• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2024

P6.352 trilyon 2025 national budget isinumite na sa Kamara

Posted on: July 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINUMITE na kahapon (Hulyo 29) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kamara ang P6.352 trilyong panukalang pondo para sa susunod na taon.

 

 

 

 

 

Ang 2025 National Expenditure Program ay pormal na isinumite ni Budget Secretary Amenah Pangandaman kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez at iba pang mga opisyal ng Kamara.

 

 

 

Sa bisperas ng pagsusumite ng NEP, sinabi ni Romualdez na handa ang Kamara upang tanggapin ito at agad na sisimulan ang deliberasyon nito sa komite.

 

 

 

“We will make sure that enough funds will be allocated for social services and for programs that will sustain our economic growth,” ayon kay Romualdez.

 

 

 

Sinabi ng lider ng Kamara na masusing pag-aaralan ang panukalang budget at gagamitin ang oversight function nito para masiguro na tama ang ginagawang paggastos dito ng mga ahensya ng gobyerno.

 

 

 

Ang bersyon na isusumite umano ng Kamara, ayon kay Romualdez ay nakalinya sa mga prayoridad at Agenda for Prosperity ni Pangulong Marcos kung saan target itong maaprubahan bago mag-recess ang sesyon sa Oktubre. ( Daris Jose)

Pinay rower Delgaco, buhay pa rin ang pag-asa kahit nabigong makausad sa quarterfinals

Posted on: July 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NABIGO si Joanie Delgaco na makapasok sa diretsahang puwesto sa quarterfinals ng rowing event.

 

 

 

 

Pero nagpatuloy ang kanyang pag-asa matapos masiguro ang pangalawang pagkakataon sa pamamagitan ng repechage round sa women’s single sculls ng 2024 Paris Olympics sa Vaires-sur-Marne Nautical Stadium.

 

 

 

Ang Filipina rower ay nagtala ng pitong minuto at 56.26 segundo upang magtapos na ika-apat sa anim na miyembro ng kompetisyon.

 

 

Tanging ang tatlong nangungunang kalahok mula sa bawat heat ang magpapatuloy sa quarterfinals habang ang iba pang mga kalahok ay kailangang makipaglaban pa rin sa repechage stage.

Pinoy athletes nagningning sa Paris opening

Posted on: July 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nahadlangan ng ulan ang Olympic spirit ng mahigit 10,000 atleta at opisyales na dumalo sa opening ceremony ng 20­24 Paris Olympics.

 

 

 

 

 

Masaya ang Team Phi­lippines na pumarada sa opening rites na ginanap sa Seine River.

 

 

 

Hindi pa man nagsisi­mula ang parada, kitang-kita ang excitement ng lahat sa kabila ng pagbuhos ng ulan.

 

 

Nakasakay sa bangka ang bawat delegasyon na nagparada sa pamosong River Seine.

 

 

 

Nanguna sa Team Phi­lippines si Olympic silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio na siyang nagwagayway ng bandila ng Pilipinas.

 

 

Kasama nina Paalam at Petecio sina fencer Samantha Catantan, boxers Hergie Bacyadan at Aira Villegas, swimmers Kayla Sanchez at Jarod Hatch, gymnasts Aleah Finnegan, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar, at sina hurdlers John Cabang Tolentino at Lauren Hoffman.

 

 

 

Bahagi rin ng mga nagparada sina Philippine chef de mission Jonvic Re­mulla, Association of the Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary general Marcus Manalo, Philippine rowing president Patrick Gregorio, at Philippine athletics chief Agapito “Terry” Capistrano.

 

 

 

Kasama ng Pilipinas sa bangka ang delegasyon ng Poland at Puerto Rico.

 

 

 

Hindi na kasama sa parada sina rower Joanie Delgaco at gymnast Carlos Yulo na pormal nang sumabak kahapon sa kani-kanyang events.

 

 

 

Aarangkada ngayong araw sina gymnasts Aleah Finnegan, Emma Mala­buyo at Levi Ruivivar sa women’s artistic gymnastics all-around qualification na gaganapin sa Bercy Arena.

 

 

 

Pare-parehong na­sa Subdivision 3 sina Fin­negan, Malabuyo at Ruivivar.

Carlos Yulo, nagpakitang-gilas sa floor exercise at vault sa 2024 Paris Olympics

Posted on: July 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAKITANG-gilas si Carlos Yulo sa kanyang dalawang pet events sa men’s gymnastics individual qualification sa 2024 Paris Olympics sa Bercy Arena.

 

 

 

 

Namayagpag ang 24-anyos na Filipino gymnast sa kanyang paboritong floor exercise, at nakapagtala ng 14.766 puntos, provisionary second spot sa naturang event.

 

 

 

Nangunguna sa floor exercise si Jake Jarman ng Great Britain, na may 14.966 puntos.

 

 

Pasok na rin si Yulo sa final round ng floor exercise at gymnastics vault, kung saan provisionary sixth spot ito sa vault event.

 

 

 

Sa ngayon, nasa ikawalong pwesto si Yulo sa all-around ranking kung saan 24 na mga manlalaro ang aabante sa finals.

 

 

 

Gayunpaman, nahirapan si Yulo sa pommel horse (13.066), rings (13.000), parallel bars (14.533), at horizontal bar (13.466) at hindi makakaabante sa final round sa apat na apparatus na ito.

25K trabaho sa mga Pinoy sa Japan binuksan

Posted on: July 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASA 25,000 job opportunities ang iniaalok para sa mga Pilipino na naghahanap ng trabaho sa Japan, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

 

 

 

 

Ang special job fair ay ay gaganapin sa Agosto 1, 2024 sa Robinsons Galleria Ortigas sa Quezon City alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon na inorganisa ng DMW kasama ang Embassy of Japan bilang pagdiriwang ng Philippines-Japan Friendship Week na may titulong “Konnichiwa Pilipinas! Kumusta, Japan!”

 

 

Lalahukan ito ng 15 recruitment agencies habang ang mga kumpan­ya ay mag-aalok ng mga trabaho sa sektor ng construction, medical at healthcare, hotel at restaurant, at customer services, bukod sa iba pa.

 

 

May maikling information session sa Japanese-gendered work culture upang matutunan ng mga OFWs.

 

 

Ang Proklamasyon Blg. 854, na nilagdaan noong 2005 ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ay idineklara ang Hulyo 23 taun-taon bilang Friendship Day sa pagitan ng Japan at Pilipinas bilang para­ngal sa Peace Treaty and Reparations Agreement na pinirmahan ng dalawang bansa noong Hulyo 23, 1956.

 

 

Layunin sa job fair na ma-access ng mga nais magtrabaho sa ibayong dagat ang mga lehitimong recruiter.

 

 

May maikling information session sa Japanese-gendered work culture upang matutunan ng mga OFWs.

 

 

Ang Proklamasyon Blg. 854, na nilagdaan noong 2005 ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ay idineklara ang Hulyo 23 taun-taon bilang Friendship Day sa pagitan ng Japan at Pilipinas bilang para­ngal sa Peace Treaty and Reparations Agreement na pinirmahan ng dalawang bansa noong Hulyo 23, 1956.

Ads July 30, 2024

Posted on: July 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Opening ceremony ng Paris Olympics naging makasaysayan kahit umulan

Posted on: July 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments


HINDI natinag ang ilang milyong mga katao na nanood ng pormal na pagbubukas ng 2024 Paris Olympics.

 

 

 

Nagdala ng mga payong at kapote ang karamihan para masaksihan ang makasaysayan at kakaibang pagbubukas ng Olympics na ginaganap sa River Seine.

 

 

Hindi gaya sa mga nakagawian na sa mga stadium ito ginaganap ngayon ay sa River Seine kung saan nakasakay sa mga bangka ang mga kalahok habang pumaparada.

 

 

Magkatabi naman sina French President Emmanuel Macron at International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach para panoorin ang parada.

 

 

Gaya ng tradisyon ay mauuna sa parada ang pagparada ng Olympic Torch na sinundan ng barko ng Greece dahil doon nagsimula ang makasaysayang Olympics.

 

 

Aabot sa 10,500 ang atleta ng Greece na pinangunahan nina NBA superstar Giannis Antetokounmpo at two-time Olympian race walk Antigoni Ntrismpioti.

 

 

Pinatunog din ang kampana sa kauna-unahang pagkakataon ng Norte-Dame de Paris Cathedral.

 

 

Ito ang unang pagkakataon na tumunog ang kampana mula ng matupok ng apoy noong Abril 2019.

 

 

Nanguna naman ang singer na si Lady Gaga sa pagkanta sa Opening ceremony.

 

 

Kinanta niya ang “Mon truc en plumes” ng iconic French artist Zizi Jeanmaire.

 

 

Sumunod naman nagtanghal ay ang 28-anyos na singer na si Aya Nakamura.

 

 

Namangha rin ang lahat sa magandang awitin ni Celine Dion habang nasa stage sa ilalim ng Eiffel Tower, maituturing itong makasaysayan.

Olympics medalists may cash incentives HINDI mababalewala ang lahat ng hirap at sakripisyo ng 22 miyembro ng Team Philippines na tatarget ng gold medal sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.

Posted on: July 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Sa ilalim kasi ng Republic Act 10699 o ang The National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang isang Olympic gold medalist ay tatanggap ng P10 milyon bilang cash incentive.

 

 

 

 

Hindi rin mawawalan ang mananalo ng silver at bronze medal dahil bibigyan sila ng P5 milyon at P2 milyong bonus, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Sa pagbuhat ni lady weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold ng Pinas sa 2021 Tok­yo Games ay tumanggap siya ng P10 milyon bukod sa P5 milyon mula sa Phi­lippine Sports Commission (PSC) base sa RA 10699.

 

 

 

Halos umabot sa P57 milyon ang nakuhang insentibo ng tubong Zam­boanga City galing sa mga sports patrons kagaya nina Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation at Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation.

 

 

Tumanggap din ng cash incentives sina Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medal winner Eumir Felix Marcial ng boxing.

Asian Athlete of the Century si ‘Pacman’ KINILALA si Manny Pacquiao bilang numero unong atleta sa buong Asya nga­yong 21st century, ayon sa prestihiyosong Top 25 Asian Athletes ng ESPN.

Posted on: July 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Pinunto ng ESPN ang walang kaparis na achievements ni Pacquiao sa bo­xing, kung saan isa siya sa maituturing na pina­kamaga­ling sa buong mundo kaya nararapat lang na maging No. 1 sa Asya.
Hanggang sa ngayon, ang tinaguriang Pambansang Kamao na si Pacquiao pa lang ang natatanging fighter sa kasaysayan na naghari sa 8 magkakaibang weight divisions.
Sa tatlong dekadang karera, kinilala si Pacquiao bilang Fighter of the Year ng Ring Magazine at ESPY nang limang beses habang pinarangalan din bilang BWAA Fighter of the Decade noong 2000s.
Retirado na ang 45-an­yos na si Pacquiao matapos ang tatlong dekadang karera tampok ang makasaysayang kartada na 68 wins, 8 losses at 2 draws.
Sinamahan naman nina weightlifter Hidilyn Diaz at PBA legend June Mar Fajardo si Pacquiao bilang kinatawan ng Pilipinas sa pagkilala.
Swak sa ika-19 puwesto si Diaz, na siyang nag-uwi ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Tokyo Olympics matapos ang 97 na taon, habang nasa ika-25 puwesto, naman si Fajardo.
Dahil dito sa walang katumbas na achievements ni Fajardo sa Philippine basketball tampok ang 10 PBA championships, 4 na Finals MVP awards, 7 MVP plums at 10 BPC.

Clark International Airport bubuhusan ng P46 billion na pondo

Posted on: July 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BUBUHUSAN ng P46 billion ang Clark International Airport (CIA) upang gamitin sa isang development plan mula sa mga pangunahing kumpanya ng mga airlines kasama ang pamahalaan bilang isang paliparan na may lumalaking ekonomiya sa Central Luzon upang maging isang preferred gateway sa Luzon.

 

 

 

 

Ayon pamahalaan at mga executives ng mga airlines na sila ay desidido na pagandahan at palawakin ang operasyon ng CIA upang maging viable ito at maging tuloy-tuloy na isang multi-airport sa darating na panahon sa Mega Manila.

 

 

 

“The Clark International Airport Corp. (CIAC), developer of the Clark Civil Aviation Complex, is spending at least P45.5 billion for a pipeline of seven projects aimed at increasing passenger and cargo volumes in the airport,” ayon sa Department of Transportation (DOTr)

 

 

 

Isa na sa proyekto ay ang pagtatayo ng P21 billion Clark World Convention and Events Hub na siyang magiging lugar para sa mga large-scale concerts. Sa pamamagitan nito umaasa ang CIAC na maaakit ang mga pasahero na magpunta sa Clark kaya tataas rin ang arrivals sa airport.

 

 

 

Magdadagdag din ang CIAC ng ikalawang runway na nagkakahalaga ng P12 billion upang masiguro na ang gateway ay operational kahit na ang main strip ay sarado. Magtatayo rin ng P8.5 billion food hub na itatayo malapit sa airport na makapagtataguyod ng cargo flights.

 

 

 

Natapos na rin gawin ang concept design ng P1.5 billion na Clark Direct Access Link, ang 2.7 kilometers road na magdudugtong sa airport palabas at papunta sa North Luzon Expressway at Subic-Clark-Tarlac Expressway.

 

 

 

Magkakaroon din ng mga buses at e-jeepneys mula sa kalapit na rehiyon na siyang makakatulong upang matugunan ang kakulangan sa transportasyon para sa mga pasahero.

 

 

 

“The goal is to add commute options from areas like CAMANAVA supporting the existing point-to-point services from Ninoy Aquino International Airport, Trinoma, Dau, Pampanga, Baguio, Dagupan City at Olongapo City,” wika ni CIAC president at CEO Arrey Perez.

 

 

 

Dahil dito ang Cebu Pacific na siyang pangunahing airlines sa CIA ay nangako na pag-aaralan ang expansion opportunities sa Clark. Naniniwala si Cebu Pacific president at chief commercial officer Alexander Lao na ang Clark ay mananatiling isang importanteng gateway sa mga travelers mula sa North.

 

 

 

Habang ang Flag carrier Philippine Airlines (PAL) naman ay nilipat ang flights mula Basco sa Clark na siyang magiging main door entry papuntang Batanes. Sinabi naman ni PAL president at COO Stanley Ng na palalawakin din sa Clark ang current connections sa Busuanga, Coron at Caticlan.

 

 

 

Hindi naman nababahala ang mga investors at Clark developers na magtatagumpay ang operasyon sa Clark kahit na ang karibal na airport tulad ng Ninoy Aquino International Airport ay sasailalim sa P170.6 billion na rehabilitasyon na makakapag- handle ng 60 million na pasahero sa isang taon.

 

 

 

“We also don’t expect the completion of the P735.63 billion New Manila International Airport (NMIA) in Bulacan, which would be the largest gateway in the Philippines, to take away Clark’s viability as an airport,” dagdag ni Perez. LASACMAR