HINDI ipinagkaila ng Sparkle 10 star na si Ashley Ortega na nahirapan siyang maka-move on sa naging breakup nila ng ex-boyfriend na si Lucena City Mayor Mark Alcala.
Pero marami naman daw natutunan si Ashley sa breakup na iyon. Mas natutunan daw niyang mahalin ang sarili niya.
“Aaminin ko when we broke up talagang I was at my lowest din kasi siyempre na-in-love tayo ng sobra. But what happened before, it was a mutual agreement naman.
“So ngayon, I’m better. Siguro ang natutunan ko lang talaga is to not to depend on others na parang dapat magtira ka para sa sarili mo. I learned to love myself more,” sey ni Ashley.
Naikuwento na noon ni Ashley na dahil sa kanilang mga trabaho kaya nauwi sila sa hiwalayan.
“Naging busy kaming pareho sa work, and siguro isa sa mga naging problem was ‘yung distance. Mark was in the province and he was the newly-elected mayor. I was busy with work, kakatapos ko lang ng ‘Widows’ Web’ no’n and then I started training for ‘Hearts On Ice’.
“Kaya medyo nawala siguro ‘yung connection and communication. We decided to better ourselves individually na mag-focus na lang muna sa career and ayoko naman ipilit pa kung alam naman namin na mas lalo lang magiging toxic.”
After ‘Hearts On Ice’, kasama si Ashley sa historical drama ng GMA na ‘Pulang Araw’ with Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Gaganap siya bilang isa sa mga comfort women during the Japanese occupation sa Pilipinas.
***
SINAGOT nina Jessica Villarubin at Renz Verano ang kanilang natatanggap na negative comments sa social media dahil sa pagpili sa kanila na maging hurado sa na-revived na singing contest ng GMA na Tanghalan Ng Kampeon sa programa na ‘TikToClock’.
Ayon sa netizens: “Di nga marunong si Jessica, ‘di maganda mag-comment.” at “Hindi karapatdapat si Jessica, nasa gilid ‘yan kasi hindi sikat.”
Sagot ng The Clash Season 4 champion: “Nasa gilid po ako kasi nandito po ‘yung angle ko. Sa mga nagsasabi po na hindi po ako karapat-dapat na mag-judge, hindi po ako pumunta sa TiktoClock at sinabi sa kanila na ako na lang po ang mag-judge.
“Pinili po ako ng mga boss namin sa taas po. Doon pa lang po, ‘yung tiwala na ibinigay nila sa akin, napaka-thankful ko po na ako ang napili. There’s always room for improvement naman and willing akong ma-learn at ginagawa ko naman ‘yung best ko.
“Ito na lang po ‘yung last na sasabihin ko, mahal ko po kayo. I-bash niyo na lang po ako nang i-bash okay lang po.”
Ang OPM icon naman na si Renz Verano ay sinabihan ng netizen na: “Si Renz lang ang kilala ko, matanda pa. Dapat ‘yung mga champion sa kantahan ang kunin n’yong judge. Hindi nga marunong mag-appreciate ng talent ‘yan!”
Ito ang naging sagot ni Renz: “Noong 1982 po, ako ho ay sumali sa unang, the first Minus One singing contest sa Pilipinas. Ito po ay interschool. I was a student po ng UP Diliman, ni-represent ko po ang UP sa buong Pilipinas.
“Dahil po ako ay pinalad, ako po ang first grand champion ng first Students Pop Festival. Ako po ay sumali sa banda ng ilang taon. Tapos, ako ay naging vocal coach ng ilang taon din po.
“‘Yung first album ko platinum, ‘yung second album ko po na nandoon po ‘yung Remember Me, 5x platinum. Yung 3rd, 4th, at greatest hits nasa platinum. Noong 1995 nabigyan ako ng Awit Awards Best New Male Recording Artist.”
***
SA edad na 89, aktibo pa rin ang legendary Hollywood star na si Shirley MacLaine.
Katatapos lang niya ng pelikula with ‘Games of Throne’ actor Peter Dinklage na ang title ay ‘American Dreamer’ na isang dark comedy.
“It was one of the greatest experiences of my career. We really hit it off,” sey ng Oscar winner sa co-star niyang 4-time Emmy winner.
Sey naman ni Dinklage: “When you meet somebody like Shirley and her character and it just completely upends what you’ve always thought and makes you see things a whole new way.”
Mag-turn 90 na si Shirley on April 24 at plano niyang i-celebrate ito sa Atlantic City. Nagsimulang maging film actress si Shirley noong 1955 at lumabas siya sa mga pelikulang The Apartment, Sweet Charity, The Children’s Hour, Some Came Running, Around The World in 80 Days, The Turning Point, Gambit, My Geisha, Steel Magnolias, Postcards From The Edge, Coco Chanel at Terms Of Endearment kunsaan napanalunan niya ang Oscar Best Actress noong 1984.
(RUEL J. MENDOZA)