• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September, 2024

Olympic ring pansamantalang tinanggal sa Eiffel Tower

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PANSAMANTALANG tinanggal ng Paris ang Olympics logo na unang inilagay sa Eiffel Tower.
Kasunod ito sa batikos na pagtalapastangan umano sa iconic landmark ng Paris na Eiffel tower.
Sinabi ni Paris Mayor Anne Hidalgo na magsasagawa na lamang ito ng bagong Olympic rings at ibabalik ito sa sikat na landmark.
Inilagay nito ang nasabing Olylmpic rings doon bilang pag-alala sa pagiging host nila ng makasaysayang Paris Olympics.
Bagamat unang sinabi ng alkalde na magiging permanente na lamang ito ay iminungkahi na lamang nito na doon lamang ito ilalagay hanggang sa magsimula ang Olympics sa Los Angeles pagdating ng taong 2028.
Unang inilagay ang 30-toneladang steel rings noong Hunyo 7 at ito ay kanilang tutunawin na at irerecycle.

 

NBA Champion Jamal Murray, handa nang sumabak sa 2024-2025 NBA season

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HANDA nang sumabak sa bagong season si 1-time NBA champion Jamal Murray.

 

 

Kamakailan ay pumirma si Murray ng apat na taong contract extension na nagkakahalaga ng $207,845,568.

 

 

Sa media day ng Nuggets ilang linggo bago ang pagsisimula ng bagong season, sinabi ng Denver guard na naka-kondisyon na ang kaniyang katawan at isip para sa bagong season.

 

 

Bagamat ilang beses siyang nalimitahan sa paglalaro nitong nakalipas na season dahil sa injury, kampante ang batikang guard na makakapagbigay ito ng magandang laro sa susunod na season kasabay ng tuluy-tuloy na pag-iensayo.

 

 

Ngayong taon ay target pa rin ng koponan na makapag-uwi ng panibagong kampeonato at nakahanda aniya ang buong team para rito.

 

 

Ngayon season ay makakasama ni Murray sa guard position ang hari ng triple-double na si Russel Westbrook kasunod ng pagkaka-trade sa kanya nitong Hulyo.

 

 

Ayon kay Murray, malaki ang maitutulong ng batikang guard upang muling makabalik sa championship contention ang Nuggets, kasama ang iba pang player ng koponan.

 

 

Ang Nuggets ang naging kampeon noong 2023. Nitong nakalipas na season, hindi pinalad ang koponan na umusad sa Western Conference finals matapos itong pataubin ng Minnesota Timberwolves.

Bado sumuntok ng tanso sa World Cup

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI uuwing luhaan ang national boxing team dahil nasiguro ni Aaron Jude Bado ang nag-iisang medalya ng Pilipinas — isang tanso — sa prestihiyosong 2024 World Boxing Cup na ginanap sa Ulaanbaatar, Mongolia.
Nagkasya lamang si Bado sa tanso matapos makaabot sa semifinals.
Subalit hindi na ito nakalaro pa sa semis dahil sa desisyon ng mga doktor doon sa Mongolia na huwag na itong sumalang pa upang hindi lumala ang injury nito na natamo sa quarterfinals.
Na-headbutt si Bado sa quarterfinal match nito sa men’s 51kg division laban kay Allesio Camialo ng Italy.
Nagtamo si Bado ng injury sa kanang mata dahilan para itgil ang laban.
Dahil hindi natapos ang laban, kinuha ang desisyon sa score cards ng mga hurado.
Bago itigil ang bakba­kan, lamang si Bado na nakuha ang boto ng tatlong hurado habang dalawang judges ang pumabor sa Italian pug.
Kaya naman ibinigay kay Bado ang panalo at umusad ito sa semifinals.
Dahil sa nangyari, nang­hinayang si Bado na nais pa sanang makalaro at makuha ang gintong medalya.
“Sayang po at hindi ko nakuha yung inaaasam ko na makapasok sa finals dahil sa natamo ko na sugat mula sa kalaban,” ani Bado.
“Akala ko nga talo ako dahil inihinto ng referee; mabuti na lang at win on points ang naging decision, at alam ko na lamang ako sa mga patama ko kanya,” dagdag ni Bado.
Nanghinayang din si national boxing coach Roel Velasco.

Chinese nuclear-powered submarine lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan -US official

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng isang senior U.S. defense official na ang pinakabagong nuclear-powered attack submarine ng Tsina ay lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan.

 

Maituturing itong isang malaking kahihiyan para sa Beijing na hangad na mapalawak ang military capabilities nito.

 

Sa ulat, sinasabing ang Tsina ay mayroon ng pinakamalaking navy sa buong mundo, mayroong 370 barko, at nagsimula nang gumawa ng bagong henerasyon ng nuclear-armed submarines.

 

Winika ng senior U.S. defense official na ang bagong first-in-class nuclear-powered attack submarine ng Tsina ay lumubog sa tabi ng pier o pantalan sa pagitan ng Mayo at Hunyo.

 

Sinabi naman ng tagapagsalita ng Chinese embassy sa Washington na wala itong maibibigay na impormasyon ukol dito.

 

Hindi naman malinaw kung ano ang dahilan ng paglubog o kung ito may lulan na nuclear fuel ng oras na iyon.

 

“In addition to the obvious questions about training standards and equipment quality, the incident raises deeper questions about the PLA’s internal accountability and oversight of China’s defense industry – which has long been plagued by corruption,” ang sinabi ng opisyal, gumamit ng acronym para sa People’s Liberation Army.

 

“It’s not surprising that the PLA Navy would try to conceal” the sinking,” ang sinabi pa rin ng opisyal.

 

Samantala, ang balita ay unang iniulat ng Wall Street Journal.

 

Isang serye ng satellite images mula sa Planet Labs mula Hunyo ang lumabas para ipakita ang cranes sa Wuchang shipyard, kung saan ang submarine ay nakadaong.

 

“As of 2022, China had six nuclear-powered ballistic missile submarines, six nuclear-powered attack submarines and 48 diesel-powered attack submarines,” ayon sa Pentagon report ukol sa China’s military.

 

“That submarine force is expected to grow to 65 by 2025 and 80 by 2035,” ang sinabi naman ng U.S. Defense Department. (Daris Jose)

Pangulong Marcos inalala yumaong ama

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ng madam­daming mensahe si Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-35 aniber­saryo ng kamatayan ng yumaong ama na si dating ­Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

 

 

Sa facebook post ng Pangulo, umaasa siya na proud sa kanya ang ama ngayon.

 

 

“My father lived in service to our country. He advocated for development, justice, unity and nationalism. Above all his beliefs was his faith in the Filipino people,” pahayag pa ni Pangulong Marcos.

 

 

“Thirty-five years ago, I made a promise to honor his life’s work by building on this foundation. In some way, I hope that I have made you proud, Dad. We miss you every day,” dagdag pa ng Pa­ngulo.

 

 

Namatay ang dating Pangulo sa Hawaii habang naka-exile.

 

Nakahimlay ang kanyang labi sa Libingan ng mga Bayani. (Daris Jose)

Comelec, binabantayan ang posibleng paglipana ng mga flying voter

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Commission on Elections na hindi na makakalusot ang mga botante na nagnanais magkaroon ng multiple registration para makaboto sa ilang presinto sa susunod na halalan.

 

 

Ayon kay Comelec spokesperson Atty Rex Laudiangco, binabantayan na ng komisyon ang posibilidad ng paglipana ng mga naturang botante o tinatawag ding flying voter.

 

 

Dahil sa gumagamit na aniya ang komisyon ng automated fingerprint identification system sa pagpapareshistro, nababantayan na ang bawat nagpaparehistro kung mayroon na silang mga datong record sa komisyon.

 

 

Kapag natukoy na mayroon nang dating record mula sa ibang presinto, otomatikong makakansela na aniya ang applikasyon ng mga ito.

 

 

Ayon kay Laudiangco, nakalusot ito noong nakalipas na halalan at mahigit 500,000 double at multiple entries ang kanilang namonitor batay sa isinagawang imbestigasyon ng komisyon.

 

 

Isa sa mga binabantayan ng komisyon ay ang posibilidad ng paghahakot ng mga kandidato ng ilang mga botante mula sa isang lugar at ipapa-rehistro ang mga ito sa lugar kung saan tatakbo ang naturang kandidato.

 

 

Pero ayon kay Laudiangco, gamit ang bagong sistema ng komisyon, mabilis na itong matunton ng Comelec at nakahanda itong magsampa ng election offence laban sa mga kandidato at maging sa mga botanteng nagpapagamit. (Daris Jose)

8 mataas na opisyal ng PNP ipinuwesto

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

WALONG matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang may bagong puwesto kabilang si Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen. Redrico Maranan.

 

 

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil papalit si Maranan kay PBGen. Jose Hidalgo Jr., bilang Police Regional Office-Central Luzon o Region 3. Magreretiro si Hildalgo sa Martes, Oktubre 1.

 

 

Miyembro si Maranan ng Philippine National Police Academy Class 1995 at dating PNP information chief.

 

 

Magsisilbi naman acting QCPD director si PCol. Melecio Buslig, Jr.

 

 

Itinalaga nama si Maj. Gen. Ronald Lee bilang director ng National Police Training Institute; Brig. Gen. Bernard Yang bilang director ng Southern Police District at Brig. Gen.

 

Victor Arevalo sa PNP Training Service.

 

 

Bukod dito, si Brig. Gen. Radel Ramos ay ipinuwesto bilang hepe ng Headquarters Support Service; Brig. Gen. Jose Manalad, Jr. sa Center for Police Strategy Management; at Col. Ma. Sheila Portento bilang bagong Dean of Academics ng PNP Academy.

 

 

Sinabi ni Marbil na magsasagawa pa rin ng balasahan sa susunod na linggo dahil sa pagreretiro ng mga senior officers.

 

 

Dagdag pa ni Marbil, kailangan na mapunan ang mga mababakanteng puwesto dahil na rin sa pagsisimula ng filing ng candidacy. (Daris Jose)

Valenzuela PESO, DOLE at SM nagsanib para sa Mega Job Fair

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGSANIB ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), at ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa paglunsad ng back-to-back na mga programa para sa mga Valenzuelanong naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng isang Mega Job Fair, katuwang ang SM Valenzuela.

 

 

Ayon kay Mayor Wes Gatchalian, umabot sa 200 aplikanteng mga walang trabaho na lumahok sa lokal at international mega job fair ng Valenzuela ang natanggap sa trabaho.

 

 

May kabuuang 29 lokal na kompanya mula sa iba’t-ibang industriya at limang kompanyang naka-base sa ibayong dagat ang lumahok sa job fair.

 

 

Naglagay din ng “one-stop-shop” para sa mga aplikante ang SSS, PSA, Philhealth, TESDA, Project AYOS at PAGIBIG at nakapagbigay ng serbisyo sa may 189 na aplikante na kailangan para sa kanilang aplikasyon.

 

 

Kasabay ng naturang job fair ang paglulunsad ng “Project Angel Tree,” na isang paraan upang labanan ang child labor.

 

 

Sinabi ni Mayor Gatchalian, ang anti-child labor program na ito isa ring paraan sa pagkakaloob ng mga serbisyo sa mga dokumentadong mga batang manggagawa at nagbibigay din sa kanila ng oportunidad na matamasa ang kanilang oras sa paglilibang bilang mga bata at maisantabi muna ang nakaatang sa kanilang responsibilidad.

 

 

May kabuuan namang 46 na naka-profile na mga batang manggagawa sa lungsod ang nakinabang sa inilunsad na programa matapos pagkalooban ng pagkain, gamit pang-eskuwela at mga regalo mula sa ilang mga nagmamay-ari ng pribadong industriya at non-government agencies. (Richard Mesa)

P.2M shabu nasabat sa Malabon, Navotas buy bust, 3 kalaboso

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa mahigit P200K halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug personalies, kabilang ang isang babae matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas Bossing, 30, residente sa lungsod matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagtutulak nito ng iligal na droga.

 

 

Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong ala-1:00 ng medaling araw sa P. Aquino Avenue, Brgy. Tonsuya.

 

 

Nakumpiska ng mga tauhan ni Col. Baybayan sa suspek ang humigi’t kumulang 20.34 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P138,312.00 at buy bust money.

 

 

Sa Navotas, nalambat naman ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes sa buy bust operation sa M. Naval St., Brgy. Sipac Almacen, alas-10:45 ng gabi sina alyas Michael Daga, at alyas Angge, 49, kapwa residente ng lungsod.

 

 

Ani SDEU chief P/Capt. Luis Rufo Jr., nakuha nila sa mga suspek ang nasa 10.2 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang 69,360.00 at buy bust monet.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Malabon at Navotas police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakatimbog sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Mambabatas, hinihingan ng paumanhain si VP Sara Duterte hinggil sa pagsisinungling nito

Posted on: September 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HININGAN ng paumanhin ng mga mambabatas mula kay Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y pagsisinungaling sa publiko matapos lumabas ang ulat na nasa Calaguas Island siya noong Lunes ng umaga, ang takdang araw na nakasalang ang kanyang opisina sa plenary budget deliberation sa Kamara.

 

 

Tinuligsa din nina House Assistant Majority Leaders Paolo Ortega V ng La Union at Jay Khonghun ng Zambales ang pagsisinungaling umano ng bise presidente.

 

 

“The Vice President owes the Filipino people an explanation and an apology. This is not the kind of leadership we deserve – where the truth is hidden and lies are told to cover it up,” ani Ortega.

 

 

Nakiisa si Khonghun sa pahayag ng kasamahang mambabatas kung saan iginiit nito ang importansiya ng katotohanan at transparency mula sa isang public officials.

 

 

“This is conduct unbecoming of any public official, especially the Vice President of the Philippines. Honesty should be a non-negotiable trait for anyone who holds office,” giit ni Khonghun.

 

 

Nagpahayag din ito nang pagkadismaya sa pagwawalang bahala umano ni Duterte sa kanyang tungkulin sa panahon na isinasagawa ang budget deliberations.

 

 

Nag-ugat ang kontrobersiya nang lumitaw sa police reports na nasa Calaguas Island ai Duterte habang pinagdidebatehan ang badyet ng kanyang opisina sa Kamara.

 

 

Sa kabila nang unang pagtanggi mula sa kampo ng bise presidente na nasa kalsada siya noong Lunes, lumabas na naroon siya sa nasabing isla.

 

 

“This is about integrity. If she cannot be honest about something as simple as her whereabouts, how can we trust her on more important matters?,” pahayag ni Khonghun.

 

 

Inihayag naman ni Ortega na ang pagiging bise presidente ay hindi lang tungkol sa posisyon kundi ito ay tungkol sa integridad at tiwala.

 

 

“This dishonesty tarnishes the office she holds,” ani Ortega. (Vina de Guzman)