• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2024

Malungkot na ibinalita ni Liza: Repeat concert ni ICE, na-postpone dahil sa severe asthma attack

Posted on: May 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MALUNGKOT ngang ibinalita ng wifey ni Ice Seguerra na si Liza Diño-Seguerra na postponed na ang ‘Videoke Hits: The Repeat ’ ngayong Sabado, June 1 sa Music Museum.

 

 

Ipinost na nga ito ni Liza sa Fire and Ice PH Facebook page para sa mga fans ni Ice at mga nakabili na ng tickets…

 

 

“NOTICE TO ALL THE VALUED PATRONS OF VIDEOKE HITS: THE REPEAT.

 

 

“We regret to inform you that due to Ice’s severe asthma attack, ‘Ice Seguerra’s Videoke Hits: The Repeat’ at the Music Museum, originally scheduled for June 1, 2024, has been rescheduled to June 28, 2024

 

 

“We understand how disappointing this news may be and sincerely apologize for any inconvenience this may cause. Our top priority is Ice’s health, and we are focused on his quick recovery so he can be in tip-top shape for the rescheduled concert.

 

 

“For those who still wish to attend on the rescheduled date, your current tickets will remain valid. Fans who are unable to attend the new date can receive a full refund through their original payment methods via Ticket World or Fire and Ice LIVE.

 

 

“Thank you for your understanding, patience, and unwavering support during this time.

 

 

“For those who could join us, see you at the ultimate videoke party concert on June 28 at the Music Museum!”

 

 

Sabi pa ni Liza sa group chat, “Ice woke up with a severe asthma that affected his voice. We tried to assess hanging last night if his condition will be better, nauna na namin pina-cancel yun gigs niya para makapahinga but in the end.”

 

 

Pero na talaga kakayanin dahil damat 100% ok na si Ice para makapag-perform ng almost 3 hours sa concert at may dance number pa siya.

 

 

Pahayag pa ni Liza, “Yakap. Let’s all wish for Ice to get better soon. For those attending, see you on June 28.”

 

 

Bago pa nga i-cancel ang repeat concert sa Music Museum ay ipinaalam na niya ang may ago schedule ang gigs ni Ice, kasama ang numero na puwedeng tawagan sa gustong mag-refund.

 

Ayon pa sa post ng Fire and Ice PH…
“We appreciate your understanding and support during this time. Please get in touch with the event organizers for any inquiries regarding ticket refunds.
SANTOTITOS: 09777378510
New Schedule: July 3, 2024 (Wednesday)
BAR IX: 09178772279
New Schedule: July 4, 2024 (Thursday)
SUPERSAM: 09778838889
New Schedule: July 5, 2024 (Friday)
Get well soon, Ice!

(ROHN ROMULO)

Umawat sa away… Magkapatid pinagsasaksak, 1 patay, 1 sugatan

Posted on: May 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang 36-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kanyang kapatid matapos pagsasaksakin ng isa sa apat na kalugar makaraang umawat ang mga biktima sa away sa Malabon City.

 

 

Dead-on-arrival sa Makatao hospital sanhi ng tinamong tatlong saksak sa katawan ang biktimang si Marlon Dollete, habang ginagamot naman sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa ibabang bahagi ng dibdib ang kanyang kapatid na si Flaviano, 27, kapwa ng Blk 15, Lot 17, Karisma Ville, Brgy. Panghulo

 

 

 

Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek na sina alyas Ryan, 18, alyas Joven, 28, at alyas Seth, 27, habang pinaghahanap pa ng pulisya si alyas Samboy, nasa hustong gulang, pawang residente ng Alley 9, Karisma, Brgy. Panghulo.

 

 

 

Sa ulat nina PSSg Jeric Tindugan at PSSg Allan Bermejo Jr kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-6:40 ng Linggo ng gabi nang maganap ang insidente sa Karisma Village, Road 4, Brgy., Panghulo.

 

 

 

Sa pahayag ng mga saksi sa pulisya, nag-iinuman ang mga suspek malapit sa naturang lugar nang isang alyas Roderick na nangungupahan sa isang apartment sa lugar ang nagbabala sa kanila na ikinagalit ng mga ito at hinanap si ‘Roderick”.

 

 

 

Nang makita, sinapak ni ‘Ryan’ sa mukha si ‘Roderick” hanggang sa umawat na ang iba pang mga nangungupahan kabilang ang magkapatid subalit, pinagtulungang hawakan ng tatlo sa mga suspek ang mga biktima bago pinagsasaksak ni ‘Samboy’.

 

 

 

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek subalit, naaresto naman sa follow-up operation ang tatlo sa kanila at narekober ang isang bladed weapon (bolo) habang isinugod naman ang mga biktima sa nasabing pagamutan subalit, hindi na umabot ng buhay si Marlon, samantalang inilipat sa TMC hospital ang kanyang kapatid. (Richard Mesa)

Banta ng Tsina na ide-detain ang mga mangingisda sa WPS , ‘act of escalation’- PBBM

Posted on: May 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTURING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na “act of escalation” ang banta ng Tsina na ide-detain ang mga ‘trespassers’ sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Sa panayam ng mga mamamahayag sa sidelines ng kanyang state visit sa Brunei Darussalam, inilarawan ni Pangulong Marcos ang banta ng Tsina bilang “different policy at worrisome development.”

 

 

“The new policy of threatening to detain our own citizens, that is different. That is an escalation of the situation. So, yes, it is now very worrisome,” ang sinabi ng Pangulo.

 

 

Nauna rito, hiningan ng reaksyon ang Pangulo ukol sa four-month fishing ban ng Tsina sa South China Sea, kabilang na ang bahagi ng WPS.

 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang aksyon ng Tsina ay “just an extension again of their claim that this is all the maritime territory of China.” sabay sabing “So, it’s nothing new.”

 

 

“There are sometimes fishing bans because it’s the season. And this is something that we have actually agreed upon before,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Samantala, napaulat na nagpalabas ang Chinese government ng regulasyon makaraan ang kamakailan lamang na pagtatapos ng civilian resupply mission sa mga mangingisdang Pinoy sa WPS. (Daris Jose)

Paglagda ni PBBM sa Eddie Garcia Law na magbibigay proteksyon sa mga manggagawa entertainment industry, ikinatuwa ni Speaker Romualdez

Posted on: May 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IKINATUWA ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos sa Eddie Garcia Law, na magbibigay proteksyon sa mga manggagawa sa movie, television at entertainment industry.

 

 

 

“The tragic loss of Eddie Garcia, a beloved icon in our film and television world, underscored the urgent need for stronger protections for our industry workers. His legacy has inspired us to take action and ensure that no worker has to face unsafe working conditions,” anang speaker.

 

 

 

Ayon kay Romualdez, ang Republic Act 11996, o “Eddie Garcia Law,” ay isang pangako sa mga actors, crew members, at mga nasa idustriya na mabigyang proteskyon sa kanilang trabaho.

 

 

 

Nagkaisa aniya ang Kongreso na ipasa ang panukala sa paniniwala sa importansiya ng dignidad ng bawat mangagawa.

 

 

 

“The entertainment industry is a vital part of our culture and economy, and it’s high time we ensure that those who work tirelessly to entertain us are given the respect and security they deserve,” dagdag nito.

 

 

 

Inaprubahan ng Kamara ang House Bill 1270, o Eddie Garcia Act, sa ikatlo at huling ppagbasa noong Pebrero 2023.

 

 

 

Nilagdaan naman ni Presidente Marcos ang consolidated bills sa RA 11996. (Vina de Guzman)

P125 million confidential funds ni VP Sara Duterte, tinuligsa ng mambabatas

Posted on: May 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINULIGSA ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang idinepensang P125 million confidential funds na nakalaan sa opisina ni Vice President Sara Duterte.

 

 

Ayon sa mambabatas, ang kontrobersiyal na kaso ay hindi lamang “theoretical” kundi naging sanhi para hindi mailaan ang naturang milyong pisong pondo sa mga Pilipino na mas nangangailangan.

 

 

Sinabi ng mambabatas na nilabag ng illegal at unconstitutional transfer ng P125M sa Office of the Vice President para sa confidential funds ang lahat ng rules sa tamang paggamit ng naturang pondo.

 

 

“It represents a massive redirection of public resources away from essential services and towards opaque purposes with no accountability. It is a glaring example of bureaucrat capitalism and should be stopped,” ani Castro.

 

 

Tinukoy  ni Castro ang petition na inihan niya kasama ang iba pang miyembro ng Makabayan Bloc sa Supreme Court na kumukuwestiyon sa constitutionality ng confidential funds na ibinigay sa opisina ng VP noong 2022.

 

 

Ang pondo ay mabilis na nagamit sa loob ng 11-araw lamang, ayon sa Commission on Audit.

 

 

“The petitioners, including myself, Reps. Brosas and Manuel, former Reps. Zarate, Gaite, Cullamat, Palatino, and Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, are seeking the restitution of these P125 million in public funds that were unlawfully used with no oversight. We have asked the Supreme Court to direct COA to fully audit how this money was spent,” dagdag ni Castro.

 

 

Sinabi ni Castro na sa 2022 national budget ay walang alokasyon sa anumang confidential funds para sa civilian agencies tulad ng Office of the Vice President.

 

 

“There was no congressional authorization for the OVP to receive and spend P125 million in confidential funds, in clear violation of our laws,” giit pa nito. (Vina de Guzman)

Vape masama sa kalusugan – DOH

Posted on: May 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa masamang epekto sa kalusugan ng electronic cigarettes (e-cigarettes) at iba pang vape pro­ducts.

 

 

 

Ang babala ay ginawa ng DOH matapos na lumitaw sa isang medical case report na idinukomento ni Dr. Margarita Isabel C. Fernandez at nalathala sa journal Respirology Case Reports, na isang lalaking 22-anyos lamang na walang anumang isyung pangkalusugan ang dumanas ng fatal heart attack, kasunod ng matin­ding pinsala sa baga, na posibleng dulot ng kanyang araw-araw na paggamit ng vape.

 

 

 

Nabatid na ang pa­syente ay na-admit sa pagamutan dahil sa matinding pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga at naranasang heart attack, dulot ng bara sa dalawang major arteries. Nagkaroon din siya seryosong lung condition na kilala bilang e-cigarette or vaping-use associated lung injury (EVALI) at nakitaan ng severe pneumonia-like symptoms sa baga ngunit wala namang impeksiyon na na-detect ng mga doktor.

 

 

 

Nabatid na isinailalim ng mga doktor ang pasyente sa emergency procedure upang buksan ang nabarahan nitong ugat sa puso ngunit lalo lamang lumala ang kondisyon ng pasyente.

 

 

 

Nagkaroon umano ito ng respiratory failure, sanhi upang kailanganin ng mechanical ventilation at tatlong araw lamang matapos siyang maisugod sa pagamutan ay tuluyan nang binawian ng buhay,

 

 

Ayon sa DOH, ang naturang tragic case ay nagpapakita na ang e-cigarettes o vape ay hindi totoong mas ligtas na alternatibo sa paninigarilyo at sa halip ay higit pang naglalagay sa panganib sa mga taong gumagamit nito, partikular na ang mga kabataan. Nagdudulot din ito ng matinding pinsala sa iba’t ibang sistema ng katawan ng tao tulad ng sa puso at baga, na nagiging sanhi ng atake sa puso at EVALI.

Opisyal at empleyado ng isang recruitment agency, arestado

Posted on: May 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang mga opisyal at empleyado ng isang recruitment agency  dahil sa patong-patong na reklamo ng kanilang mga aplikante .

 

 

Nag-ugat ang kaso dahil sa reklamo ng kamag-anak ng isa sa biktima kung saan ang mga aplikante umano ay kinukulong sa tanggapan ng Maanyag International Manpower Corp sa Paranaque City. Ang kanilang pasaporte at iba pang mga travel documents ay hawak din nila sa pangamba na isusumbong sila sa pulisya  kung aalis sila.

 

 

Bunsod nito, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng NBI-CCD na nagresulta sa pagkaka-rescue ng 15 biktima.

 

 

Kinumpirma naman ng mga biktima ang nabanggit na mga reklamo at sinabi nila  kinakailangan umano nilang magtrabaho, kabilang ang paglilinis at paglalaba ng mga damit ng mga kanilang office staff at pamilya nil ana siyang kabayaran sa kanilang mga dokumento, processing fee at airplane ticket pabalik sa kanilang probinsiya.

 

 

Kasong paglabag sa Section 5 of R.A. No. 10022 (Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, as amended); Section 4 of R.A. No. 10364 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003); Estafa sa ilalim ng Article 315  ng Revised Penal Code; at Serious Illegal Detention sa ilalim ng Article 267 ng Revised Penal Code, all in relation to Section 6 of R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012)  ang kinakaharap ng mga inarestong opisyal at empleyado . GENE ADSUARA

Nagastos sa awards night data ibalik ayon kay Divina: ‘Aktor’ nina DINGDONG, nagpahayag na rin ng suporta sa sinapit ni EVA

Posted on: May 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS din pahayag ang ‘Aktor – League of Filipino Actors’ bilang pagsuporta sa beteranang aktres, kaugnay sa nangyaring pambabastos daw ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) sa ginanap na awards night noong Linggo.

 

Hindi nga nagustuhan ng naturang organisasyon ng mga artista sa pangunguna nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual.

 

Sa Facebook post ng Aktor nitong Martes, Mayo 27, sinabi nila na hindi raw nagampanan ng FAMAS ang tungkulin nita sa industriya ng pelikula.

 

“An awards night is a moment of celebration, extending beyond mere victory and trophies. It serves as a gathering for the entire community, offering a chance to unite and acknowledge the talents and artistry of each member,” pinimulang pahayag ng Aktor.

 

Sa pagpapatuloy ng official statement, na kung saan naniniwala silang nagkaroon nga ng pagkukulang ang award-giving body sa kanilang programa…

 

“It is ironic that the event last Sunday, which was supposed to honor the iconic pillars of the country, was marred by an unfortunate incident that happened to one of our respected and beloved peers during a celebration with industry members at one of the oldest award-giving bodies. We are deeply saddened by the seeming lapse in the management of the program.

 

“While acknowledging shortcomings in execution, our aim is to underscore the broader culture surrounding award ceromonies.

 

Dagdag pa ng Aktor na may diin, “We aspire to revive the genuine essence of these events and bring back the glory of these gatherings, by fostering intimate celebrations that recognize excellence and embrace every individual without fear of exclusion and discrimination.

 

“Now, more than ever, it is crucial to safeguard and honor the Filipino film industry, restoring both respect and authenticity to its events.”

 

Sa huli, inihayag ng Aktor ang kanilang mainit na suporta at pakikiisa para kay Ms. Eva.

 

“AKTOR, the League of Filipino Actors, extends its warmest support and solidarity to Ms. Eva Darren.”

 

Hanggang ngayon nga ay mainit pa ring pinag-uusapan ang ginawang pambabastos at pambabalewala raw sa beteranang aktres ng FAMAS sa kanilang awards night matapos na palitan ng baguhang singer para maging presentor sa isang kategorya.

 

Nagreklamo at naglabas ng sama ng loob ang anak na si Fernando de la Pena sa pamamagitan ng Facebook post. Agad namang nag-issue ng public apology ang FAMAS na tinanggap naman ng pamilya ng aktres.

 

Samantala, inalmahan naman ito ni Divina Valencia at umapela sa president of FAMAS sa nangyari sa kaibigan at kapwa-beteranang aktres.

 

Sa kanyang interview, sinabi nito na, “Masakit para sa anak, at sa mga apo na inaasahan nila na gumastos ng ganun make up, hairdo, damit, driver, gas etcetera etcetera, dapat lang Madam Famas, ibalik mo lahat nang nagastos ni Miss Eva Darren.

 

“Yung kahihiyan hindi niya na maibabalik yun, habang buhay nang kahihiyan yun. At hindi lang sa kanya, kungdi kahihiyan ng anak niya at mga apo niya.”

 

Mukhang mahaba-haba pa ang tatakbuhin ng usaping ito at sana talaga ay mabigyan ng tamang hustisya si Ms. Eva Darren.

