• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 27th, 2024

Calamity loan alok ng SSS sa members na apektado ni Carina

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ALOK ang Social Security System (SSS) ng cala­mity loan para sa mga miyembro nito na matinding naapektuhan ng bagyong Carina sa National Capital Region at iba pang lugar na naideklarang nasa state of calamity.

 

 

 

 

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet, ang mga kuwalipikadong miyembro ng SSS na naapektuhan ng bagyo ay maaring mag-loan ng katumbas ng kanilang isang buwang suweldo o hanggang sa maximum na P20,000.

 

 

 

 

“SSS will always be ready to assist our members in typhoon-affected areas. We want to assure them that in times of calamities, they can rely on SSS to provide them the needed financial assistance as they recover from Typhoon Carina,” pahayag ni Macasaet.

 

 

 

Ang kailangan lamang ay naninirahan sa mga lugar na naideklarang calamity area, ang edad ay mababa sa 65 anyos sa panahon ng paghahain ng aplikasyon sa loan, walang benefit claim tulad ng permanent total disability retirement, walang nakaraang SSS short-term member loans, walang kasalukuyang restricted loan o calamity loan.

 

 

 

 

Ang mga interesadong miyembro ay maaring mag-apply ng calamity loan gamit ang kanilang SSS account via www.sss.gov.ph.

Ads July 27, 2024

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments