• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 30th, 2024

Dakota Fanning leans into the mysterious in horror-thriller “The Watchers”

Posted on: May 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“When Dakota came in, she brought this kind of texture with who she is, which is this effortless cool girl. She put the last piece into place and made Mina real for us,” writer-director Ishana Night Shyamalan shares how actress Dakota Fanning came into her feature debut “The Watchers” and transformed as the main character, Mina. Mina gets caught in an enclosure with a group of strangers, deep within the forests of Ireland. Mysterious creatures start visiting them every night, and the film follows the journey of unraveling what the creatures want and why the group is being watched.

Watch the trailer: https://youtu.be/h2XVGwLXQlE

Mina was a work in progress throughout the formation of the film. “Building Mina was an interesting process, because I think she didn’t really exist in full until we began shooting,” Shyamalan explains. “She was slightly ambiguous to me but Mina represents the audience: she speaks to being young in this modern world. I think in a lot of ways, she represents the cynicism and dissociation that a lot of us feel nowadays.”

Fanning lays out what she understands about the role she was tasked to perform, and parallels between her and Mina. “Mina is a young person who’s in this stagnant period of her life; she’s searching for something and stumbles upon this supernatural experience. But, I could relate to this phase of the “in between” in a young woman’s life,” she says. “You’re not super young and you’re not older either, trying to figure out who you are and what you want to do. I could see that in the character and, in speaking to Ishana, I think we both could relate to that.”

Fanning goes deeper into the mystery of “The Watchers” and the other characters trapped with Mina in the coop. “Mina first comes across the other characters by getting basically sucked into this forest and stumbling upon what she later figures out is called the coop, which is this strange structure—she’s pulled in, the door is locked, and she meets these three characters,” she says. “There’s almost a cult-like feeling and it’s confusing—there are these strange rules that she has to abide by. The situation is kind of unexplainable—Madeline [Olwen Fouéré], Ciara [Georgina Campbell], and Daniel [Oliver Finnegan] almost can’t even explain it either, which is even more disconcerting for Mina.”

Overall, Fanning anticipates that “The Watchers” would bring something exciting for audiences into horror and thrillers. “I think it’ll definitely appeal to thriller lovers and horror lovers. It has so many of those aspects. There’s also this psychological element to it—I think for a lot of the movie you’re not even sure what you’re scared of, but you know you’re scared,” she says. “I love films like that. It has so many different aspects of a thriller and of a horror film—just the right amount of scares and gore and violence—but also subtlety. And mixed in with it all is some Irish folklore. It’s a wonderful combination.”

Unravel the mystery when The Watchers arrives in Philippine cinemas on June 5.

 

(ROHN ROMULO)

Dinagsa ng mensahe ang pekeng Facebook account: JUDY ANN, masaya sa buhay at walang pinagdadaanan

Posted on: May 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKALOKA ang isang pekeng Facebook account na nagkukunwaring si Judy Ann Santos.
Sa isang recent post kasi nito ay tila nagpapahiwatig ito na may pinagdadaanang matindi sa buhay si Judy Ann. Na kesyo nasasaktan na nang husto ang aktres at gusto  ng sumuko.
Dinagsa tuloy ng napakaraming mensahe ang naturang FB account sa pag-aakala ng mga netizens at fans na si Juday nga ang ka-message nila, mga taong concerned at nag-aalala kung ano ang pinagdadaanan ni Judy Ann.
Pero iyon na nga, FAKE ang naturang FB page st hindi iyon kay Juday.
May personal FB account si Juday pero ilang taon na niya itong hindi ginagamit at binubuksan.
May isa namang official FB page si Judy Ann na para sa mga ganap niya sa kanyang career bilang aktres at endorser, pati na rin mga ganap sa ‘Judy Ann’s Kitchen’ na balik-Youtube na muli at ang Angrydobo branches sa Alabang at sa Taft.
Ilang beses na ring ni-report ang naturang peke na FB page pero tila wala pang nangyayari.
Happy si Judy Ann sa buhay niya at walang katotohanan ang nasabing post.
***
MULI na namang nakatanggap ng pagkilala ang top-rating GMA medical drama series na “Abot-Kamay Na Pangarap.”

 

 

 

 

Kinilala ang serye bilang TV Series of the Year (Afternoon) sa 5th Village Pipol’s Choice Awards. Personal namang tinanggap ni Sparkle artist Jeff Moses ang award bilang Promising Male Star of the Year. Gumaganap siya sa serye bilang si Reagan, isa sa mga kaibigan ni Doc Analyn (Jillian Ward).

 

 

 

 

Kamakailan lang, nakatanggap din ng parangal ang programa mula sa 2024 Box Office Entertainment Awards bilang Popular TV Program Daytime Drama. Kinilala rin ng award-giving body ang husay sa pag-arte nina Jillian at Richard Yap.

 

 

 

 

Congratulations, Team Abot-Kamay Na Pangarap!  

(ROMMEL L. GONZALES)

Puring-puri sa pagiging Vice Governor: EJAY, magtatapos sa special course tungkol sa Local Governance

Posted on: May 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISA ang aktor na si Ejay Falcon sa mga taga-showbiz na natagumpay na pasukin ang mundo ng pulitika. 
Kasalukuyang nakaupo bilang bise gobernador ng Oriental Mindoro si Ejay.
Kahit na tuloy tuloy pa ring tumatanggap ng showbiz projects ay hindi rin naman napabayaan ng aktor/politician ang kanyang pagiging public servant.
Kinayang pagsabayin ang kanyang trabaho bilang Vice Governor at artista.
Puring-puri nga ng kanyang mga constituents si Ejay dahil sa super enjoy ngayon sa kanyang pagseserbisyo-publiko at sa first love niya bago siya naging politiko, ang showbiz.
Sey pa ni Ejay na mas marami pa rin siyang oras na inilalaan sa pagiging vice-governor kesa sa paggawa ng pelikula at teleserye.
At kahit kaliwa’t kanan ang mga ginagawa masaya ring ibinalita ni VG Ejay na malapit na niyang matapos ang pag-aaral ng special course na Political Science Major in Local Governance sa University of Makati.
Kagaya rin naman ng Star for All Seasons na naging mayor, gobernadora at congresswoman ay nag-enroll at natapos ni Ate Vi ang crash course tungkol sa local governance at ang pagawa ng mga batas.
Humingi rin ng despensa si VG Ejay sa mga invitations na hindi niya napuntahan sa kanilang probinsiya dahil inilaan niya ang araw para sa kanyang pag-aaral at sa ilang showbiz affairs.
“Kasi nasa Manila talaga ako nun, Friday hanggang Sunday. So yun, yun yung schooling,” ang pahayag pa niya. 

“Pagdating diyan, kailangan mong pag-aralan lahat yan para maka-survive ka, and para alam mo kung paano ang gagawin sa pinasok mong propesyon,” tuloy-tuloy pang paliwanag ng bise gobernador.
***
GANAP ng batas ang RA 11996 na mas kilala bilang “Eddie Garcia Law”.
Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasabing batas na kung saan regular na rerepasuhin ang working conditions sa industriya ng pelikula at telebisyon para maprotektahan ang mga showbiz workers.
Ang RA 11996 ay ang panukala na naglalayong maprotektahan ang kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Ayon sa nasabing bagong batas ay inaatasan nito ang mga employer na protektahan ang kanilang mga manggagawa at magpatupad ng mga oras ng trabaho, sahod at iba pang benepisyo na may kaugnayan sa pasahod.
Napapaloob din sa naturang batas ang pagbibigay ng SSS (Social Security System) at iba pang benepisyo, pa­ngunahing pangangailangan, kalusu­gan at kaligtasan, kondisyon at pamantayan sa pagtatrabaho at insurance.
Ang ‘Eddie Garcia Bill’ ay isinulong sa Kongreso matapos maaksidente ang 90 taong gulang na aktor habang nasa movie set sa Tondo, Maynila noong 2019.
Matapos ang dalawang linggo na pagkaka-comatose ay pumanaw ang beteranong aktor.
Base sa batas, bago sumabak sa trabaho ang isang aktor o empleyado sa telebisyon at pelikula dapat ay may kasunduan o employment contract muna na lalagadaan sa lenguwaheng mauunawaan ng bawat partido.
Ang sinumang mapapatunayang lumabag sa nasabing batas ay pagmumultahin ng hanggang P100,000 sa unang paglabag, hanggang P200,000 sa pangalawa at hanggang P500,000 sa ikatlo at susunod pang mga paglabag.
(JIMI C. ESCALA)

Sa prestigious Jinseo Arigato International Film Festival: Direk NJEL, pinarangalan bilang ‘Best International Film Director’

Posted on: May 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS maglunsad ng anim na pelikula nang sabay-sabay, naipanalo na naman ni Direk Njel de Mesa ng NDMstudios ang ating bayan sa prestihiyosong Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan.
Pinarangalan si Direk Njel ng “Best International Film Director” Award sa malaking Nagoya Trade and Industry Center sa Nagoya, Japan. Ang award ay ginawad ng Office of the Consulate General (Consul General Roy Ecraela), Nestor Puno ng Filipino Community in Central Japan (FCCJ), Takuji Sawada ng “The Earth” bilang special citation award para sa kahanga-hangang galing niya sa paglikha ng pelikula.
Ayon sa pahayag ni Mr. Raoul Imbach (isang Swiss French na Jury Member, Musiko, at Consul ng Switzerland), “Although he is already an award-winning artist several times over—and do not need recognition—we still want to give him a symbol of how the Filipino-Japanese community appreciates everything he does for the city, the Philippines and Japan.” 

Layunin nailing palakasin ang turismo sa Nagoya kung kaya’t naglunsad nang ganitong proyekto. Dumalo ang representative ng Mayor mismo ng Nagoya, Japan.
Ang ilan pang nagwagi sa JAIFF2024 ay sina Nora Aunor bilang “Hall of Fame International Actress”, si Arci Muñoz bilang “Best International Filipino Actress”, Alden Richards bilang
“Best International Filipino Actor”, at ang Sparkle ng GMA Network bilang “Best Filipino Artist & Talent Management”.
Pati si Sen. Bong Go at Chief Persida Acosta ay ginawaran ng special citation awards para sa kanilang public service na may kinalaman sa sining. Dumalo rin si Jared Dougherty VP ng Sony Pictures Asia at si Atty. Annette Gozon-Valdes na Senior VP ng GMA.
***

BOSS TOYO, ROSMAR at DIWATA, nakisaya sa first-ever ‘VapeFest’

 
NAGING matagumpay ang first-ever VapeFest ng two of the leading vape brands, ang Shift and Chillax na nag-launch ng collaboration na ginanap sa Metrowalk, Pasig City  last May 24, 2024.
Dinaluhan nang higit sa 50 top social media influencers na pinangunahan nina Rosmar, Boss Toyo, Aya Mendez, Bogart at Diwata na talaga namang pinagkaguluhan at marami ang gustong magpa-picture sa kanya.

Super happy raw si Diwata na isa siya sa kinuhang endorser ng Shift and Chillax at lumalabas pa rin sa FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.

Anyway, pinagbibigyang lahat ni Diwata ang lumalapit sa kanya para magpa-picture at mag-interview. At naiintindihan namin ang inirason nito ukol sa mga pumupuna sa kanya na nagbago o lumaki na ang ulo.

At lalong magiging abala si Diwata ngayon dahil noong Linggo, binuksan ang isa pa niyang paresan sa Visayas Ave, Quezon City.

Lahat daw ng kinikita niya ngayon ay inilalagay niya sa magandang bagay at hindi niya iniisip mag-dyowa.

Anyway, bongga ang naganap na VapeFest dahil nagpa-raffle ng isang car, big bikes and scooters na worth five million pesos, kaya napakaswerte nang mga nanalong guests sa naturang event ng Shift and Chillax na available na ang new products na may 15 different puffs na pagpipilian.
 
 
(ROHN ROMULO)

Ads May 30, 2024

Posted on: May 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments