• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 2nd, 2024

BI, magbibigay ng serbisyo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

Posted on: August 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na  ang ahensiya ay magbibigay ng  immigration services  sa nalalapit sa  Bagong Pilipinas Serbisyo Fair  Leyte Normal University in Tacloban City nitong Agosto 2-3.
Ito ay ang mabilis na access kabilang ang tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang serbisyo.
Ang insyatibo ay bahagi ng  serbisyo ng  Department of Justice (DOJ)  para sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair,  upang mapalapit ito sa tao.
Hinikayat ni Tansingco na samantalahin ang pagkakataong ito.
“We encourage everyone to visit the booths and utilize the services offered by the Bureau of Immigration and other government agencies,” ani  Tansingco.
“This event highlights the government’s commitment to transparency and accountability while also demonstrating our dedication to serving the public efficiently,”  dagdag pa niya .
Ang nasabing caravan ay pang-anim na na serye ng serbisyo  na ginagawa ng BI ngayong taon kung saan ginawa ito sa Zamboanga, Iloilo, Baguio, Batangas, at  Cavite. GENE ADSUARA  

Manila Mayor Honey Lacuna, ibinida ang mga nagawa sa Maynila sa kanyang SOCA 2024

Posted on: August 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IBINIDA ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa kanyang ikatlong State of the City Address (SOCA) ang ginawa ng kanilang administrasyon hinggil sa pagpapahusay sa serbisyong pangkalusugan, de-kalidad na edukasyon, pagpapasigla sa turismo, libo-libong trabaho, at pagtatayo ng mga pampublikong gusali, na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Hulyo 30, 2024.

 

 

 

Ang naturang SOCA ay tumagal ng isang oras at 24 na minuto na dinaluhan ng libo-libo katao, kabilang ang mahigit 800 mga Barangay Chairmen, mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan, iba’t-ibang organisasyon at grupo ng mga pribadong indibidwal na ginanap sa Forum tent ng PICC sa Pasay City.

 

 

Sa kanyang pambungad na salita, pinasalamatan ng alkalde ang pagkakaisa ng lahat sa nakaraang kalamidad gayundin ay kinilala ng alkalde ang pagsisikap ng mga kapwa opisyal at empleyado sa pag-aayos ng mahigit P2 bilyon mula sa P17 bilyong natitirang utang ng lungsod matapos makapagbayad ng P2.397 bilyon na bunsod na rin aniya ng maayos at masinop na pamamahala sa pondo ng bayan.

 

 

Bilang isang doktora, sinabi ng alkalde na binigyan niyang prayoridad ang pagpapahusay sa serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga modernong kagamitan sa anim na pampublikong pagamutan sa lungsod at maging sa mga health centers nang sa gayon ay mas maraming may karamdaman ang libreng mapagsisilbihan.

 

 

Mula 2023 hanggang sa kasalukuyan, iniulat ni Lacuna na may kabuuang 184,572 rehistradong senior citizen sa Maynila ang nabigyan ng monthly allowances bukod pa sa patuloy na pagbibigay ng birthday cakes at mga espesyal na regalo sa Pasko.

 

 

Itinaas din aniya niya ang kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga moderno at makabagong gusaling pampaaralan at pagkakaloob ng Financial Assistance sa mga guro at mag-aaral na ang ilan ay sa ilalim ng Educational Assistance Program ng Manila Department of Social Welfare (MDSW)

 

 

IBINIDA rin ni Lacuna na sa kanyang panunungkulan ay lalo pang pinasigla ang sektor ng turismo kung saan inayos ang iba’t ibang mga pasilidad, parke, plaza at iba pang mga pasyalan.

 

 

Binuksan din aniya sa publiko mula Lunes hanggang Linggo ang iconic na Manila Clock Tower Museum kung saan makikita ang mga obra ng iba’t ibang alagad ng sining, gayundin ang 360 degree panoramic view ng siyudad. Dahil dito, naisama ito bilang isang tourist destination sa Hop On, Hop Off ng Department of Tourism NCR.

 

 

Kinilala rin ng ATOP ang lungsod bilang Best Tourism Religious Practice para sa matagumpay na pagsasagawa ng Traslacion ng Itim na Nazareno. Nailunsad din aniya ang walong tourism hubs sa Maynila na nagresulta sa pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista sa lungsod.

 

 

Ang Department of Tourism ay nakapagtala ng humigit-kumulang sa labing apat na milyong local at dayuhang turistang dumayo sa Maynila sa loob ng isang taon. Dahil dito, kinilala bilang Worlds’ Leading City Destination noong December 2023 sa World Travel Awards na siyang kinikilala bilang pinaka-mataas na pamantayan sa turismo sa buong mundo.

 

 

Maging ang larangan ng turismo ay kanya rin aniyang napaunlad sa pamamagitan ng paglulunsad ng walong tourism hubs sa Maynila na nagresulta aniya ng pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista.

 

 

Nabigyan din aniya ng parangal ang kanilang lokal na Public Employment Service Office (PESO) dahil sa aktibong paglulunsad ng mga mega job fairs na dahilan ng pagkakaroon kaagad ng trabaho sa libo-libong Manilenyo.

 

 

Sa kanyang pamamahala, nakapagpamahagi na aniya sila ng mga titulo ng lote sa maraming pamilya sa iba’t-ibang lugar sa lungsod habang nakatakda na ring ipagkaloob ang ang mga units ng natapos ng tatlo pang condominium units sa San Sebastian, Pedro Gil at San Lazaro.

 

 

Inianunsiyo rin ni Mayor Lacuna ang pagbubukas ng limang bagong pasilidad tulad ng Pritil Market, modernong silid-aklatan, bagong gusali ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) habang sa unang linggo naman ng Setyembre ay bubuksan na ang Vitas Slaughterhouse at maging ng Animal Clinic and Rescue sa Tondo.

 

 

Hinimok din ng alkalde ang Manilenyo na samahan siyang mapagtagumpayan ang kanyang magagandang pangitain sa lungsod na dapat simulan sa kanilang sarili, pagkakaisa tulad ng isang pamilya at tanggapin ng maluwag sa loob ang mga pagbabago.

 

 

“Ito na ang ating pagkakataon, na sama-samang sagutin ang hamon ng ating lungsod. Hindi tayo titigil. Hindi ako titigil hanggang sa ating makamit, ang pinapangarap nating Magnificent Manila. Mga kapwa ko Manileño, isa pong karangalan ang patuloy kayong pagsilbihan. Ngayon man o bukas, umaraw man o umulan, hinding hindi ko kayo iiwan,” pahayag ng alkalde.

 

 

Pinarangalan din ng alkalde sa kanyang SOCA ang kanyang namayapang ama na si dating Manila Vice Mayor Danny Lacuna.

 

 

“Sa bawat araw ng inyong pagtitiwala sa akin, at sa bawat araw na ako ay may pagkakataong mapabuti ang buhay ng isang Manileño, ay siya namang inihahandog ko sa alaala ng aking ama,” ani Lacuna.

 

 

“Ang aking kasuotan ngayong araw, ay pinagtagpi-tagpi mula sa mga lumang barong tagalog na madalas niyang gamitin noong siya ay haligi pa sa City Hall. Sinasagisag nito ang iba’t ibang mukha ng bawat Manileño. Magkakaiba, ngunit nagkakaisa, at bawat isa, may halaga sa kaayusan at kabuuhan ng ating bayan. Ang pangarap ni Danny Lacuna, ay pangako ko sa inyo at sa bawat Manileño,” dagdag pa ng alkalde.

 

 

Sa pagwawakas ni Lacuna, sinabi nito na malayo na ang narrating ng lungsod ng Maynila ngunit aminado itong marami pang kailangang gawin.

 

 

“Ito na ang ating pagkakataon, na sama-samang sagutin ang hamon ng ating lungsod. Hindi tayo titigil. Hindi ako titigil. Hanggang sa ating makamit, ang pinapangarap nating Magnificent Manila. Mga kapwa ko Manileño, isa pong karangalan ang patuloy kayong pagsilbihan. Ngayon man o bukas, umaraw man o umulan, hinding hindi ko kayo iiwan,” ayon pa kay Lacuna. (John Paul Reyes)

5.1 milyong botante, dine-activate ng Comelec sa voter’s list; 240K, tuluyang inalis

Posted on: August 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT na sa mahigit 5.1 milyong botante ang dine-activate ng Commission on Elections (Comelec) sa voter’s list habang mahigit 240,000 naman ang tuluyan nang inalis.

 

 

 

 

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, kabuuang 5,105,191 rehistradong botante ang na-deactivate sa opisyal na listahan ng mga botante matapos ang isinagawang ERB hearing noong Abril 15, 2024.

 

 

 

Samantala, nasa 248,972 botante naman ang tuluyan nang natanggal o binura sa listahan.

 

 

“As of April 15, 2024 ERB Hearing

 

 

Deactivated = 5,105,191

 

 

Deleted = 248,972,” ani Garcia, sa isang Viber message.

 

 

Ipinaliwanag ni Garcia na karamihan sa mga tinanggal ay yaong nakumpirmang namatay na.

 

 

Ang iba naman ay natuklasamg may double o multiple registration.

 

 

“‘(‘Yung) natanggal [ay] dahil sa kamatayan [at] multiple at double registration,” ani Garcia.

 

 

Karamihan naman sa mga na-deactivate ay yaong mga hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na eleksiyon.

 

 

Mayroon ding ina­lis base sa utos ng hukuman, pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino, at pagkakaroon ng mga di-wastong dokumento.

 

 

Samantala, iniulat naman ni Garcia na nakatanggap ang poll body ng kabuuang 409,329 na aplikasyon para sa reactivation mula Pebrero 12 hanggang Hulyo 20.

USA womens’ gymnastic team nagwagi ng gold medal

Posted on: August 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKUHA ng US Gymnastic team ang gold medal sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

 

 

 

 

Nanguna sa panalo ng USA Gymnast team si Simone Biles para makuha nito ang ikalimang Olympic gold medal.

 

 

Kasama nito sa koponan sina Suni Lee, Jordan Chiles at Jade Carey na pinainit ang Bercy Arena at tuluyang talunin ang Italy at Brazil sa team final.

 

 

Nakumpleto ni Biles ang lahat na apat na exercises gaya ng vault, uneven bars, balance beam at floor.

 

 

Mayroong kabuuang walong beses na sumabak sa Olympic podium si Biles dahil nagwagi ito ng apat na golds at bronze noong 2016 Rio Games at silver at bronze medal naman noong 2020 Tokyo Olympics.

 

 

Nakatakda pa itong sumabak sa apat pang final events sa Paris kung saan siya ang paboritong manalo sa lahat.

 

 

Naging star-studded ang nanood dahil bukod sa asawa nitong si NFL star Jonathan Owens ay nanood din ang actress na si Nicole Kidman, Natalie Portman, Jason Kelce at tennis star Serena Williams.

Eumir Marcial emosyonal sa pagkatalo laban sa mas batang Uzbek boxer

Posted on: August 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NABIGO si Pinoy boxer Eumir Marcial sa men’s 80 kgs. sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

 

 

 

 

Nakuha ng nakalaban nitong si Turabek Khabibullaev mula sa Uzbekistan ang unamous decision.

 

 

 

Sa unang round pa lamang ay ginamit ng Uzbekistan boxer ang kaniyang tangkad at haba ng kamay para makuha ang score mula sa limang judges.

 

 

 

Pinilit ng 28-anyos na si Marcial na makahabol subalit naging mailap at mabilis ang pag-iwas ng 20-anyos na Uzbekistan boxer.

 

 

 

Matapos ang laban ay pinasalamatan ng Pinoy boxer ang mga sumuporta sa kaniya at humingi na lamang ito ng pasensiya dahil sa nabigo siya.

 

 

 

Emosyonal din ito dahil sa isinantabi muna nito ang kaniyang professional boxing career para pagtuunan ang laban sa Olympics.

Paris Olympics: South Sudan basketball team, sasabak sa laban kontra NBA superstars

Posted on: August 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING maghaharap ang Team USA at Team South Sudan sa ilalim ng preliminary elimination sa Paris Olympics 2024.

 

 

 

 

 

Maaalalang nagkaharap ang dalawa sa exhibition games bago ang opisyal na pagsisimula ng Olympics kung saan naging pahirapan para sa US na ipanalo ang laban dahil na rin sa magandang depensa at opensa ng mga South Sudanese. Ang naturang laban ay natapos sa 101 – 100 score pabor sa US, gamit ang isang comeback lay up ni NBA superstar Lebron James.

 

 

Sa magiging laban ng dalawa bukas, muling masusubukan ng US ang tibay ng South Sudan basketball na unang pagkakataong sasabay sa Olympics.

 

 

Sa kasalukuyan ay hawak ng dalawang bansa ang malinis na isang panalo.

 

 

Nakuha ng US ang naturang panalo laban sa Serbia na pinamumunuan ni Nikola Jokic habang ibinulsa naman ng mga Sudanese ang panalo laban sa mga Puerto Ricans.

 

 

Dahil sa kapwa malinis na record, ang mananalo sa labang ito ay agad aabanse bilang top team sa Group C.

 

 

Sa kasalukuyan, nananatiling ‘healthy’ ang lahat ng mga player ng dalawang team sa kabila ng naunang mga laban.

 

 

Gaganapin ang laban ng dalawa alas-3 ng madaling araw, oras sa Pilipinas.

Sinampahan ng kaso ni Sandro, may apela sa publiko: NIÑO, humihingi ng dasal at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta

Posted on: August 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS na isiwalat ng GMA sa kanilang official statement na pormal nang nagsampa ng reklamo si Sandro Muhlach są network laban kina Jojo Nones at Richard Cruz na hindi na idinetalye ang nilalaman nito, ay pinarating ang abogado ng daalwang independent contractors.

 

 

 

Ayon kay Atty. Garduque, na iniulat ng “24 Oras” noong Huwebes nang gabi, nalulungkot at nasasaktan sina Nones at Cruz dahil sa kaliwa’t kanang pambabatikos.

 

 

 

Na kahit hindi pa raw kasi napatutunayang may nagawa silang kasalanan kay Sandro ay nahusgahan na sila na parang mga kriminal.

 

 

 

“Our clients are deeply saddened by the serious allegations hurled against them circulating on social media.

 

 

 

“And though these allegations do not mirror the true accounts of the event, we would like to reserve the right to respond in a proper forum when we receive a copy of the formal complaint.

 

 

 

“For the meantime, we urge the public to respect the investigation being conducted on this case and we advise people who have no personal knowledge of the incident to refrain from posting baseless defamatory allegations and therefore unfairly subjecting both parties to publicity trial,” sabi ng abogado ng dalawa.

 

 

 

Samantala, ayon naman sa ama ni Sandro na si Niño Muhlach, naghahanda na sila sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga taong nang-abuso sa anak.

 

 

 

Sinabi pa ng aktor at dating child wonder na lalantad siya at magsasalita sa tamang panahon. Balitang plano rin daw magsalita ni Sandro kapag may resulta na ang imbestigasyon ng GMA.

 

 

 

At sa latest post ni Niño sa kanyang Facebook account, humihingi siya ng dasal at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta…

 

 

 

“Our family has suffered so much because of the unspeakable and vile acts done to our son. We ask for your prayers to help us muster enough strength and courage to withstand the horror of re-living the dastardly acts of the perpetrators as we seek justice through our legal system.

 

 

“Thank you for all your support and kind words and your gracious gift of space. We truly appreciate it.”

 

 

***

 

 

PATULOY ang pagtaas ng bilang ng child pornography at illegal gambling sites na nahaharang ng Globe.

 

 

Mula Enero hanggang Hunyo 2024, hinarang ng Globe ang 1,718 domains at 190,167 URLs na patungkol sa child pornography. Malaking pag-angat ito mula sa 1,295 domains at 129,652 URLs na na-block noong 2023.

 

 

Napigilan din ng Globe ang pag-access sa 2,726 domains ng mga illegal gambling sites, kumpara sa 1,828 noong nakaraang taon.

 

 

Sinisiguro ng Globe na ang mga programa ng kumpanya ay naaayon sa Anti-Child Pornography Act of 2009 (Republic Act 9775). Ang batas na ito ay nag-aatas sa mga internet service providers (ISPs) na gamitin ang teknolohiya para maiwasan ang access sa child pornography.

 

 

“Misyon ng Globe na gawing ligtas ang internet para sa lahat, lalo na sa mga bata. Ang mas pinaigting naming pagsisikap na pigilan ang access sa mga mapanganib na content ay patunay ng aming dedikasyon sa online safety,” ayon kay Anton Bonifacio, Chief Information Security Officer at Chief AI Officer ng Globe.

 

 

Nag-invest ang Globe ng higit sa $2.7 milyon sa mga advanced content filtering systems para mas mapaigting ang pagharang sa illegal content.

 

 

 

Nakikipagtulungan din ang Globe sa iba’t ibang organisasyon tulad ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Justice (DOJ), Philippine Chamber of Telecommunications Operators, at mga non-government organizations para mas palakasin pa ang proteksyon ng mga bata online.

 

 

Ayon sa pag-aaral ng US-based National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC), ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang pinagmumulan ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) content.

 

 

Kaya naman hindi lang pagharang sa nakasasamang content ang ginagawa ng kumpanya.

 

 

Sa pamamagitan ng #MakeITSafePH campaign na inilunsad noong 2017, nagsasagawa ang Globe ng educational programs at awareness activities para bigyang kaalaman ang mga mamamayan kung paano protektahan ang kanilang sarili online.

 

 

Layunin ng Globe na maging responsable ang lahat sa paggamit ng teknolohiyang digital at matiyak na mas ligtas na internet para sa lahat ng Pilipino.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Kamara inaprubahan panukalang regulasyon ng motorcycles-for-hire

Posted on: August 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA botong 200 pabor at isang tutol, inaprubahan ng Kamara ang panukala na iregulate ang motorcycles-for-hire sa bansa.

 

 

 

 

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, naiintindihan ng Kamara ang pangangailangan na maging ligtas ang pagbiyahe ng mga pasahero at produkto.

 

 

Kabilang sa may-akda ng panukala sina Reps. Rachael Marguerite Del Mar, LRay Villafurte, Rodge Gutierrez, Zia Alonto Adiong, Manuel Jose Dalipe, Jurdin Jesus Romualdo, Brian Yamsuan, Rufus Rodriguez, Joel Chua, Salvador Pleyto, Romeo Acop, Midy Cua, Antonio “Tonypet” Albano, at iba pa.

 

 

Sa ilalim ng HB 10424, dapat ay rehistrado ang motorcycles-for-hire sa Land Transportation Office (LTO) upang masiguro ang roadworthiness nito.

 

 

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang inaatasan ng panukala na mag-regulate ng operasyon ng motorcycles-for-hire kung saan walang digital platform na magagamit para sa book ng biyahe sa mga ito.

 

 

Ang bilang ng mga motorcycles-for-hire sa isang ruta ay tutukuyin sa pamamagitan ng local public transport route plan na inirekomenda ng lokal na pamahalaan.

 

 

Upang makakuha ng prangkisa o Certificate of Public Convenience, ang isang aplikante ay dapat Pilipino, mayroong pinansyal na kakayanan, LTO Certificate of Vehicle Registration, Insurance coverage at Tax Identification Number o Certificate of Registration bilang isang Common Carrier.

 

 

Nakasaad din sa panukala ang pangangailangan na magparehistro ang mga Motorcycle Taxi Platform Providers (MTPPs) at Online E-commerce Platform Providers (OEPPs) sa Securities and Exchange Commission at sa itatakdang requirement upang ma-accredit.

 

 

Ang bilis ng isang motorcycles-for-hire ay ililimita sa 60 kilometro bawat oras.

 

 

Ang LTFRB din ang inatasan na magtakda ng pamasahe, surcharges, at iba pang transportation fee na maaaring singilin ng operator, OEPP, o MTPP. (Vina de guzman)

Willing pa rin siyang mag-serve sa Batangas: VILMA, naghihintay pa ng ‘sign’ kung tatakbong muli bilang governor

Posted on: August 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SI Star for All Seasons Vilma Santos-Recto ang featured celebrity para sa Cultural Wednesdays ng Deparment of Foreign Affairs.

 

 

 

 

Punong-puno ang bulwagan ng DFA at lahat ay nakikinig sa mga ibinabahagi na experiences ni Ate Vi sa Philippine Film industry.

 

 

 

At yung mga karanasan niya na naging dahilan kung bakit narating sa kınalalagyan niya ngayon na pangarap, siyempre ng lahat ng nasa industriya na at sa mga nagbabalak pang pasukin Ang showbiz.

 

 

“Well, sharing my experiences sa mga new blood. Hindi rin naman biro ang dinaanan ko na willing akong I share kaya ako nandito,” bungad pa ni Ate Vi after her more or less two hours speech sa harap ng mga executives and employees of DFA.

 

 

“In my more than 6 decades, but I started young pero hindi rin biro Ang dinaanan ko sa industry. Hindi Ito overnight na bigla Star for All seasons ka bigla, sweat and tears din naman ang puhunan ko.

 

 

“Learning process at utang ko rin sa mga directors, colleagues and a lot of people and things para mabuo ka at abutin mo ito,” dugtong rin ng pinakasikat na aktres among her contemporaries.
Ano ba talaga Ang sekreto ni Ate Vi?

 

 

Kumbaga, lahat halos ng mga kapanabayan niya ay hindi na aktibo at maski na yung mga naging karibal niya ay medyo timiklop na ang ningning ng mga Iio at bukod tanging ang isang Vilma Santos na lang namamayagpag.

 

 

Career, personal life, politika ay numero uno pa rin ang aktres.

 

 

“Secret? Well love your career and your career will love you yun lang,” maikling tugon pa ni Ate Vi.

 

 

Katunayan pa rin nag-number one sa Netflix ang movie niyang “When I Meet You In Tokyo”.

 

 

Ano pakiramdam ng isang Ate Vi?

 

 

“Well, so very happy and I’m very proud of this movie. Maaring sabihin na it’s very simple movie. Pero Ang importante dito, eh, yung message ng pelikula.

 

 

“Kumbaga, kung nakuha mo yung message mo ng movie panalo na kami. Ito yung forgiveness, hope, second chances, how important love is, family values.

 

 

“Kung panoorin mo talaga yung movie ang importante lang doon yung nakuha mo yung mensahe at sa story andun lahat and for that I am very proud.

 

 

“Kaya doon sa hindi pa nakapanood at makapanood na I asked them to watched them again,” lahad pa rin ng most awarded actress.

 

 

***

 

 

STILL on Vilma Santos.

 

 

Kaliwa’t-kanan ang offers ngayon sa original grand slam actress to do a movie plus yung offer to do a TV shows.

 

 

Sa rami ng lumabas na gagawin niya na raw including a sitcom with Luis Manzano, ano ba talaga ang uunahing gagawin ni Ate Vi?

 

 

“Alam mo sa totoo lang I am blessed. Maraming good offers kaya lang hindi ko naman kayang gawin lahat.

 

 

“Naniwala ako in a perfect time. Ayoko naman yung basta makagawa ako ng pelikula okey na.

 

 

“Nasa point ako ng career ko ngayon na I will do a movie na I knew it will challenge me again. At this point in time hindi ko naman kayang sumunod sa kanila na kailangan may movie ka na pang-MMFF, na kailangan makagawa ka ng pelikula, not anymore.

 

 

“Modesty aside naka-graduate na naman ako doon, kung gagawa ako ng movie, yun ang gusto kong gawin it will inspire me and challenge me for another character,“ sey pa niya.

 

 

Kalat na kalat na tatakbo siyang muli bilang Governor sa Batangas, does it mean na iiwan niya muli ang showbiz?

 

 

“Well I am still waiting for a sign and praying for it. And if ever given a chance I won’t mind serving Batangas again,” sambit pa ng the one and only Star for All Seasons.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Pagbibitiw sa puwesto ni DTI Sec. Pascual, inanunsyo ng PCO

Posted on: August 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagbibitiw sa puwesto ni Secretary Fred Pascual mula sa Department of Trade and Industry (DTI), epektibo Agosto 2, 2024.

 

 

Si Pascual ay babalik sa pribadong sektor.

 

 

 

Nauna rito, nakipagpulong muna si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Pascual sa Palasyo ng Malakanyang para tanggapin ang pagbibitiw nito sa puwesto at kilalanin ang napakahalagang serbisyo nito sa paggabay sa restorasyon at transpormasyon ng ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

“His focus on MSMEs was absolutely correct, and we are beginning to see the fruits of that policy. We are sorry to lose him, but we respect his decision that this is the time for him to return to the private sector,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Samantala, kaagad namang sisimulan ang paghahanap ng magiging kapalit ni Pascual upang matiyak ang tuloy-tuloy na transisyon at pagpapatuloy ng mga inisyatiba ng departamento. (Daris Jose)