• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 23rd, 2024

Kahalagahan ng Agosto 21‘wag kalimutan

Posted on: August 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

MARIING hinikayat ni dating Manila Mayor at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang kahalagahan ng Agosto 21 sa kasaysayan ng ating bansa tulad nang pagpapasabog sa Plaza Miranda noong 1971 at ang pagpatay kay da­ting senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. noong 1983.

 

 

 

 

“Dapat tayong mga Pilipino ay huwag kalimutan ang Agosto 21 na isang araw ng kapighatian. Alalahanin natin ang kahalagahan ng dalawang pangyayaring ito sa ating kasaysayan bilang isang bansa,” ayon pa kay Atienza.

 

 

Malinaw na rin aniya na ang Plaza Miranda bombing ay pinlano at isinagawa ng mga kaaway ng estado, ang New People’s Army (NPA), ayon sa mga umamin sa pakana ng malupit na pag-atake gamit ang granada sa mga miyembro ng oposisyon at hindi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na siyang unang inakala ng marami.

 

 

Bilang dating alkalde ng Maynila, sinabi ni Atienza na hinukay nila ang katotohanan kaya natiyak niya na ang NPA ang may sala sa mababang uri ng pag-atake sa Liberal Party rally, kung saan siya ay isang batang kandidato para sa City Council.

 

 

Ang pagpapalit din ng petsa ng pag-alala sa pagkamatay ni Ninoy na mula sa Agosto 21 at inilipat sa Agosto 23 ay hindi nakakababa sa halaga ng kanyang sakripisyo at patriotismo.

 

 

Dagdag pa ni Atienza, palagi nating alalahanin ito ng may pagmamahal at manatili itong buhay sa ating mga puso at isipan.

Pangamba ng publiko sa nabibiling karne ng baboy sa market, pinawi ng mga Agri groups

Posted on: August 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAWI ng iba’t ibang samahan ng mga magbababoy ang pangamba ng publiko sa nabibili sa palengke at pagkain ng karneng baboy tungkol sa isyu ng African Swine Fever o ASF Scare.

 

Sa pulong balitaan sa QC Hall, sinabi ni National Federation of Hog Farmers Chairperson Chester Tan, ligtas kainin ang mga karneng baboy.

 

 

Ayon kay Tan, dumadaan sa mahigpit na proseso at inspection ng National Meat Inspection Service o NMIS ang mga ibinebentang baboy.

 

 

Sinabi naman ni SINAG Executive Director Jayson Cainglet, apat na taon na ang ASF sa bansa at palipat lipat lamang ito ng lugar.

 

 

Kanyang hinimok ang pamahalaan na mas higpitan at suriing mabuti ang mga imported at frozen na baboy na nanggagaling sa ibang bansa.

 

 

Samantala, ipinag-utos na ni Mayor Joy Belmonte na alamin ang mga report ng backyard piggeries sa Quezon City kasabay nito ang paghimok sa mga may-ari na mag report at i-turn-over sa kanila ang mga alagang baboy para bayaran na lamang ito. (PAUL JOHN REYES)

‘Sinag Maynila 2024’ highlights PH Film Industry Month and Manila’s Tourism Month

Posted on: August 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AFTER a four-year hiatus, the Sinag Maynila Film Festival returns with seven full-length feature films, seven documentaries, and ten short films created by today’s most exciting Filipino filmmakers.

 

 

 

The comeback is made more significant as the iconic filmfest founded by Solar Entertainment President Wilson Tieng and renowned director Brillante Mendoza also marks the celebration of Manila’s Tourism Month and the Philippine Film Industry Month. All Sinag Maynila 2024 finalist-films will be screened in theaters from September 4-8, 2024.

 

 

 

Sinag Maynila 2024 is the sixth edition of the film festival. In competition are the following official finalists: For the full-length feature films, these are the social drama “The Gospel of the Beast” by Sheron Dayoc starring Janssen Magpusao and Ronnie Lazaro; the family drama “Her Locket” by J.E. Tiglao starring producer-lead actress Rebecca Chuaunsu and Elora Españo; the action picture “Banjo” written, directed and starring Bryan Wong; the OFW-themed romance shot in Canada by Benedict Mique entitled “Maple Leaf Dreams” starring Kira Balinger and LA Santos; the psychological thriller “What You Did” by Joan Lopez Flores starring Tony Labrusca, Mary Joy Apostol, Epy Quizon, Mercedes Cabral and Ana Abad Santos; the drama “Salome” by Gutierrez Mangansakan II with Perry Dizon, Tommy Alejandrino, and Dolly de Leon in the cast; and the thriller “Talahib” (Legend of the Tall Grass) by Alvin Yapan starring Joem Bascon, Gillian Vicencio and Kristoff Garcia.

 

 

 

For the documentary section included are “Ghosts of Kalantiaw” by Chuck Escasa, “Ino” by Ranniel Semana, “Natatanging Palayok” (The Exceptional Pot) by Ein Gil Randall S. Camuñas, “Pag-Ibig Ang Mananaig” (Love Will Prevail) by Jenina Denise A. Domingo, “Panatag” (Tranquil) by Allan Lazaro, “Untitled/ Unfinished” by Matthew Victor Pastor, and “Way of the Balisong” by Paul Factora.

 

 

 

For the short films, the lineup includes “14 Days” by Nars Santos, “Ang Maniniyot ni Papa Jisos” (Father Jisos’ Photographer) by Franky Arrocena, “As the Moth Flies” by Gayle Oblea, “Bisan Abo Wala Bilin” (Even Ashes, Nothing Remains) by Kyd Torato, “Kiyaw” (Hill Myna) by Jericho Jeriel, “ILO” by Serafin Emmanuel P. Catangay, “Mananguete” (The Coconut Sap Collector) by Mery Grace Rama-Mission, “Ina Bulan” by Melver Ritz L. Gomez, “Sa Paglupad Ka Banong” (The Flight of Banog) by Elvert Bañares, and “Suka and Toyo Can Make Adobo (Vinegar and Soy Sauce Can Make Adobo) by Jude Matanguihan.

 

 

 

Of these, ten films—“Way of the Balisong”, “Pag-Ibig ang Mananaig”, “Maple Leaf Dreams”, “What You Did”, “Banjo”, “Salome”, “Talahib”, “Kiyaw”, “Ina Bulan”and “Bisan Abo, Wala Bilin”— are world premieres; one film, “Untitled/Unfinished” is an international premiere, and one film “Her Locket” is a Philippine premiere.
The finalists were chosen from hundreds of entries that were received from Filipino filmmakers from all over the globe. “By the time we closed the submission on July 24, we had received an overwhelming number of entries,” said Sinag Maynila co-founder Brillante Mendoza. “Our screening committee had a difficult time making their choices because all had compelling reasons to be included,” he added.

 

 

 

Mr. Wilson Tieng, the father of Sinag Maynila, is extremely elated. “It just goes to show that there are so many talented Filipino filmmakers and they are raring to show their works and are looking for avenues to present their stories. Sinag Maynila is happy to be able to provide opportunities for them. With the support of our partners and the movie-going audience, we can continue our advocacy for ‘Sine Lokal, Pang-International.”

 

 

For updates and details, follow the Sinag Maynila on Facebook, X, Instagram, and Vimeo.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Co-stars sa serye, nagpaabot ng dasal at suporta: CARLA, palaisipan pa ang dahilan nang pagkaka-ospital

Posted on: August 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PALAISIPAN pa kung ano ang sanhi ng pagkaka-ospital ng Kapuso actress na si Carla Abellana.

 

 

 

 

Araw ng Miyerkules, August 21 ay nag-post si Carla ng litrato niya na naka-dextrose at may lagnat na 39.6 C. Base sa post ni Carla ay naka-confine siya sa Diliman Doctors Hospital.

 

 

 

 

“Lord, please, heal me. I’ve been in so much pain and discomfort,” ang inilagay ni Carla na caption sa naturang larawan.

 

 

 

Kaagad namang nagpaabot ng dasal at suporta ang marami para kay Carla tulad ng co-star niya sa ‘Widows’ War’ na si Bea Alonzo.

 

 

 

“Yakap! Pagaling ka,” pahayag ng aktres.

 

 

 

“We miss you Cars, God bless you. May the hands of the Lord rest upon you as you recover and heal. Mahigpit na yakap,” ang saad naman ni Jean Garcia na may kasamang praying emoji.

 

 

 

“Get well soon Carla” na may praying emoji ang mensahe ng isa pang ‘Widows’ War’ co-star ni Carla na si Jeric Gonzales.

 

 

 

Heart at praying emoji naman na may mensahe na, “Healing prayers” ang ipinadala ni Lorna Tolentino para kay Carla.

 

 

 

Araw naman ng Huwebes, Agosto 22 ay nag -post muli si Carla ng litrato ng mga dextrose na nakakabit sa kanya na may praying emoji at caption na, “Last night i was able to sleep for 3 hours straight. THANK YOU, Lord.”

 

 

 

Kinumentuhan ito ni Benjamin Alves, na nagkaroon ng special cameo sa Widows’ War, ng heat at praying emojis.

 

 

 

“Dear Carla, Sending healing light might & love . Rest well , God is healing you. Yakap [heart with ribbon emoji].

 

 

“Dear George, Everyone is frantically looking for you,” naman ang mensahe ng isa pang kasama ni Carla sa serye na si Timmy Cruz.

 

 

 

Aabangan natin ang anunsiyo ni Carla kung ano ang kanyang sakit.

 

 

 

***

 

 

 

DATING konektado sa Viva Records, nagsasarili na ngayon ang independent talent manager na si Jaworski Garcia o Boss J sa pamamagitan ng kanyang mga kumpanya.

 

 

 

Umpisang lahad niya, “I’m Jaworski Garcia of Blacksheep Manila, Blacksheep Manila Studios, Blacksheep Records Manila, so basta Blacksheep brand.

 

 

 

“I think this is the biggest venture na ginawa ko.”

 

 

 

Ang mga artist na hawak ni Jaworski ay sina Ethan Loukas, Section Juan at Vjosh Tribe.

 

 

 

Dagdag pa niya, “Tapos meron kaming bago yung acoustic rock si Victorio, tapos yung Outplayed.

 

 

 

“Tapos yung iba… dati kasi naka-affiliate tayo sa Viva so last year we’ve decided to go independent.

 

 

 

Dagdag pa niya Sa akin talaga biggest inspiration ko si Boss Vic (del Rosario). Ang kaibahan lang ngayon sa akin, I decide on things, kumbaga parang ako na. Kung nakita ko yung potential ng artist, I will not be texting, Boss Vic, ‘Boss, pwede ba ito?’, parang ganun. So ngayon, ako na yun.

 

 

 

“Yung dream ko, na-fulfill ko na dito, kasi dati si Boss Vic parang tatay natin yan, anytime na mag-text ako, sasagot yan.

 

 

 

“So, for three years, ganun naman si Boss Vic sa akin, very helpful. Lahat ng gagawin ko siguro sa music, mga 90% of that inspired by Boss Vic.

 

 

 

“Super grateful ako sa Viva for giving me that opportunity. Three years plus na yung Black Sheep Records and Viva collaboration. So ano natin yan, love natin si Boss Vic.”Nagbukas rin si Jaworski ng sarili niyang studio sa Pasig City na puwedeng gamitin sa photo at video shoot.

 

 

 

Dagdag pa niya, “Live music, live music performance, puwede dito, podcast, vlogging, anything. Yung first client namin actually, the brand is Tefal. They did live streaming for the Lazada 7 something nila, so we did it here.

 

 

“So, we have two internet connections na sobrang lakas, na lagi ding hinahanap ng mga clients. So, iyan yung binibigay natin dito sa Black Sheep Manila Studios.”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Dahil sa nakaka-intrigang Facebook post: ISKO, sigurado na ang pagbabalik sa Maynila at kakalabanin si Mayor HONEY

Posted on: August 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa man opisyal na kinukumpirma ni Isko Moreno pero maugong na balita tungkol sa kanyang intensiyong muling kumandidato bilang alkalde ng Maynila sa halalan sa Mayo 12, 2025.

 

 

Makikita na sa paligid ng lungsod ang mga poster at banner niya lalong lalo na sa Tondo at Baseco ay nagmumulaklak na ang mga nakapaskel na tarpaulin na nagsasabing “Yorme magbabalik na”.

 

 

 

Lalong umingay at tuwang-tuwa ang mga nagmamahal kay Isko at nakaka-sigurado na sila na muling babalikan niyaang posisyong iniwanan nito noong 2022 nang tumakbo siyang Pangulo ng Pilipinas, dahil sa kanyang nakakaintrigang Facebook post.

 

 

Ito ay ang sikat na lyrics ng “Manila,” ang 1976 hit song ng Hotdog.

 

 

“Manila, I keep coming back to Manila… Simply no place like Manila… Manila, I’m coming home!”

 

 

So, ngayon pa lang ay sigurado na si Isko na wala nang makapipigil sa muling pagtakbo na mayor ng Maynila, ang posisyon na hinawakan niya mula Hunyo 30, 2019 hanggang Hunyo 30, 2022.

 

 

Kung sa unang patawag ni Yorme sa baranggayan ay sinamahan siya ni Ali Atienza na sinasabing magiging running mate niya, ngayon ay ang former Star Circle member na si Chi Atienza-Valdepenas ang magiging ka-tandem ni Yorme.

 

 

When in fact, naglalabasan na rin ang mga larawan at posters nilang magkasama sa paligid ng Maynila.

 

 

Si Chi ay anak ni former Mayor Lito Atienza at nakababatang kapatid ng TV host at weather anchor na si Kim Atienza at Ali Atienza.

 

 

Kasalukuyang napapanood si Chi sa ‘Rise and Shine Pilipinas’, ang morning news program ng PTV4.

 

 

For sure, iiwanan ni Chi ang programa kapag naghain na sila ni Isko ng kanilang mga kandidatura sa Commission on Elections sa Oktubre 2024.

 

 

***

 

 

SIYEMPRE mahigpit na makakalaban nj Isko ay ang incumbent mayor at dating kaalyadong si Mayor Honey Lacuna na naka-tandem naman ni Vice Mayor Yul Servo, na malapit din sa kapwa niya aktor.

 

 

At ang latest ngayon ay nagkakainitan na sa session sa Manila City hall. Ang mga kunsehal nagkampi-kampıhan na. Yung dating magkakasundo ay hati na sa dalawang grupo.

 

 

At dahil out numbered yung maka-Isko kung kaya majority block ngayon yung na kay Mayora Honey.

 

 

Lahat ng kumampi kay Yorme ay tinanggalan daw ng committee budget, huh!

 

 

Bukod pa rin kay Mayor Honey ay makakatapat rin ni Yorme Isko for Manila Mayor sina Naida Angping at si Cong. Sam Versoza!

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

May paliwanag si Sen. Jinggoy tungkol sa isyu: KAREN, nagpaalala sa lawmakers na itigil ang ‘victim-blaming’

Posted on: August 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP nga kritisismo at pamba-bash si Sen. Jinggoy Estrada dahil sa pagiging “harsh” daw nito kina Sandro Muhlach at Gerald Santos sa Senate hearing.

 

 

 

Kaya ikinatuwa ng netizens na hindi agree kay Sen. Jinggoy sa ginawang pagpapaalala ni Karen Davila, na hindi sila ‘gods’ at dapat itigil ang ‘victim-blaming’.

 

 

 

 

Sa pamamagitan ng X (dating Twitter) binahagi ng veteran broadcaster ang kanyang open letter to lawmakers last Tuesday, August 20.

 

 

 

“To our lawmakers, stop victim-blaming,” panimula niya.

 

 

 

“Treat victims with compassion and sensitivity.

 

 

 

“Reliving a traumatic experience is horrific, more so in a public hearing.”

 

 

 

“Stop barraging, asking ‘why did it take you 5 years? You should’ve filed a complaint immediately. Victims are scared. They feel ashamed.

 

 

 

“And this kind of public shaming will not help victims to come out,” pagpapatuloy ni Karen.

 

 

 

Panghuli ay pagpapaalala niya, “Let me remind our senators, you serve the people. You are not gods. Do not act like it.”

 

 

 

Naging mainit ang pagtatanong ng senador kay Gerald at inalmahan nga ito ng netizens. Nagtataka ang marami kung bakit daw ganun ang tono ng Sen. Jinggoy.

 

 

 

Ayon naman sa interview sa senador, gusto na raw niyang tapusin ang kaso ni Gerald para makapag-focus na siła są kaso ni Sandro. Naging fair naman daw siya sa hearing at walang kinakampihan.

 

 

 

May kaibigan pa raw siya na nag-text na kino-question din ang tono ng pagtatanong sa singer-actor.

 

 

 

Buwelta naman ng actor-politician, “they better check their facts first before they judge me.”

 

 

 

Samantala, dinalaw ni Sen. Jinggoy si Jojo Nones sa detention cell sa Senado, na ipina-contempt niya dahil sa patuloy na pagtanggi sa mga akusasyon sa kanya ni Sandro.

 

 

 

Ayon sa balita kinausap ng senador si Nones, kung sasabihin na ang totoong nangyari sa kanila ni Sandro. At bahala na ang korte, dahil naisampa na ang kaso sa Department of Justice.

 

 

 

Nag-file naman ang legal counsel ni Nones ng motion to lift order of contempt, para ma-release na sa detention cell. Naghahanda na raw sila ng counter-affidavit para sa reklamong isinampa ni Sandro sa DOJ, kaya kailangan nang makalabas ni Jojo.

 

 

 

Well, abangan na lang natin ang susunod na kaganapan sa kasong ito.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads August 23, 2024

Posted on: August 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments