lacanilao, ayon sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Lunes.

 

 

 

Naging co-anchor noon si Mike ng GMA Balita, na isa sa mga news and public affairs shows ng Kapuso network noong 1990s.

 

 

 

Siya rin ang presidente ng Febias College of Bible mula 1976 hanggang 1982.

 

 

 

Nagkaroon ng joint memorial service para kay Mike na ginawa sa Greenhills Christian Fellowship sa Ortigas noong Martes, Feb. 13.

 

 

 

Bubuksan naman sa publiko ang kaniyang burol sa Huwebes, sa Sucat, Parañaque bago siya ihatid sa huling hantungan.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)