(ROHN ROMULO)

Mahigit P21-M na halaga ng pinsala sa agrikultura sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Aghon

Posted on: May 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa mahigit Php21-million na halaga ng tinamong pinsala ng sektor ng agrikultura sa naging pananalasa ng Bagyong Aghon sa Pilipinas.

 

 

 

Batay sa inilabas na monitoring update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, papalo sa kabuuang Php21,651,548 ang halaga ng iniwang Agricultural damage ng naturang bagyo sa bansa.

 

 

 

Sa datos, nasa kabuuang 369 na mga magsasaka at mangingisda ang tinatayang lubha rin na naapektuhan ng nasabing sama ng panahon matapos masira rin ang aabot sa 292.9 hectares ng mga pananim, gayundin ang mga napinsalang livestock, poultry, at fisheries na tinatayang may katumbas na halaga na aabot sa Php448,300.

 

 

 

Samantala, kaugnay nito ay tiniyak naman ng pamahalaan na magpapatuloy pa rin ang kanilang mga ipinaaabot na tulong para sa mga indibidwal na naapektuhan ng nagdaang kalamidad partikular sa mga nasa industriya ng agrikultura upang matulungang muling makabawi ang mga ito sa kanilang mga nawasak na kabuhayan nang dahil sa Bagyong Aghon. (Daris Jose)

PBBM, alam na may hakbang para palitan ang Senate President

Posted on: May 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alam niya na may mga pagkilos na palitan si dating Senate President Juan Miguel Zubiri.

 

 

“‘When did I know? The minute they started… actually, it was Senator Chiz (Escudero), the minute he started thinking about it, he brought it up, I think I’m going to try to lead the SP (Senate President)…” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

”And… I did not speak to any parties at any point simply because I was out of town, if you remember on that day, noong umaga, I was asked if I would issue a statement on the change of leadership and I said bakit nagchange na ba?,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sabay sabing “Well, mayroong gumagalaw… and when I landed back in Manila at three or four in the afternoon, saka lang, tapos na…”

 

 

“‘Nag-change na, nagstep down na si Senator Migz. so that’s the extent, that’s how… I was basically informed every step of the way but it moves so quickly as well. But of course, we knew the state of the voting when that was still being collected by Senator Chiz. Alam na namin ‘yung lalabas na numero,” lahad nito.

 

 

Giit at bilang paglilinaw ni Pangulong Marcos, wala siyang kamay sa pagbabago sa liderato ng Senado dahil ”That was made by the Senate.”

 

 

May mga lumabas kasi na ulat na may ‘kamay’ ang Malakanyang sa pagpapatalsik kay Zubiri bilang Senate President matapos na mabigyan-diin sa resignation speech ni Zubiri ang independensiya o kalayaan ng Senado bilang institusyon.

 

 

Sa kabilang dako, tinuran naman ni Zubiri na ang kanyang pagkabigo na sumunod sa ‘instructions’ mula sa mga may kapangyarihan ang maaaring dahilan kung bigla siya naharap sa ganitong problema.

 

 

“I have never dictated my position to any of you, and I always supported your independence—which is probably why I face my demise today. I failed to follow instructions from the powers that be,” ayon kay Zubiri sa kanyang valedictory speech bago pa siya palitan ni Escudero.

 

 

Samantala, wala namang ideya si Pangulong Marcos kung ano ang ibig sabihin ni Zubiri.

 

 

”I guess if you are Senate President the only power that be is the President. So, I am not sure what he is referring to, if there is a specific instance or just as a general principle. I don’t know, I have not spoken to him about it,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

”So, it’s hard for me to answer simply because I am not sure what he’s referring to because what instructions could that be that hindi niya natapos. Yes, that’s still unclear to me what he’s referring to,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Escudero sa mga taong nasaktan niya at nga kanyang mga kaalyado, sa proseso ng paghahangad na makuha ang top post sa Senado.

 

 

“Hinihiling ko po ang inyong paumanhin kung may naabala man kami, kung may nasaktan man po kami, kung meron man po kaming naapakan na mga paa, sana tanggapin niyo ang aking buong pagpapakumbabang paghingi ng tawad,” ayon kay Escudero. (Daris Jose)