• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 8th, 2024

Gustong maka-collab si Jung Kook ng BTS: SARAH, gumawa ng history sa ‘Billboard Women in Music Awards 2024’

Posted on: March 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

GUMAWA ng history si Pop Superstar Sarah Geronimo bilang first Filipino na pinagkalooban ng “Global Force Award” sa Billboard Women in Music Awards 2024.

 

Naganap ang naturang event noong March 7, na idinaos sa YouTube Theater, Inglewood, California.

 

 

Ka-level ni Sarah G sa natanggap na parangal mula sa Billboard Women in Music Awards 2024 sina Kylie Minogue (Australia), Karol G (Colombia), Charli XCX at PinkPantheress (England), New Jeans (South Korea), Tems (Nigeria), Luisa Sonza (Brazil) , Annalisa (Italy), Young Miko (Puerto Rico); Maren Morris, Ice Spice, at Victoria Monét (USA).

 

 

At sa naging interview sa asawa ni Matteo Guidicelli sa blue carpet ng awards night ng mga hosts na sina Rania Aniftos at Lilly Singh, ay nabanggit ni Sarah ang pangalan ng inang si Mommy Divine Geronimo.

 

 

“Good evening, everyone. I’m Sarah Geronimo from the Philippines. Hello po sa mga kababayan ko. Maraming salamat for being here, for giving your support,” pahayag niya.

 

 

“Thank you, Billboard, for celebrating women in music and of course, for giving our country this meaningful recognition.

 

 

“Maraming, maraming salamat Billboard Philippines, for your commitment to bring our music, the Filipino music, and more Filipino artists to a global audience.”

 

 

Dagdag pa niya sa natanggap na Global Force Award, “It’s very unexpected, I mean, to be considered a global force. And for me, a global force means having that influence, that global power to influence people, and it also comes with a big responsibility.

 

 

“You have to be mindful about the materials that you put out there so you have to create change and positivity towards other people.”

 

 

Nagbigay din siya opinyon tungkol sa Women in Music, “Women are beautiful. Women are strong.

 

 

“And now that I am married, I understand how marriage can be difficult sometimes. Men are beautiful as well. The way they manage, they cope up with everything that goes on with our minds as women.

 

 

“I also would like to salute men on how they care of us women,” pahayag pa ng asawa ni Matteo.

 

 

Pinasalamatan at inialay din niya ito kay Mommy Divine at tinawag niyang ‘hero’, “But women, especially mothers out there. Shout out to my mother, Mommy Divine Geronimo, you are the best. You are my hero. I love you very much.

 

 

“I cannot imagine myself being a mother, all the sacrifices that a mother has to do for their child, it’s mind blowing,” seryosong mensahe pa ni Sarah sa kanyang ina.

 

 

“I’m truly honored to be here to represent our country and our music, the Filipino music. Mabuhay ang OPM!” dagdag pa ni Sarah, na proud na proud sa pagiging Pinoy.

 

 

Samantala, sa Q&A session sa X (dating Twitter) kamakailan, natanong ang Popstar Royalty kung sino ang K-Pop group ang gusto niyang ma-meet at maka-collab.

 

 

Ang BTS member na si Junk Kook ang sinagot ni Sarah.

 

 

“I love JUNGKOOK. I think he is an amazing artist. Ang galing niya sobra,” say ng isa sa kinikilalang OPM icon.

 

 

Nag-agree naman at napa-react ang critically acclaimed Filipina theater icon na si Lea Salonga na avid fan ng BTS.

 

 

“Grabe siya! [I strongly] agree!!!” komento ni Ms. Lea.

 

 

(ROHN ROMULO)

Paglagda ng PH sa Free Trade Agreement sa Australia, New Zealand malaking gain sa agriculture at technology trade – solon

Posted on: March 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si House Committee on Agriculture and Food Chairman at Quezon 1st District Representative Mark Enverga na malaki ang magiging “gain” sa agriculture and technology trade ang paglagda ng Pilipinas sa Free Trade Agreement sa Australia at New Zealand.

 

 

Ayon kay Rep. Enverga magiging maganda ang prospective para sa sektor ng agrikultura sa paglagda sa nasabing kasunduan.

 

 

Lalo at maraming mga magagandang technology ang Australia na nais nilang dalhin sa Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Enverga sa katunayan may pinopondohan na ang Australia na mga programa sa ating bansa.

 

 

Sa kabilang dako, sa panig naman ni 1Rider Partylist Rep. Rouge Gutierrez ang paglagda sa Free Trade Agreement ay patunay na mayruon pa ring trend sa globalization na malaking bagay para lumago pa ang ekonomiya ng bansa.

 

 

Inihayag ng mambabatas na sa mga nangyayari ngayon masasabing nasa tamang direksiyon ang Pilipinas.

 

 

Ayon naman sa Malakanyang ang nasabing kasunduan ay asahang mabigyan ng magandang oportunidad para sa micro,small and medium enterprises.

Ads March 8, 2024

Posted on: March 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Hanga sa pagiging mabait at mahusay makisama: VICE GANDA, nanghinayang na ‘di na matutupad ang dream project kasama si JACLYN

Posted on: March 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGTAPOS na sa ere ang noontime show na “Tahanang Pinakamasaya“ na for sure hindi naging masaya ang ending para sa mga host ng programa.

 

Mga old movies daw muna ang mga mapapanood sa timeslot na ilang dekada na ring hawak ng programang “Eat Bulaga” nina Tito, Vic at Joey. Dahil sa pagkakatsugi ng show ay madagdagan ng ilang minuto ng ilang programang pang hapon ng GMA. Mula sa 20 minuto ay magiging 25 minutes na ang top rating showbiz talk show ni King of Talk Boy Abunda. Siyempre happy si Kuya Boy sa limang minuto na nadagdag sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’. Pero sobrang nalungkot at napaiyak ang isa sa mga host ng nawala sa ere ang programa.

 

Kung kelan daw kailangan niya talaga ang trabaho ay saka naman natanggal na naman ang programa niya. Yes, nawalan na naman ng income ang host na may record na lagi na lang natsutsugi sa ere ang mga TV show na sinasalihan niya as mainstay, huh!

 

***

 

HALOS lahat ng mga taga-showbiz lalo na yung mga nakasama ng namayapang multi-awarded actress na si Jaclyn Jose ay nalungkot sa nangyari. İsa na rito ay si Phenomenal Box Office Star na si Vice Ganda.

 

Hindi lang dahil sa biglaang pagpanaw ng aktres kundi yung naging usapan daw nina Vice at mga bossing ng Star Cinema tungkol sana sa gagawin pelikula kung saan silang dalawa ni Jaclyn ang bida. Hindi raw akalain ni Vice na mangyari yun sa hinahangaan niyang aktres na kung saan nakatakda pa raw sanang pag-usapan ang pelikulang silang dalawa lang ang magiging bida. Ayon pa Kay Vice, iba raw talaga ang lungkot na naramdaman niya sa pagpanaw ni Jaclyn.

 

“Bukod sa wala na siya, eh, meron kasi akong dream project din with her,” banggit pa ni Vice. Dagdag pa ng host ng “Its Showtime“ na ang dream movie niyang ito with Jaclyn ay tipong indie movie but comedy daw ang atake. Isang istorya daw na iikot sa kanilang dalawa ni Jaclyn na gaganap na nanay niya. Kahit hindi naman naging super close sina Vice at Jaclyn, pero sobra ang paghanga ng comedian/host sa namayapang aktres. “Gusto kong magkaroon ng nanay sa pelikula na minumura ako. “Mabait siya talaga, mahusay siyang makisama, Hindi siya nakakatakot at mapagbigay siya. Kaya nakakalungkot na nawala siya,” sey pa ni Vice sa interview ni MJ Felipe.

(JIMI C. ESCALA)

DILG Asec, inanunsyo ang pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Bulacan

Posted on: March 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government Assistant Secretary for Public Safety Florencio M. Bernabe, Jr. sa ginanap na obserbasyon ng Buwan ng Pag-iwas sa Sunog kaalinsabay ng Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium dito noong Lunes ang pagtatayo ng Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Bulacan.

 

 

Inaasahan na makaaapekto ang nasabing pasilidad sa buhay ng mga dependent sa iligal na droga gayundin ay makatulong sa komunidad sa pagsusumikap nitong sugpuin ang iligal na droga.

 

 

Aniya, ang DATRC ay isa sa mabisang mekanismo sa muling pagbabalik sa lipunan ng mga indibidwal sa pamamagitan ng sustenableng programa ng gamutan at rehabilitasyon.

 

 

Gayundin, inanyayahan ni Bernabe ang mga Bulakenyo na lumahok sa programa ng DILG na tinawag na “BIDA – Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan”, isang buong taon na adbokasiya na naglalayong itaas ang kamalayan at hikayatin ang partisipasyon ng lahat ng sektor ng komunidad na mapababa ang bilang ng mga gumagamit ng iligal na droga.

 

 

Pinuri rin ng assistant secretary ang pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro sa pagkakaroon ng aktibong Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na may kumpletong emergency response na kagamitan tulad ng bagong bili na disaster response vehicle, mga fire suit, bota, helmet, guwantes, hose at nozzle, AED, body monitor at self-contained breathing apparatus, gayundin ang maaasahan at well-trained na mga emergency responder.

 

 

Samantala, pinaalalahanan ni Bureau of Fire Protection Regional Director FCSUPT Roy Roderick P. Aguto ang publiko na maging handa sa anumang hindi inaasahang insidente ng sunog sa pamamagitan ng pananatiling ligtas at pagkakaroon ng listahan ng mga emergency number na madaling makita upang makatiyak sa agarang pagresponde ng tulong.

 

 

Para sa kanyang bahagi, naglinya ng iba’t ibang gawain ang PDRRMO sa pamumuno ni Manuel M. Lukban, Jr. kaugnay ng pag-obserba ng Buwan ng Pag-iwas sa Sunog kabilang ang pagsasagawa ng pulong para sa koordinasyon; pamamahagi ng IEC materials sa buong lalawigan mula Marso 1-31; hosting sa Radyo Kapitolyo’s  Bulacan Rescue Program sa Provincial Public Affairs Office tuwing Martes, 9:00 am -10:00 am; pagsasagawa ng fire safety inspection sa pakikipag-ugnayan sa BFP sa mga gusali sa Kapitolyo at iba pang ahensiya ng gobyerno; Oplan Lakbay Alalay (SUMVAC) sa Divine Mercy Shrine sa Marilao, Kapitangan, Paombong at Malolos Cathedral sa Lungsod ng Malolos mula Marso 27 hanggang 31; Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa San Ildefonso sa Marso 25 at PGB Fire Marshalls Quarterly Meeting sa PDRRMO Training Room sa Marso 26.

 

 

Gayundin, sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan-PDRRMO, BFP, DILG, iba pang katuwang na mga LGU ang paglulunsad ng Fire Prevention Month sa pamamagitan ng motorcade at panunumpa sa tungkulin ng mga Bulacan Fire Fighter Volunteer.

 

 

Bago ito, ginanap ang Basic/Advance Fire Fighting with Hazardous Materials Trainings sa Lungsod ng Olongapo mula Pebrero 26 hanggang Marso 2 at Pagsasanay sa “Kaalaman at Kahandaan ay Katatagan sa Kalamidad (K4) noong Pebrero 23 sa Hagonoy, Bulacan.

 

 

Hinimok ni Fernando ang publiko na laging doblehin ang pag-iingat upang maiwasan ang mga insidente ng sunog lalo pa’t nakapagtala ang Bulacan PDRRMO ng 129 fire incident emergency responses noong 2023.

DepEd, nagbabala vs pekeng ‘pang-baon’ posts

Posted on: March 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN  ng Department of Education (DepEd) ang publiko hinggil sa mga post sa social media na namimigay umano ang ahensiya ng ‘pang-baon’ sa mga elementary students.

 

 

      Sa misinformation alert ng DepEd, mahigpit din nitong pinayuhan ang mga magulang at mga guardians na huwag ibigay ang school information at identification ng kanilang mga anak sa mga ganitong uri ng mapanlinlang na paskil upang hindi makumpromiso ang kanilang seguridad.

 

 

Nauna rito, kumalat ang isang pekeng post na nagsasaad na ang mga mag-aaral na nasa Grade 1 hanggang Grade 6 ay pagkakalooban umano ng DepEd ng ‘pang-baon.’

 

 

Anang pekeng post, ang mga Grade 1 pupils ay bibigyan ng tig-P1,000; P2,000 sa Grade 2; P2,500 sa Grade 3; P3,000 sa Grade 4; P4,000 sa Grade 5 at P5,000 sa Grade 6 pupils.

 

 

Nakasaad pa na ang requirement lamang upang makakuha ng ‘pang-baon’ ang mga mag-aaral ay school ID at ang deadline ng pagsusumite nito ay sa Marso 30, 2024.

 

 

Pinabulaanan naman ito ng DepEd, at sinabing, “The Department of Education (DepEd) warns the public about FAKE posts claiming that they give out “pang baon” for Grade 1 to 6 learners.”

Dating Unang Ginang Imelda, “She is in good spirits”- PBBM

Posted on: March 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sambayanang Filipino para sa pag-alaala at panalangin ng mga ito sa kanyang Ina na si dating First Lady Imelda Marcos matapos dalhin sa ospital dahil sa hinihinalang pneumonia.

 

 

“She is in good spirits, has no difficulty in breathing and is resting well,” ang pahayag ng Pangulo.

 

 

Sa katunayan aniya ay nakausap niya ang doktor ng kanyang ina. Sinabi sa kanya na bahagyang may pneumonia ang kanyang ina at ito’y nilalagnat.

 

 

      Gayunman, binigyan agad aniya ang kanyang ina ng antibiotics at kumpiyansa aniya ang mga doktor na mapapawi nito ang lagnat ng kanyang Ina na si dating Unang Ginang Imelda.

 

 

      Nauna rito, sinabi ni Senator Imee Marcos, kapatid ni Pangulong Bongbong Marcos na dinala nila sa hospital ang kanilang ina na si dating Unang Ginang Imelda.

 

 

      “Inospital na namin [for] close monitoring… Suspected pneumonia as she has been having fever [and] cough on [and] off. Given her age, we [have to] take [maximum] precautions,” pahayag ni Senator Marcos na tinutukoy ang 94-anyos na matriarch.

 

 

      Mayo noong nakaraang taon nang sumailalim ang dating First Lady sa angioplasty procedure. (Daris Jose)

Pinas, magpoprotesta-PBBM

Posted on: March 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPO-PROTESTA mapanganib na pagmamaniobra” ng Pilipinas ang kamakailan lamang na probokasyon ng Tsina matapos na magsagawa ng “pangha-harassed, pagharang, paggamit ng water cannons, at pagsasagawa ng ang China Coast Guard (CCG) at Chinese Maritime Militia (CMM) vessels para illegal na hadlangan ang routine ng Philippine resupply at rotation mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

 

 

      Sinabi ng Pangulo na ang kamakailan lamang na aksyon ng Tsina ay hindi naman dahilan para kagyat na ipanawagan ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa Estados Unidos.

 

 

      “However, we continue to view with great alarm this continuing dangerous maneuvers and dangerous actions that are being done against our seamen, our Coast Guard. And this time, they damaged the cargo ship and caused some injury to some of our seamen and I think that we cannot view this in any way but in the most serious way,” ayon sa Pangulo.

 

 

      “Once again, we will make our objections known and hope that we can continue to communicate to find a way so that such actions are no longer seen in the West Philippine Sea,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa ulat, apat na tauhan ng Pilipinas ang nasugatan kasunod ng harassment at mapanganib na aksyon ng Tsina laban sa mga barko ng Pilipinas na naghahatid ng suplay sa mga tropang Filipino na nakapuwesto sa Ayungin Shoal.

 

 

      At nang hingan naman ng reaksyon ukol sa napaulat na namataang Chinese research vessels sa Benham Rise, winika ng Pangulo na malinaw na pagpasok ito sa Philippine maritime territory nang walang pahintulot at ito’y “of great concern.”

 

 

      Ang presensiya aniya ng Chinese ships sa lugar ay hindi kailangan dahil kung totoo na ito’y research vessel, ang magkabilang panig ay magkakaroon ng simpleng kasunduan para sa research vessels na lumayag sa Philippine waters at magsagawa ng pagsasaliksik.

 

 

      “However, there is a suspicion that they are not only research vessels so, again, this is a bit of an escalation of the tension that is present in the West Philippines Sea,”diing pahayag nito. (Daris Jose)

Mga huwarang fire volunteers pinuri, Valenzuela binalik ang ‘Bantay Sunog’ core

Posted on: March 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA pagsisimula ng Fire Prevention Month, pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pakikipagtulungan sa Bureau of Fire Protection (BFP) – Valenzuela ang isang pagsasanay at seminar para sa mga fire volunteers ng Barangay Lingunan na kilala bilang “Bantay Sunog” na ginanap sa Disiplina Village Lingunan.
Aabot 230 Bantay Sunog volunteers ng Disiplina Village (DV) Lingunan ang lumahok sa isang araw na fire safety training at seminar na naglalayong bigyan ang mga fire volunteer ng kaalaman sa pagtugon sa mga insidente ng sunog at ibalik ang mga pangunahing halaga ng volunteerism.
Bukod dito, nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng 150 extinguisher sa DV Lingunan fire-fighting volunteers kung saan isang fire extinguiser para sa bawat apat na boluntaryo.
Kasabay nito, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang paggawad ng mga sertipiko na pumupuri sa pitong huwarang fire volunteers ng Bantay Sunog na rumesponde para apulahin ang sunog na sumiklab sa housing unit ng DV Lingunan kaya hindi na kumalat ang apoy.
Ang mga pinarangalang volunteers ay sina, Lourdes Nerpelo, Winnie Plaza, Renato Ortiz, Baldomero Villanueva, Rommel Ramo, Lorenzo Diego at Maribel Torres
Sa kanyang minsahe, kinilala ni Mayor WES ang mga fire volunteers. “Alam niyo po, sa mga punto po ng mga ganitong insidente, tayo-tayo rin po ang magtutulungan, wala nang iba. Kaya po natutuwa po ako sa ating pong 7 na volunteers na ibinuwis ang kanilang buhay, ibinigay po ang kanilang makakaya. Hindi na po nag-complain, hindi na po nagsalita, at agad-agad pong kumilos para po tulungan po ang isang kapitbahay natin dito sa Disiplina Village Lingunan.” pahayag niya.
Ang mga fire volunteers na kinilala sa kaganapan ay na-promote bilang mga team leaders ng Bantay Sunog sa DV Lingunan dahil sa kanilang ipinakitang kabayanihan.
Itinatag noong 2009 sa panahon ni Mayor at ngayon Senador Win Gachalian ang mga Bantay Sunog volunteers kung saan sa kasalukuyan ay mayroon na ang lungsod ng 10,000 Bantay Sunog volunteers. (Richard Mesa)

Proseso ng end-of-service benefits inilipat sa DMW

Posted on: March 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INILIPAT na sa Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpo-proseso sa end-of-service benefits (ESB) para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Gitnang Silangan.

 

 

      Sa isang advisory, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang nasabing gawain ay pormal na inilipat sa DMW noong Pebrero 4, 2024.

 

 

“Effective 04 February 2024, the Department of Migrant Workers (DMW) will handle all new End-of-Service Benefits (ESB) applications, claims, and remittances for overseas Filipino workers (OFWs) in the Middle East,” ayon sa DFA.

 

 

“For OFWs in the Middle East whose employment has recently ended, or beneficiaries or next-of-kin of a deceased OFW, new applications for ESB claims must now be submitted to the Migrant Workers Office (MWO) at the Philippine Embassy or Consulate or the DMW in Manila,” ayon pa rin sa departamento.

 

 

Samantala, ipagpapatuloy naman ng DFA ang pagpo-proseso sa aplikasyon para sa ESB claims o remittances na inihain bago ang Pebrero 4, 2024.

 

 

“ESB claims already submitted to the MWO or DMW shall continue to be processed by the MWO or DMW,” ang tinuran ng DFA.

 

 

      Pinapayuhan naman ang mga employers ng OFWs sa Gitnang Silangan na idirekta ang anumang bagong ESB remittances para sa kanilang Filipino employees sa mga itinalagang bank o bank account ng MWO sa pinakamalapit na Philippine Foreign Service Post.

 

 

Samantala, hinikayat naman ng DFA ang mga OFWs at mga benepisaryo na bisitahin ang MWO sa pinakamalapit na Philippine Foreign Service Post para sa mas marami pang impormasyon at tulong para sa kani-kanilang ESB claims.

 

 

      Ang paglilipat ng tungkulin ng ESB sa DMW ay bahagi ng pagsunod ng DFA sa Department of Migrant Workers Act of 2021 (Republic Act No. 11641) at tiyakin ang tuloy-tuloy at episyenteng serbisyo para sa OFWs at kanilang kamag-anak. (Daris Jose)