• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 22nd, 2024

Namamayagpag pa rin sa Netflix… Pinoy movie na ‘Lolo and the Kid’, patuloy na umaani ng papuri

Posted on: August 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na namamayagpag sa Netflix ang Filipino movie na Lolo and the Kid.

 

 

 

 

Kaugnay nito, patuloy din itong umaani ng papuri at iba’t ibang reaksyon mula sa viewers.

 

 

 

 

Sa social media, mababasa at mapapanood ang ilang review at komento ng mga Pinoy tungkol sa palabas.

 

 

 

Ngunit bukod sa mga Pinoy, tila hook na hook rin ang ilang international viewers sa heart melting story ng Lolo and the Kid.

 

 

 

Ilan sa kanila ay nag-upload ng videos sa TikTok, kung saan mapapanood ang kanilang crying moments habang pinapanood ang Filipino film.

 

 

 

Ang Pinoy na si @neymarchael, ipinakitang naiyak ang kaniyang girlfriend na isang Korean nang mapanood nito ang pelikula.

 

 

 

Sulat niya sa caption ng kaniyang post sa Tiktok, “I didn’t expect her reaction about the movie.”

 

 

 

Ang netizen naman na si @Ashley, mapapanood na may kasamang umiiyak habang pinapanood ang last part ng pelikula.

 

 

 

Sulat niya, “POV: You’re watching another Filipino drama film with us and feel all the feels by allowing yourself to ugly cry during the last [five] minutes of the movie.”

 

 

 

Ang Lolo and the Kid ay pinagbidahan ng award-winning Filipino actors na sina Joel Torre at Euwenn Mikaell.

 

 

 

Tampok din dito ang singer-actor na si JK Labajo na gumanap bilang binatang version ng karakter ni Euwenn.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

 

Dahil matagal na silang annulled ni Romnick: HARLENE, dream na matuloy ang wedding nila ni FEDERICO

Posted on: August 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGTO-TWO years na palang annulled sina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta.

 

 

 

Nauna kasi yung church annulment, and then at sumunod naman yung civil.

 

 

 

 

Kaya naman sa tanong kung napag-uusapan na nina Harlene at kasintahan niyang si Federico Moreno ang tungkol sa kasal, ang sagot ni Harlene ay, “Oo. Pinag-uusapan lang, masarap naman pag-uusapan.

 

 

Dagdag pa niya, “Actually, pinag-uusapan na, tapos kung ano yung mga plano. Exciting naman. Siyempre, malalaman niyo.”

 

 

Ano nga ba ang dream wedding niya?

 

 

“Ang dream wedding ko matuloy,” at tumawa si Harlene.

 

 

“Dream kong matuloy ang wedding.”

 

 

Samantala, sa unang pagkakataon ay nag-collaborate bilang mga producer ang Heaven’s Best Entertainment ni Harlene at BenTria Productions ni Engineer Benjie Austria ng bagong pelikulang Fatherland kung saan gaganap na mag-ama sina Allen Dizon at Inigo Pascual, sa direksyon ni Joel Lamangan.

 

 

Nasa pelikula rin ang anak nina Harlene at Romnick na si Bo Bautista.

 

 

 

“Si Bo kasi bale, nakasama na siya ni direk Joel before, so pangalawa na niya ‘to”

 

 

Ang una ay ang pelikula noong 2021 na ‘Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa& na ang Heaven’s Best rin ang producer.

 

 

Sa ‘Fatherland’ ay gaganap si Bo bilang half-sister ni Inigo Pascual, at anak nina Allen Dizon at Angel Aquino.

 

 

Nasa cast rin ng movie sina Cherrie Pie Picache, Richard Yap, Ara Mina, Mercedes Cabral, Jeric Gonzales, Yasser Marta, Abed Green, Max Eigenmann, Ara Davao, Rico Barrera, Jim Pebanco at Angel Aquino, sa panulat ni Roy Iglesias.agulo at masalimuot ang takbo ng buhay sa showbiz, lalo na para sa mga kabataang artista na tulad ni Bo na babae pa; ano ang ina-advise ni Harlene kay Bo?

 

 

“Lumaban ka at parang alam ko kung ano yung pinatutungkulan mo.

 

 

“Actually, kahit saan naman, marami namang… ano nga, parang jungle nga everywhere. Kung saan mang industriya, may ganyan talaga.

 

 

“Well, ang ano naman is, I trust her, and sa tingin ko, nagmana naman sa akin yan, matapang, masungit, mataray.

 

 

“Parang siguro matatakot naman yung kung sino man yung magloloko”.

 

 

Mainit na isyu ngayon sa showbiz ang tungkol sa harassment.

 

 

“Hindi, at tsaka ano, parang yun nga, sinasabihan naman namin siya na kapag may pakiramdam kang mali, mali talaga.

 

 

“So, huwag masyado mong magtiwala. Huwag chummy-chummy, huwag masyado magtiwala. I mean, huwag naman dumating sa point na lahat na lang pinagdududahan mo, di ba?

 

 

“Dapat marunong ng discernment. Iyon talaga.

 

 

“And paano ka magkakaroon ng discernment is through…hinihingi yun sa Diyos e, pinag-pe-pray yun, na magkaroon ka ng discernment,” seryosong pahayag pa ni Harlene.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads August 22, 2024

Posted on: August 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments