• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 21st, 2024

Minimum wage hike sa NCR, kasado sa Hulyo – DOLE

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG pagsapit ng kalagitnaan ng Hulyo ay maaaring maitaas na ang minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

 

 

 

Ito’y kasunod na rin nang nakatakda nang pagdaraos ngayong Huwebes, Hunyo 20, ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng public hearing hinggil sa petisyong umento sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

 

 

 

Sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay media forum, sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na maaaring mailabas ang bagong kautusan, bago ang anibersaryo ng pinakahu­ling wage order sa Hulyo.

 

 

 

Ayon kay Laguesma, base sa kasaysayan, ina­aprubahan ng RTWPB ang umento sa sahod matapos ang deliberasyon.

 

 

 

Pagtiyak pa niya, “Ang lahat ng naging deliberation ng wage board magkaroon ng dagdag.”

 

 

“Although, sinasabi siyempre na maliit at hindi sapat, pero ang bottom line meron dagdag,” pahayag pa ng kalihim.

 

 

 

Aniya pa, pinasimulan ng RTWPB sa NCR ang proseso noong Mayo kasunod na rin ng direktiba ni Pang. Marcos, kahit wala pang petisyon para sa wage hike.

 

 

 

Gayunman, kamakailan ay isang pormal na petisyon na rin ang inihain ng mga labor groups na humihingi ng P500 na umento sa daily wage ng mga manggagawa sa NCR.

 

 

 

Nabatid na ang kasalukuyang daily minimum wage rate sa NCR ay P610.

CHR, kinondena ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng mga law enforcers

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HAYAGANG kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang anumang uri ng karahasan na ginawa ng apat na pulis na pinatay ang isang mag-ama sa isinagawang illegal drugs operation sa Caloocan City noong 2016.

 

 

Pinuri naman ng Komisyon ang naging hatol na homicide ni Caloocan City Regional Trial Court Judge Ma. Rowena Violago Alejandria noong Hunyo 18 laban kina P/Msgt. Virgilio Q. Cervantes, P/Cpl. Arnel De Guzman, P/Cpl. Johnston M. Alacre at P/Cpl. Artemio Saguros Jr. para sa pagpatay kina Luis Saldana Bonifacio at sa kanyang 19 na taong gulag na anak na si Gabriel noong Setyembre 15, 2016.

 

 

Ang mga pulis ay sinentensiyahan na makulong mula anim na taon , walang buwan at 21 araw hanggang 10 taon.

 

 

Pinagbabayad din ang mga ito sa mga naulila ng mag-amang biktima ng P100,000 para sa actual damages; P100,000 para sa civil indemnity; P100,000 para sa moral damages; at P100,000 para sa temperate damages.

 

 

Sa kalatas na ipinalabas ng CHR sinabi nito na ito’y “denounces any form of violence, particularly when perpetrated by those entrusted with the duty to protect all citizens, especially the vulnerable individuals from the poor sector.”

 

 

Tinukoy din nito na “unjustified killings committed by law enforcers are not only blatant violations of the law but also manifest grave abuse of authority and transgress against the principles of humanity and the right to life.”

 

 

Sinabi pa ng CHR na ang desisyon ng Caloocan City RTC ay “a significant step towards achieving justice and accountability for the victims of human rights violations in relation to the anti-drug campaign of the previous administration.”

 

 

“We hope that this ruling will signal the start of sustained and consistent progress in addressing the serious human rights violations associated with these operations,” ayon sa CHR.

 

 

Winika pa ng CHR na “The RTC ruling highlights the importance of respect for human rights, due process, and the rule of law, in any campaign, including in the pursuit of crime prevention and drug control. Only by respecting fundamental human rights can we achieve genuine peace and order and true justice in our society.”

 

 

Samantala, ganap naman ang suporta ng CHR sa nagpapatuloy na committee hearings sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa mga napaulat na kaso ng extra-judicial killings (EJKs) sa panahon ng drugs operations ng nakalipas na administrasyon.

 

 

“These deaths represent far more than mere statistics; they represent the loss of individual lives and the impact of violence on families and communities. It is imperative that we continue to sound the alarm; ensure that their stories are heard and acted upon; and, that such injustice will not be repeated,” ayon sa Komisyon.

 

 

“We remain hopeful that these comprehensive deliberations will lead to more prosecutions and deliver justice to the many families devastated by these unlawful acts,” dagdag na pahayag ng CHR. (Daris Jose)

LRT 1 Cavite Extension matatapos sa 2031

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG opisyal ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang operator ng Light Rail Transit Line 1, ang nagsabing sa taong 2031 pa matatapos ang Transit Line 1 (LRT1) Cavite Extension.

 

 

 

“For Phase 2 and 3, we are having meeting with the Department of Transportation (DOTr) to be able to commence the construction. We have to clarify few points before we proceed. In terms of length of construction and pre-activities prior to construction such as financial closure, all the other pre-requisites for the construction, we hope that by 2031, ROWs 2 and 3 would be completed. There are preliminary works already started as far as right of way acquisition is concerned,” wika ni LRMC general manger Enrico Benipayo.

 

 

 

Ang nasabing proyekto ay may halagang PHP 65.915 billion at ito ay binibigyan ng pondo mula sa hybrid model na may PHP 17.80 billion mula sa official development assistance (ODA) na galing sa Japan International Cooperation Agency (JICA).

 

 

 

May pribadong sektor din ang nagbigay ng pondo tulad ng LRMC na nagkakahalaga ng PHP39.57 billion habang ang pamahalaan ay nagbigay ng pondong PHP7.55 billion.

 

 

 

Ito ay may tatlong bahagi at inaasahang makapagdadagdag ng 300,000 pasahero sa araw-araw na ridership ng LRT 1 na magkakaron ng kabuohang 800,000 na pasahero sa unang taon ng full operation ng LRT 1 Cavite Extension sa taong 2031.

 

 

 

Ang proyektong nasabi ay siyang magdudugtong sa Manila at Cavite na mababawasan ang travel time mula Baclaran sa Pasay papuntang Niog, Cavite na magiging 25 minuto train-ride na lamang mula sa dating 1 oras at 10 minuto pagbibiyahe sa lansangan.

 

 

 

Sa Phase 1, ang completion rate ay tinatayang 98.2 na porsiento na hanggang noong katapusan ng April 2024 kung saan ang pagtatayo ay on time naman. Magkakaroon ng karagdagang 6.2 kilometro mula sa existing na LRT 1 mula sa istasyon ng Baclaran sa lungsod ng Pasay hanggang istasyon ng Dr. Santos sa lungsod ng Paranaque.

 

 

 

Ang Phase 1 ay inaasahang magiging operasyonal bago matapos ang taon kung saan ito ay makapagsasakay ng 600,000 na pasahero kada araw.

 

 

 

May limang (5) istasyon ang ang Phase 1 na may kanya-kanyang stages ng completion ng construction ngayon. Ang estasyon ng Redemptorist ay may 97.4 porsiento; Manila International Airport ay 97.2 porsiento; Asia World ay 90.4 porsiento; Ninoy Aquino ay 93.5 porsiento at ang huling estasyon sa Dr. Santos ay may 97.7 porsiento.

 

 

 

“LRT 1 Dr. Santos Station, the end terminal for Phase 1, will serve as a major transit hub. Passengers will have seamless access to various modes of transportation through intermodal facility. The intermodal facility is located with access to and from Dr. A. Santos Avenue and C5 Road Extension and will have designated bays for public buses, jeepneys, taxis, private cars, motorcycles, as well as dedicated parking slots for PWDs,” wika ni Benipayo.

 

 

 

Ayon naman kay DOTr Secretary Jaime Bautista na ang intermodal transport hub ay magbibigay ng iba’t ibang choices ng mode ng transportasyon sa mga pasahero na baba ng LRT 1 Extension.

 

 

 

“The LRT 1 Cavite Extension will contribute to easing the traffic. With the operations of the project, there would be plenty of connectivity to PITX. I think, it will help many passengers, as well as to the airport. With this, it will improve accessibility and comfort to the riding public,” dagdag ni Bautista.

 

 

 

Ang pamasahe naman ay magkakaron  rin ng PHP 13.29 boarding fare at para naman sa distance fare ay PHP 1.21 naman na katulad din ng  LRT 1 at LRT 2. LASACMAR

“POKWANG” todas sa pamamaril sa Caloocan

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BUMULAGTA ang duguan at walang buhay na katawan ng 34-anyos na babae matapos barilin sa mukha ng hindi kilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa mukha ang biktima na nakilala lang sa alyas ‘Pokwang’, 34, at residente ng Barangay 28 ng nasabing lungsod.

 

 

Nabatid na habang nakaupo umano ang biktima sa tapat ng isang bahay sa Martinez Extention, Brgy. 28, dakong alas-7:00 ng gabi nang lapitan siya ng nag-iisang salarin at agad na pinaputukan ng dalawang ulit sa mukha.

 

 

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang salarin sa hindi matukoy na direksyon habang naiwan naman ang duguan at nakahandusay na katawan ng biktima.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaslang. (Richard Mesa)

2 drug suspects tiklo sa drug bust sa Caloocan

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LAGLAG sa selda ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

 

Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay P/Col. Paul Jady Doles, Acting Chief of Police ng Caloocan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities nina alyas ‘Totong’ at alyas ‘Dogong’ kaya ikinasa nila ang buy bust operation kontra sa mga ito.

 

 

 

Isang undercover pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek at nang tanggapin nila ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba dakong ala-1:04 ng madaling araw sa Corinthians St., Brgy., 177.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P47,600 at buy bust money na isang P500 bill at anim pirasong P6,000 boodle money.

 

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (Richard Mesa)

Estudyante sa Pinas, may ‘pinakamababang’ performance sa creative thinking

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAHUHULI na ang mga estudyante ng Pilipinas pagdating sa ‘creative thinking’ kumpara sa mga estudyante sa ibang bansa.

 

 

Sa katunayan, makikita ito sa 2022 cycle ng Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan sinukat ang ‘creative thinking’ o “ability to generate, evaluate and improve ideas to produce original and effective solutions, advance knowledge and create impactful expressions of imagination” ng isang 15 taong gulang na estudyante.

 

 

Sa iskor na 14, ang Pilipinas ay nasa 60 rank mula sa 62 mga bansa at ekonomiya na sumali sa assessment.

 

 

“Students in Philippines have among the lowest performance in creative thinking,” ayon sa PISA.

 

 

“The observed creative thinking performance in Philippines is lower than the expected performance, after accounting for performance in reading,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, nakapagtala naman ang Singapore ng mas mataas na iskor kaysa sa lahat ng iba pang nagpartisipang bansa at ekonomiya sa creative thinking.

 

 

Ang mga estudyante sa Korea, Canada, Australia, New Zealand, Estonia, Finland, Denmark, Latvia, Belgium,  Poland at Portugal ay nakagawa ng mas mataas sa OECD [Organization for Economic Cooperation and Development] average.

 

 

Samantala, makikita naman sa naunang isinagawang pag-aaral ng PISA na ang mga estudyanteng Filipino ang itinuturing na “lowest scorers” sa pagbabasa, matematika at agham. (Daris Jose)

Ads June 21, 2024

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments