• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 11th, 2024

Interns at mga dating OFW, tinanggap ng Navotas

Posted on: July 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TUMANGGAP muli ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ng mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa gobyerno at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternative livelihood. Sila ay magsisilbi sa pamahalaang lungsod mula July 2 hanggang November 29, 2024 at tatanggap ng suweldo na P610 kada araw. (Richard Mesa) 

Mamale Site 8 pumping station

Posted on: July 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAYROON na ngayon 81 pumping station ang Navotas City na panlaban sa mataas na baha tuwing high tide o may bagyo, kasunod ng pagbabasbas pagpapasiya sa MAMALE SITE 8 pumping station sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco, at Congressman Toby Tiangco, at iba pang mga opisyal ng lunsgod, bilang bahagi ng ika-17th cityhood anniversary ng Navotas. (Richard Mesa)

P340K droga nasabat sa 2 HVI sa Valenzuela drug bust

Posted on: July 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.3 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng umaga.

 

 

 

 

Sa ulat ni PMSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation kontra kina alyas ‘Lupa’, 37, at alyas ‘Bukol’, 43, kapwa residente ng Brgy. Mapulang Lupa.

 

 

 

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang SDEU hinggil sa patuloy umanong pamamayagpag ng mga suspek sa pagbebenta ng illegal na droga hanggang sa magawa nilang makipagtransaksyon sa mga ito.

 

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba dakong alas-5:40 ng umaga sa harap ng isang eskuwelahan sa Avocado Ext., Brgy. Mapulang Lupa.

 

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P340,000, buy bust money na isang P500 bill at 8-pirasong P1,000 boodle money, P200 recovered money, cellphone at coin pouch.

 

 

 

Sa record ng SDEU, ilang beses ng naaresto ang mga suspek dahil sa pagbebenta ng illegal na droga.

 

 

 

Sasampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 under Article II of RA 9165 or Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

 

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Valenzuela police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. (Richard Mesa)

US-Philippines nuclear deal, pinaiimbestigahan

Posted on: July 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NANAWAGAN si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro sa pagsasagawa  ng agarang imbestigasyon sa kalalagdang civil nuclear cooperation agreement sa pagitan ng United States at Pilipinas.
Dahilan ng mambabatas, ang magiging epekto ng nasabing kasunduan nito sa public safety at kalikasan.
Sa House Resolution 582, isinusulong ng mambabatas na maimbestigahan ang “123 Agreement” kung saan pinapayagan ang US na mag-export ng nuclear equipment and material sa Pilipinas.
“The newly signed civil nuclear cooperation deal between the US and the Philippines was the fastest negotiated in the history of such agreements because of the extremely unequal status of the two countries; one is the neo-colonizer while the other is the neo-colony,” ani Castro.
Sinabi nito na sa sandaling maipatupad ang 123 Agreement ay magkakaroon ng legal na basehan para sa US exports ng nuclear equipment and material sa bansa.
“Ibang usapin kung simpleng research o pag-aaral lang sa nuclear energy pero ang mahirap dito baka tayong mga mamamayang Pilipino ang ma-123 at maging mga guinea pigs ng teknolohiyang ito na tinetesting pa lang ng US,” dagdag nito.

Nagpahayag din ng pangamba ang mambabatas sa potensiyal na nuclear accidents dahil mahirap umano ang ganitong teknolohiya bukod pa sa posibleng nuclear leaks na maaring mangyari lalo pa sa iba pang gagamitin nila na ‘high-temperature gas reactor.

“and its fuel source, known as high-assay low enriched uranium tristructural isotropic fuel pellets ay kayang magkalat ng radioactivity sa malawak na lugar at maaaring pumatay sa mamamayan, mga hayop at mga puno, iko-contaminate din nito ang kalupaan.” (Vina de Guzman)

NAVOTAS NAGBIGAY NG TRABAHO SA INTERNS AT EX-OFWS

Posted on: July 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINUKSAN muli ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinto nito para sa mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa gobyerno at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternative livelihood.

 

 

Nasa 22 beneficiaries ng Navotas Government Apprenticeship Program (NGAP) ang magsisilbi sa pamahalaang lungsod mula July 2 hanggang November 29, 2024. Sa mga ito, 20 ang college graduates at dalawa ang nakatapos sa senior high school.

 

 

Ang programa ay naglalayon na magbigay ng oportunidad sa trabaho sa mga Navoteño na may edad 18-35 na nagtapos sa 2 o 4-years tertiary course o nakatapos sa K-12 curriculum.

 

 

Samantala, 24 Navoteños ang naka-enrol sa OFW Emergency Employment Program kung saan ang mga kwalipikadong aplikante ay mga dating OFW na may edad 20-55 na pinauwi at hindi nag-renew ng kontrata sa ibang bansa mula noong 2024.

 

 

“Public service is a noble calling, and I am grateful to all who answer it. Our apprentices and returning OFWs bring fresh perspectives and invaluable experience to our city government. I am glad to see them join our ranks through these programs,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

“In Navotas, we believe in the power of opportunity. By investing in our youth and supporting our returning OFWs, we not only give them the means to earn their livelihood but also to harness their potential to contribute to the growth and stability of our city,” dagdag niya.

 

 

Ang NGAP at OFW Emergency Employment Program beneficiaries ay tatanggap ng suweldo na P610 kada araw.

 

 

Ang parehong programa ay pinondohan sa pamamagitan ng Navotas Gender and Development Focal Point System. (Richard Mesa)

Rep. Camille Villar, nagbabala sa publiko hinggil sa mga scammers na ginagamit ang kanyang pangalan

Posted on: July 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NAGBABALA sa publiko si Las Pinas Rep. Camille Villar sa mga scammers na nagpapakilala o nagi-impersonate sa mambabatas.

“It has come to my attention that several persons or entities have been unscrupulously using my name and pretending to be my representatives to defraud unwitting victims,” ani Villar.

Nag-aalok ang nagpapakilalang kongresista ng business opportunities o investments upang lokohin ang publiko.
“Please be aware that these claims are false and are intended to scam the public,” anang mambabatas.
Pinayuhan ni Villar ang publiko na kung makakatanggap ng ganitong mensahe ay agad itong i-ulat sa otoridad.
Ang anuman aniyang lehitimong business opportunities o announcements na manggagaling sa mambabatas ay ilalagay o ipo-post sa official social media accounts ni Villar. (Vina de Guzman)

Dating adviser ni Duterte idinawit sa iligal na droga, ipinaaaresto ng Kamara

Posted on: July 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
IPINAG-UTOS ng House Committee on Dangerous Drugs ang pag-aresto sa negosyanteng si Michael Yang matapos itong ma-cite in contempt dahil sa patuloy na hindi pagdalo sa imbestigasyon kaugnay ng P3.6 bilyong halaga ng shabu na nasamsam sa isang operasyon sa Mexico, Pampanga noong 2023.
Si Yang, na naging adviser ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang sinasabing incorporator ng Empire 999 Realty Corp., na nagmamay-ari ng bodega sa Mexico, Pampanga kung saan dinala ang P3.6 bilyong halaga ng shabu.
Kapag naaresto, si Yang ay inaasahang makukulong ng 30 araw sa Bicutan Jail sa Taguig City. Ayon sa rekord, si Yang ay umalis patungong Dubai noong Mayo 12, 2024.
Si Yang ay na-cited in contempt ng komite na pinamumunuan ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbres dahil sa paulit-ulit na pagbabalewala sa imbitasyon ng komite ni Barbers at pinadalhan na rin ng subpoena noong Hunyo 24.
“Since he is not present, pursuant to our rules on Section 11, if I may read, the Committee may punish any person for contempt by a vote of two-thirds of the members present,” ayon kay Barbers.
Sa quorum na 10 miyembro, ipinatupad ng komite ang patakaran at pinagtibay ang mosyon ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano
“Citing the violation committed by Mr. Michael Yang under Section 11, Paragraph A, for refusing without legal excuse to obey summons and invitations, there is a motion to cite Mr. Michael Yang in contempt. The motion is duly seconded, and hearing no objection, the Committee is now citing Mr. Michael Yang in contempt,” dagdag pa ng mambabatas.
Iniutos ni Barbers sa kalihim ng komite na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP), sa House Sergeant-at-Arms, sa National Bureau of Investigation, at iba pang mga ahensya ng batas upang ihain ang warrant of arrest kay Yang.
Si Yang ay inimbitahan sa pagdinig matapos na matuklasan na si Lincoln Ong, isang opisyal ng Pharmally at umano’y kasosyo ni Yang, ay isa sa mga incorporator ng isang kompanya na may kaugnayan sa Empire 999 at iba pang mga kumpanya.
Ayon kay Barbers, ang testimonya ni Yang ay mahalaga sa pagbubunyag ng ugnayan ng ilegal na smuggling ng droga na iniuugnay sa Empire 999.
Sa pagdinig nitong Miyerkules, narinig ng komite ang testimonya ni dating Police Colonel Eduardo Acierto, na itinuturo si Yang bilang parehong indibidwal na kanyang binantayan noong 2017 dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.
Si Acierto, isang dating sinibak na colonel ng PNP drug enforcement group, ay nag-akusa na pinabayaan ng dating Pangulong Duterte, ang dating Special Adviser at ngayon ay Senador na si Christopher “Bong” Go, at ang dating PNP chief na ngayon ay Senador na si Ronald “Bato” dela Rosa, ang kanyang intelligence report tungkol kay Yang.
Inakusahan din niya ang dating pangulo na nais siyang patayin dahil sa kanyang nalalaman sa mga koneksyon ni Duterte kay Yang at iba pang indibidwal na sangkot sa ilegal na droga. (Vina de Guzman)

Pagcor, kinumpirma na si Harry Roque ang legal head ng na-raid na POGO sa Porac Pampanga

Posted on: July 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
PINANGALANAN na ni Pagcor Chairman Alejandro Tengco ang dating cabinet official na umano’y nag-ayos para mabigyan ng lisensya ang iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na sinalakay ng mga awtoridad at sangkot sa mga krimen.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children, binanggit ni Tengco ang pangalan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-lobby para sa POGO hub na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga na ni-raid ng mga awtoridad.
Isinalaysay ni Tengco na noong ikatlong linggo ng Hulyo taong 2023 nakatanggap ang Pagcor ng tawag mula kay roque kung saan humingi ito ng appointment sa kanya.
Nagtungo aniya sa kanyang opisina si Roque noong Hulyo 26 ng parehong taon kasama si Katherine Cassandra Ong, na authorize representative ng Lucky South 99.
Ayon kay Tengco, kasama niyang nakipag-usap kina Atty Roque si Atty. Jessa Fernandez and namumuno ng Gaming and Licensing Division ng Pagcor.
Nakiusap aniya si Roque na tulungan si Ong dahil mayroon silang arrears o utang ang kanilang kompanya na 500,000 US Dolar dahil niloko daw sila ni Dennis Cunanan kung saan hindi ibinayad sa Pagcor para sana sa gaming fees at ibang additional fees.
Si Cunanan aniya ang nag-facilitate ng mga dokumento ng licensees na Lucky South 99 at si Cunanan din aniya ang opisyal na kinatawan ng naturang POGO hub na nakarehistro sa Pagcor kaya ganon na lamang ang tiwala nito kay Cunanan.
Samantala, sinabi pa ni fernandez, na kasama ni tengco sa pagpupulong, anim na beses siyang nakipag-ugnayan kay Roque para sundan ang application ng lisensya ng lucky south 99. Ngunit parehong nilinaw nina Tengco at Fernandez na hindi sila pinilit ni Roque na ibigay ang lisensya sa nasabing POGO firm.
Ayon kay Tengco, pinangalanan si Roque bilang head ng legal department ng Lucky South 99 batay sa organizational chart ng POGO firm na isinumite para sa kanilang muling pag-apply ng lisensya.
Sinabi ni Fernandez na tinanggihan ang application ng lisensya ng lucky south 99 dahil nakakita sila ng mga dahilan upang hindi sila pagbigyan.
Noong Hunyo, ibinunyag ni Tengco, ngunit hindi nito pinangalanan, na may isang dating cabinet official ang nag-lobby para sa pagbibigay ng lisensya sa ilang ilegal na POGO. (Daris Jose)

Ads July 11, 2024

Posted on: July 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Hamon ni PBBM kay Quiboloy: “Magpakita ka at harapin ang akusasyon laban sa iyo!”

Posted on: July 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
HINAMON ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na lumutang, magpakita at matapang na harapin ang akusasyon na ibinabato laban sa kanya.
Sa isang ambush interview, hiningan ng reaksyon si Pangulong Marcos ukol sa pagkuwestiyon ng kampo ni Quiboloy sa motibo ng mga indibiduwal na nag-alok ng P10 milyong pabuya para ituro ang kinaroroonan ng Pastor.
Sinabi ng Pangulo na sinusunod lamang nila ang batas sabay buweltang pag-kuwestiyon din sa motibo ng kampo ni Quiboloy.
“He can question their motives as much as they want. But magpakita siya. I question his motives. Let me question his motives,” ang sinabi ng Pangulo.
“Bakit lagi kami kinukuwestiyon? Sinusundan lang namin ang batas. Sundin din niya ang batas. ‘Yun lang,” aniya pa rin.
Sa ulat, inakusahan ng sexual at child abuse si Quiboloy.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 (Other Sexual Abuse), na nakapokus sa proteksiyon ng mga kabataan laban sa pang-aabuso, exploitation, at diskriminasyon.
May karagdagan pa umanong kaso sa ilalim ng Section 10(a) ng nasabi ring batas (Other Acts of Child Abuse) ang isinampa laban kay Quiboloy, at kina Jackielyn W. Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid C. Canada, at Sylvia Cemanes.
Inendorso naman ng Davao City Prosecutor’s Office ang reklamo para sa Qualified Trafficking in Persons sa DOJ main office. (Daris Jose)