• December 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 15th, 2024

Nag-promote ng serye at movie nila ni Kathryn: ALDEN, pinasaya ang mga Kapamilya nang mag-guest sa ‘It’s Showtime!’

Posted on: July 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINASAYA ni Alden Richards ang mga Kapamilya dahil guest siya ngayong araw ng Sabado, July 13 sa ‘It’s Showtime!’

 

 

 

Ang nakakatuwa pa kay Alden, paglabas niya onstage ay isa-isa niyang bineso ang mga hosts ng naturang Kapamilya noontime show, minus Vice Ganda na wala sa show at nasa Japan yata?

 

 

 

Hindi lamang iyan, bumaba si Alden sa audience section at isa-isang kinamayan ang mga taong nanonood sa studio!

 

 

 

Biro nga ni Ogie Alcasid welcome raw sa meet-and-greet ni Alden. Ganoon na,an talaga ka-friendly at kabait si Alden sa mga fans, kaya naman walang kupas ang kasikatan ng binatang Kapuso.

 

 

 

Nag-promote na rin si Alden ng pelikulang gagawin nila ni Kathryn Bernardo ang ‘Hello Love Again’ at malapit na raw silang lumipad patungong Canada ni Kathryn kung saan ang location ng shoot ng movie na isa na namang potential box-office.

 

 

 

At nakakatuwa rin na malayang nai-promote ni Alden sa Kapamilya Network ang upcoming serye nila sa GMA ang ‘Pulang Araw’ kung saan magkakasama sila nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Dennis Trillo na mapapanood na sa GMA simula July 29.

 

 

 

Who would have imagine na darating ang araw na ang show sa channel 7 ay maipa-plug sa channel 2?

 

 

 

Wala na nga yatang imposible sa showbiz.

 

 

 

***

 

 

GANDANG-GANDA kami sa mukha ng bagong alaga ni Rams David na si Jess Martinez.

 

 

Si Jess, na napapanood sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ at talent ng Artist Circle Talent Management.

 

 

Aware si Jess na nangunguna sa ratings game ang naturang serye.

 

 

“Yes, tapos ilang years na,” bulalas niya.

 

 

Hindi raw siya pressured tungkol dito.

 

 

“No, naman kasi I love what I’m doing so hindi siya pressure for me. Actually I’m very honored nga to be part of the show kasi yung mga artista na nandun very bigatin.

 

 

“So to be able to be there parang it’s a huge thing for me.”

 

 

Nakatsika namin si Jess sa opisina ng Medicare Plus kung saan nagtungo si Jess upang gumawa ng Tiktok videos kasama ang South Korean actor/model at ‘Handsome Tigers’ star na si Moon Su-in na brand ambassador ng Medicare Plus.

 

 

Present rin ng araw na iyon, sina Rams at Shyr Valdez na brand ambassador rin ng Medicare Plus at si JayJay Viray na CEO ng Medicare Plus.

 

 

 

Si Jess rin ang celebrity endorser ng Skinlandia, ang bagong beauty and wellness clinic na kapatid ng Nailandia Nail Studio and Body Spa na kapwa pag-aari ng mag-asawang Noreen at Juncynth Divina.

 

 

 

Ano ang pakiramdam na ineendorso niya ang isang bagong clinic na pampaganda at masasabing nakasalay rin sa kanya ang tagumpay nito?

 

 

 

“Well hindi naman siya nakaka-pressure for me pero grabe,” bulalas ni Jess, “I was like super-happy na grabe ang tiwala sa akin ng Skinlandia family kasi andaming ibang artists and then established na yung Nailandia so madali na lang ipaingay yung Skinlandia.

 

 

 

“So they have a lot of options pero ako yung pinili so grabe,” ang masayang sambit pa ni Jess.

 

 

 

“More on grateful than pressured.”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Mukhang sigurado na sa pagbabalik sa Maynila: ISKO, tatakbong muli at kakalabanin si Mayor HONEY

Posted on: July 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SIGURADO na raw ang pagbabalik ni Isko “Yorme” Moreno sa pulitika at sa siyudad ng Maynila.

 

 

Tatakbong muli ang dating alkalde ng Maynila na tumalo sa nakaupong mayor noon na si Erap Estrada.

 

 

 

Supposed to be sa senado ang puntirya ni Yorme pero biglang nag-decide siya na babalikan ang pamumuno sa Manila City Hall.

 

 

Umarangkada rin naman sa survey ng mga senatoriables si Yorme pero ayon sa nakuha naming info ay mukhang hindi pa raw nagkakasundo ang partido ni Isko kung kanino sila makipag-alyansa.
Isang cabinet posisyon ang ino-oper sa aktor/politician ng pamunuan ni PBBM pero tinanggihan yun ni Yorme

 

 

Ngayong nagdesisyon na si Isko, marami ang nagtatanong kung itutuloy ni Mayor Honey Lacuna ang pagtakbo sa kongreso kung sakaling babalikan ni Yorme ang dating posisyon.

 

 

Pero ang latest, hindi raw bibitiwan ni Mayor Honey ang pagiging mayor ng Maynila kesehodang si Isko ang makakalaban niya.

 

 

Kaya ngayon nagkakagulo ang mga pulitiko sa Maynila. May aanib pa rin kay Lacuna pero mas higit at karamihan sa mga ito ay nasa tiket ni Isko Moreno.

 

 

***

 

 

TUMAGAL ng tatlong taon ang relasyon ng dating magkasintahang Bea Alonzo at Dominic Roque.

 

 

Maraming mga natutunan daw si Bea sa pakikipagrelasyon niyang yun na nauwI lang sa wala.

 

 

”Well, I’ve always known I’m resilient but I didn’t know I’m less resilient. That made me stronger. Natutunan kong i-cancel talaga ‘yung mga noise na hindi kailangan sa buhay ko.

 

 

“And I accept or embrace those opinions that adds values to my life. Maraming salamat, I’m grateful to all the beautiful memories and even the not so beautiful memories because it made me stronger. It made me who I am right now,” sey pa ni Bea sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda.“

 

 

Dagdag pa ng magaling na aktres na medyo ini-enjoy daw niya ngayon ang sarili sa na dating hindi raw niya nagawa.

 

 

“I’m just having fun, meron na rin akong time makipag-hangout sa mga kaibigan ko and do the things that made me happy. I’m just enjoying my life. I guess I’m embracing the uncertainty,” say ni Bea.

 

 

“Kasi na-realize ko, minsan marami tayong plano sa buhay natin but God’s plans are always better. So, I’m just here to embrace the uncertainty. Kung ano ‘yung nakalaan para sa akin,” seryosong banggit pa ng Kapuso aktres.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Malaki ang pasasalamat sa lahat ng sumuporta: RURU, naging sentimental sa nalalapit na pagtatapos ng ‘Black Rider’

Posted on: July 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGING sentimental si Ruru Madrid sa social media dahil sa malapit na pagtatapos ng ‘Black Rider’ sa GMA Prime.

 

 

November 2023 umere ang unang episode ng ‘Black Rider’, pero July 2023 nung magsimula sila sa pre-production ng serye kaya isang taon niyang nakasama ang buong cast and crew.

 

 

 

Post ni Ruru via Instagram: “Isang taon na naman ang lumipas… Sadyang napakabilis ng panahon. Parang kailan lang sinisimulan pa lang natin gawin ang programang ito. Tapos ngayon, ito na, ilang araw na lang ang natitira para gawin natin ang isa sa pinakaminahal nating proyekto.

 

 

“Kaya muli, maraming salamat sa inyo sa pagmamahal, suporta, at talento na inyong ibinigay para dito sa Black Rider. Mahal ko kayo! Ang inyong suporta ang dahilan kung bakit po kami tumagal ng ganito.“

 

 

Nag-comment sa post ni Ruru sina Ms. Rio Locsin, Janus del Prado, Raymart Santiago, Pipay, Jayson Gainza, Jestoni Alarcon at maging si Dingdong Dantes.

 

 

Pinagmamalaki ng serye ang nakuha nilang bronze medal sa 2024 New York Festivals at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program.

 

 

Last two weeks na lang ang ‘Black Rider’ simula ngayong gabi (July 15) at magwawakas ito sa July 26, kaya tutok lang sa mga malalaking pasabog ng top-rating series ng GMA.

 

 

***

 

 

WALA pang nire-reveal si Jillian Ward kung sino ang magiging date niya sa GMA Gala 2024.

 

 

May mga fans ang Sparkle teen star na may kanya-kanyang bet para maging date nito.

 

 

Dalawa nga sa bet nila ay ang co-stars ni Jillian sa ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ serye na sina Jeff Moses at Raheel Bhyria.

 

 

Sa Instagram Stories, makikita ang dalawang magkahiwalay na post ni Jillian na minamasahe ni Raheel ang isang kamay ni Jillian, habang si Jeff naman ay sinusuklay ang buhok niya.
Caption pa ni Jillian: “Ang sweet ng leading men ko. Meet my masahista and my hairstylist.”

 

 

Mukha nga raw nagpapalakas ang dalawa para may mapili na si Jillian. Pero mukhang may laban din sa dalawa si Ken Chan. May gagawin kasing pelikula ang dalawa at magkasama sila sa Sparkle World Tour 2024 sa Japan in September.

 

 

May the best man win…

 

 

***

 

 

NA-DISMISS ng judge ang lahat ng charges laban sa Hollywood actor na si Alec Baldwin in regardes sa shooting case sa set ng pelikulang Rust sa New Mexico.

 

 

Hindi napigilan na maiyak ng aktor dahil kung sakaling na-convict siya, makukulong siys for 18 months for involuntary manslaughter sa 2021 shooting death of cinematographer Halyna Hutchins on the set of Rust.

 

 

Dahil sa key evidence na pinakita ng legal team ni Baldwin kaya na-dismiss ang lahat ng charges sa aktor.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Gladiator 2’s Trailer Controversy, A Positive Sign For Ridley Scott’s Sequel

Posted on: July 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ONE element of the trailer for Ridley Scott’s Gladiator II has caused some controversy, but it was actually a great choice for the trailer, and a positive sign for the sequel.

 

 

The trailer for Gladiator II gave a great first look at the upcoming sequel and revealed some major parts of its story. It highlighted the main cast of Gladiator II, like Paul Mescal’s Lucius, Pedro Pascal’s General Acacius, and Denzel Washington’s Macrinus. The trailer also sparked a bit of controversy, even though its most controversial decision was a great choice and a positive sign for Gladiator II.

 

 

The trailer for Gladiator II was mostly well-received, but not entirely. Some have already pointed out the historical inaccuracies in the trailer for Gladiator II, and others have criticized its style of editing. There’s another part of the trailer that has proven to be the most controversial, though, and it likely shouldn’t be.

 

 

The soundtrack for the trailer of Gladiator II has angered some fans, even though its song worked quite well and actually painted a very exciting picture for Ridley Scott’s upcoming sword and sandal epic.

 

 

Parts of the trailer for Gladiator II were set to the song “No Church in the Wild” by Jay-Z and Kanye West. That choice for the trailer’s soundtrack became controversial to some viewers for a few reasons.

 

 

The controversy became so prevalent that one fan edited Zimmer’s original score into the trailer for Gladiator II while removing “No Church in the Wild.”

 

 

Despite the controversy, “No Church in the Wild” was a great choice for the Gladiator IItrailer’s soundtrack. Using a modern rap song is a sign that Gladiator II is willing to take some risks and change the formula of the original Gladiator.

 

 

Setting the trailer to Zimmer’s score would have been a safe and inoffensive option, but it would have felt just like Gladiator.

 

 

Having a fresh approach seems especially important considering Gladiator II’s story details.

 

 

Part of why the music in the trailer for Gladiator II was such a good choice is because the sequel needed to distance itself from the original Gladiator.

 

 

Though the trailer featured “No Church in the Wild,” it seems doubtful that it or any other modern song will actually be played in Gladiator II. Ridley Scott has never been overly concerned with historical accuracy, as evidenced by the fact that the original Gladiator had some glaring changes to history.

 

 

Ridley Scott would likely consider a modern rap song to be exactly the type of thing that would ruin the immersion of Gladiator II. “No Church in the Wild” works for the trailer, as it set the tone of the movie, but within the film itself it would stick out among the swords and sandals of ancient Rome. If including a modern song threatened to make Gladiator II worse or less engaging, there’s almost no chance Scott would use it. Though rap music likely won’t be played in Gladiator II, it is a great sign that the sequel will bring something new to the world of Gladiator. (Source: screenrant.com)

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads July 15, 2024

Posted on: July 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments